Chapter 3

1988 Words
Thea AWARE naman ako na wala ako sa subdivision namin. But, I wanted to jog kahit saglit lang. Nasanay na kasi ang katawan ko na maagang gumigising and here I am. Mulat na mulat at walang ibang magawa kung hindi ang panooring mahimbing na natutulog ang mga kaibigan ko. "Charlot..." mahina ko siyang niyugyog sa kanyang balikat para gisingin ito. But she just hummed. "Pwede ba akong magjogging sa labas kahit saglit lang?" Dahan-dahan itong tumango kahit nakapikit pa. "Pero, huwag ka masyadong lalayo, Thea. Hindi ka naman mawawala but you don't know our place yet. "Got it, boo. Thank you. Sleep ka na ulit. I'll be back quickly." Pagkatango nito ay dahan-dahan akong bumangon at nagpunta sa banyo para maghilamos ng mukha at magtoothbrush na din. Ilang minuto pa ang nakalipas nang palabas na ako ng mumunting bahay nila. Agad na sumalubong sa akin ang sariwang hangin. This is what I wanted. To live in a place like this. Pero, siyempre---impossible na manyari iyon dahil hindi papayag sina Daddy. "Good morning sunshine. " Nakapikit pa ang aking mga mata habang dinadama ang sariwang hangin sa labas. Inumpisahan kong magwarm up bago tuluyang magjogging. I remember Charlot saying na kahit saang daan ako dumaan is iisa lang din ang lalabasan ko. So, alam kong hindi ako maliligaw. Inenjoy ko nalang muna ang magjogging hanggang sa medyo nakakalayo na ako. Nang mapagod ako at may nadaanang kubo ay napagpasyahan kong magpahinga muna. Nang makita kong papaliwanag na ay tumayo na ako at nag umpisa ulit na magjogging. But---this time ay binagalan ko nalang. Alam ko naman na hindi ako maliligaw. Ilang sandali pa lang akong nagjojogging pabalik nang parang may narinig akong tumatawag. "Hey you," lumingon ako sa paligid. May mangilan-ngilan akong nakikita pero parang hindi naman ako tinatawag kaya nagsimula ulit akong magjog pauwi. Napalingon ulit ako nang may tumawag. "Miss nagjojogging!" Mas malakas na ito. Tinignan ko pa ang paligid kung may kasama ba akong nagjojogginh. Nang makita kong wala ay tumigil ako at hinarap ang lalakeng nakatayo malapit sa isang basketball court. "Are you calling me?" Tinuro ko pa ang sarili ko. "Malamang, Miss. Kanina pa, pero wala ka atang naririnig." He's cute I must say. "Sorry, but I didn't know that someone is calling me. How can I help you?" Humingi na ako nang tawad dito dahil hindi ko naman alam na ako pala ang tinatawag niyo. Nang maglakad ito palapit sa akin ay mas namesmerized ako mas lalo sa angkin nitong kaguwapuhan. Yes--- he's a guwapo for me. "Sino ka?" He asked curiously and look around. Nakitingin naman ako siyempre. Medyo usyusera din ang loal niyo. "Why do you ask?" Tanong ko, nagandahan siguro ito sa akin at hindi na napigilang tawagin ako at tanungin ang pangalan ko. Kinikikig tuloy ako sa kaalamang gusto niya akong makilala. "Patingin nang kilig mo, Thea." Tukso ng utak ko. "Hindi kita kilala kaya tinatanong ko kung sino ka?" Napangiti ako, knowing that he wanted to know me talaga. "I'm Thea. And you?" Mas lumawak ang ngiti kong nagpapakilala dito. Pero biglang nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. "Stop flirting because you're not my type." Just wow! Ngumiti lang, flirting na agad agad? Hanep din to, ah. Masampulan nga nang katarayan itong lalakeng ito. Okay na, eh, kaso panira nang kilig. "I'm not flirting. Ngumiti lang ako at nagpakilala. Bakit? Nabighani ka ba sa kagandahang taglay ko? Sorry to say but you're not my type either." Tinapik ko pa ang balikat nito bago ko siya tinalikuran para umuwi na lang. Akala niya, ha. Hmmp! Who you ka sa akin ngayon. "Nasa isang lugar ka na kailangan nang permiso ng mga taong naatasang alamin kung sino ang mga pumapasok dito sa amin. So, hindi kita kilala kaya tinatanong kita." He said in serious voice. Lumingon ulit ako dito pabalik bago nagsalita. "I already told you my name, Mister. So, I guess kilala mo na ako by this time. Pwede na po ba akong umalis." I said in a sarcastic tone pero nakangiti pa rin ako dito. Nagsalubong ang mga kilay niya and I know for sure na naiinis na ito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Miss." Tumaas ang kilay ko sa pagsususngit niya. "So do I." Mas tinamisan ko pa ang ngiti ko para mas inisin pa ito. "Saan ka nakatira?" Kanina pangalan ko lang and now? Taga saan naman daw ako. Kaloka siya. Pagbigyan. "I'm from Manila. Do you want me to tell you my home number, and also the street of our subdivision? Para kompleto na at hindi ka na magtanong pa." I joked. "Hindi nakakatuwa, Miss." I cut him off, "it's Thea." "Inuubos mo pasensiya ko." Halatang nauubusan na nga ito nang pasensiya sa akin. But, I don't care. Inumpisahan niya ako kaya ako naman ang tatapos. "Nakakain ba 'yong pasensiya?" I asked. Bakit ba kasi hindi niya na lang ako diretsahin kung ano ang kailangan niya. Hindi' yong magsusungit siya sa akin nang pagkaaga aga. Presidente ba siya dito para tanungin ang mga hindi niya kilala. Hay naku. "Sino ka at bakit ka andito sa barrio namin." May diin na ang bawat salita nito at makikita mo talagang magkasalubong na ang kanyang mga kilay. "Did I not tell you that i'm Thea. Saka, I'm with my friend na taga dito." Medyo nagsisimula na din akong mainis sa rudeness nito. "Who's that friend?" Bakit ba napaka interesado niyang malaman. "Paki mo ba? As far as I know, nakapasok na kami dito sa inyo. So, I guess, naipaalam na kami ng kaibigan ko. I am aware of what you were saying, Mister. Hindi mo din ba naisip na kapag walang permiso, hindi kami makakapasok. Nakapasok na kami, ibig sabihin may pass kami. Kaya kung ano man ang ipinuputok ng butchi mo. Wala na ako doon. Pwede na po ba akong umalis?" mahabang litanya ko dito. Baka kasi naghihintay na si Charlot sa akin. "No. Kailangan mong sumama sa baranggay." Nakatayo lang ito sa harap ko at nakabulsa ang dalawa nitong kamay. He's reaction is totally annoyed. Pero ako, mas annoyed. Nagpakilala na nga ang tao. Ang dami niya pang alam. Panira naman nanh magandang araw ang impaktong 'to. Kanina ang guwapo niya sa paningin ko pero ngayon, impakto na. Tsk! "Why would I? Naipaalam na kami ng kaibigan ko at alam kong legal ako." Tuluyan ko na itong tinalikuran at nagsimula na ulit maglakad. Pero hindi pa ako nakakahakbang nang may humawak sa braso ko at pinigilan ako. Tinignan ko ito nang masama, "let go." You can hear warning on my voice. Ang ayoko pa naman ay ang hinahawakan ako nang hindi ko naman kakilala. "You will come with me either you like it or not." Sa gulat ko ay muntik na akong masubsob dahil sa biglaan nitong paghila sa akin. "f**k! You f*****g asshole! Sinabing ayoko 'di ba? Tapos bigla ka nalang manghihila. Hindi ka ba nakakaintindi? Kanina pa ako nagpaliwanag sa 'yo. Kaya kung pwede lang, tumigil ka na sa paghila sa akin. Nasasaktan na ako." Hindi ito natinag at naglakad pa din habang hila hila niya ako. Kahit naka sneakers ako na shoes, hindi ko pa din mabalanse ang katawan ko dahil sa sapilitan nitong paghila. Pilit kong tinatanggal ang kamay nito pero sa tuwing gagawin ko 'yon ay mas humihigpit naman ang paghawak nito. Mas lalo tuloy akong nasasaktan. Hindi na ako magtataka kung bukas magkakapasa na ako nito. "Wait!" Sigaw ko dito at tumigil naman ito kaya napasubsob ako sa kanyang likuran. Pagkatigil nito ay agad akong umayos at lumipat sa harapan nito. "Asshole! You dragged me as if I am not a woman. Nasasaktan na ako but you choose to continue walking. You're a bullshit. And you deserve this!" Bago pa ito makaalma ay nasuntok ko na ito sa kanyang mukha dahilan para mabitawan niya ako. Aalis na sana ako patakbo nang hinablot niya ulit ako at galit niya akong tinignan. "How dare you! Hindi mo ba alam na may parusa ang p*******t nang physical sa sinumang nakatira dito?" Nanlilisik ang mga matang sabi nito. Natakot tuloy ako sa dilim nang tingin nito sa akin pero hindi ko iyon pinakita. Masyado siyang sinusuwerte kapag nagkataon. "Kasalanan mo kung bakit kita sinuntok! You did it first!" Galit na sabi ko dito at pinakita ang namumula ko ng braso. "Kasalanan mo din 'yan. Kung sumama ka na agad at hindi ka na nagtatatalak diyan! Sana hindi umabot sa ganito." Ngumisi ito at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "You deserve to be punish." Napamulagat ako sa sinabi nito at dahil sa gulat at galit ko ay nasampal ko nalang siyang nasampal. "You jerk!" Hinablot niya ulit ako palapit sa katawan niya bago galit na nagsalita. "Nakakadalawa ka na. Sino ka para sampalin ako? Sampid ka lang sa lugar namin kaya wag kang matapang." May sasabihin pa sana ito nang biglang may sumigaw sa hindi kalayuan. "Bro! Ano to?" Nakita kong patakbo itong lumapit sa amin at tinignan ako ng lalake. Pabalang niya akong binitawan kaya napangiwi ako sa sakit. "Sampid na akala mo taga rito kung umasta. Dadalhin ko sa baranggay." Nanggagalaiting sagot nito sa lalake. At bago pa makasagot ang lalake ay narinig ko ang matinis na boses ni Charlot. "Kuya Luther! Thea!" Napabaling ako dito. Humahangos siyang tumatakbo papunta sa direksiyon namin. Napayuko na lang ako at marahang hinahaplos ang masakit kong braso. "Are you okay?" Tanong nito sa akin na ikinatingin ko dito bago ako tumango. Tumingin ito sa lalake, "kuya, she's my friend. May pasabi na kami at inapprobahan na ng baranggay. Hindi pa sila nakakarating dito ay approbado na ang pagbabakasyon nila. What happened?" "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo. Sinuntok at sinampal niya lang naman ako sa madaming tao dito. May mga witness ako kaya kahit sa kanila ka magtanong ay masasagot ka nila. Kahit diyan sa kasama mo na lang." Sarkastiko itong nagsasabi. "Is that true?" Tumango na lang ako. He's right after all. Kahit saang anggulo tignan, ako may kasalanan. Hindi ako taga dito, pero I act stupidly. Kahit sabihin kong kasalanan niya, hindi nila malalaman dahil kami lang ang nakakarinig nang pinag uusapan namin kanina. So, why explain. Kung alam kong talo ako. "Kuya, can you spare her. Hindi pa siya masyadong aware dito sa kalakaran dito sa atin. Nagjogging lang siya. Hindi ko naman akalain na aabot sa ganito. Please, Kuya Luther." Pakiusap ni Charlot dito. I stared at him with hatreds. "Alam mong may parusa ang p*******t, Charlot." He don't need to pin it out. "I know kuya, pero wala pa siyang alam and kakadating lang namin yesterday. Hindi ko pa masyadong nai-explain sa kanila lahat." Gutso kong patigilin si Charlot na magpaliwanag pero alam ko na wala ako sa posisyon ngayon. "Kahit na, Charlot. Alam mong sa lugar natin---ang p*******t ng ibang tao ay may kaukulang parusa. Ginawa niya kaya panindigan niya." Sa sinabi nito ay hindi na ako nakapagpigil. "Nasaan ang baranggay niyo at nang matapos na ang pag uusap na ito? You want me in your baranggay hall, right? Tara na." Aya ko sa kanila bago nagsalita ulit at masamang tinignan ang lalake. "Ang dami mong satsat. I will not explain my side. Dahil alam nating dalawa na hindi hahantong diyan kung hindi ako naprovoke. Pero, hayaan na natin. Let's just finish it. Pwedeng tara na? Gusto ko na itong matapos para mawala ka na sa paningin ko. You suck." "Sure ka?" Bulong na tanong ni Charlot sa akin na tinanguan ko. "Sige, samahan na kita." Hinawakan na ni Charlot ang kamay ko at naglakad na kami sa direksiyong tinuro niya. Wala ni isa ang umiimik sa amin. Mas okay na 'yong ganito kaysa may masabi na naman ako sa impaktong lalakeng' yan. Hindi naman gaanong kalayuan ang baranggay hall nila kaya hindi kami matagal na naglakad. Hinayaan ko na lang si Charlot na magpatiuna at sumunod na lang ako dito hanggang sa makapasok na kami sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD