Chapter 4

1781 Words
Thea Geez! This man makes me more irritated. Pangisi ngisi pa ang loko, na akala mo naman kaguwapuhan. "Bakit hindi nga ba?" tanong ng aking isipan. Oo, inaamin ko gwapo siya noong una sa paningin ko pero ngayon----binabawi ko na. "Tsk! Asshole!" Inirapan ko ito at medyo nilakasan pa ang sumunod kong sinabi. "Huwag na sanang bumalik 'yang ngisi mo. Akala mo naman ikinagwapo mo. Tsk! " "Miss Thea..." tawag nang Kapitana sa akin. Pero bago pa man ako humarap dito ay masama kong tinignan ang lalake bago ko inirapan na naman ng bongga. If only looks can kill? Baka kanina pa ito nakabulagta sa sahig at nangingisay. Napatingin ako nang may tumikhim at tinawag ulit ang aking pangalan for the second time. "Yes po?" Magalang kong sagot ngumiti kahit gustong gusto ko ng ibalibag ang lalakeng iyon. "Naipaliwanag naman na ni Charlot sa akin na bago ka pa lamang dito sa amin. Pero, hija--- 'yong ginawa mong physical na p*******t ay hindi namin tinotolerate dito sa Isla Bagong Barrio." Napayuko nalang ako sa Kapitana nila. I feel bad about it. Hindi ko naman kasi gagawin' yon kapag wala namang reason. My parents did taught me to respect every person na makakasalamuha ko. But---this one is different. And he's exceptional. "I know naman po. But, he did it first." sabi ko sabay pakita ko sa namumula kong braso. "I got bruises because of what he did to me. Dragging a woman without respect is called woman abuse. He dragged me using his force. Babae lang naman po ako na nasasaktan. Kung hindi niya ako sinaktan, malamang po--- hindi ko siya sasapakin at sasampalin." Ini-explain ko na ang side ko. Nakita kong napalingon silang lahat sa lalake na para bang naghihintay sila ng paliwanag mula dito. " Totoo ba ito, Luther? " Nakapameywang na tanong ng Kapitana sa lalake na ikinakamot nito ng kanyang batok. Hmp! Serves him right. Saka, Luther pala ang pangalan ng impaktong ito. Hmmp! Maghintay lang siya. Gagantihan ko talaga 'yan. "Ang tapang niya kasi. Ayaw niyang sumama dito sa hall. Hinawakan ko lang naman siya sa braso." pagtatanggol niya sa kanyang sarili. Just wow! Hinawakan pa daw sa lagay na' to. "May hinawakan bang ganito kagrabe ang pamumula?" Sarkastikong tanong ko sa kanya at pinakita ulit ang braso kong pulang-pula. No wonder, kung bukas makalawa ay pasa na ito. "Kung sumama ka na lang sana nang maayos, hindi kita hihilahin." He smirked at me. "I already explained my side to you. I told you how many times na naipaalam na ako ng kaibigan ko. And I know na hindi ka basta basta makakapasok dito sa lugar niyo without consent. Hindi ka lang naniwala. Or you just wanted to know me more kaya---you did something para manotice kita. " Ako naman ang ngumisi dito. Sumama bigla ang tingin nito sa akin. Nagbabadyang sumabog ito bigla. " Siyanga naman, Bro? Baka naman kasi type mo si Miss Beautiful---kaya ganoon." Lumipat sa kasama nitong lalake ang sama nang tingin niya. " Ops! Wait lang, 'di ako kalaban, Bro." Itinaas pa nito ang kanyang dalawang kamay bago ulit nagsalita. "Nagsasabi lang, baka naman totoo ang sinasabi ni Miss Beautiful." "Di ba?" pag aggree ko pa dito at nagthumbs up sa lalakeng kasama niya. "Sabihin mo lang, Kuya Luther. Handa naman kitang i-alay lakad kay Thea." Ako naman ang sumama ang timpla sa sinabi ni Charlot kaya sinamaan ko siya ng tingin. Okay na sana, eh. Umentra nga, legwak naman. Hay naku, Charlot! Akmang magsasalita ako nang magsalita si Kapitana. " Sa tingin ko naman, kayong dalawa ay may mali sa pangyayari. Sinaktan ka niya dahil nauna kang nanakit, Lutherio." Pangaral nito sa lalake. Bakit parang aliw na aliw pa si Kapitana habang nangangaral? Ang laki nang ngiti nito habang nagsasalita at pabalik balik nang tingin sa aming dalawa. "Ang ganda na ng Luther--- shortcut pala ng Lutherio." Natawa talaga ako sa harapan nila. Hindi pa sana ako titigil nang bahagya at mahina akong kurutin ni Charlot sa aking tagiliran at binulungan. "Manahimik kang bruha ka. Baka gusto mong madagdagan ang parusa mo. Zip your mouth, Thea." Tumingin ako dito at nagzip ng bunganga ko. Masunurin naman ako sa aking mga kaibigan. Pagtingin ko kay Kapitana ay aliw na aliw talaga itong nakatingin sa akin papunta sa nakabusangot ng si Lutherio. Ang bantot ng pangalan niya. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan pangalan. Goodness! Lutherio? What the actual f**k. Tumatawa na lang ako sa aking isipan. Mamaya ko na lang ilalabas lahat kapag nakauwi na kami ni Charlot sa bahay nila. Napatingin kaming apat kay Kapitana ng magsalita ito. "Total, kayong dalawa naman ang may kasalanan. Hindi na importante kung sino ang nauna. Ang isyu na dito ay parehas kayong nakasakit. Taga dito man o hindi." Nakikinig ako nang mabuti sa sinasabi ni Kapitana. Nang tignan niya kaming dalawa ay ngumiti muna ito bago nagsalita ulit. " Bibigyan ko kayo ng karampatang parusa. Taga dito ka Lutherio kaya kabisado mo na ang parusa. Dahil dalawa kayong may sala--- kailangan niyong magcommunity service. Maglilinis kayo sa gilid ng ilog, basketball court, palaruan at sa garden ng barrio. Kayo ay kailangang maglinis ng dalawa hanggang tatlong oras kada araw sa loob ng isang linggo. At, kailangan niyong gumawa ng report pagkatapos ng inyong parusa. Nakuha ba? " Tanong nito bago niya kami tinignan na dalawa. " Kaming dalawa lang po? " Tanong ko. " Oo hija, kayong dalawa lang. Bihirang may lumabag dito. May problema ba?" Napailing ako bigla, "Wala naman po, baka po siya may problema." Turo ko kay Lutherio. Tumingin ang babae sa gawi nito at tinanong. "Magkakaproblema ba, Lutherio?" Nakita ko ang pagsimangot nito bago sumagot. "Chairwoman, Luther po. Kanina pa kayo Lutherio nang Lutherio diyan. Naririndi na po ako." Bakit parang chill chill lang nila kausapin ang Kapitana nila? "Oh sige, Luther na kung Luther. May problema ba sa desisyon ko at parusa niyo?" Pag uulit nito sa tanong. "Hindi ba pwedeng magka-iba na lang kami nang lilinisan. Sa umaga ako, sa hapon siya." Suhestiyon nito na inilingan ng Kapitana. "Paano? Alam ba ni Miss Thea ang pasikot sikot? Aber?" Pinamaywangan na niya ito at tinaasan na ng kilay na ikinamaktol niya. Parang bata kung magmaktol. "Andiyan naman si Charlot para samahan siya." Pagrarason nito. "Bakit? Naparusahan din ba siya para samahan si Miss Thea? Marami silang bisita na aasikasuhin. Ayaw mo ba?" Tinaasan na nito ng kikay si Lutherio. "Hindi naman po sa ganoon---" she cut him off. "Wala ng pero pero, kayong dalawa ay maglilinis ng magkasama at magsisimula kayo bukas ng alas tres ng hapon. Nagkakaintindihan naman siguro tayo?" Tumango ako dahil kailangan kong tanggapin ang consequence ng ginawa ko. "Dismiss na ang case na ito. Makakauwi na kayo." "Maraming salamat po Kapitana." Yumuko si Charlot dito at nakipagkamay. Ngumiti ito at tumingin sa gawi ko. "Maligayang pagdating pala dito sa aming Barrio. Sana mag enjoy kayo ng inyong mga kaibigan. Pagpasensiyahan mo na ang inasal ng isa naming kasamahan dito. Mabait naman 'yan, baka nagkakilala lang kayo sa maling paraan." Nginitian ko ito. Siguro nga, but I bet to dis agree. "Salamat po. Di bale po, mabait naman po akk. I'm sure well get along." I said while shrugging my shoulder. Malay nga naman namin. Pero, I knwo for myself na babawi ako sa impaktong lalakeng Lutherio na 'yan. "Mauna na po kami, Kapitana." Paalam ni Charlot at yumuko ulit. Yumuko din ako para magbigay ng galang at magpaalam din. "Maraming salamat po. Aalis na po kami. Pasenaiya na din po sa nagawa ko. I will make aure po na hinding hindi na po ito mauulit." Ngumiti ako at nakipagkamay bago kami lumabas ng baranggay hall ni Charlot. Papalabas pa lang kami ay nag umpisa ng mag usisa si Charlot about sa nangyari. "Ano ba kasing nangyari?" bulong nito bago tumingin sa likuran namin. Sinundan ko ang tingin niya. I smirked when I see his face na halos lukot lukot na. Naganahan tuloy akong mang asar. Pambawi man lang sa namumula kong braso. "As, i've told you, may isang tao lang diyan na nagpapansin. Ang dami pang knows. Gusto lang pala akong makasama, hindi na lang niya sinabi. Kaysa 'yong dinaan niya pa sa baranggay. " Sinadya ko talagang lakasan ng kaonti para marinig nito bago ako humagikgik. "Huwag kang feelingera diyang babae ka. Mangarap ka ng gising. Ikaw gusto kong makasama? What the f**k!" "Dont deny it, Luther, or should I call you Therio? It's more cuter than Luther. It's cute and suits you. Or maybe, Rio na lang." I winked at him. Enjoy na enjoy akong asarin siya. Makabawi man lang. "May pangalan ako at hindi yang kung ano ano ang mga pinagsasabi mo." Magkasalubong na ang dalawang kilay nito. Halatadong iritado na talaga siya. "Huwag kang humarang sa daraanan ko baka tumalsik ka." Ang sama na ng timpla ng mukha niya. Asar talo talaga. Hindi ako si Thea kapag hindi ko isinagad ang pang aasar. "Your name is Lutherio, am I right?" Mas lalo pang sumama ang tingin nito sa akin na ikinahagikgik ko. "Pasalamat ka nga pinacute ko pa. Therio or Rio is much way better than Luther. Bagay na bagay ang Therioo kaya Rio. Promise." Itinaas ko pa ang kanan kong kamay para kapani- paniwala. Hindi na ako nagulat ng bigla na lang itong pabalang na naglakad paalis. "Take care and see you around, Rio!" sigaw ko pa at nagwave pa ng kamay sa kanila. Napatingin na lang ako kay Charlot ng marinig ko itong tumatawa. "God! Ikaw ang kauna unahang babae na gumanyan sa kanya. I dont know kung ano ngayon ang nararamdaman ni Kuya Luhter. For sure, kakantiyawan 'yan ng mga kaibigan niya. Expect mo na ang mas masungit at nakabusangot na kuya Luther bukas, boo." I shrugged, "then I will be more ready. You know me, boo, I can do whatever I want kaya hindi din siya uubra sa akin. Patibayan kami." kinindatan ko siya bago ngumisi. Naiisip ko pa lang ang mga pwede kong gawin sa kanya ay nae-excite na ako. He will definitely can't forget a girl named Thea after this. I will seek revenge, ang sakit kaya ng kamay ko. "Hay naku, Boo. Huwag mo ng ituloy 'yan. Umuwi na nga tayo, baka kung ano-ano pang kalokohan pumasok sa isip mo." Yaya nito sa akin bago nito ikinawit ang kanyang kamay sa braso ko at hinika na pauwi. Lingid sa kaalaman nito ay nag iisip na ako ng igaganti ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi. Humanda ka talagang Rio ka. I will make sure na makakaganti ako sa yo. Nakangisi akong sumabay sa paglalakad ni Charlot hanggang sa makarating na kami sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD