Thea
Unang araw ng parusa.
Dito daw kami sa playground maglilinis sabi nang hinayupak. Hindi ko talaga siya nililingon kahit na anong sabihin niya.
Buti na lang ay inihatid ako ni Charlot kanina.
"Doon ka, dito ako." Utos nito na hindi ko inimik. Kanina pa siya utos nang utos pero wala akong pinapakinggan. Suwerte niya kapag pinakinggan at sinunod ko siya. Buti sana kung maayos siyang mag utos kaso pabalagbag, eh. Akala mo naman siya ang kapitana. Tsk! Ingudmgod ko siya sa mga dahon dito sa playground tignan niya.
Pinilit kong ignorahin ito at maglinis nalang. Kung iintindihin ko ang mga utos niya---mapapagod lang ako. Baka mas mapagod pa ako sa pagbubunganga niya kaysa sa paglilinis.
Nagwawalis na ako ng mga dahon nang mapakunot talaga ang aking noo dahi sa sunod sunod na paglaglag ng madaming dahon galing sa puno. Wala namang hangin na malakas.
Nang mapatingin ako sa puno. Nanggigil ako sa nakikita ko. Ang bruho! Nasa taas ng puno habang niyuyogyog niya ang mga sanga. Aba! Malamang! Mahuhulog lahat ng dahon. Ang sarap niyang balibagin at ihampas sa puno.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mataray kong tanong dito at itinigil ang pagwawalis.
"Naglilinis," sagot nito sabay yugyog pa din nito ulit sa puno.
Is he kidding?
"Naglilinis!? The hell!" Binitawan ko ang dustpan at iniwan ko sa aking kamay ang walis. Balak kong ibato sa kanya iyon. Tarantado siya, eh. "May naglilinis bang yugyugin ang puno para malaglag lahat ng dahon niya? Aba! Ang lakas ata ng sayad mo sa utak? Pamental ka na boy." dagdag ko pa.
"Taga Manila ka lang na walang alam sa mga pang probinsiyang gawain. Kaya magwalis ka na lang diyan." Tila nainsulto naman ako sa sinabi nito. Taga Manila man ako pero marunong ako sa mga gawaing ganito. Bakit ganoon na lang siya mang insulto?
Natahimik ako panandalian bago ito sinagot.
" Hindi lahat ng taga Manila kagaya ng iniisip mo. You're wrong and I can prove you that." Sobrang sama nang tingin ko dito at hindi na siya tinignan pang muli. Nakakasakit lang ng loob na porke't taga Manila ako ay ganoon na lang ang tingin niya sa akin. Oo, aminado akong anak mayaman ako, pero gindi ako kagaya ng iba na walang kaalam alam.
Napabuntong hininga nalang ako at mas minabuti kong magwalis na para matapos ko na ang aking gawain. It's better than to talk to this guy.
Dada siya nang dada sa kung saan. Hindi ko na lang siya inintindi.
Keber ko sa kanya!
" Dakupin mo ito! " sigaw na utos nito sa akin na ikinatingin ko lang sa kanya. f**k him! Kanina pa siya paupo upo lang tapos kung makautos---wagas! Akala niya hindi ko napapansin na halos ipagawa na niya lahat sa akin? Tapos nagkalat pa siya? Aba! Namumuro na talaga ang damuhong ito!
" Why don't you do it?" Nakatalikod na sabi ko dito at pinagpatuloy ang pagwawalis. Ayokong makita ang pagmumukha niya, baka maihambalos ko lang ang hawak kong walis sa kanya at madagdagan n anaman ang parusa ko.
"Wala akong walis at pandakot. Kaya ikaw na ang gumawa niyan. Pagod na ako," napabaling ako sa isinagot niya. Aba! Sitting pretty ang damuho. Inilagay pa nito ang kanyang mga kamay sa kanyang batok at sumandal sa puno.
Wow! Just f*****g wow! Siya pa talaga ang pagod, ha? Sa lagay na yan---siya pa ang napagod?
Hindi ako nainform na ang bagong pagod pala ngayon ay nakatunganga at paupo upo lang. The hell with this man!
"Ikaw?" Humarap na ako nang tuluyan at itinuro siya. "Pagod?" tumawa ako. "Are you f*****g kidding me? Saang banda ka napagod? Sa pag upo ba o sa pagkakalat?" Sarkastikong tanong ko. Naiinis na talaga ako nang sobra.
Umayos ito sa pagkakasandal at tumayo bago pinagpag ang kanyang suot na jogging pants.
"Both---kaya tapusin mo na 'yan kasi nagugutom na ako." He said, then he walked out.
Naiwan akong nakatulala sa harap ng puno na inupuan niya.
"What just happened?" I asked myself in disbelief. "Did he---just left me here?"
Nagpapadyak ako sa galit nang malingunan ko itong nakalayo na sa may playground. Pagod na ako nang sobra. Hindi na nga siya tumutulong---iniwanan niya pa ako.
I sighed i frustration.
Wala naman akong magagawa dahil iniwanan niya talaga ako dito mag isa.
That jerk!
Umirap muna ako sa kawalan bago ko pinagpatuloy ang aking paglilinis, kahit na pagod na pagod na ako. Gusto ko nang maiyak dahil sobrang dami pa ng lilinisan dito. Kasalanan lahat ng lalakeng iyon. Kung hindi niya sana niyugyog ang puno---baka tapos na ako ngayon.
Halos nangangalahati na ako sa ginagawa ko. Gusto ko na sanang tapusin agad agad pero hindi ko na din kaya. Sakit na ng balakang ko at mga kamay ko. Nanghihina na din ako sa pagod.
Naglakad ako papunta sa lilim at umupo. Kailangan ko ding magpahinga kahit sandali lang.
"Sakit ng balakang ko," naiiyak na bulalas ko at hinilot hilot ang mga parte ng aking katawan na sumasakit na talaga. Lalo na ang aking balakang. "I need to take medicine later." mahinang usal ko at napapikit.
Oo, mayaman ako pero alam ko ang gawaing bahay.
But---this?
This is too much.
Kahit gaano ako kasanay maglinis kong ganito naman karami---malamang sa malamang na tatamaan ako ng sama ng katawan. Kalahati pa nga lang, napagod na ako ng sobra.
"Matatapos ba kitang mag isa?" Nagmulat ako at tinignan ang mga tuyong dahon na nakakalat pa. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin sa kawalan.
Humanda talaga sa akin ang hudyong iyon! Babawian ko talaga siya. Makikita niya. Hinding hindi ko papalagpasin ang ginawa niyang ito sa akin.
Tuluyan na akong sumandal sa puno at muling pumikit. Gusto ko lang magpahinga sandali bago ko ipagpatuloy ang paglilinis. Sigurado naman akong wala na itong balak pang bumalik. Kaya no choice ako kung hindi tapusin ang lahat bago ako makauwi.
Nanatili akong nakapikit habang nangingiwi. Ang sakit na talaga ng balakang ko. Gusto na ngang umidlip ng aking mga mata, pero hindi pwede
Pinapakiramdaman ko ang aking sarili, kung kaya ko na bang magsimula o hindi pa.
Kaso---nagulat ako sa boses nang nagsalita.
"Napakatamad naman talaga," he said. Kahit hindi man ako magmulat ay kilala ko ang boses na ito. Hindi ko siya pinansin at hindi man lang nagmulat para tignan ito. "Aba! Ang mayayaman nga naman, konting kilos, pagod na pagod na. Aba! Senyorita! Andito ka para maglinis hindi para magpahinga."
Dinedma ko lang ito. Hindi niya alam ang pagod ko. I wanted to rest. Kung hindi siya makapaghintay---siya ang maglinis.
I was about to say something, when something hit my face. Magaan lang ang mga ito pero---damn! I sneezed.
Napamulat ako at pinunasan ang mukha ko. I wanted to curse him to death for doing that.
"Damn you!" Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata. Paramg may pumasok kasi dito na hindi ko alam. Maybe dust or something.
Nang naging maayos ang paningin ko ay sinamaan ko siya ng tingin.
Tang'na!
Tinapunan niya lang naman ako ng mga tuyong dahon na nakalagay na sa trash bag. Binutas muna niya iyon bago tinapon sa akin.
Imbes na magalit at sitahin ko siya. Nanlulumo akong napatingin sa mga kumalat na dahon. Malinis na sa bandang ito tapos nagkalat na naman siya. Naiiyak na talaga ako. Gusto ko siyang sungitan at sigaw sigawan pero alam kong wala na akong lakas. Pagod na talaga ako. Isang oras ba namang akong nagwawalis at naglilinis.
I was so damn tired! Tapos---ikakalat lang niya?
Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kung saan ako natigil sa paglilinis kanina. Kahit sobrang sakit na nang katawan ko ay mas pinili kongaglinis na lang ulit. Nilagpasan ko siya s akanyang kinatatayuan.
"Bingi ka ba?" Tanong nito habang sinusundan ako. I didnt talk. I keep myself busy.
Nagwalis na ako nang nagwalis. I didn't mind him.
"Doon pa banda," utos nito na tila ba nang aasar. He's like a boss. Utos nang utos. "Bakit diyan ka lang naglilinis. Aba! Namimili ng lilinisan mo."
Kahit malapit na akong sumabog ay kinalma ko pa din ang aking sarili.
"Relax, Thea. Matatapos ka ding maglinis kahit hindi mo siya pinapansin. Pabayaan mo siya. Mapapagod din yan sa kakangawa. Dinaig pa ang puwet ng manok kakasalita nang kakasalita. Breath and relax, Thea." Trying to calm myself down. Kasi isang push nalang ng hudyong ito---baka masapak ko na naman. Ayoko namang madagdagan ang parusa ko.
I breathe in and breathe out to calm. I came here for vacation not to do a community service because of this jerk.
"Nababaliw na siya. Kinakausap na niya ang sarili niya. Malayuan nga baka mangagat." Napapikit ako sa frustrasyong nadarama ko. Tang'na talaga! Akala ko naman mananahimik na siya pero nagkamali ako. He keeps on talking and talking and talking!
Nakakairita!
Dahan dahan akong humarap dito at naglakad palapit sa gawi niya. Pinipilit pa ding maging kalmado, but---damn! Hindi ko ata kaya.
"Huwag kang lalapit sa akin. Nangangagat ka! Tulong!" Sumisigaw na ito na para bang ginagawan ko talaga ito nang masama. Putek! Lalake ba itong kaharap kong to?
"Hindi ako aso para mangagat. Bear that in your mind, hudyong akala mo naman babae kung makangawa. Inaano ka ba, huh?" Hinagis ko ang walis sa harapan nito dahil sa inis. "Kanina ka pa! Akala mo ba hindi ko napapansin? Hindi ako umiimik dahil gusto kong matapos ang trabaho ko, yet you're here. Trying to test my patience! Okay na kaninang lumayas ka, eh. Bakit ka pa bumalik? You should stay where ever you are and dont come near me! Baka hindi kita matantiya at kung ano pa magawa ko sa katulad mong manok na putak nalang nang putak! Peste ka!"
Bago ko siya tinalikuran ay hinagis ko ang dustpan dito. Buti na lang ay nakatalon at nakailag siya dahil kung hindi natamaan talaga ito. But I don't care. Sana nga natamaan siya nang magtanda.
"Hey! Thats foul!" Sigaw nito.
"Foul foulin mo mukha mong peste ka!" Sigaw ko din pabalik at nagwalk out na.
"Hey! Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos!" sigaw pa ulit nito. Tumigil ako at hinarap na naman siya. Nakita ko ang tila pag atras nito kumg gaano kasama ang tingin ko sa kanya.
"Tinatanong mo kung saan ako pupunta?" I asked him, sarcastically.
"Oo, nakikita mo ba ang kalat na kinalat mo?" he answered me with question.
"Ohh..." Tumango tango pa ako at hindi na nag atubiling lumapit pa sa kanya. Baka mahampas ko talaga ito. "Uuwi na ako, simple as that." I answered, shrugging.
"Ano?"
"Bingi lang?" pasarkastiko pa ding tanong ko.
"Hindi mo ba nakikita ang mga kalat na yan?" Tinuro pa nito ang mga kalat na hindi ko pa natapos at ang kinalat nito kanina lang. Pati ang basurahan na binutas nito kanina para maitapon sa akin.
Naglakad ako palapit dito at tumigil ilang pulgada mula sa kinatatayuan niya.
"I did my part for this day, Lutherio. At yang mga yan?" Tinuro ko ang mga kalat bago ko siya tinuro. "Parte mo na yan. At ang nasa likod mong kalat---kinalat mo yan, kaya ikaw ang maglilinis. Since, kanina ka pa naman naging mayordoma sa kakautos sa akin. It's your turn to clean all your mess. Pasalamat ka nga kasi konti na lang ang naiwan para linisan mo. Na kung tutuusin ay dapat ikaw ang gumagawa dahil ikaw ang nagkalat ng lahat ng yan. So, if youll excuse me? Uuwi na ako at magpapahinga. See you tommorow. At sana, wag mong iisiping magagawa mo ulit ang ginawa mo ngayon sa akin. Dahil nagkakamali ka. You'll pay for it. Hindi ako ang klase ng babae na magpapauto na naman sa isang damuhong kagaya mo." Inirapan ko siya at tumalikod na para umalis. Akala ko ay iimik pa ito, pero wala naman na akong marinig mula sa bibig niya.
Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na pauwi. I just badly needed a rest right now.
This day is a f*****g disaster. And tomorrow is my payback time.
Humanda ang hudyong 'yon dahil sisiguraduhin kong gaganti ako. Akala niya, huh? Lintek lang ang walang ganti.
Umuuwi akong may ngisi sa aking mga labi.