Chapter 6

1971 Words
Thea Kinaumagahan, same routine. Parusa time. And thinking that I'll be with him again---I feel annoyed but at the same time excited. Ako naman ang gaganti sa kanya ngayon. After what he did to me yesterday? Nah, he'll reget it. Sa may tabing ilog daw kami ngayon. And as usual, nakaupo lang siya sa may batuhan nang madatnan ko. Walang ginagawa kung hindi ang magkalat na naman. At dahil nga napakabait ko ngayon---umupo din ako siyempre. Aba! Alangan namang siya lang ang uupo? Masyado na siyang sinuswerte. Masakit pa kaya ang aking katawan at mga buto-buto sa paglilinis kahapon. Kaya kailangan ng pahinga. "Anong ginagawa mo?" Luminga linga ako sa paligid. Tinitignan ko kung may kausap ba siya. At ng wala akong makita, tinuro ko ang aking sarili. "Are you talking to me?" kinunutan ko pa ito ng kilay para dama niya ang pang iinis ko. "Ay, hindi! Yong puno sa gilid ang kausap ko. Di ba?" Sarkastikong tanong nito na tumingin pa sa may puno na ikinakibit ko lang ng aking balikat. "Ah, okay. Lapitan mo baka di mo siya narinig. Sumagot kasi siya at halatang hindi mo narinig." Seryosong saad ko at inilabas ang sketch pad ko. Not minding him. Kailangan ko kasing i-divert ang tingin ko kasi malapit na akong matawa. His face is priceless. "Niloloko mo ba ako?" Napatingin ulit ako dito. "What did you say?" I asked and put my hand on my left ear. Parang hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. "Pinagloloko mo ba akong babae ka?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Ako?" Tinuro ko na naman ang aking sarili. "Sino pa nga ba? Wala naman akong kasama dito maliban sayo." Pagsusungit niya na hindi ko pinansin. "Ay, akala ko kasi yong puno na naman ang kausap mo, eh. Sumasagot pa naman siya. Hindi mo ba naririnig?" I joked and started to sketch on my pad. "Maglinis ka na nga dun!" Naiinis na sigaw nito na hindi naman kalakasan. Hindi ko siya pinansin at hinayaan lang ito. That's the price he have to pay for letting me do the cleaning yesterday. At hindi lang iyon---nagkalat pa ito at sinadya niyang pagurin ako. I smirked at him. "Busy ako, can't you see?" Pinakita ko sa kanya ang aking sketch pad. "Saka, nakaupo ka pa naman diyan. Kapag naglinis ka na, saka lang din ako maglilinis. Para square and fair." Inabala ko na ang aking sarili sa paligid. Naghahanap ng magandang view. Nagwawarm up pa lang ako kanina. "Taga dito ako at dapat sumusunod ka sa akin," usal niya na mas ikinataas ng aking kilay. Tiniklop ko muna ang aking sketch pad at tumingin dito nang nakangiti. Mabait pa ako ngayon kaya smile muna ako. "Is that so?" Inilagay ko pa ang hintuturo kong daliri sa aking baba na tila nag iisip. "Sa pagkakaalam ko kasi, kaya tayo andito---dahil may parusa tayong dalawa." Pinagdiininan ko ang mga katagang "tayong dalawa" para naman matauhan siya at kilabutan sa kanyang pinagsasabi. "Tsk!" Tinalikuran niya ako. Tiklop siya. Dahil nga mabait ako---tinalikuran ko din siya at binuklat ng muli ang aking sketch pad at nagsimula nang gumuhit. I like to draw the river. Kaya nagsimula na akong gumuhit. Pabalik balik ang tingin ko sa ilog at sa aking sketch pad. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang view in person. Ang sarap sa mata at nakakarelax ng pag iisip. I wanted to have memories here before I go. Hindi ko sasayangin ang lahat ng ito dahil lang sa lalakeng kasama ko. This place is amazing. Ang sarap balikan at mas lalong napakasarap tirhan. Babalikan ko din some other time ang palaruan at gusto ko din itong iguhit. Memories to bring. Masyado na akong naengganyo sa pagguhit. Ni hindi ko na napapansin na may kasama pa ako. Napakatahimik niya kasi at nakakapanibago. Hindi ako nakatiis. Lumingon ako sa gawi niya. Pagtingin ko, napangisi ako sa aking nakikita. Nagsisimula na siyang maglinis. Isa lang ang ibig sabihin---nanalo ako. Kunwari hindi ko siya napansin. Pinagpatuloy ko lang ang aking pagguhit. Hindi ko na alam kung matatawa ba ako o hindi. Lalake siya pero kung makadabog habang naglinis---wagas. Naririnig ko na pinagkukuskos nito ang walis at dustpan. Nawala na ako sa konsemtrasyon ko, pero hindi ako nagpahalata. Dinideadma ko lang siyempre ang pagdadabog niya. Ganoon din naman ginawa niya sa akin kahapon kaya kerrebels na din daw niyang maglinis mag isa. Pasalamat nga siya hindi ako nagkakalat gaya ng ginawa niya kahapon. Mabait pa ako sa lagay na 'to. Kapag gumuguhit ako, ayoko nang paputol putol. Kaya finocus ko na ang aking sarili sa pagguhit at hindi na inabala pa ang aking sarili na tignan ang nagdadabog na lalakeng kasama ko. Lumipas ang ilang minuto o oras. Hindi ko talaga napansin ang oras. Nakain na ako ng aking pagguhit. Hindi ko namamalayang tapos na itong maglinis at nakaupo na ito malapit sa aking gawi habang ang mata nito ay nakatingin sa aking ginagawa. "What?" I asked raising my brow. "Bakit ang galing mo gumuhit?" Tila yamot na tanong nito sa akin nang nakasimangot. "Tapos ako?" He paused and try to draw on the air. "Ni hindi ko kayang magdrawing ng tao. Sa stick nga lang ako nadadalian. That's unfair, you know." Tumayo ito at pinagpag ang suot nitong shorts. "Its my talent. Maybe, sa ibang bagay ka may talent maliban na lang sa pagguhit. Imposible namang wala ka man lang kakayahan para sa sarili mo?" Nagkibit balikat ito at lumapit sa akin. "Can I have a look?" he asked. Ni hindi ko napansin na ang galing ng accemt nitong mag english. Para namang hindi ito taga probinsiya. "Sure," iniabot ko dito ang iginuhit ko na agad naman nitong tinanggap at pinakatitigan. Titignan niya lang naman, kaya ayos lang. "It's beautiful. Kuhang kuha mo ang lahat. You're good at it." Manghang saad nito na nakatitig lang sa drinawing ko. "It's talent, you know." I said. Napapansin ko na panay ang english talaga nito. Hindi naman sa mababa ang tingin ko sa kanila. It's just that, nakakacurious lang. Nakatira ito sa probinsiga pero bihasa ito mag english na para bang foreigner ito. "Napapansin ko lang, ha. You often speak in english. Don't make it a fuss. I'm just kind of curious. Huwag mo masyadong mamasamain, ha?" Inunahan ko na ito dahil baka gawin pa nito iyong issue. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Bigla akong natulala sa ngiti niya. He's really handsome. And I mean it. The way he smiled? Nakakatunaw ng puso. Kung hindi lang siguro kami nagkakilala sa ganoong sitwasyon---maybe we can be friends. "Graduated na ako, and we own some jewelry stores in Manila and all over the world." Napanganga ako sa sinabi nito. "Then, why are you here?" I asked. Curiosity takes place. "This is my Mom's hometown at dito ko gustong manirahan. It's peaceful here unlike cities." Nagkibit ito ng kanyang balikat. "Yeah, I agree with you. This place is peaceful. Ang sarap balikbalikan. It's only my third day, but I love it here. Super..." makatotohanang pahayag ko. "Good to hear that." He said and looked at my drawings again. "Can I have this one?" Napakurap ako sa sinabi nito. Hinihingi niya ang unang ginuhit ko dito? Should I give it to him o ipagdadamot ko? Nag aalangan ako pero sa huli ay tumango pa din ako. "Don't tear it on the sketch pad." Pigil ko dito nang makita kong pupunitin sana nito kung nasaan ang drawing. "Masisira ang image niya. Stay where it was. Sa'yo na 'yan. Marami pa naman akong sketch pad na dala. Basta ingatan mo yan. Nandiyan ang puso ko sa pagdadrawing. So, kapag sinira mo yan, masasaktan ako." I smiled. "This piece is taken care of. Don't worry, wala man akong talent sa ganyan, but I can assure you. I am a good handler. Masinop at maingat sa mga bagay na nagugustuhan ko." Hindi ko alam pero parang nagbago ang tingin ko sa kanya sa sinabi nito. Siguro nga ay nagkakilala kami sa maling pagkakataon. "Tapos ka na bang maglinis?" Biglang tanong ko na ikinaaimangot niya at simaan ako ng tingin. Kanina lang may pangiti ngiti pa itong nalalaman tapos ngayon ang sama na ng tingin niya sa akin. Aba! May topak. Tumawa ako at itinaas ang aking mga kamay. "Hindi mo ako tinulungan." Nakasimangot na sambit nito. "But---you're excused. Sapat na itong kabayaran." He said and waved the sketch pad on his hand. "Yun naman pala, eh. So, bukas, dapat umayos ka para hindi din kita gantihan. Kung anong gagawin mo sa akin? I'll give it back to you trice. Kaya umayos ka hanggang matapos ang parusa natin. Para magkaksundo tayo. Ayos ba yan sayo?" Tumingin lang ito sa akin na tila ba inaarok kung seryoso ba ako o hindi. I rolled my eyes upward. "Hindi ka seryoso niyan, 'di ba?" he asked. "Is this face don't look serious to you?" "Just a bit," he answered amd chuckled. "Anong a bit, a bit ka diyan." Inirapan ko siya. "Gusto kong matapos ang parusa ko para makapag enjoy na ako. I came here to enjoy not to be punished. So, I just wanted to have a deal with you." "At ano namang deal yan?" Nag aalangang tanong nito. As if naman may masama akong binabalak. Tsk. Napairap ako. "Nothing much. Just a little compensation para matapos natin nang maayos ang parusa. Without arguing." I said and I shrugged. "And what is that?" Biglang nagbago ang reaksiyon niya. Ngayon ay tila naging interesado na ito. "I'll draw what you wanted until we're done. Hahayaan mo lang akong gumuhit. Alam ko naman na kaya mong linisan lahat. Ni hindi ka nga pinagpawisan dahil malinis naman ang paligid. Para lang kahit papaano, tahimik tayo. No arguing. Kung marami naman ang lilinisan---let's help each other." I know it's a bit unfair for him. Guguhit lang ako tapos siya maglilinis. Parang pabor lang ito sa akin. "Good and bad idea." He said. "At bakit mo naman nasabi iyan?" "Mapapagod ako araw araw tapos, drawing lang?" Aba! At nagreklamo pa. Hindi niya ba alam na sobrang precious ng mga drawings ko? "Choosy ka pa," inirapan ko siya. "Kung ayaw mo, eh, di wag." Tumayo na ako at pinagpagan ang suot kong pantalon. "Ang arte mo," dagdag ko pa. Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis. "Theyang!" Napakunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin. I know he's calling for me. "What dis you just call me?" Humarap ako dito at naninigurado kung tama ba ang aking narinig. "I called you Theyang," he answered confidently and half smiling. "Since andito ka sa probinsiya---that suits you very well." Napasimangot ako at nawala sa isip ko ang unang issue namin. Ang ganda ng pangalan ko tapos Theyang lang ang itatawag niya? That's so unfair for me. May precious name is being savage by this person. Inirapan ko ulit siya, "ang ganda ng pangalan ko, tapos tatawagin mo lang ako sa pangalang gusto mo? Tse! Diyan ka na nga!" Naglakad na muli ako and for the third time he called me Theyang. Humarap akong muli dito at sinamaan siya mas lalo ng tingin. "Ano bang problema mo at kanina ka pa tawag nang tawag?" Nakasimangot na tanong ko. "Hindi diyan ang daan pauwi." Napahiya ako sa sinabi nito, pero hindi ko pinahalata. Aba! Sinuswerte siya masyado. "Where?" "Doon," tinuro niya naman ang daan. Namurder na siya sa irap ko. "Salamat," usal ko sabay talikod ko dito at naglakad na paalis. Hindi ko alam kung sinundan ba niya ako o naiwan siya sa tabing ilog. Basta ang gusto ko lang ay makauwi na para makasama ko na ang mga kaibigan kong kanina pa naghihintay. I hope that, what I dealed with him will work. I wanted to enjoy this vacation and cherish every memories with them. At ayokong masira ang lahat ng plano ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD