Thea
Natapos na ang halos ilang araw na parusa namin. Sa wakas ay makakagala na din ako ng walang kasamang ungas. Since that day, tinupad nga niya ang sinabi nitong Theyang ang ipapangalan niya sa akin. It's kinda irritating pero tila nasasanay na ako.
"Sa wakas! I'm free!" Bulalas ko at ini-inat inat pa ang dalawa kong kamay. Hindi ko nga namamalayang natapos agad naming dalawa ang parusang iniatang sa amin. At first akala ko, forever na akong maglilinis lang dahil sa lalakeng iyon. Buti na lang ay marunong din pala itong magbehave kahit minsan lang.
And now, I learned my lesson. And as much as possible ay kokontrolin ko ang temper ko dito sa lugar nila Charlott. Basta walang sinuman ang aargabyado sa akin o sa mga kaibigan ko. I'll be at peace.
"Halatang masayang saya ka Thea, ah?" Tanong ni Charlott sa akin na ikinangiti ko. Sino ba naman ang hindi. Now, I can have my peaceful vacation. Walang iritating na lalake na mahilig mang utos. Makasalamuha ko man siya--- pero hindi na makakasama.
"Of course!" Masayang sambit ko at uminom ng softdrinks mula sa aking baso. Wala ng mas sasaya pa kapag alam ko sa aking sarili na hindi ko na makakasama ang Therio na iyon. Theriong napakasungit at moody. Hay naku!
Pero, I must say---sa ilang araw naming magkasama lagi kaming nagbabangayan pero hindi na gaya ng dati. Minsan magkasundo naman kami pero kadalasan ay magkaaway talaga kami. Hindi ko kasi maintindihan lagi ang ugali niya. Dinaig niya pa ang babaeng may regla sa kasungitan. At siyempre, hindi ako magpapatalo kung kasungitan lang naman ang pinag uusapan. I'm a maldita after all. He's no match for me.
"Nag aaya sina Kuya na panoorin daw natin silang maglaro ng basketball sa court mamaya. Gusto mo ba?" Tanong ni Charlot habang sumisimsim din ito ng softdrinks. At bago pa ako makasagot ay sabay sabay na ang mga kasama naming pumayag. Halata ngang excited pa ang mga ito dahil nagsigawan pa sila.
Jusko! Hindi talaga nila mapigilan ang kagigilan nila. Basta boys na ang pinag uusapan. Tila wala silang naiwan na mga boylet sa Manila. Buti na lang ako at si Charlot na walang iniintinding love life. We're free, ika nga. Bawas stress at sakit ng ulo.
"Ngayon na ba?" Tanong ko na lang. Hindi ko iniintindi ang mga pinagbubulungan ng mga kaibigan namin. Their saying names that I didn't know. Keber kung sino ang mga iyon.
"Mamaya sinabi ko, di ba?" Pagtataray nito na ikinataas ko ng aking kilay. Aba! Ma-attitude siya ngayon. I'm sure may pinagdadaanan na naman ito sa crush niyang kaibigan ng Kuya nito. Bakit ba kasi hindi pa siya magconfess kaysa namomoblema siya lagi.
"Ang sungit naman ng kaibigan kong ito. May regla?" I teased.
"Tse! Tigilan mo ako. Ano? Sasama ka ba?" Pag uulit nito. Hindi niya pinapansin ang panunuksong ginagawa ko.
"Alangan namang maiwan ako mag isa dito? As if naman na may magpapaiwan diyan sa mga yan na samahan ako dito. Jusko! Baka magunaw muna ang mundo kapag namgyari iyon. Boys are their passion." Napanguso silang lahat sa sinabi ko. And Charlot just laughed. Kahit ito ay alam din ang ugali ng mga kaibigan namin.
"Naku, naku, pinagkakanulo na kayo ni Thea." Tawang tawa ito habang tumatayo para magligpit ng pinagmeryedahan namin.
Tinulungan ko ito at inilagay sa kusina ang mga ginamit namin. Huhugasan ko na sana ang mga baso nang paalisin na niya ako at siya na daw ang maghuhugas. Alam ko na hindi din niya ako patutulungin. Si Charlot pa ba. I know her at kapag nangulit ka, wala ka ding mapapala.
"Sa labas muna ako at magpapahangin, since ayaw mo din lang naman ako patulungin." Paalam ko na ikinalingon nito sa aking gawi.
"Alam mo naman na siguro ang patakaran at alam ko ding nadala ka na. Hindi ka naman siguro masasangkot muli?" Pinamaywangan niya ako na ikinataas ko ng aking kilay.
"At ano naman ang tingin mo sa akin, aber?"
Nagkibit na ito ng balikat.
"Malay ko ba naman kung baka pagbalik mo, eh, kay Kapitana na naman ang tungo natin."
"Tse!" Inirapan ko ito. "Basta huwag nila ako kakantiin. Alam mo naman ugali ko, kapag tama ako---papanindigan ko. Pero kapag mali ako---alam ko kung paano umamin at humingi ng tawad. Huwag lang magpapakita sa landas ko ang mokong na iyon."
"Yieehhh..." Minulagatan ko si Charlot dahil parang tinutukso pa ako sa mokong na iyon. Aba! Gwapo lang iyon pero hindi ko iyon magugustuhan. His attitude will not pass.
"Anong yiiiehhh ka diyan. Baka gusto mong makurot kita.Makaalis na nga." Tinalikuran ko na ito. Habang naglalakad ako palabas ay dinig na dinig ko ang pagtawa nito at panunukso. And before I went out, lumingon muna ako sa kanya sabay sabing, "hindi ang katulad niya ang magpapaibig sa akin, Charlot. He won't pass."
"Huwag kang magsalita ng patapos dahil baka kainin mo din iyan. Kuya Luther is some kind of a hot guy at walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya. Malay mo, bukas makalawa--- inlove ka na sa mokong na sinasabi mo---" Bago pa ito makapagsalitang muli ay pinatigil ko na siya at nagkunwaring nagsusuka bago nagsalita.
"He's not my type and he will never be. " Tuluyan ko ng iniwan si Charlot sa kusina dahil mang iinis lang ang gagawin nito at tutuksuhin ako. WAla pa man din akong bala sa kanya. At mas lalong wala akong panama sa tuksuhan.
Nadaanan ko ang mga kaibigan namin sa salas na nagkukwentuhan pa din. Hindi na about sa mga lalake, about na ito sa pupuntahan daw naming ilog. Nagkibit balikat lang ako. Nakapunta naman na ako sa ilog na sinasabi nila. And worth it talagang puntahan dahil maganda doon at malinaw ang tubig.
Paglabas ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap talagang tumira sa ganitong lugar. Napapaligiran ng matatayog na puno. Preskong kapaligiran at mahangin.
Wala sana akong balak lumabas ng bakuran nila kaso nahuhumaling ako sa nahuhulog na bulaklak ng narra sa paligid. Para kang nasa ibang bansa. Ang ganda at nakakabighani lalo na kapag bumagsak na ito sa lupa.
Para kang reyna na naglalakad aa mga maliliit na bulaklak. Kulay dilaw ito at ang sarap sa mata. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili na kuhanan ito ng litrato.
I'm amazed.
Sa subdivision ay walang ganito. Dito lang kaya susulitin ko talaga ang bakasyon.
Hindi ako nakontento sa pagpopost at pagseselfie. Dumakot ako sa kaliwa kong kamay at sinaboy ito sa itaas. Nagsilaglagan ito sa aking ulo. Napapikit ako at hinayaang bumagsak ito sa aking mukha.
"I'm free..." malungkot na sambit ng aking puso. Sa ganitong sitwasyon ay ngayon ko lang nararamdaman ang kalayaan sa lahat.
Hindi nagkulang ang pamikya ko sa akin. Even my sister and brothers. They treated me well. Mahal na mahal nila ako. At ang saktan sila ang ayaw kong gawin. But life is unfair.
"Very unfair..." mahinang usal ko.
"Aba! Feeling mo nasa Korea ka?" Napamulat ako sa narinig kong boses. Naparoll eyes ako nang makita at marinig ko ang pagtawa niya. "Ignorante lang?" Mas tumawa pa ito.
At ano naman ang ginagawa ng lalakeng ito dito? Tsk!
Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Wala akong panahon para makipag asaran sa kanya. Ayokong masira ang mood ko.
"Aba, hindi namamansin si Theyang." Tukso pa ulit nito at hindi ata ako titigilan. "Naku naman, hindi mo bagay Theyang ang magpakaseryoso."
"Breath in, breath out, Thea. Huwag kang papaapekto sa mokong na nasa harapan mo. Relax..." paalala ko sa aking sarili at nag inhale exhale sa harapan nito. Not minding him, laughing at me.
"Naks talaga. Ginawa pang burnham, may pasinghot singhot pang nalalaman." Mas lumakas pa ang tawa nito. Nang aasar pa talaga.
"One, two, three, relax, Thea. Huwag mo siya patulan. Masasayang lang ang oras mo." Saad ng isip ko na ikinatango ko.
He will not take away my good vibes. Bahala siya sa buhay niya.
"Excuse me," nakangiti pang saad ko at nilagpasan lang siya. Naglakad ako panorte dahil paliko ang pupuntahan niya. Ang magandang gawin ay ang iwasan ito sa ngayon. Jusko, wala pa ngang ilang araw, eh, heto na naman aiya at nang iinis. Akala ko naman ay hindi ko na siya makikita kahit ngayong araw lang.
"Hey, saan ka pupunta?" Tanong nito na ikinalingon ko lang at nginitian ito.
"Sa lugar na hindi ko makikita ang pagmumukha mo." Sagot ko at nagba-bye na dito saka ko na aiya tinalikuran at umalis.
Akala ko naman ay lulubayan na niya ako. Akala ko lang pala iyon.
Nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin na ikinahinto ko at napatitig sa kamay na nasa aking balikat papunta sa may ari ng kamay na iyon.
"Who the hell gave you the permission to put your filthy hands on my shoulder?" Pinipilit ko ang sariling maging kalmado kahit na gustong gusto ko ng pilipitin ang kamay nito. "Take that off bago ka pa magsisi. I'll show you no mercy."
Sinamaan ko pa siya ng tingin para makita niyang seryoso ako.
"Seryoso?" Nangingiti pang saad niya at hindi man lang natinag.
Tinulak ko siya.
"Don't you dare go near me." Babala ko. Binigyang diin ko ang bawat salita ko. Ayokong magkaroon na naman ng komosyon sa pagitan namin. Katatapos lang ng parusa namin at ayokong maulit ulit iyon. At mas lalong ayaw ko na ulit makasama ang lalakeng ito. "Gusto kong maenjoy ang bakasyon ko ng walang aberya. So, stay away." Tinuro ko pa ang dibdib nito at mahina muling itinulak.
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko dahil tahimik lang itong nagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko.
"Chilax lang. Hindi ako nangangagat at alam mo iyon. Stay away? Parang mahirap ata iyon dahil kapatid ng kaibigan mo ang kaibigan ko. That only means, magkakasalubong at magkakasalubong tayo ng landas. At hindi lang magkakasalubong---baka magkasama pa tayo. Kaya mahirap gawin iyan. " Umiiling na sambit niya at kinindatan pa ako ng loko. Parang hindi apektado sa seryoso kong pananalita.
Ako naman ang nagtaas na lang ng dalawa kong kamay at napapikit. Sumusuko na ako sa mokong na ito.
And when I opened my eyes. Nagulat talaga ako at napaawang ang aking bibig. He's only an inch away from me. Isang pagkakamali ko lang ay baka magdikit na ang aming mga labi.
Ayokong magsalita dahil baka pagtawanan niya lang ako. I know for myself that I'll stammer.
"Don't be to nervous, My Theyang. Ako lang naman to--- ang magiging Therio ng buhay mo." He said and looked at my eyes down to my lips.
Napalunok ako sa kaisipang hahalikan niya ako.
Bakit ako umaakto na apektado sa paglalapit ng mga mukha namin?
I should push him away or slap him. Pero naisip ako na baka kay Kapitana na naman ang bagsak ko kapag ginawa ko iyon.
Ni hindi ko alam kung bakit nanlambot ang mga tuhod ko.
Damn this mokong!
Ang galing niyang mangseduce ng babae. Napaatras ako at kailangan ko pang bumuga ng marahas na hangin bago makapagsalita. Takot ako na baka ipagkanulo ako ng pangangatal ko.
I'm affected. Yeah, aminado ako na bigla akong naapektuhan sa paglalapit ng mukha namin.
Napailing iling ako, "no, siya lang ang lalakeng lumapit sa akin ng ganoon kaya ganito ang nararamdaman ko." Mahinang usal ko sa aking sarili.
I'm denying the fact.
"Affected?" Napaigtad ako nang magsalita itong muli at hinila ako palapit muli sa kanya. Nakayakap ito sa aking bewang at nagdikit ang aming mga noo.
Natulala ako. I didn't even flinch. Para akong tanga na nakatitig lang sa mata niya. Ewan ko nga kung naduling na ako.
"Want to kiss you?" He said in a husky voice.
Doon ako natauhan at naitulak ito nang mas malakas. Sasampalin ko sana ito nang magbago ang isip ko. Iniisip ko na baka saan na naman ako mapadpad. Ang tanging nagawa ko na lang ay samaan ito ng tingin bago kumaripas ng takbo.
Hindi dapat ako magpaapekto. Tumatakbo ako habang pinapaalalahanan ko ang sarili na hindi dapat. At pinaalala ko din na kailangan kong lumayo sa kanya.