Lumipas ang mga araw. Naging mas aso't pusa pa kami ni Theriong. Ewan ko ba kung bakit ako pinagtitripan ng lalakeng iyon.
Ang dami na daw niyang puntos sa akin. Talong talo na daw ako. As if naman nakikipagkompetensiya ako sa kanya. Pero gusto kong makaganti sa mga pang aalasja niya sa akin at mas lalo sa panlalandi niya. Kaso hindi ako makahanap ng tamang tiyempo para gawin ang gusto ko dahil mas magaling itong mag isip ng mga kalokohan.
He's a player, after all. Kaya napakadali lang sa kanyang manlandi.
Napapadyak na lang ako sa frustrasyong nararamdaman ko. Paano ba namang hindi? Kung bigla na lang nagsiliparan ang mga dahon sa katawan ko, mostly sa parte ng mukha ko. At ang pinakamasaklap ay may mga lupang nagsitalsikan sa mukha ko.
"Theriong!" Sigaw ko.
I can't open my eyes.
"Damn you!" Pagmumura ko.
"What?" Nagmamaang maangan pang tanong nito na tila ba walang nangyari. Relax nga lang itong magsalita. Kung nakikita ko lang siya, baka nakatawa ito. Pasalamat siya at hindi ako makamulat dahil sa kuoang tumalsik sa mukha ko.
"Humanda ka talagang lalake ka!" Gigil na banta ko dito na ikinatawa lang talaga ng huli.
"Wala naman akong ginagawa, ah. Huwag kang ganyan." Mas nagpupuyos ang loob ko sa pinagsasabi niya.
"Can you just f*****g help me get rid of these sands?" Iminuwestra ko ang aking kamay at pinagpag ang katawan ko. Ayokong gamitin ang kamay ko sa aking mukha dahil baka mas malagyan pa ng lupa ang mga mata ko.
"Sabi ko nga," aniya.
Maya maya lang ay ramdam ko na ang panyong dahan dahan na humahaplos sa aking pisngi. Maingat at tila ba natatakot na magasgasan ang aking mukha.
He's gentle and it confuse me.
Ang lakas niya mang asar at magprank, pero dumarating siya sa point na nakakalito na. Just like now. Dahan dahan akong nagmulat at tumitig sa lalakeng nasa harapan ko at patuloy ang marahan nitongnpagpupunas sa mukha ko.
My heart beat so fast. Parang naghahabulan sila sa loob ng aking dibdib.
"Nahuhulog na ba ako sa lalakeng ito?" Tanong ng aking isip habang titig na titig pa din sa gwapo nitong mukha.
Napailing ako. It can't be. Hindi iyon maaari. Hindi akon0wedeng magmahal. Hindi pa ngayon. Hindinpa ako handa at hinding hindi ako mahihing handa. Bakasyon lang ang ipinunta ko dito at ganoon lang dapat.
"Mapipigilan mo ba ang iyong pusong magkagusto sa lalake?"
I sighed.
Marahan ko siyang itinulak palayo sa akin and grab the handkerchief on his hand.
"Ako na," presinta ko at inumpisahang punasan muli ang aking mukha habang naglalakad papunta sa may lilim na puno at doon umupo.
I wanted to look back to him, but I just can't. Baka oumalakpak na naman ang tenga niya kapag nagkataon. May kasabihan pa man din daw siya na kapag nilinhon ko siya ay may gisto ka sa kanya. Lalo na kapag tinalikuran mo na ito.
He's a guy with many beliefs.
Napatingin ako sa mga kasama kong busy na sa pagpipicture picture at selfies. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensiyon ko.
I am totally confused. Lalo ba kapag tinititigan niya ako at kapag nasa malapit siya. My heart is pounding so fast that I can't hardly breathe.
Charlotte and my friends are really enjoying. Ako lang ata ang fanito ang nararamdaman. Halata talaga sa mga mukha nila ang excitement. Paano namang hindi? Kung mga naggagwapuhang mga kalalakihan ang mga katabi nila at kakuwentuhan. Pero, naiiba si Charlotte sa kanila. May ibang kinang ang kanyang mga mata habang nakatitig sa isang partikular na lalake.
I can see love in her eyes.
Wala akong masabi, dahil tama nga naman siya--- gwapo talaga ang lalakeng napupusuan niya. At napansin ko din na may kakambal ito. How can she recognize the one she like?
"Masyado ka namang busy." Napataas ang kilay ko sa aking katabi. Yes, katabi ko na siya ngayon. Ang walang hiya, tumabi pa talaga. Nagrigodon na naman po ang aking puso.
"Lumayo ka nga," pagpapalayas ko dito at hindi man lang ito tinignan. "You're disturbing my silence." Dagdag ko pa dahil gusto kong umalis siya malapit sa akin.
I wanted to relax. Baka maistroke na ako sa bilis ng t***k ng aking puso. Saka gusto kong makapag isip kung paano ako gaganti sa kanya. At natutuliro utak ko at hindi makapag isip ng tama kapag nandito siya.
"Kung ayaw ko? May magagawa ka?"
Nag uumpisa na naman po ito. At kahit anong gawin ko ay napapatulala niya ako. Ang galing niyang mablandi at wala akong kaalam alam. Naba-blangko utak ko kapag nilalandi niya ako. natatangay ako saga salita at titig niya.
Fuck it! He wins all the time.
Nagagawa niya akong landiin in an instant. At ako naman si gaga, nagpapalandi naman.
He got the talent of seducing women's. That's pretty obvious.
"May magagawa ako. Kung tadyakan kita diyan at nang makalayas ka na? Gusto mo?" Babala ko at inirapan ito kahit hindi nakaharap.
"Aray!" Nakangiwing saad niya na para bang nasaktan talaga. A good actor "Masakit 'yon, Theyang. Hug and kiss mo na lang ako. Para ganahan ako mas lalo."
Pinandilatan ko ito ng mata.
"At bakit ko naman gagawin yon?" Pinamaywangan ko siya ng nakaupo at mas inirapan pa. "Huwag kang feeling close Theriong. Hindi tayo magkaibigan at mas lalong hindi tayo close."
"Anong hindi? Friends na tayo." Saad niya at umisod pa sa gawi ko.
"Kapal mo, Theriong. Umalis ka sa tabi ko baka hindi kita matantiya. Sinasabi ko sayo." Umurong ako palayo sa kanya.
"Kung halikan kaya kita diyan?" Natameme na naman ako sa sinabi nito.
My heart skipped a beat. At ito na naman po siya sa panlalandi niya. How could I get even with him, kung sa bawat banat nito ay napapakaba niya ako at napapatulala.
Damn this man beside me!
I need to think.
"Isip isip, Thea. Huwag kang magpapatalo sa kanya." Sulsol ko sa aking isipan at tulirong mag iisip ng paraan. Kailangan kong makapuntos.
I need to set aside this kind of feeling. Dahil kung hindi--- magdidiwang na naman ang lalakeng ito at pagtawanan na naman ako.
I stayed silent, but not too long.
Napangisi ako nang may maisip akong solusyon. I know, I'm not this kind of girl, but this man is teaching me how to be bold.
Napangisi ako at bigla akong humarap sa kanya. Pinalamlam ko ang aking mga mata. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Hindi siguro nito inaasahang haharap ako. Napangisi ako nang napalunok ito.
To tease him even more. Mas inilapit ko pa ang aking mukha sa mukha nito at nang aakit na ngumiti.
Napatikhim siya na mas ikinangisi ko.
Madali lang pala siyang landiin. Ganoon lang pala dapat. Kung anong gawin niyang panglalandi sa akin ay kailangan ko lang ibalik. Huwag dapat akong madala sa matatamis nitong salita at mapupungay na mga mata.
"Isara mo, baka pasukan ng langaw." Malanding saad ko at hinawakan ang kanyang baba para isara ang nakanganga nitong bibig. Hindi nito inaasahan ang mga pinaggagawa ko. Ginanahan tuloy akong gumanti ngayon. "Brace yourself, man..." bulong ko pa at napaismid.
Nakita ko ang pagbuka ng bibig nito pero agad din nitong isinara bago napabuga ng hangin.
"Woaah!" sa wakas ay tanging sambit nito na ikinalingon ng mga kasama namin sa aming gawi.
"Are you okay in there?" Sigaw ni Charlotte na ikinangiti ko lang at tumango. " Baka inaasar ka na naman ng lalakeng iyan? Sabihin mo lang at itatapon ko siya sa ilog."
"No need, boo. Kawawa naman siya kapag nagkataon, malamig ang tubig." Nakangiting sigaw ko pabalik bago kumindat dito at sumenyas pa ng approve sign. Nakita ko ang pag iling nito habang natatawa.
Nang makita kong busy na ulit sila ay napatingin na naman ako sa nananahimik kong katabi. Nakatitig na siya sa akin, this time. As in titig na titig na para bang hindi makapaniwala.
"Oh, bakit ka titig na titig sa akin? Nagandahan ka na ba bigla at nainlove ka na agad?" Tanong ko at mahinang natawa dahil napalunok na naman ito. Paano ba namang hindi ito mapapalunok--- kung bigla nalang akong luluhod sa harapan niya at mas inilapit pa ang mukha ko sa kanya. Teasing him even more.
Nalunok na ata nito nang tuluyan ang kanyang dila.
"G-et o-ff me---" utal na sabi nito na ikinaismid ko lang at mas lumapit pa sa kanya.
"Paanong pag alis ba?" Napakagat ako sa aking labi para mas akitin pa ito. "Ganito ba?" I said as I moved closer to him. Isang dangkal na lang ata ang layo ng aming mga mukha.
"Don't play dirty if you can't take the consequences. If you can, then I can too. Huwag mong ismallin ang mga kababaihan dahil hindi lahat ay kaya mong akitin sa gwapo mong mukha. Huwag ako, Theriong. Huwag ako..."
Then I slowly, brushed my lips on him before leaving him stunned on his post. The best revenge, I ever made.