Naiwan akong tulala sa bahay na ito. Kakaalis lang ni Charlotte and naboboring na agad ako.
"What do I have to do here?" Bagsak ang balikat na napasandal na lang ako sa sofa at pinikit aking mga mata.
Umookay na ang pakiramdam. Nanghihina na lang ako. Tama si Charlotte kanina. Hindi ako ganoon. Hindi ako kagaya kanina na hinayaan lang na saktan ako.
I don't know pero para akong nauupos na hindi ko maintindihan.
"Should I go home?" Tanong ko sa aking sarili habang nakapikit pa rin.
"Bakit? Sawa ka na---"
"Oh my!" Gulat na gulat akong napamulat dahil sa biglaang pagsasalita ni Therio.
I know his voice.
"Ops." Tinaas nito ang dalawang kamay at naglakad papalapit ng sofa.
"Bakit ka ba nanggugulat?" I asked. Tapos inirapan ko siya.
"Hindi ko alam na mayugulatin ka pala." Saad nito at prenteng naupo sa kaharap kong upuan.
"Kahit sino magugulat kung bigla ka na lang susulpot at magsalita out of nowhere." Umayos ako ng pagkakaupo.
"Sungit na naman ng Theyang na to."
Naparoll eyes ako sa pangalan ko na binabanggit niya. Talagang pinapanindigan din nitong tawagin ako sa pangalang iyan. Nakakairita pero it's his choice. Hindi ko naman siya pwedeng diktahan.
"Basta ikaw kaharap ko, ewan pero kumukunot lagi kilay ko. Tapos naiinis ako." Pag amin ko na ikinatawa nito nang mahina.
"Ikaw ang unang nakakaramdam ng ganyan sa akin. Mga kababaihan na nakakasalamuha ko--- nagagwapuhan sila sa mukhang to." Nagpogi sign pa ito na ikinataas ko talaga ng aking kilay.
"Saang banda ang kaguwapuhan sa mukha mo? Aber?" Sinipat ko ang mukha nito mula sa aking kinauupuan. "Wala akong makita kahit isang traits ng kaguwapuhan na sinasabi mo. Mga bulag siguro sila." Tumatangong sabi ko.
"May sira na ata ang mga mata mo." Umiiling na sambit nito at tumayo. "Baka nagugutom ka lang kaya hindi mo makita ang kaguwapuhan ko."
"Hindi ako nagugutom." Tanggi ko pero pinagkanulo ako ng aking tiyan. Kusa itong tumunog.
Napakagat na lang ako sa aking labi at inilihis ang aking paningin.
"Nakakahiya!"
"Sabi ko nga hindi." Tumatawang sabi nito at umalis na. Pumasok ito sa isang pinto.
Napalingon ako sa pinasukan nitong pinto. Grabe! Nakakahiya. May pasabi pa akong hindi ako nagugutom, tapos ipagkakanulo din lang pala ako ng sarili ko.
"Malamang sa malamang na gutom na gutom ka. Ikaw ba naman ang hindi pa nakakain ng tanghalian. Baka nakakalimutan mo lang naman." Sermon ng aking isip sa akin na ikinahinga ko na lang.
Nakalimutan kong umaga pala ang larong pinanood namin kanina. At mag aalas kuwatro na ayon sa relong nakasabit sa dingding. Ibig sabihin ay talagang nagpass out ako. Kaya siguro nanghihina ako dahil na rin sa gutom.
Dahan dahan akong tumayo. Curious ako kung ano ang gagawin nito. Don't tell me na ilulutuan ako ng lalakeng iyon.
Impossible dahil kaaway ko ito lagi at may pagkamadamot ito pagdating sa akin. Baka asarin niya lang ako at inisin. Yan ang forte ng lalakeng ito.
Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nito hanggang sa makarating ako sa may pinto. Sumandal ako at tumitig sa lalakeng busy na sa may lababo.
Her broad shoulder down to that muscle. Dang! He got the body to flex. Para itong batak na batak sa paggi-gym sa tigas ng muscle nito.
"Don't tell me na naaakit ka sa mga muscles niya?" Tukso ng isip ko na mabilis kong ikinailing. "Wow! Kung makailing ka naman, parang hindi mo hinahanap ang presensiya, ah."
Napangiwi ako, "no, hindi ako naaakit. Perfect lang ang kanyang muscle. Wala ng iba."
"Ehemmm..." awtomatikong napalingon ako sa gawi ng tumikhim.
"What?" Takang tanong ko. Don't tell me that I say it all aloud? Dahil kung oo, ipagdasal kong kainin ako sahig right from this moment.
"You were saying?" Ang lawak ng ngiti ng loko.
"May sinabi ba ako?" Tanong ko pabalik na ikinangisi niya.
"Yes, may sinabi ka. Ang clear nga sa pandinig ko ng sinabi mo. Ano nga ulit iyon..." tila nag iisip pang pang iinis niya habang nasa baba pa ang sandok na hawak.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis o maaawkward sa usapan namin. Lalo na at narinig nito ang mga pinagsasabi ko.
"That's not for you." Saad ko na lang para hindi lumaki ang ulo ng kaharap ko. Inirapan ko pa ito. "Masyado kang feelingero kung para sa'yo iyon. Hindi naman perfect ang muscles mo. Tsk."
"Sa lagay na to? Hindi ba ito perfect?"
Nag model na po ang lalakeng ito sa harapan ko. I don't know but I found it cute. Para siyang bata na nagmomodel ng kanyang muscle. He's just wearing a shorts above his knee and a sando that perfectly fit for his damn muscles. I must say, na pumuputok talaga ang muscle nito.
Titig na titig ako sa kanyang katawan na tila pinagnanasaan ko talaga. Jusko! Kailan pa ako naging ganito kahalay? Never in my wildest dream that I ever wanted to caress anyone's body. Lalo na ang lalakeng nasa harapan ko.
"Ang sarap sigurong haplusin." Nag iilusyong sambit ng aking isipan. I even bit my lower lip. "Dang! Perfectly hot!"
Nagitla ako nang may pumitik na daliri sa tapat ng aking mga mata. Kasabay rin nito ang panlalaki ng aking mga mata nang marealize ko ang nangyayari. I am illusioning infront of him. At ang masaklap--- I was drooling for his body.
Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa nagaganap. Lalo na nang makita ko ang matamis na ngiti nito na may kasamang panunuksong ngisi.
"Are you done fantasizing my body?" He's grinning from ear to ear. "Are you satisfied?" Dagdag pa na tanong nito. "Masarap na bang titigan?" Bulong nito sa aking tenga.
Napanganga ako dahil sa biglaang pagtayo ng aking balahibo sa katawan dahil sa pagbulong nito sa aking tenga. There's something in his whisper that made me chill. Tila may binuhay ito sa aking katawan na hindi ko maintindihan.
"Ha? Ah---eh---" utal utal na sambit ko. Ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang natuliro amg utak ko sa ginawa niya. Damn it!
"Relax, My Theyang..." he whispered again.
Naitulak ko talaga siya sa pagkakataon na ito. Baka kung hahayaan ko siya ay para ko ng pinagdiwang ang kayabangan ng lalakeng kaharap ko.
Napalunok muna ako at napapikit. Naitulak ko siya pero parang hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan niya. Nagtataka pa nga ako kung naitulak ko ba siya o naduro lang.
I don't know. Basta I need to escape. Hindi pwedeng ipagkanulo ko ng tuluyan ang sarili ko.
"Itayo mo ang bandera mo, Thea! Masyado siyang sinuswerte. Tama na ang malaman nitong pinagpantasyahan mo siya ng minsan."
Bumuga ako ng hangin at dumilat. But that was a bad idea.
He's too close. Kulang na lang ay magdikit na ang aming noo sa sobrang lapit.
"What are--- you doing?" Pinilit kong hindi mautal. "Lumayo ka nga."
Tinatambol ang dibdib ko. Parang may karerang sinabakan ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. Kulang na lang ay malunod ako sa sobrang kabog nito.
"Kung sinabi kong ayoko?" Nang aakit na tanggi nito at pinalamlam pa ang kanyang mga mata.
God! Help me!
Nilalandi niya ako at alam kong malalandi niya ako sa mga oras na ito.
I'm seduced by now.
"Uma-yos ka, Theriong!" Naggagalit galitan ako, pero deep inside me is drowning.
"Maayos ako..." lumaki ang aking mga mata ng hapitin niya ako palapit sa katawan nito. "Pwede ba?"
Nakatitig ito sa aking mga mata pababa sa aking labi.
Napalunok ako.
Is he asking for permission to kiss me?
Jusko!
Papayag ba ako?
Should I push him away?
O enjoyin ko ang halik?
Hindi ko alam kung bakit unti-unting pumipikit ang aking mga mata. Tila ba tinatanggap na ng isipan ko ang halik na gusto nitong ipaalam.
One, two, three seconds...
Walang labi na dumampi sa aking mga labi. Bagkus, isang malakas na tawa ang narinig ko. Dahan dahan akong nagmulat. And there he was...laughing his ass out. May pahawak pa siya sa kanyang tuhod sabay turo sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Ibig sabihin ay mali ang iniisip ko.
That f*****g kiss won't happen. Dahil pinagtripan ako ng mokong na ito. At siyempre, hiyang hiya pa ako sa inasta ko.
"Mautot ka sanang lalake ka! Tse! Pangit mo! Letse ka!" Sigaw ko at dali daling lumabas. Sinundan ko lang ang nilabasan ni Charlotte kanina. Hindi naman na mahirap ang umuwi sa kanilang bahay. Madali lang ang magtanong sa makakasalubong ko.
Kahit grabe ang kabog ng aking dibdib ay hindi ko pinansin ang pagtawag ng mokkng sa akin. Wala akong pakialam kung sundan niya ako. Basta ang importante ay ang makatakas ako sa pang aasar ng lalakeng iyon.
I'll make sure na makakaganti ako, by hook or by crook. I'm Thea and he didn't know me at all. Matitikman niya talaga kung paano ako gumanti.
"I'll make it triple. Humanda kang Theriong ka. Promise ko yan." Nangangakong sabi ko at diniretso na ang tuwid na daan. Nananalangin na lang ako na sana ay hindi ako maligaw sa pag uwi ko.