Chapter 11

1820 Words
"What just happened back there?" Naririnig kong tanong ni Charlotte sa akin. Ayokong magmulat ng aking mga mata dahil maski ako ay hindi alam kung anong nangyari sa akin. I felt dizzy and after that... nilamon na ako ng kadiliman. "I know you're awake now. Alam ko kung wala ka pang malay o nagpipikit pikitan lang." She said and carress my hair. I sigh and slowly open my eyes. "I just needed a rest." "Bakit ka nahimatay?" Nagtatakang tanong nito. Inilihis ko ang aking mga mata. Hindi ko siya masagot dahil hindi ko din alam ang nangyari sa akin. "All of a sudden. Nakikita mo naman akong nakikipag away pero you never faint." May pahawak pa ito sa kanyang baba at nag iisip. "I'm okay. Mahina lang talaga ako sa lamig. That is f*****g an iceberge. Para akong napunta sa north pole sa sobrang lamig. Baka nabigla ang katawan ko." Paliwanag ko at dahan dahang naupo. Napakunot bigla ang aking noo nang makitang wala kami sa bahay nina Charlotte. This is a house made of concrete walls at hindi ganito kina Charlotte. "Nasa bahay tayo nina Luther. Dito ka niya dinala after kang mahimatay. Busy pa kasi ako that time na makipagsabunutan sa babaeng hitad na iyon." Umirap ito sa kawalan. Halatamg iritang irita at galit na galit sa babae. "Sinabi lang sa akin ni Kuya Andrei na dinala ka niya dito. Saka mas malapit ang bahay niya kaysa sa bahay namin. So, in favor pa din ako sa ginawa niya." "Then, let's go. Baka nakaistorbo na ako dito. Magalit pa ang mga magulang niya." Mabilis akong inalalayan ni Charlotte para tumayo. "No worries, mag isa lang naman siya dito sa bahay niya. Hindi ko ba nai-chika sa'yo na nasa Manila nakabase ang mga magulang niya?" "Hindi naman ako interesadong malaman." Umiling na lamg ako at hinanap ang sandals ko. "Nawala ang suot mo na sandals. Wait natin sila bumalik. Baka nahanap nila. Pero ngayon is nasa baranggay hall sila at paniguradong doon na nagkakalat ang hitad na iyon." Napakunot ang noo ko. "Baranggay hall?" Tumango ito, "she hurt you and discriminate you. Alam mo namang bawal iyon dito sa barrio di ba?" That's when I remembered. "Eh, bakit nandirito tayo? Dapat kasama tayo doon." Saad ko at tayo na para pumunta doon. "Excempted ka kasi hindi ka naman umimik. You just let her hurt you. Nakakapanibago lang." Tinaasan niya lang ako ng kilay at sinundan nang maglakad ako palabas ng kuwartong kinaroroonan namin. "Kasalanan ko naman kasi." Makatotohanang sambit ko at napaupo sa maliit na sofa. Medyo may kaliitan ang bahay na ito. Hindi naman ganoon kaliit pero pwede na rin. Nasanay lang ako sa malaking bahay at malaking kuwarto. Rich kid nga kung tawagin nila ako lagi. "Kahit na. You seems to distracted. Pagkatapos ka niyang masabuyan ng malamig na tubig. Namutla ka bigla. I saw it at hindi ako pwedeng magkamali." Umupo ito sa katapat kong upuan at tila sinusuri amg kabuuan ko. "Buntis ka ba?" Pinanlakihan ko siya ng aking mata. "What the! Seriously, Charlotte? Buntis talaga? Baka giato mong lumipad itong magazine sa harapan natin patungo sa'yo?" Akmang kukunin ko na iyong magazine nang mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo ito at nagtago sa likuran ng upuan. "Sorry naman daw. Kasi sintomas iyon ng buntis. Number one symptoms, kaya akala ko juntis ka." Naparoll eyes na lang ako sa pinagsasabi niya. "May jowa ba ako?" Tanong ko. "Wala." Sagot nito pabalik pero nakatago pa din. "Nagkajowa ba ako?" "Hindi, nbsb ka." Nakita ko ang pagkamot nito ng kanyang ulo. "Paano ako mabubuntis?" "Malay ko ba kung may naka-one night stand ka bago tayo pumunta dito." Napabuga ako ng hangin at pilit na kinakalma ang sarili. Gusto ko na kasing lapitan ito at batukan. Jusmiyo! Kung ano ano na lang ang pinagsasabi niya. Wala na ata siya sa kanyamg katinuan. "At kanino naman ako makikipag one night stand, aber?" "Aba malay ko." Sumilip ito saay likura ng upuan. Nagiging isip bata na naman ang babaeng ito. It means may kababalaghang nagaganap. "Malay ko ba kung may nakameet ka habang hindi mo kami kasama tapos nagpabuntis ka. Since, lagi mong binabanggit na gusto mong magkababy lang." Napahilamos na lang talaga ako ng aking mukha. Trying to calm. Ewan ko ba sa utak meron ang babaeng ito ngayon. Hindi siya ayos kausap. Magsasalita sana ako nang biglang tumunog amg telepono nito. Mabilis pa sa alas kuwatrong napatayo ito at tila kilig na kilig habang pinagmamasdan ang kanyang selpon. Kakaiba talaga siya. Something happened. That's for sure. "Hello..." Pati ang boses nito ay pinalambing niya. Parang wala ako sa kinaroroonan niya. Walang kahiya hiyang magpabebe. "Ay, ikaw pala." Biglang disappointed ang boses nito at napasimangot bigla. Naglakad pa ito papuntang upuan at pabagsak na naupo doon. Para itong hindi babae kung umupo. "Yeah, she's awake. Bakit?" Mabining katahimikan. Nakikinig lang ito. "Okay, papunta na ako. Tse." Umirap pa ito at naiinis na pinatay ang tawag. "Dito ka muna pansamantala. Pinapatawag daw ako sa baranggay. May major violation din daw ako." She said and put her phone in her pocket. "Deserve ng babaeng iyon na masabunutan at masampal. Kulang pa nga iyon, eh." "Sasama ako---" she cuts me off. "Hindi ka na daw kailangan doon. Kahit bukas ka na lang daw kausapin. Nagwawala pa kasi ang hitad. Baka hayaan mo na namang saktan ka niya." Sinamaan niya ako ng tingin na ikinakamot ko na lang ng aking ulo. "It's not so you. Kaya ang laki ng pagtataka ko. May tinatago ka ba sa akin?" "Wala , ah!" Mabilis kong sagot na ikinataas nito ng kilay. "I won't ask now. Hahayaan kitang magsabi kapag handa ka na. I know you, boo. Hindi ka magpapaapi kahit alam mong kasalanan mo. Kapag sinasaktan k na, lalo kapag physical--- lumalaban ka. But now..." nagkibit ito ng balikat pagkatapos ay napabuga din ng hangin. "It's just that---" I paused, finding the right words to say. "Alam mo yon? Gusto kong lumaban na hindi. Tapos sabayan mompa ng hilo ko kanina. Kaya hinayaan ko na lang siya." "Kahit ipahiya ka niya?" Disappointed written all over her face. "I'm sorry." Tanging saad ko na lang. Even me, hindi ko din alam kung bakit tinakasan ako ng kamalditahan ko kanina. "Tsk. Don't say sorry, boo. Huwag mo na lang uulitin iyon dahil hindi ko talaga alam ang magagawa ko sa gagawa niyan ulit sa'yo. Pasalamat siya at madaming umawat sa akin. Aba! Kung hindi baka lasog lasog na ang katawan niyon. Hidni ba niya nakikita ang mga maskels ko?" Napangiti ako nang ipakita nito ang walang kamuscle muscle nitong braso. May patapik tapik pa itong nalalaman tapos ngingiwi din lng naman pala sa huli. "Oo na, hindi na mauulit. Siya, keep your golden muscle now. Baka may makakita, pagkamalan ka pang si Darna." Tuluyan na kaming natawang dalawa. Tumuwid ito sa pagkakatayo at inayos pa ang buhok nito palikod sabay pacute ng loka. The next thing she did, burst me into laughter. Ginaya lng naman nito si Darna. Okay lang sana kung darna talaga. But ahe did it in a pabebe mode. Langya! Papatayin niya ata ako sa kakatawa. Nanghihina pa ako pero hindi koagawang pigilan ang aking sarili sa pagtawa. Sheyms! Para siyang kiti kiti na kumendeng habang nagdadarna. "At anong tinatawa tawa mo diyan?" Pinamaywangan niya ako sabay taas nito ng kaliwang kilay. I bit my lower lip para lang magpigil. "Aba! Enjoy na enjoy, boo? Ano sa tingin mo sa akin? Comedian? Did I put you in happy mode? Hindi ka ba nasesexyhan aa darna mode ko?" Tumikhim muna ako para hindi bumunghalit ng tawa. My God! May kakaiba talaga sa babaeng ito. She will never do that kahit sa harapan ko. She's too conscious on her act. "Maganda naman..." Jusko! Gusto kong pigilan ang tawa ko kaso natawa talaga ako. Inulit kasi nito amg hitsura noya kanina. Nakataas ang isang kamay at ang isa naman ay nasa baywang nito. "Derne! Derne! Derne!" May pakembot pa siya. Sobrang lakas ng tawa ko. Halos mahulog na ako sa sofa sa katatawa. "Last mo na yan, boo. Promise. Para kang naalisan ng katinuan at tuluyan ng nabaliw." Hawak hawak ko na din ng aking tiyan. "Hmmp! Hindi mo man lang ako suportahan sa goal ko. Tsk. Mag au-audition pa naman ako pagbalik natin ng Manila. Nakakadismaya yang reaksiyon mo. Hindi tayo bati." Inirapan niya ako na mas ikinatawa ko. "Ay sorrry, boo." Umayos ako at kinagat muli ang pang ibaba kong labi sabay ayos ko sa pagkakaupo. Nyeta. Hirap magpigil sa pagtawa. Tapos nakanguso pa siya sabay kendeng kendeng na may pa-flip ng hair. Jusko! Nasaniban na ata ng masamang nilalang ang kaibigan ko. "Isa pa ngang Derne, boo." Pang eencourage ko kahit alam kong katatawa ako ay susubukan kong wag talaga matawa. For our friendship. Kita ko kasi na parang kknti na lang ay itatakwil na niya ako. "Ayaw ko na. Di tayo bati." Inirapan niya akong muli at tinalikuran. "Ay ang sexy nan ng derne namin." Pambobola ko para humarap siya. "Sisikat to kapag nag audition. Mahihing sikat siya na actress someday. Haharap na yan." Nagpadyak padyak ang kanyang paa na humaharap sa akin. Nagpapacute amg kanyang mukha at ang lapad na ng ngiti. "Yan talaga amg boo ko. Suportive at hindi ako ikakahiya. I love you na talaga. That's why I really love you, boo." Lumapit ito sa akin ng nagmomodel at niyakap ako sabay beso beso. Jusko! Nilayasan na talaga soya ng katinuan niya. "Of course, susuportahan kita. Basta, alisin mo yung kembot while saying Derne,ha?" Bilin ko nang makakalas na ito sa pagkakayakap. "And it's Darne, boo. Darna iyon hindi pabebe version." Magsasalita pa sana ito nang tumunog ang selpon niya. Ang nagawa na lang nito ay ang ngumuso. "Aalis na pala ako. Baka kanina pa ako hinihintay sa baranggay. Nakalimot ako dahil kay Darna." Diniinan niya pa amg pagsasabi ng Darna. "Oh ayan, Darna na ang sinabi ko. Okay na ba yon?" Tumango tango ako at mahina itong itinulak. "Sige na, punta ka na para masundo mo din ako agad dito. Kapag natagalan ka--- ako na uuwi mag isa." "As if naman alam mo ang daan." "Don't underestimate me, boo. Aba! Matandain kaya ako sa lugar. Saka kasama ko si Aling Magta." "At sino naman yang Aling Magta na yan, aber?" Takang tanong nito. "Si Aling Magtanong." Tawa ko sabay peace sign. "Aba, aba, natututo ka na. Konti---" bigla na namang nagring ang selpon niya na hindi niya nasagot. Napangiwi na lang ito at nagpaalam na sa akin. Bineso beso muna niya ako bago ito tuluyang nagmamadaling umalis at sinagot ang tawag. Naiiling na lang akong naiwan sa bahay na ito. All I did was to stare at the pictures hanging on the wall. A portrait of a family. Picture ng mga cute na bata. Napako ang tingin ko sa picture ni Therio. I don't know but I feel weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD