Chapter 10

1659 Words
"Anong nililingon-lingon mo diyan?" Napatingin ako kay Charlotte nang bigla na lang itong magsalita sa aking tabi. "Ako?" Maang maangang tanong ko at itinuro pa ang sarili. "Ay hindi, Thea." Iniling ilingan ako ni Charlotte ay inirapan sabay turo sa taong nasa harapan namin. "Yang nasa harapan natin ang tila may nililingon at hinahanap. Hindi ikaw. Napaghahalataan ka masyado, eh?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ah okay." Sagot ko na lang at lumingon muli sa basketball court. Ignoring her. "Apaka slow naman ng utak mo today. Jusko." Naririnig kong komento ni Charlotte na hindi ko ulit pinansin. I don't know pero bakit hinahanap ko ang lalakeng iyon. Ilang araw ko na ding hindi nararamdaman ang pangungulit niya. "You're worried?" "Nah..." Umiling iling kong sagot sa aking sarili not realizing where I am. "Hala, siya! Sinasagot na ang sarili ngayon. Ganoon na ba ang epekto ni Luther sa'yo?" "What? Come again?" "Sabi ko, hindi pa dumadating si Luther. May nilakad daw siya at hindi alam kung kailan babalik." "Anong paki ko sa lalakeng iyon? Tse." Umirap pa ako at bumalik na ang tingin ko sa mag uumpisa ng laro. Pero one side of me is disappointed. It means, hindi ko siya makikita today. Tsk. Bakit ko ba kasi hinahanap ang lalakeng iyon? Keber kong wala siya dito? He's not even my type. "Hindi daw pero hinahanap hanap? In denial ang loka." Tukso ng aking isipan. "Just incase lng naman na siya ang nililingon lingon mo at hinahanap. Baka kasi mabale ang leeg mo kakatanaw. Maging kasalanan ko pa." "Tse. Hindi ko nga siya hinahanap, noh. Hindi ganoon ang mga lalakeng hahanap hanapin. He's annoying at walang alam kung hindi mambwisit." Saad ko at nakatutok ang aking mga mata sa lalakeng nakahawak ng bola at nagdi-drible. "Okay, sinabi mo, eh." Kibit balikat na sabi nito at nanood na rin ng basketball. Busy ang mga kaibigan naming tumitili sa naglalaro. Even me, hindi ko na mapigilang hindi mapatili at pumalakpak. "Bukas ng hapon ang laro nina Luther, my loves ko." Kusang tumaas ang aking kilay sa sinabi ng masa harapan naming mga babae. I can say that this girl infront of me is beautiful. Sexy pa ito sa suot niyang maong na pekpek shorts at sleeveless na damit. Walang lalake na hindi mapapalingon sa kanya. "Balita ko hindi pa daw siya dumarating. May nilakad daw ito sa Manila sabi ni Kapitana." Sabad naman ng babaeng katabi nito na masasabi mongay katabaan pero maganda. Kahit sa likod palang nito ayakikita mong may tagalay na itong kagandahan. Naiinis naman ako sa lalakeng iyon pero bakit tila hinahanap ko ang presensiya nito? "Baka dahil nasanay kang kaaway at sinusupladahan mo siya." Bulong ko sa aking sarili. "Tama." Dagdag ko pa. Napatayo ako sa aking kinatatayuan ng biglang nagsalita si Charlotte sa aking tabi. "Anong binubulong----" tawa siya nang tawa ng mapasigaw ako sa gulat. As in napasigaw ako na ikinatigil ng mga naglalaro sabay tingin sa akin. And the whole people on this covered court are all eyes on me. At ang pinaka worst sa lahat---natapon ko ang tubig ko sa babaeng nasa aming harapan. Paktay! "Oh my God! I'm sorry." Mabilis na hingi ko ng tawad at lumipat sa kinaroroonan ng babae at pinunasan ang balikat niyong natapunan ng tubig gamit ang panyo ko. Sinamaan ko ng tingin si Charlotte na nakangiwi lang. "Tatanga tanga kasi!" Madiing sambit nito at tinabig ang aking kamay. Woaah! That's foul. Gusto ko mang sagutin ang pagsasabi nito ng tatanga tanga, kaso hindi ko ginawa. It's my fault after all. "I'm really sorry. Hindi ko sinasadya." Yumukod pa ako para makita nitong sincere ang paghingi ko ng tawad. "Hindi ko kailangan ng sorry mo. Hindi mo ba nakikita na may tao sa harapan mo o sadyang bulag o tanga ka lang?" Mataray pa ding saad niya at pinapagpag ang damit nito. Nabasa din kasi ang parte ng kanyang dibdib. Kung nakalugay lang sana ang buhok nito, baka hindi mabasa ang damit nito. "Sorry talaga, hindi ko sinasadya." Sa pangatlong pagkakataon ay humingi pa din ako ng tawad. "Walang magagawa ang sorry mo!" Nanggagalaiting sigaw nito sa mukha ko at umalis Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Si Charlotte naman ay inaalalayan akong makataas ulit sa bleachers na kinauupuan namin. Hiyang hiya ako sa nangyari. Nakayuko ako at hindi na makatingin sa mga taong nasa paligid. "Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ng mga kaibigan ko sa akin na ikinatamgo ko na lang. "Parang hindi ka naman okay. Uwi na lang tayo." Aya ni Charlotte na ikinailing ko. "Sayang yung laro. Saka okay lang ako. Nabigla lang siguro ako dahil ito yung unang beses na sinigawan ako at sa public place pa na gaya nito. I can manage." Nakayuko na lang talaga ako at hinihilot ang aking sentido. It's my mannerism when calming myself. "Ikaw!" Napatingin ako bigla sa aking harapan dahil boses iyon ng babaeng nabuhusan ko ng tubig kani-kanina pang. Hindi ko aakalain na babalik din ito agad. The next thing that happened, shocked me the most. Isinaboy nito ang isang pitsel na may lamang napakalamig na tubig sa aking katawan. Simula sa mukha pababa sa aking dibdib. I don't know what to do. "Woaah!" Sigaw ko sabay talon at pinagpag ang aking t-shirt para mahimasmasan ako sa lamig na dulot ng tubig na sinaboy niya sa akin. Nagulat na lang ako nang may nagsisigawan na sa aking harapan. It's Charlotte and the girl. "Lakas ng tama mo! Bakit mo yun ginawa?" Galit na sita ni Charlotte at nilapitan pa ang babae sabay duro nito sa kanyang balikat. "Let's go," aya ni Rheem sa akin. Niyakap niya pa ako dahil nakita nito ang panginginig ng aking katawan. Damn! Mahina ako sa lamig. Napapikit ako nang humangin. Nangatal ang buo kong katawan. Awtomatikong napamulat akong muli nang marinig ko ang mura ni Charlotte. "Damn you! How dare you!" Nakikipag away na talaga ito. Sumusugod na din kaso hindi ito tuluyang makasugod dahil awat awat siya ni Robelyn at Zeinne. Makikita mo talaga ang galit sa mukha nito. Akmang lalapit na sana ako ng bigla akong mahilo. Everything is blurry. Malakas din ang kabog ng aking dibdib. Bigla bigla na lang. "What's happening to me?" My mind is panicking "Tama na, Char." Pigil ko sa papasugod na namang kaibigan. Kahit hilo ay pinilit kong maging normal ang lahat. Baka sa lamig lang kaya ako biglang nahilo. "No! Somosobra na siya para gawin iyan sa'yo! Nagsorry ka na pero pinahiya ka pa rin niya. Pinalagpas ko iyon dahil alam nating ikaw ang mali. Pero ang gawin niya iyan sa'yo! That makes me a f*****g mad lady! Tang'na! Walang babastos sa mga bisita ko. At ang letseng iyan ang kauna-unahan! Gaga pala siya, eh!" Hindi paawat na sigaw nito at dinuro duro pa rin ang babae. "Ikaw na babae ka! Ni wala ka sa kalingkingan ng pinapahiya mo! Mahiya kang babae ka! Kung gusto mong respetuhin ka! Marunong kang rumespeto! Humingi na ng tawad pero ginanyan mo pa din! No wonder that you're an uneducated b***h!" "Enough!" Sigaw ng baritonong boses na nanggagaling sa isang lalake. Her facial feature is familiar. At dahil sa hilong nararamdaman ko ay hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha. Mabilis ang naging kilos ng lalake para pigilan si Charlotte na nakikipag away na talaga. "Wag mo akong ini-english na puta ka! Akala mo hindi kita papatulan!" Sigaw din nito pabalik kay Charlotte. "Bitawan mo ako!" Tinulak pa ng babae ang mga kasama niya dahilan para matumba sila at muntik pang nahulog. Buti na lang ay nasalo ito ng taong nakikiusyoso. Nang makawala ito ay diretso ang tungo nito kay Charlotte. Hindi napansin ni Char ang paglapit ng babae at paghila ng kanyang buhok. Busy kasi itong makipag argumento sa lalakeng pumipigil sa kanya. "Aray!" Sigaw nito at hinawakan ang buhok niyang hinihila na ng babae. Hilo ako pero hindi ko alam kung paano ako nakalapit at hinawakan ang kamay ng babae na sumasabunot sa buhok ng kaibigan ko. "Let go." Madiing saad ko at may babala sa aking boses. Saktan na niya ako, huwag lang ang kaibigan ko. "Isa ka ding puta ka!" Binitawan nito ang buhok ni Char at sinunod naman ako. "Kasalanan mo lahat ng ito! Kaya dapat lang sa'yo ito!" Patuloy na sabunot nito sa akin habang sumisigaw. I can't fight back. Nanghihina na din ako dahil sa hilo na nararamdaman ko. All I know is that I let her, hurt me. Saka kasalanan ko naman kung bakit nagkagulo ng ganito. She's right. I am to blame. Kaya hahayaan ko siyang saktan niya ako hanggang sa mapagod siya. Pahina nang pahina ang mga boses sa aking pandinig. Pati ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagsasabunot nito ay hindi ko na din maramdaman. And my head hurts. Totally hurt. Hindi sa pagsabunot nito kung hindi sa loob ng ulo ko. I wanted to scream in pain, but I just can't. Basta ang ginawa ko nalang ay napaupo at hawak ang aking ulo. Gusto kong iuntog ang aking ulo kaso hindi na ako makagalaw sa sakit. Hindi ko na din maintindihan ang mga sinasabi ng mga nasa paligid ko. Or even worst hindi ko na din maramdaman ang aking sarili. This can't be happening. I need to calm down. Pero paano? Sasabog na amg ulo ko sa sakit. "Ang gamot ko!' My mind hysterically said. Gamot para sa aking migraine. Pero wala akong nadala dahil saglit lang nan kami dito. Nakapikit na lang ako at hindi ko na kayang imulat pa ang aking mga mata. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag angat ko sa ere. And that familiar scent... Kilala ko ang amoy na ito. "Humawak kang mabuti..." He whispered. "Hindi kita hahayaang saktan ng iba hangga't nakikita ko. I'll protect you." Tumatak sa isip at puso ko ang mga salitang binitawan niya. At sa pagsiksik ko ng aking mukha sa kanyang dibdib ay ang tuluyang pagkawala ng aking kamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD