Chapter 3

2421 Words
ITINAAS niya ang mga paa niya sa sofa at saka ipinamaluktot iyon sa ilalim ng hita niya. Nakalumbaba siya sa side ng sofa habang nakatitig sa files na nasa ibabaw ng hita niya. Binubuklat naman ng isang kamay niya ang bawat pahina ng mga iyon at may nabasa siyang kakaiba sa dulo ng pipirmahan niyang kontrata. "Sandali bakit nakalagay dito na kailangan kong magpakalayo-layo mula sa iyo sakaling ma-in love ako? Ano'ng klaseng kontrata naman ito? Sure ka bang mai-in love ako sa iyo?" taas kilay niyang tanong sa binatang nagtaas ng tingin at binalingan siya nito. "Yes, dahil nakakasigurado naman akong iyon ang mangyayari." Ngumisi ito at pinagulong ang office chair na inuupuan nito patungo sa harapan niya. "Ay ang kapal..." Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatitig sa mayabang na binatang kaharap niya. "I will receive, 10 thousand per days, I have an apartment, luxury clothes, bags, shoes." Natigilan siya. "Mahal na ba ang mga underwears ngayon?" Nakatitig na tanong niya rito. "Perfumes, etc, any personal hygienes... pati napkins isali mo rito with wings," aniya na kinuha ang ballpen sa sling bag niya at isinulat ang bagay na iyon. "Lipstick... liptint na lang iyong bloody red may allergic ako sa mga lipsticks, nakaka-dry ng labi. Spa everyweekend, anything about self care." Ginuhitan niya iyon. "Gawin mo na lang itong pera." Binasa pa niya ang iba at nanlaki ang mga mata niya sa s*x na nabasa niya. "Puta! Ako makikipag---" Napalunok siya nawala sa isip niya na kaharap nga pala niya si Zachary. "Yes, part iyon ng perang ibabayad ko sa iyo. Part of entertainment na gusto kong gawin mo." Sinapo niya ang magkabilang pisngi niya. "Sorry naman. Hindi kasi maganda na may s*x na nakalagay rito," mahinang aniya. "Nasa sa 'yo na iyan kung tatanggapin mo ang alok ko o hindi. Hindi ako masamang tao, wala akong record sa Baranggay, sa probinsya natin at sa police. Yes. Minsan masiyado akong over protective, at hindi ako magsisinungaling kung sasabihin kong hindi ako possessive. Makikipag-s*x ako sa iyo kapag may tatlo kang nagawang hindi mo dapat gawin, basahin mong mabuti ang lahat ng mga nakalagay diyan, Aryanda. I name the few. Bawal mong tanungin ang private life ko. Bawal kang Nakipagkasundo sa iba o tumanggap ng trabaho sa iba habang ako ang boss mo. At ang panghuli, huwag na huwag mong uubusin ang pasensya ko. Escort lang kita. Ang gagawin mo lang maupo sa tabi ko, at igalang ako bilang boss mo. No more no less. Pero kung lalabag ka sa mga ipinagbabawal ko." Ngumisi ito at nakakalokong tumingin sa kaniya. "Makikipag-s*x ka sa akin, period!" Napalunok si Aryanda. "Seryoso ka!" "Mukha ba akong nagbibiro. Kung ayaw mong maparusahan, then, magpakabait ka, simple lang naman ang mga ipinagbabawal ko," sabi nito na nakatingin sa kaniya. "Oo simple nga pero hindi pa rin kita mapagkakatiwalaan. Paano kung tinakot mo lang ang mga babaeng naging escort mo? O mga babaeng dumaan sa iyo? Kaya mo iyong gawin dahil mayaman ka, no!" mataray na aniya habang seryoso naman si Zachary na nakatingin sa kaniya. "Napakatalino mo, Aryanda. I like that." Ngumisi ito. "But I assure you na malinis ang background ko. Dumaan sa abogado ang kontrata na iyan. As you can see, Attorney Rodolfo Estrella? Siya iyong pinakamagaling na abogado rito sa Tarlac. Siya na ang gumawa para naman masabi mo na hindi ako nagsisinungaling." Napalunok si Aryanda dahil ang abogadong tinutukoy nito ay ang abogadong pinaglalabhan nila noon ng kaniyang Lola Loleng. Hindi nasusuhulan ng pera ang abogadong iyon. "Now, nagdududa ka pa? Alam mo, Aryanda, hindi naman ako kasing sama nang iniisip mo. Yes, I can do anything I want pero pagdating sa isang babae hindi naman ako ganoon kadesperado just to have sex." Tumayo ito sa harapan niya at ipinamulsa ang mga kamay sa slacks na suot. "Pero bakit may nakalagay na "s*x" dito kung ganoon?" takang tanong niya sa binata na hindi nagpapatalo sa pakikipagtitigan dito. "Para maiwasan mong labagin ang mga ayaw kong gawin mo," mabilis nitong sagot. Lumunok siya. "Paano naman ang regulations kapag nasa business trip tayo. I mean sa… rooms? Sa… sa isusuot ko?" mahinang tanong ni Aryanda sa binatang nakatitig lamang sa kaniya. "Rooms are separated. You can have your own privacy. Clothes? Walang escort na nakasuot ng button up blouse, tattered pants at lumang sandals," nakangising anito na ibinaba ang tingin sa kabuuan niya. Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nitong iyon. "Okay fine… magsusuot ako ng dress na gusto mong ipasuot pero hindi ako magsusuot ng high heels sandals." "Good. Ngayon malinaw na ang lahat, siguro iyong isusuot mong dress kasing haba ng wedding gown," pang-aasar nito sa kaniya na humalukipkip pa. "Anyway kung wala ka nang ibang sasabihin at isa-suggest you can sign the contract now. Marami pa kasi akong gagawin as you can see." Nilingon nito ang tambak na papel sa lamesa nito. Kagaya nang sinabi ko kanina, hindi kita pipiliting pirmahan iyan. P'wede mo iyang iuwe para mapag-isipan mong mabuti and then 'tsaka mo ako bali---" Bumuga siya ng hangin. "Hay, wala na bang bakante rito sa company mo. Mag-apply na lamang ako, kahit na taga-linis ng Comfort Rooms, go ako." Umiling ito. "Wala kaming bakante. Ms. Corpuz, lilinawin ko lang, hindi kita pinipilit. Like I've said... ikaw ang magpa---" "Okay sige pumapayag na ako." Kinakabahang putol niya sa sinasabi nito. "Sign the contract now," utos nito. Parang itinaya na niya ang buo niyang kaluluwa sa pagpirma sa kontrata. Bahala na basta para sa pangarap. Maayos naman ang lahat ng rules at regulations kaya kailangan na niyang pakalmahin ang sarili niya at pagkatiwalaan ang taong gustong tumulong sa kaniya. Iniabot niya rito ang files. Kinuha naman nito iyon at saka pinirmahan. Katibayan na kusang loob siyang pumayag at hindi siya nito pinilit. Bumalik ito sa may lamesa nito at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Malungkot siguro ang buhay mo no, kaya kailangan mo ng ka-fling." Hindi siya nito nilingon. "Hindi mo yata nabasa na bawal magtanong tungkol sa personal kong buhay." Sumandal siya sa sofa at ipinikit ang kaniyang mga mata. "Akala ko kapag nasa iyo ang lahat magiging masaya ka na. Iyong wala kang iisipin kun'di kumain, matulog at tumae." Ngumiti siya. "Pero hindi pala, ang lungkot ng buhay mo, mas malungkot pa sa buhay ko." Umupo siya ng tuwid at tumingin dito. "Hindi kaya bakla ka at itinatago mo sa parents mo ang tunay mong pagkatao kaya gusto mo ng escort." Natigilan siya nang tumayo ito at lapitan siya. "Nagbibiro lang naman ako, a. Teka..." Iniwas niya ang mukha sa mukha nito na konti na lang ay hahalikan na siya. "Ayoko ng babaeng maingay kaya kung ayaw mong mahalikan ka, beter to keep quiet." Inilayo nito ang mukha sa mukha niya para siyang natuyuan ng lalamunan dahil sa nerbiyos na kaniyang nararamdaman. "Salamat sa pagtulong mo sa akin," nakangiting sabi niya rito kahit hindi siya nito tinitignan. "Pagtratrabahuan mo ang perang ipapasahod ko sa iyo kaya wala kang dapat na ipagpasalamat," anito habang busy sa pagpipirma ng mga papel na nasa mga files. Pinanuod niya ito at habang ginagawa niya iyon ay nakaramdam siya nang antok habang nakaupo sa sofa. Ipinasya niyang umidlip muna habang hinihintay ang secretary ni Zachary na dumating para makaalis na siya. Nakaramdam tuloy siya nang antok habang nakaupo sa sofa. Ipinasya niyang umidlip muna habang hinihintay ang secretary ni Zachary na dumating para makaalis na siya. INILAPIT NI ZACHARY ang upuan sa kinaroroonan ni Aryanda. Nakaunan ang ulo nito sa braso ng dalaga. Habang tulog na tulog itong nakatagilid sa sofa. Hinawi niya ang mahabang buhok nitong color brown na lampas balikat ang haba. Bakas na bakas sa dalaga ang pagod. Huminga siya ng malalim habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Nalaman niya kahapon na hindi lang pala ito nagtratrabaho sa Vintage Club, suma-side line din ito bilang cashier sa isang fast food chain malapit sa Guanzon Mall. Nakita niya ito minsan nang mapadaan siya sa lugar na iyon. Nakaramdam siya ng awa rito at ang awa na iyon ang nag-udyok para alukin niya ng tulong ito. Nakatitig siya rito habang nakahalukipkip nang dumating si Diane, may bitbit itong paper bag nang pumasok sa opisina niya. Tulog na tulog pa rin ang dalaga. At wala siyang balak na gisingin ito. "Sir, sino ho ba siya?" usisa ni Diane habang nakatingin ito kay Aryanda. Inilipat niya ang tingin dito. "It's none of your business, Diane. You may leave now!" maawtoridad niyang utos dito. "Pero, sir---" "Kung anuman ang namagitan sa atin before better to forget it. Ginusto mo iyon at wala tayong dapat na pag-usapan. Don't be too attached from me Diane. Kilala mo ako at ayoko ng mga taong nakikialam sa pasya na ginagawa ko. Maliwanag ba?" tumaas ang kaniyang boses. Napapitlag ang dalagang kaharap niya. "Yes, sir," mahina nitong sagot bago siya nito talikuran. Lumabas ito ng office niya. Ibinaba naman niya sa tapat ng dalaga ang paper bag na naglalaman ng sandals nito na ipinabili niya kay Diane. Iniwan niya sa office niya ang dalaga dahil may business meeting pa siyang pupuntahan. Napangiti siya habang muling sinulyapan ang dalaga. Naalala niya kung paano nito tanggapin ang alok niya. Napipilitan lamang ito, alam niya iyon dahil kailangan nito ng pera pero hindi siya nagbibigay kapag walang kapalit dahil hindi gustong tumanaw ng utang na loob sa kahit kanino. Bumuga siya ng malalim at inayos ang suot na necktie. Bago tuluyang lumabas sa opisina niya. Kasunod niya si Diane na hawak ang folder at laptop nito. Bakas sa mukha ni Diane ang lungkot pero hindi na niya iyon pinansin. Gusto siya nito, isinuko na rin nito ang sarili sa kaniya, pero nagkamali ito na umibig sa isang katulad niya. Dahil para sa kaniya... matagal nang patay ang puso niya para muling magtiwala at magmahal. NAGISING si Aryanda dahil tumutunog ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Agad siyang napatayo at sinagot ang tumatawag na si Tryon. "Nasaan ka na, start na ng presentation. Huwag mong sabihing nagtratrabaho ka sa mga oras na ito. Ekang, nandito ako para tulu---" "Pupunta na ako riyan." Tinignan niya ang wrist watch niya may bente minuto pa siya para mag-gocery ng iluluto niya. Sana nga lang ay umabot siya dahil halos trenta minuto ang kailangan niyang gugululin sa pagsakay sa jeep para makabalik siya sa University nila. Ang kailangan niya ngayon, isang milagro. Ini-off niya ang kaniyang cellphone at agad na umalis sa opisina ni Zachary. Sumakay siya sa elevator at mabilis iyong pinindot pababa sa ground floor. Tinungo niya ang exit, pinagtitinginan siya ng mga empleyado ni Zachary. Palabas na siya ng hagdan nang may mabangga siyang lalaki. Sa lakas noon ay napaupo siya sa sahig. Tinulungan siya nitong tumayo. Napayuko siya nang mapansin na wala pala siyang sapin sa kaniyang mga paa. Nag-angat siya ng tingin at tinignana ang lalaki sa harapan niya. Walang pasabing hinila niya ito sa tabi. "Sandali nga, Miss, ano bang---" Pinutol niya ang sinasabi ng lalaking kaharap niya. Tansiya niya ay naglalaro sa thirty three to thirty four ang lalaki na may makisig na pangangatawan. Nakasuot ito ng plain white t-shirt at maong tattered pants na hanggang tuhod, at nakasuot ito ng slip on white sneakers. May pagkakahawig ito kay Zachary at parang nakita na niya ito kung saan. "Sir, hindi mo ako kilala, at marahil iniisp mo na baka masamang tao ako. Pero, sir, kailangan ko ng tulong mo, kailangan ko ng taong maghahatid sa akin sa supermarket at sa eskuwelahang pinapasukan ko. Sir, para ito sa pangarap ko, sa buhay na gusto kong marating. Sir, pangako gagawin ko lahat ng iutos ninyo sa akin. Please, Sir!" Pagmamakaawa niya sa harapan nito. Bumuga ng malalim ang lalaki at nginitian siya pagkatapos. "Okay, halika ka na but before that wala ka bang slipper or anything?" kunot-noong tanong nito. Kinagat niya ang ibabang labi niya. "Wala, Sir. Hindi naman kabawasan sa akin ang walang sapin sa paa, Sir. Dahil nagmamadali talaga ako." Tinulikuran siya nito. "Sir, akala ko ba tutulungan ninyo ako?" habol na tanong niya sa lalaki. "Halika na sa kotse, walang mangyayari kung tatayo lamang tayo at magkukuwentuhan." Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ng lalaki. NAKARATING sila sa supermarket. Pero bago siya magtungo sa loob para mamili ay binigyan siya nito ng isang pares na havaiannas pink slippers. "I don't know kung kasya iyan sa iyo." "Thank you," aniya na may malapad nang ngiti sa kaniyang mga labi. "Saglit lang ako, sir." "Okay, hihintayin na lang kita rito sa labas." Mabilis niyang tinungo ang loob ng supermarket. Dumiretso siya sa meat section para bumili ng chicken breast. Mabilis siyang tumakbo patungo sa vegetable and fruits section, kumuha siya ng dalawang carrots, isang pineapple, dalawang patatas at apat na piraso ng lettuce na may katamtamang laki. Nagtungo rin siya sa grocery para bumili ng wine at mga pampalasa. Hawak-hawak niya ang basket niya at tinitignan ang mga laman noon. Nang masiguro na kumpleto na ang lahat at mabilis siyang nagtungo sa counter. Agad-agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki habang bitbit ang mga pinamili niya. Pumasok siya sa loob at agad namang pinaandar ng lalaki ang kotse nito. Habang nasa daan sila ay inalam niya ang pangalan ng lalaki. "Sir, ano'ng pangalan mo, I mean para alam ko at para mahanap kita in case na kailangan kong magbayad sa kabaitang ginagawa mo." Tumawa ang lalaki sa sinabi niya. "Naalala ko lang ang isang importanteng tao sa iyo. Huwag mo nang alalahanin kung ano ang ibabayad mo. Masaya akong makatulong sa isang katulad mo. Anyway, good luck sa pag-aaral mo. I'm Guiller, ano nga pala ang ginagawa mo sa building ng Nicolas Steels?" "Ano... kasi..." Paano ba niya sasabihin ang tungkol kay Zachary. "Looks like it's a serious matter. Ano nga ang pangalan mo?" tanong nito at nilingon siya. "Luisa..." "Nice name, anyway ito ang calling card ko. P'wede mo akong tawagan in case kailangan mo ng driver," ngumiti ito sa kaniya. "At goodluck sa presentation mo, Luisa." "Thank you." Kinuha niya rito ang iniabot nitong maliit na papel. Inihatid siya nito sa University niya. Umalis din ang lalaki pagkahatid sa kaniya. Hay, ang cute ng lalaki iyon nga lang balbas sarado ito at mahaba ang buhok na hanggang balikat. Mas guwapo siguro ito kapag clean cut ang tabas ng buhok at naka-shaved. Inihatid na lamang niya ang tingin ang kotse ng lalaki bago siya mabilis na nagtungo sa building niya. Eksakto ang pasok niya dahil nag-aayos pa lamang ang mga kaklase niya. Hay, mabuti na lamang at may dumating na hulog ng langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD