Chapter 4

1660 Words
HINIHINTAY ni Zachary ang kapatid niyang si Guiller sa opisina niya dahil may mahalaga silang pag-uusapang dalawa. Tungkol ito sa merging ng mga negosyo nilang dalawa. Hindi talaga niya gustong makipag-merge sa kumpanya ng kaniyang Kuya Guiller pero kinakailangan niyang gawin para maisalba ang bumabagsak na negosyo ng kaniyang mga magulang. Nagsolo siya mula noong mamatay ang Papa niya dahil sa atake sa puso na kagagawan ng kaniyang Mama. Nalaman noon ng kaniyang Papa na may pamilyang iba ang Mama niya kaya naman nagkagulo sila noon at iyon ang naging dahilan para mamatay ng maaga ang kaniyang ama. At hanggang ngayon hindi pa rin niya napapatawad ang Mama niya. Kaya marahil ganito siya ngayon pagdating sa mga babae dahil batid niya na manloloko lamang ang mga babae tulad ng ginawa ni Caroline sa kaniya. At hindi na dapat siya magtiwala sa mga babae tulad ng Mama niya. Bumuga siya ng malalim na hininga at saka idinako ang tingin sa naiwang gamit ni Aryanda. Ang ipinabili niyang sandals nito at ang nasira nitong sandals na nasa sahig. Bumuga siya ng hangin kaya pala nagtsi-tsismisan ang mga empleyado niya kaninang pagdating niya galing meeting dahil kay Aryanda. Lumabas ito ng building niya nang nakapaa. Mayamaya ay pumasok na si Diane para sabihing papasok na ang nakakatanda niyang kapatid. "Bro, sorry may inasikaso kasi ako kaya natagalan ako. By the way---" Tumigil Ito sa pagsasalita nang mapansin ang bagay na hinahawakan niya. "A pair of sandals? Kanino iyan, Bro?" kunot-noong tanong nito sa kaniya. "To my... to my girlfriend, nandito siya kanina." Nagkibit-balikat siya. "Baka umalis na dahil hindi ako nahintay, anyway let us proceed sa discussion natin about sa merging ng kumpanya." Umupo siya sa office chair niya at sumadal doon. "Bro, kumpnaya natin ang Guiller Steel at---" Mariin niya itong tinignan. "No, Kuya Guiller, company mo lamang ang Guiler Steel at hindi sa akin. Ayokong magkaroon ng utang na loob kay Mama dahil sa merging ng kumpanya natin. Babayaran ninyo ang lahat, kalahati ng kita ay mapupunta sa akin, dahil ako ang dahilan kung bakit muling nakaangat ang kumpanya ninyo." "Hindi mo pa ba napapatawad si Mama?" tanong nito na nakahalukipkip sa harapan niya. "No! Not anymore! Hindi ako kasing lambot mo, Kuya Guiller. Kaya nga ako tumayo sa sarili kong mga paa para mapatunayan ko sa inyo na kaya kong mabuhay ng wala ang tulong ninyo ng Mama mo. Kung wala na tayong pag-uusapan, makakaalis ka na, Kuya, busy ako at ayokong nasasayang abg oras ko." "Zac, may sakit si Mama at kung paiiralin mo pa rin ang pride mo, ang galit mo sa kaniya mamatay siya na malungkot dahil sa iyo." Ikinuyom niya ang mga palad at ibinagsak iyon sa lamesa niya. "Malungkot ding namatay si Papa, naawala ba si Mama sa kaniya? Kung nandito ka Kuya para sermunan ako at maging dakilang kapatid, makakaalis ka na. Ipapadala ko na lamang sa secretary mo ang contracts ng merging. Marami pa akong gagawing trabaho at wala akong panahon para makinig sa mga sasabihin mo." "Zac..." Tumayo siya at inilahad ang kamay sa gawi ng pintuan. "Umalis ka na, Kuya Guiller." "Napakasama pa rin ng ugali mo, akala mo ba dahil sa tulong mo sa tingin mo babangon ng ganoon kadali ang kumpanya? Napakataas ng bilib mo sa sarili mo, Zac. Hindi ako nagpunta rito para talakayin ang merging ng kumpanya. I'm here dahil sa pakiusap ni Mama, at bilang nakakatanda mong kapatid. Nagbago na ang isip ko at hindi na ako makikipagkasundo sa iyo. Isaksak mo sa baga mo ang kayamanan na meron ka ngayon!" Hindi iyon pinansin ni Zachary. Hindi na niya ito pinatulan pa dahil batid naman niyang hahaba pa ang sumbatan nilang dalawa. Lumabas ito ng opisina niya at palabalibag na isinara ang pinto. Bumuga siya ng malalim. Natarantang pumasok si Diane sa opisina niya. "Sir, are you okay?" tanong nito na nilapitan pa siya. "Yes, by the way, Diane, from now on magiging marketing head team ka na. Nakita ko ang mga hirap mo sa trabaho bilang secretary ko, you deserved it. Bukas na bukas ay ia-assign kita sa Marketing Department." Bakas sa mukha nito ang pagtutol at hindi ang kasiyahan na inaasahan niya. "Hindi kita iiwan, sir." "May bagong uupo sa puwesto mo bilang secretary ko." Kumunot ang noo nito. "Si Aryanda ba?" "Yes," maawtoridad na aniya bago bumalik sa upuan niya. "Pero, sir, ano'ng alam ng babaeng iyon sa trabaho, I mean nag-aaral pa lamang siya." Tumaas ang boses nito. "I'm sorry, sir." "Then kung ayaw mong tanggapin ang offer ko, mag-resign ka na lang." Yumuko ito. "Sorry, sir," anito na nagyuko ng ulo. "Ako ang boss mo at tauhan lamang kita, sinasahuran kita para sundin mo ang lahat ng mga utos ko." "Sorry, sir. Aalisin ko na lahat ng mga gamit ko sa office." Tumalikod ito at maingat na isinara ang pinto ng opisina niya. Dalawang taon na niyang secretary si Diane. Minahal na siya nito at alam na alam niya iyon. Ipinaparamdam nito ang init ng pagmamahal nito sa kaniya tuwing nagtatalik silang dalawa. At ang pagmamahal ng dalaga sa kaniya ay hindi niya masusuklian kahit kailan. Binuklat niya ang pinirmahang kontrata ni Aryanda. Kailangan niya itong puntahan bukas para sabihin na kailangan na nitong mag-umpisa. Dahil ito ang papalit kay Diane bilang secretary at escort niya. HI BABE!" bati sa kaniya ni Tyron. Nag-angat siya ng tingin dito na nakatayo sa harapan niya habang may hawak na bola. Nakasuot ito ng ternong Jersey na may natatak na West University sa ibabang bahagi ng short nito at gitnang bahagi ng suot nitong jersey sando. "O, ikaw na naman!" naiinis na sabi niya. "Hindi mo ba ako na-miss, babe. May laro pala kami mamaya baka gusto mong manuod, i-cheer mo ako." Yumuko pa ito at isang pulgada na lamang ang layo namin nila sa isa't isa. Nakipagtitigan siya rito. "Ang kapal ng mukha mo!" matigas na aniya. Inilayo nito ang mukha sa mukha niya. "Sobra ka sa akin, babe." Pinaikot nito ang bolang hawak gamit ang hintuturo nito. "Bayaran mo ang oras ko sa pag-chi-cheer sa iyo." Humalukipkip siya. "Isisigaw ko pa ang buong pangalan mo, ano deal?" tanong niyang nakangisi rito. "At magkano?" dugtong nito na sumeryoso ang mukha. "Isang libong piso kada oras, payag ka ba?" tanong niya na nakangalumbaba sa harapan nito. "Okay deal!" Tumayo siya at isinukbit ang backpack sa braso niya. "O, halika na." Nginisihan niya ito at kinindatan. Inakbayan siya nito at hindi naman na niya iyon pinansin. Akbay lang naman at wala namang masama. NAG-UMPISA ng game ng West University at East University. Nakaupo siya sa ibabang bahagi ng sementong upuan hawak ang cartolina na may nakasulat na "GO BABE! KAYA MO 'YAN!" Pinagtitinginan siya ng mga kababaihan na nagkakagusto kay Tryon. Walang kaalam-alam ang mga ito na sa ginagawa niya ay magkakapera siya. Sa bawat three point shoot ni Tryon na sumisigaw siya. Malakas na sigaw na sinasabayan niya ng sayaw habang hawak ang cartolina. "Go, babe, kaya mo 'yan. Ilampaso mo ang mga uhugin na iyan!" sigaw niya habang pumupuntos ang University nila. Nag-flying kiss pa si Tryon sa kaniya. Napangiwi siya, at kunwari'y kinikilig na inabot mula sa hangin ang kiss nito patungo sa mga labi niya. Tila kinilabutan siya sa kaniyang ginawa. "Tyron Guzman, number 23, three points, mukhang ginagalingan ni Captain dahil narito ngayon sa game niya ang girlfriend nito.... na kitang-kita naman na sobra ang suporta sa boyfriend," sabi ng announcer na naririnig niya sa bawat sulok ng basketball court. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao pero wala siyang pakialam. "Tssk, iyan ba ang girlfriend ni Tyron, mukhang stress, tignan mo naman." Narinig niyang pag-uusap ng mga maarteng babae sa likuran niya. "Napaka-cheap, scholar nga raw iyan, e. Siguro kaya sila naging magsyota ni Tryon kasi bayarang babae 'yan!" Humagikhik pa ang mga ito. Binalingan niya ang mga ito at pinamewangan. "Hoy, mga babaeng mapupula ang tuka. Kung pag-uusapan ninyo ako huwag ninyong lalakasan dahil dinig na dinig ko kayo. Kung naiinggit kayo sa akin mamatay kayo sa inggit." Nagtaas siya ng kilay. "Hindi ba kayo nagtataka, ang gaganda ninyo pero hindi kayo pinapansin ni Tryon... kaiyak 'yon," nang-uuyam na aniya at mataray na inirapan ang mga ito na biglang natameme. Nainis siya parang gusto niyang sapakin ang mga ito at ilampaso sa basketball court para numipis ang mga magagaspang na pag-uugali ng mga ito. NAKAUPO mula sa malayo si Zachary na nakatingin sa ginagawa ni Aryanda. Naka-tattered black pants ito, rubber shoes at green plain t-shirt habang nakasuot ang backpack nitong Jansport sa likod. May hawak itong cartolina na may nakasulat na "GO BABE! KAYA MO 'YAN!" at panay ang tili sa lalaking kumakaway rito. Nanalo ang team ng boyfriend marahil ni Aryanda at masayang-masaya na nagyakapan ang dalawa. Nagkasalubong ang mga kilay niya sa ginawa nitong iyon. Naka-cross legs siya habang nakatuon ang pansin sa mga ito. At saka nakangalumbaba habang hinihintay na matapos ang laro. "Congratulations to our Team Captain Tyron Guzman, congratulations West University. At may bisita po tayo, Mr. Nicolas, he's here today, welcome here Mr. Nicolas and thank you for your donation," anang announcer na nasa tabi lamang niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan. Nakita niya ang reaksyon ni Aryanda na nanlalaki ang mga mata. Hindi nito inasahan na pupunta siya ngayong araw. Inaakbayan pa rin ng Team Captain ang babaeng magiging escort niya. Napailing siya habang nakatingin kay Aryanda, mukhang mahaba ang ipapaliwanag sa kaniya nito kapag nagkausap silang dalawa. Kinamayan niya ang mga coaches ng basketball game. Pati ang nga referees at mga ibang staffs na naroon. Ibinigay niya ang trophie kay Tyron at saka sumama sa picture taking ng mga ito habang nakaakbay si Tyron kay Aryanda. Hindi makatingin sa kaniyang mga mata ang dalaga na nanatiling nakayuko lamang at hindi siya pinapansin na parang hindi sila magkakilala. Napangiti siya sa inasta nito at kailangan nitong humanda sa parusang ipapataw niya rito. Bilang pagsuway nito sa rules ng kasunduan nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD