𝙼𝙷𝙰𝙻𝙴𝙴 05

1267 Words
MHALEE POV Pagdating sa bahay ng amo ni tita, napahanga at namangha ako dahil ang ganda, ang laki pa ng bahay. Halatang mayaman ang may-ari nito. Hindi basta-basta ang mga bahay dito dahil nasa isang subdivision sila nakatira. "Ang ganda naman tita. Ang yaman talaga ng amo mo." Hindi ko napigilang sabi ko sa kanya. "Mayaman talaga sila. Tapos ang mga anak ni sir nasa ibang bansa na, at doon na sila naka-base. Si sir Matias sana, gusto nilang kunin ngunit ayaw. Nandito daw kasi ang buhay niya sa Pilipinas. Kaya ayaw niyang umalis dito." Pagkukwento niya sa akin. "Gano'n po ba? Sabagay." Wika ko naman. Tapos ay nag-doorbell na si tita. Namamangha pa rin ako dahil ngayon lang ako makakapasok sa ganitong bahay. Maya-maya'y bumukas na iyon at may nakita akong matandang babae. Kasama rin ata ni tita sa trabaho. "Hi ate." Bati ni tita sa babae at nagbesohan pa sila. "Siya na ba ang kapalit ko?" Tanong ng matanda kay tita. "Oo teh. Si Mhalee. Kaibigan ng pamangkin ko." Nakangiting sagot ni tita sa matanda. Mukhang ayaw ata sa akin ng matanda sa akin dahil ang sama ng awra niya. Kapag nangyari iyon ay panigurado, wala akong trabaho. "Bakit ang bata? Diba sinabi ko naman sa’yo na bawal bata ang kunin mo?" Parang galit na sabi nito kay tita. Iniisip atang tamad ako dahil mukha akong bata kahit 24 na ako. "Hindi ate. Matanda na ’yan, 24 at may asawa na." Katwiran naman ni tita sa matanda. Gusto ko sanang sumagot at mukhang minamaliit ako ng matandang ito. Pero kinalma ko lang ang sarili ko at hinayaan si tita na ang kumausap. "May asawa ka na?" Tanong ng matanda sa akin. Kaagad naman akong sumagot kahit hindi totoo. "Okay, mamaya kakausapin ka ng amo ko. Mamaya mo rin malalaman kung pasok ka o hindi." Saad nito saka nagpapaalam na sa amin. Naiwan naman kami ni tita sa labas. "Anong problema niya?" Tanong ko kay tita. "Huwag mo na lang pansinin. Matanda na." Saad nito saka pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi ko na lang pinansin ang pananaray ng matanda. Kung namangha na ako sa labas ng bahay, mas namangha pa ako sa loob ng bahay dahil sobrang ganda. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong bahay. Ngayon lang kasi ako mangangamuhan at magiging katulong. "Kumain na muna kayo sa kusina, Zeny. Mamaya baba na si sir para enterbiyuhin siya." Sabi ng matanda. Dinala naman ako sa kusina ni tita habang namamangha pa rin dahil sobrang ganda talaga ng bahay. Gusto ko rin ganitong bahay para sa nanay ko. Pero mahirap lang ako, at walang natapos. Kaya hanggang pangarap na lang ako. "Kumain na muna tayo. Para kapag kinausap ka ni sir ay may laman ang tiyan mo." Saad ni tita na may ngiti sa labi nang makarating kami sa kusina. Pati ang kusina ay sobrang ganda rin. Tapos ang laki pa, mas malaki pa sa bahay namin. Napangiti rin ako kay tita at mas lalo pa akong napangiti nang makita kong may pagkain nasa mesa. At mukhang masasarap pa. Naupo na ako sa hapagkainan. Kailangan ko ngang kumain para bago ako humarap sa magiging amo ko ay may kain ako. Baka bigla na lang ako manghina at mahimatay sa kaba. Hindi pa naman ako kumain sa bahay dahil maaga akong umalis. Habang kumakain kami ni tita ay nag-uusap kaming dalawa. Pumasok naman si manang sa kusina at sinabing gising na ang amo namin. "After ninyong kumain, dalhin mo siya sa opisina ni sir para doon na lang siya kausapin." Dagdag pa nito bago umalis. "Masungit ba talaga si manang?" Tanong ko kay tita nang umalis na ang matanda. "Huwag mo na lang pansinin at tumatanda. Atsaka aalis na ’yan dahil gusto na niyang magpahinga. Tayo na lang dalawa ang nandito." Nakangiting saad nito na tila hindi apektado sa pagiging mataray ni manang. Mukhang nasanay na si tita Zeny. Napangiti naman ako at tumango saka kumain. May point si tita, hayaan na lang at matanda na. Nang matapos kumain ay dinala na nga ako ni tita sa opisina ng amo ko habang kinakabahan at kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko kasi alam kung matatanggap ako sa trabaho. Sa reaction kanina ni manang parang may kakaiba. Pagdating sa tapat ng pintuan sa baba ng hagdanan ay binuksan iyon ni tita Zeny at pinapasok na ako sa loob. "Hintayin muna lang huh?" Saad nito kaya tumango ako habang kabado at umalis na siya. Tapos ay nilibot ko ang mga mata sa paligid. Maganda ang opisina ng amo ko at ang linis niyang tingnan dahil kulay puti ang theme ng kulay. Medyo malaki rin ang opisina at ang daming libro sa may stante. May sofa rin sa loob ng opisina kaya doon ako naupo habang inaantay ang amo ko. May table office at swevil chair sa gilid ng opisina. At habang hinihintay ko ang magiging amo ko ay tenetext ko si Raven. Hindi ko alam kung nakaalis na siya para pumasok sa work. Makalipas nga ng ilang minuto ay bumukas na ang pintuan ng opisina at pumasok na ang amo ko. Nagulat naman ako ng makita siya. Akala ko ba matanda na? Pero parang hindi naman matanda ang lalaking pumasok sa loob ng opisina. Mukha naman hindi pa siya matanda kasi matikas pa ang pangangatawan. Hindi pa kuba, wala pang puti ang buhok at maayos pa ang lakad. Paanong naging matanda? Parang nasa 30+ lang siya. "Ikaw si Mhalee?" Tanong pa nito habang nakatingin sakin ng matitim. Shit! ang sarap ng boses niya. Lalaking-lalake. Sabi ko sa isip. "Ahm, opo sir." Sabi ko sabay tayo mula sa sofa. At hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil naiilang ako sa paraan ng titig niya. "Okey, ilan taon kana?" Tanong niya ulet habang patungo sa mesa niya at naupo. "24 po sir." "Really?" Parang nagdududa na tanong niya sakin. "Opo." Muli ay tugon ko sa kanya. Tumango-tango naman siya habang nakatingin parin sakin. Pakiramdam ko ay tumatagos ang tingin niya sa katawan ko. Hindi tuloy ako mapakali. Kinakabahan ako sa kanya. "May asawa kana?" Muli ay tanong niya. "Opo." Mabilis kong sagot. Sinabi ko lang ang sinabi ni tita Zeny. "Hmmm." Saad nito na parang nagdududa parin sa sinabi ko. "So, gaano mo ba kailangan ang trabaho na ito?" Muli ay tanong niya sakin. Na hindi parin inaalis ang tingin sakin. Para bang kriminal ako. Ganito ba talaga siya tumingin? Parang gusto akong kainin. Pero nakaseryuso ang mukha niya. Huminga naman ako kasabay ng pag-alala kay nanay. Nasa hospital pa siya at naggagamot bago pauwiin sa bahay. "May sakit po kasi ang nanay ko sir. Kaya kailangan ko ang trabaho na ito." Sagot ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang totoo. Napatango-tango naman ito habang nakatingin sakin. Kakaiba ang titig niya sakin dahilan para makaramdam ako ng ilang. Parang nanunuot sa buo kong katawan ang mga titig niya. Parang may ginagawa siya sa katawan ko na hindi ko maintindihan. "Okey tanggap kana. Pero stay in ka." Kapagkuwan ay sabi niya. "Ho? Akala ko po ba stay out?" Gulat kong tanong. "Kailangan mo ang trabaho diba? Stay in ka." Masungit niyan sabi. Napakagat na lang ako sa ibabang labi at hindi na nagsalita sabay iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil stay in ako. Akala ko pa naman ay makakasama ko pa ang boyfriend ko gabi-gabi. Hindi na pala dahil stay in ako. Sana lang ay hindi magalit si Raven. Umaasa pa naman iyon na stay out ako. Gusto niya kasi ay magkasama parin kami kahit may work na ako, at nagagawa parin namin ang dati naming ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD