πΎπππ₯π©ππ§ 04
πΌπ·π°π»π΄π΄ πΏπΎΜπ
ππΌππππΌπ πΌππ ππ ππΌππΌππΌπ kung na hospital si nanay. Sinugod siya sa hospital sabi ng mga kapitbahay namin. Nasa bahay ako ni Raven ng mga oras na iyon dahil wala siyang trabaho at day off niya.
Pagdating ko sa hospital ay nakita ko ang kuya ko. At siya pala ang nagdala kay nanay sa hospital. Mabuti naman at may pakinabang 'din sa wakas.
" Anong nangyari kay nanay?" Tanong ko agad sa kuya ko ng makalapit at kinabahan.
" Hindi ko alam, pero may ginawa kay nanay na mga test para malaman kong anong sakit niya." Sagot ng kuya ko sakin.
Napatango-tango naman ako. Hindi ko alam kong bakit siya dinala sa hospital at kong anong sakit niya. Ang alam ko lang ay may ubo si nanay. Pero grabe 'yung ubo niya. Hindi ko akalain na madadala siya sa hospital.
Tahimik lang ako habang nakaupo sa gilid ng kama ng hospital bed ni nanay.
Amoy alcohol at gamot ang paligid. Naririnig ko ang mahinang tunog ng makina sa tabi ng nanay ko. Ang kuya ko naman ay nagpaalam muna saglit at magyoyosi lang daw muna siya sa labas. Alam ko kinakabahan rin siya.
Nang makaalis na si kuya. Lumapit naman ang doktor, may hawak na clipboard.
β Kayo po ba ang bantay ni nanay?" Tanong sakin ng doktor. Kaagad naman akong tumango. " Lumabas na po ang resulta ng X-ray at sputum test ng nanay ninyo. May TB po siya, tuberculosis sa baga.β
Napalunok ako ng laway ng marinig ang sinabi ni doktora. Kaagad akong nakaramdam ng takot sa dibdib dahil TB daw ang sakit ni nanay.
βTB, Doc? Pero, puwede po bang gumaling βyon?β Kumakabog ang dibdib na tanong ko habang nanglalamig ang mga kamay ko. Hindi ko kakayanin kapag may mangyare kay nanay. Kasalanan ko 'to dahil pinabayaan ko si nanay na magtrabaho mag-isa. Kong hindi ko siya hinayaan ay baka wala siyang sakit ngayon.
" Oo naman." Mabilis na sagot ni doktora sakin. " Gagaling siya basta tuloy-tuloy ang gamutan. Kailangan lang magpahinga at uminom ng gamot araw-araw sa loob ng anim na buwan.β Pahayag pa nito dahilan matigilan ako sa narinig. Six months ang gamutan? Tang ina, kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Kong aasahan ko ang aking kuya ay baka mamatay si nanay. Si nanay na lang ang merun kami dahil wala na si tatay.
Maya-maya'y nagpaalam na si doktora matapos sabihin ang mga dapat gawin namin.
Dahan-dahan akong napaupo, pinisil ang kamay ni nanay ng mahina saka bumuntong hininga habang naluluha.
Mahina akong bumulong. β Nay, gagaling ka, ha? Hindi mo kami pwedeng iwan. Maghahanap na po ako ng trabaho para hindi kana magtrabaho." Wika ko habang naluluha.
Maghahanap na talaga ako. Bahala na, sisiguraduhin kona lang na kay nanay mapupunta ang sahod ko. Dumating naman ang kuya ko at nagtanong agad.
" Dumating na ba ang doktor? Anong sabi?"
Gusto ko sana siyang sumbatan, ngunit kasalanan ko rin naman kong bakit nagkasakit si nanay. Kong nagtrabaho lang sana ako, edi sana ay hindi siya magkakasakit.
" TB daw." Mahina kong sagot at huminga ng malalim saka tumingin dito. " Hindi na pwede magtrabaho si nanay, kuya. Kaya sana pwede, magtrabaho kana. Buhayin mo na ang pamilya mo at ako na ang bahala kay nanay." Sabi ko sa kanya.
Napatitig naman si kuya sakin at huminga ng malalim bago sumagot.
" Sige, maghahanap na ako. Para makatulong ako sa gamutan ni nanay." Kapagkuwan ay sagot nito. Nakahinga naman ako ng malalim. Akala ko ay sa sabihin niyang mahirap maghanap ng trabaho.
" Salamat." Sabi ko saka nagpaalam na dito. Pupuntahan ko ang tiyahin ni Mel kong nakausap na ba nito ang amo niya. Kailangan ko ng magtrabaho para may panggamot si nanay. Hindi na siya pwede magtrabaho dahil may sakit na siya. Kakalaba niya iyon at wala ng pahinga, kaya nagkasakit na si nanay.
Pagdating sa bahay ng tiyahin ni Mel ay kumatok ako sa pintuan ng bahay nila. Kilala ko ang tiyahin ni Mel dahil palagi ko naman iyon nakikita. Sana lang ay nandito na siya dahil gabi na.
Hindi ko naman makita ang kaibigan ko, at baka may pinuntahan ito. Bumukas naman ang pintuan at nakita ko ang anak ng tiyahin ni Mel.
" Mama mo be?" Tanong ko sa bata.
" Lumabas po. May binili lang." Sagot ng batang lalake. Mga sampung taon ata ang edad.
" Gano'n ba? Sige balik na lang ako." Wika ko saka akmang aalis na ay nakita ko si tita Zeny. Nagulat pa ito ng makita ako.
" Mhalee. Nandito ka?"
Ngumiti naman ako sa kanya. " Tita nakausap niyo na po ba ang amo mo?"
" Ay, oo. Sinabi ko kay Mel na sabihin sayo." Saad naman niya sakin.
" Gano'n po ba? Ano pong sagot? Pwede na po ba akong pumasok? Kasi kailangan ko na po ng trabaho eh." Sabi ko sa kanya habang kinakabahan. Mamaya kasi ay may nakuha na silang iba.
" Punta ka dito bukas ng 6am kasi 7am ang pasok ko. Gusto ka lang muna makita ng amo ko bukas." Saad nito, dahilan para makaramdam ako ng lungkot. What if ay hindi ako matanggap diba? Kinakabahan tuloy ako.
" Ahm, sige po tita. Bukas po." Wika ko sakanya saka nagpaalam na dito. Malungkot akong umuwe sa bahay. Malungkot dahil nasa hospital si nanay. Tapos ay hindi pa ako sure kong matatanggap ako bukas. Balak ko sanang bumale agad, para may panggamot na si nanay.
Pag-uwe sa bahay ay sinalubong agad ako ni Lena.
" Hinahanap ka ni Mel. Nandito siya kanina." Sabi niya sakin. Tumango naman ako saka binigyan siya ng pera para pambili ng bigas at ulam.
" Noodles na lang ulet tayo. Wala akong pera eh." Ani ko sa kanya, sa malungkot na tono. Tapos ay pumunta sa kwarto dahil si Lena na ang magluluto.
Naaawa ako kay buntis dahil wala siyang nakakain na masustansiyang pagkain. Palagi na lang noodles, itlog, sardinas ang ulam namin.
Wala eh, mahirap lang kami at tamad ang asawa niya. Hindi talaga siya makakain ng masustansiya.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil pupuntahan ko 'yung trabaho. Nagpaalam na ako kay Raven kagabi na aalis ako ngayon. Nalulungkot siya dahil baka maging stay in daw ako. Sabi ko naman sa kanya ay stay out ako, kaya magkikita parin kami gabi-gabi.
Kaagad kaming umalis ni tita patungo sa bahay ng amo niya. Isang sakay lang daw patungo doon.
" Mabait ba ang amo mo tita?" Tanong ko habang nakasakay kami ng jeep.
" Mabait naman. Pero matanda na."
" Matanda na? Babae o lalake?" Muli ay tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako, sana lang ay mabait nga ang magiging amo ko, o amo niya rin.
" Lalake, kasi biyudo na si sir Matias. At nasa ibang bansa naman ang mga anak niya. Bale mga katulong lang niya ang mga kasama dito." Nakangiting sagot niya sakin. Nakaramdam naman ako ng kaba sa dibdib. Hindi ko alam kong bakit ng malaman kong lalake pala ang magiging amo ko. " Huwag kang matakot, mabait naman si sir. Tapos wala pa palagi sa bahay dahil nando'n siya palagi sa hardware niya." Pahayag nito. Mukhang napansin ni tita na kinakabahan ako. Napangiti naman ako at nakahinga dahil wala palagi ang amo namin sa bahay.
Natatakot kasi ako, mamaya kasi ay mangyakis ang amo namin. Iba pa naman kong makatingin.
Ang sabi nga ng iba ay kapag matanda na ay malilibog daw iyon. Lalo pa ngayon, wala ng asawa ang amo ko diba? Hindi ko lang masabi kay tita at baka pagalitan ako.