Isang buwan na ang lumipas. . .
Ngunit wala pa ring Gabriel Mondragon na nagpapakita sa akin para kunin ang anak ko.
Andirito pa rin ako sa South Ridge kung saan ako ibinahay pansamantala ni Gabriel. I am waiting for him to appear in front of the house everyday. At sa bawat araw na nagdaraan na kasama ko ang baby ko ay parang isang malaking torture para sa akin.
Torture because. .
I am not letting myself to fall in love with this little fella that I am holding right now. But how I cannot? He is so adorable and lovely. I can't help but to fall in love with him.
I am putting him to sleep while I am breastfeeding him when someone knocks on my front door.
Bigla naman akong nakaramdam ng pangamba but because of thinking that it was just Trina ay dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo, tinungo ang pintuan habang buhat at pinapadede ko pa rin si Gabino.
Pagkabukas ko ng pinto ay isang napakagwapong nilalang ang tumambad sa akin.
"G-Gabriel. . ." mahinang sambit ko.
It was Gabriel Mondragon wearing his infamous poker face na hindi mo alam kung masaya siyang makita ako o hindi.
Hindi ito nagsasalita ngunit nakatingin lang ito sa bandang dibdib ko. Bigla naman akong na-conscious dahil halos makita na ang kanang s**o ko habang dumedede pa rin dito si Gabino.
Yes, I already named my son, Gabino Mondragon. At first, wala talaga akong planong bigyan siya ng pangalan because I am giving that opportunity to the couple. But then, mahirap para sa akin na isang linggo ko na siyang nailuwal ay hindi man lang siya magkaroon ng sariling pangalan at marinig na tawagin ko siya gamit ito, that's why I registered him as Gabino Mondragon. Sunod pa rin naman ito sa pangalan ni Gabriel kaya siguro ay pagbibigyan niya na ako kapag hiniling kong iyon na ang maging pangalan ng baby.
Ilang segundo pa ang lumipas ng halos mapaigtad ako nang biglang haplusin ni Gabriel ang pisngi ng bata kung saan hindi niya maiwasang hindi masagi ang s**o ko na nakaluwa.
"Sorry, I just feel excited to touch him." Tumingin na ito sa akin naramdaman niya sigurong nakaramdam ako ng awkwardness dahil sa pagkakasagi niya sa dibdib ko.
Ngumiti na lang ako ng alanganin at pinatuloy na siya sa loob ng bahay.
Bumalik ako sa aking puwesto kanina dahil hindi pa tapos dumede si Gabino. Napansin ko namang umupo siya sa katabing single sofa ko.
"A-ah teka lang ha," hindi mapakaling sambit ko. Kasi ang awkward lang na nakatitig siya sa akin habang pinapadede ko ang anak namin. . . I mean ang anak nila ni Rowena.
"Take your time. Mukhang hiyang siya sa gatas mo. And he looks sleepy..." tugon lang nito na nginitian ko na lang din para matuldukan na ang usapan namin tungkol sa breastfeeding. Ang awkward kasi.
Nakatulog na rin ng tuluyan si Baby Gabino, inilapag ko na siya sa kunang binili ko para sa kaniya. At kaagad bumalik sa pagkakaupo, tumingin ako kay Gabriel na mukhang hindi komportable sa kinauupuan niya. He looks bothered.
"May problema ba? You look uneasy," komento ko.
"Ah ganyan ka ba talaga? Not wearing your bra kahit may bisita ka?" Napansin ko namang nakatitig siya sa bandang dibdib ko kaya napatakip ako roon ng unan.
"Don't stare at it, its making me uneasy too. Atsaka nasanay na akong hindi nagsusuot ng bra lalo na at time to time, I need to breastfeed Baby Gabino," paliwanag ko.
"Baby Gabino?"
"Yeah. I already named him, if its okay with you," sagot ko na ikinangiti naman niya.
"Its okay ... I love the name, Gabino Mondragon, it sounds like my name." Mabuti na lamang at nagustuhan niya ang pangalang ibinigay ko sa anak nila.
"K-kukunin mo na ba siya?" walang pakundangang tanong ko sabay hawak sa aking dibdib. Bakit ganito, ang sakit sa damdamin na malamang kukunin na siya sa akin ni Gabriel, na dumating na yung araw na lagi kong pinaghahandaan pero hindi pa rin pala ako handang tanggapin.
"Rowena is already waiting for the baby," sagot nito. Wala na akong magagawa to stop this day for coming. Tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya saglit.
"Okay . . . I will just prepare all his things." Tatalikuran ko na siya para umakyat sa kwarto namin ni Baby Gabino para ayusin na ang mga gamit nito nang hawakan ni Gabriel ang braso ko, kaya napatigil ako sa paghakbang.
"Teka, Raffi. Alam ko mahirap para sa'yo. . ." sambit niya pero hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya pa dahil nagsalita na ako.
"Alam kong darating din ang araw na ito, kaya it's okay. . . I am already p-prepared for this, physically, mentally, and emotionally." At marahan kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko.
"Raffi," pagtawag niya sa akin pero umakyat na ako sa kwarto namin.
Tinutupi ko na ang mga damit ni Baby Gabino nang hindi ko na napigilang mapaluha.
Ang sakit. . .
Para akong sinaksak ng ilang beses sa aking puso, hindi ko kayang ibigay ang anak ko.
Umiiyak ako habang yakap-yakap ang pinakaunang damit na sinuot ni Baby Gabino nang isinilang ko siya.
"Raffi. . ." Napatingin ako sa taong biglang pumasok ng kwarto ko.
Lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking pisngi na basa na ng luha. Tumingin ako ng deretso sa kaniyang magandang mga mata.
"G-Gabriel, hindi ko kaya. Hindi ko kayang ipamigay ang batang dinala ko ng siyam na buwan sa tiyan ko, isinilang at inalagaan ko ng halos isang buwan sa aking bisig."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin kung kaya't mas lalo akong napaluha.
Ngunit hindi ko inasahan ang mga sumunod na sinabi nito.
"Ako rin, Raffi. Hindi ko kaya, hindi ko na kayang pigilan itong pagnanasa na nararamdaman ko para sa'yo."
Hinawakan niya ang mukha ko at naramdaman ko na lamang na nakadampi na ang labi niya sa labi ko, and he is kissing me passionately na hindi ko mapigilang tumugon dito.
Naramdaman kong nakahiga na ako sa kama habang nakapatong na siya sa akin.
Hindi ko na alam ang nangyayari, hindi. . . Alam ko! Alam ko ang nangyayari, Gabriel is kissing me. Hinahalikan niya ako sa bawat parte ng aking mukha at leeg hanggang ipinasok niya ang kaniyang palad sa loob ng aking damit at hinaplos ang aking may kalakihang mga s**o.
At alam ko ring mali ito!
"Hmm. . ." ungol ko.
Napaliyad ako ng pinisil niya ito at napakapit sa kaniyang leeg. s**t!
This is wrong . . . but damn, I miss him.
Hinubad niya ang aking damit kung kaya't bigla kong naramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat at parang binuhusan ako ng sobrang lamig na tubig nang magising ako sa kamaliang ito!
Tinulak ko siya at niyakap ang aking sarili. Tinignan ko siya . . .
"Anong ginagawa mo, Gabriel!" singhal ko pero lumapit ulit ito sa akin at pilit hinahawakan ang aking braso.
"Lumayo ka sa akin! This is wrong!" sigaw ko pa sa kaniya at tulak pero imbis mapalayo ko siya sa akin ay nagbigay access pa iyon sa kaniya to get a hold on me.
Pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking beywang at pilit hinahalikan ako sa aking leeg pababa sa aking dibdib.
"Raffi. . . please I just need to release this thing I am feeling right now."
Ano raw?
Muli ko siyang pwersahang itinulak palayo sa akin. At sinampal ko siya upang magising sa kamaliang nais niyang gawin namin.
Nagkatinginan kami, wala na akong pakialam kung nakikita na niya ang aking hubad na itaas na bahagi.
"Gago ka ba, Gabriel! Binayaran mo lang ako para maging baby-maker mo, inupahan mo lang ang matres ko, at hindi para maging kabit mo!" sigaw ko sa kaniya.
Napayuko ito.
"Hindi naman kita gustong maging kabit, Raffi-" sambit niya na ikinaluwag naman ng aking dibdib. Magsasalita pa sana ako ng muli siyang magsalita.
"Magkano ka ba, Rafaela?" mahinang sambit niya pero sapat na para madinig ko.
"W-what?" hindi makapaniwalang tugon ko.
Halos mag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Tumaas naman ito ng tingin sa akin.
"Just let me use you this night, again. . . gusto ko lang ilabas itong hindi ko mapigilang pagnanasa para sa'yo ... please, Raffi. Para na akong mababaliw, at baka magkasala na ako ng tuluyan kay Rowena kapag hindi ko pa ito mailabas lahat ngayon!" litanya niya na parang problemadong problemado.
Hindi ko alam pero lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
I feel pity of him. I know his confuse at hindi maaaring magtagal ang confusion niyang ito. Kaya kailangan niyang maramdaman na si Rowena pa rin ang asawa at ang mahal niya, hindi ako.
At baliw na rin kung baliw pero kung ito lang ang tanging paraan para matapos na ang pagnanasang nararamdaman ni Gabriel sa akin ay gagawin ko.
Ayokong makasira ng pamilya kung kaya't kahit ikasira man ng buong pagkatao ko itong pagpayag kong muli para sa isang gabing kasama siya ay ayos lang hangga't mabigyan ko ng magandang buhay si Baby Gabino sa piling niya at ni Rowena.