ROWENA'S POV
"Miss Rowena, hindi pa ba kayo uuwi?" tanong sa akin ni Sarah. Umiling lang ako at ngumiti.
"Mauna na kayo, ako na ang magsasarado ng studio. Susunduin kasi ako ni Gabriel eh." Nakita ko ang pagsimangot ng sekretarya ko. Napansin ko siyang tumingin sa kaniyang wristwatch.
"Pero Miss, maga-alas otso na po, di ba po alas singko niya kayo susunduin dapat?" sambit pa nito.
"Baka may naging problema lang sa opisina niya kaya na-late siya. Sige na, Sarah... I can handle myself." Ngumiti na lang ako ulit sa kaniya at nagpakalumbaba sa mesa ko.
Saan na kaya si Gabriel?
Narinig ko na lamang ang pagbuntonghininga ni Sarah. "Sige po, Miss Rowena, mauna na po ako. Ingat po kayo ha," paalam na nito.
Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan si Gabriel, actually kanina pa ako tumatawag sa kaniya pero ring lang ito ng ring. And for the nth time, hindi niya ito sinasagot hanggang maging unattended na ang number niya.
What's wrong with him? Hindi kaya naaksidente siya o kung ano man?
Nako, huwag naman sana. . .
**************
GABRIEL'S POV
"Bakit andilim ng bahay?" tanong ko sa aking sarili. Mukhang wala pa si Rowena, kaya mabilis akong pumarada at bumaba ng sasakyan. Papasok na ako ng pintuan nang may maalala ako!
"Potangina ka, Gabriel!" mura ko sa aking sarili at mabilis na bumalik sa sasakyan ko upang umalis at sunduin si Rowena.
Nakapangako nga pala akong susunduin ko siya. s**t!
Why of all the things na makakalimutan ko ay ang bagay pa na iyon. Tinignan ko ang wristwatch ko and just f**k me! Ang gago ko, maga-alas otso na pala ng gabi at paniguradong naghihintay pa rin hanggang ngayon si Rowena sa akin.
Rowena is the kind of woman na kapag pinangakuan mo ay talagang maghihintay siyang tuparin mo iyon, even it will cost her to wait forever.
Nang marating ko ang studio niya ay mabilis akong pumarada sa tabi at bumaba ng sasakyan ko. Napansin ko na kaagad ang nakabukas na ilaw ng kaniyang studio. Damn it!
Mabilis akong pumasok doon and I saw her. . . sleeping soundly sa kaniyang mesa. Nilapitan ko siya and I touch her beautiful face.
"G-Gab?" sambit nito nang magising siya dahil siguro sa paghaplos ko sa kaniyang pisngi. She smiles at me.
"Sorry, honey." At dinampian ko siya ng halik sa kaniyang labi.
"It's okay. Bakit ka ba na-late, nagkaproblema ba sa office mo?" tanong niya habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit.
Shit. Anong sasabihin ko, na mas una kong binisita ang baby-maker ko kaysa sunduin siya?
"Hmm," simpleng tugon ko lang sabay tango.
"Tumatawag ako. . . you should have called me kung sobrang mahalaga ng inasikaso mo, para umuwi na lang ako," nakangiting sambit nito. I shouldn't be guilty dahil wala naman akong ginagawang masama. I just visited our baby-maker dahil nag-alala ako sa kalagayan ng magiging anak namin ni Rowena. Ngunit hindi ko maiwasang hindi ma-guilty because sa totoo lang, I am already lying to her now. Pero hindi niya maaaring malaman ang tungkol kay Rafaela at sa business deal namin.
"Sorry, Hon, hindi ko na na-check ang cellphone ko," tanging nasabi ko na lang.
"It's okay, tara na?" paanyaya niya naman kaya inakay ko na rin siya palabas ng kaniyang studio.
**********
ROWENA'S POV
"Gabriel. . ." tawag pansin ko sa kaniya. Nakahiga na kami sa kama habang nakaunan ako sa kaniyang dibdib. Kakatapos lang naming mag-make up s*x dahil sobrang na-guilty raw siya nang makalimutan niyang sunduin ako kanina.
"Hmm?" turan nito, tiningala ko naman siya at nakita kong nakapikit na pala ito pero hindi pa siya natutulog.
"About the thing that you are asking for. . . I will agree about it." Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa akin bago napamulat at napaupo.
"W-what did you say?" tanong niya. Ngumiti naman ako.
"Sabi ko pumapayag na akong mag-ampon tayo ng new born baby." Wala akong narinig na tugon sa kaniya ngunit mahigpit niya akong niyakap, yakap na punong-puno ng pasasalamat at pagmamahal. Naramdaman ko rin ang pamamasa ng aking hubad na balikat.
Is he crying? Aww.
"Thank you so much, Rowena. Thank you so much, I love you."
Ganito rin kaya siya kasaya kapag ako talaga ang buntis sa magiging anak namin, sana?
Sana nga. . .
********
MONTHS PASSED. . .
RAFAELLA'S POV
"Raffi. . . ang cute ng baby mo!" Napatingin naman ako sa hawak na baby ni Trina pero mabilis ko ring inilihis ang aking tingin.
"Ilayo mo sa akin ang batang iyan, Trina," tanging nasabi ko lang.
"Raffi, huwag kang ganiyan, kailangan pa ring mag-breastfeed ng bata sa'yo," sambit nito kaya tumalikod na lang ako ng higa sa gawi niya.
Ayokong makita ang baby ko, kahit gustong-gusto ko man.
Masakit, sobrang sakit sa akin na hindi niya na ako makikilala at makakalakihang ina. Dahil ilang araw na lang kukunin na siya sa akin ni Gabriel Mondragon.
Kaya ngayon pa lang inilalayo ko na ang loob ko sa kaniya.
"Nakontak mo na ba si Gabriel?" tanong ko na lamang.
"Hindi pa, ang sabi ni Atlas nasa ibang bansa raw ito kasama ang kaniyang asawa."
Nanganak akong wala siya. . . actually ang huling kita ko sa kaniya ay noong muntik na akong makunan. And after that, hindi na siya dumadalaw sa akin o tumatawag to ask about the baby, which is okay lang dahil iyon naman ang gusto ko.
Mabuti na lang din at andiyan si Trina para umalalay sa akin hanggang sa makapanganak ako.
"So anong plano niya sa batang iyan? Hanggang kailan sa akin ang anak nila?" Hindi ko alam ang dapat maramdaman, kung matutuwa ba ako dahil may ilang araw pa kaming pagsasamahan ng anak ko o hindi dahil mas lalong mahirap para sa parte ko na tumagal sa akin ang bata at baka hindi ko na kayaning ibigay pa siya kina Gabriel at Rowena.
"Hindi ko alam, Raffi. Pero hangga't andito pa sa'yo ang baby, i-cherish mo muna." Napalingon naman ako kay Trina, hawak-hawak pa rin nito ang baby ko.
"Gusto mo na ba siyang buhatin?" tanong nito, I still have this hesitation na baka kapag hawakan ko nag baby ay mas lalo lang akong mahirapang bitawan siya kapag kinuha na siya sa akin ni Gabriel.
Pero gusto ko siyang maramdaman sa mga bisig ko. Kung kaya't tumango ako kay Trina bilang pagsang-ayon na gusto ko nang mahawakan ang baby ko.
Yes, baby ko. Baby namin ni Gabriel Mondragon.
Umupo naman ako mula sa aking pagkakahiga kanina at dahan-dahang iniabot siya sa akin ni Trina. At hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. . . I just wanted to cry.
Tinignan ko ang baby boy ko na mahimbing na natutulog sa aking bisig. Napatingin ako kay Trina na nasa tabi ko lang at nakangiting nakatingin lang sa amin ng anak ko.
"Ang gandang bata niya, Raffi. Ang ganda ng combined genes niyo ni Gabriel Mondragon." Napangisi ako sa sinabi ni Trina at itinuon ang buong atensyon ko sa baby ko na hawak-hawak ko na ngayon.
"Parang ayaw ko na siyang ibigay kay Gabriel," wala sa huwesyong sambit ko.
"Gaga ka ba, makapangyarihang tao si Gabriel Mondragon, Raffi. Siguradong hahanapin ka niya at kukunin ang bata kahit itago mo pa ito." Napabuntonghininga na lang ako.
"Bakit ako humantong sa sitwasyong ito, Trina? Bakit?" hindi ko mapigilang maitanong kay Trina habang yakap-yakap ko ang aking anak., Kissing his forehead, nose, eyes, cheeks. . . Oh my God, kakayanin ko bang mawalay sa batang sariling dugo't laman ko rin?
Hindi ko mapigilang mapaluha lalo na nang magising ang baby ko, and I saw how his cute brown eyes stare at me na akala mo ay nakikita niya na ako ng klaro. Bakit ang sakit. . . to let this little boy go away from my arms, in no time.
Hinawakan ko ang maliliit na daliri nito when he tried to reach my face. Mas lalo akong napaluha sa kaisipang hindi ko na siya makakasama sa kaniyang unang paghakbang, pagsalita, at hindi ko na mahahawakan ang kaniyang palad habang hinahatid ito sa unang araw niya sa eskwela.
Naramdaman ko naman ang pagtapik ng marahan ni Trina sa aking balikat.
"Always remember, hindi mo siya inabanduna, Raffi . . . you love him with all your heart. You just need to do it and not because you wanted to."