"Rowena. . ."
"Please consider us adopting a new born baby. . ." Mga katagang sinambit ni Gabriel kagabi na hindi mawala-wala sa isipan ko.
"Rowena? Still there, anak?"
Napabalik-huwesyo ako nang marinig ko ang boses ng aking ina sa kabilang linya, tinawagan ko kasi ito ngayong umaga para hingin ang opinyon niya sa kagustuhang mag-ampon ni Gabriel ng bagong silang na baby. I need my mom's opinion about this, ayokong magsisi ako sa huli kapag nagdesisyon kaagad ako na hindi siya kinokonsulta.
"Ah, Mom. . . yes, I called because I just want to ask you about something. I really need your opinion about this," sambit ko pero nag-aalangan pa rin akong buksan ang tapiko tungkol sa bagay na iyon ngunit I really need to do this.
"What is it, anak?"
"Is it okay to adopt a new born baby?" tanong ko ng deretso sa aking ina.
"Mag-aampon kayo ni Gabriel? Wala na bang ibang paraan para mabuntis ka, anak?" balik tanong nito na gumuhit ng kung anong sakit sa aking damdamin. Hindi naman lingid sa kaalaman ng aming mga magulang ang sitwasyon ko. . . that I am incapable of bearing my own child, our own child ni Gabriel. But I know they are still hoping for some miracles to happen pero pagod na akong umasa.
"Mom. . ." sambit ko na may himig na nakikiusap to drop the chances and hopes na mabuntis pa ako.
"Sorry, anak, I know its hard, hindi ko na bubuksan uli sa'yo ang tanong na iyan. At kung tatanungin mo ako about adopting a child lalo na kung bagong silang, sa akin, walang problema iyon as long na masaya kayong mag-asawa. And if that child will strengthen your marriage, then go for it. Mas maganda na ring bagong silang ang aampunin niyo dahil kayo kaagad ang kakamulatang magulang ng bata." Napabuntonghininga naman ako. At least my mom is open-minded about it. Mas maganda pa rin kasi na alam nila, at maaga palang alam kong matatanggap nila ang magiging baby namin ni Gabriel.
"Thanks, Mom. . ." iyon lang ang ang isinagot ko bago binaba na ang tawag.
*************
Naging abala ako sa buong maghapon dito sa aking studio dahil may ilalabas kaming bagong clothing line na itatampok sa next month na issue ng magazine ko.
"Miss Rowena." Napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin.
"Yes, Sarah?" tugon ko sa kaniya. May hawak itong wireless telephone na iniabot niya sa akin na tinanggap ko naman kaagad at idinikit sa aking tainga.
"Hello?" sambit ko.
"Honey. . ." Oh it's Gabriel! Napangiti naman ako.
"Yes, Hon? Napatawag ka," sagot ko.
"Sunduin kita mamaya, anong time ka matatapos?" tanong niya na mas ikinangiti ko pa. Dahil matagal-tagal na rin ang huling beses na sinundo niya ako rito sa studio.
"Hmm. . . maybe 5PM," sagot ko.
"Okay, Honey. . . expect me to be there later. I love you."
"I love you too." At ibinaba ko na ang tawag.
Kinikilig naman ako sa isiping susunduin ako ng asawa ko. Excited na akong mag-alas singko ng hapon . . . dapat pala sinabi ko na lang na 3 PM para isang oras na lang ay makikita ko na ang pinakapogi at pinakamamahal kong lalaki. Anyway, ayos na rin iyan para hindi mawala ang spark sa pagsasama namin dahil malimit naming nakikita ang isa't-isa kaya hindi kami ganoon mauumay at mas lalo pang magkaka-spark ang relationship namin dahil nakakaramdam kami ng pagka-miss sa isa't-isa.
************
RAFAELA'S POV
"Ano ba kasing pinanggagawa mo, Raffi?" bulyaw kaagad ni Trina sa akin pagkapasok niya sa kwartong kinaroroonan ko. Napairap na lang ako sa kaniya dahil masakit pa ang balakang ko at wala akong ganang makinig sa mga bulyaw niya sa akin.
Napansin naman niya yatang ayokong makipagtalo o usap sa kaniya. Kaya tinignan niya na lang ang doktora at tinanong.
"Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby?" Napapikit na lamang ako dahil antok na antok na talaga ako. Pero bago pa man ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang sinagot ng doktora na nagpa-at ease sa akin.
"Okay naman silang pareho, mabuti na lamang at malakas ang kapit ng bata."
Napahawak ako sa aking tiyan. . . Sorry, anak, bulong ko sa aking isipan at unti-unting nagpalamon sa kadiliman.
********
Nagising ako sa mumunting haplos ng mainit na palad sa aking buhok at pisngi. . . so comforting. Ayaw ko pa sanang imulat ang aking mga mata dahil napakasarap sa damdamin ang ginagawang marahang paghaplos nito sa akin ngunit gusto kong makita kung sino ito, kung tama ba ang hinala ko na si Gabriel ito.
"Hi, Rafaela. . ." pagbati niya na nakangiti sa akin.
Tama nga ako. . . it's Gabriel Mondragon, my client.
Itinabig ko naman ang palad niyang nasa pisngi ko at pinilit na umayos ng pagkakaupo sa higaan. Tutulungan niya pa sana ako ngunit sinabi kong "kaya ko na," kaya bumalik na lang siya sa kaniyang pagkakaupo sa upuang nasa gilid ng kama ko, at matamang tumingin sa akin.
"What happened, Raffi? Muntik ng nawala ang baby namin ni Rowena," marahan pero may diing tanong niya sa akin kaya napalihis ako ng tingin, hindi ko siya kayang titigan ng deretso sa kaniyang magagandang mga mata. Wala akong planong sagutin ang tanong niya dahil ayoko lang kung kaya't hinanap ko na lang si Trina, wala kasi ito sa loob ng silid na kinaroroonan ko.
"Nasaan si Trina?" sambit ko.
"Lumabas lang saglit, may bibilhin daw na vitamins," casual na sagot niya naman sa akin.
"Sagutin mo ako, Raffi, what happened?" sambit niyang muli nang hindi na ako nagsalita at mas piniling tumingin sa may bintana. . . ang ganda ng panahon, sana laging ganito, maayos at okay ang lahat.
"Bakit ka pala andirito? Di ba sabi ko pagkapanganak ko na ikaw bumisita, mukha na ba akong manganganak, matagal-tagal pa ang hihintay mo, Mr. Mondragon," sarkastiko kong turan sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghawak nito sa braso ko kaya napatingin na ako sa kaniya na walang emosyon.
"Buti kung may aasahan pa akong bata pagkalipas ng ilang buwan, kung parating tatawag si Trina sa akin at sasabihing nasa Hospital ka at muntik ng malaglag ang anak ko!" galit nitong turan na nagpakagat-labi sa akin at nagpayuko.
"S-sorry," tanging naisagot ko lang. Dahil bali-baliktarin man ang sitwasyon ay kasalanan ko kung bakit muntik ng mawala ang anak nila ni Rowena. Binitiwan naman nito ang mahigpit na pagkakahawak niya sa aking braso at frustrated na sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang palad.
"Raffi, wala akong ibang hinihingi sa'yo kundi alagaan ang sarili mo habang dala-dala mo ang anak ko. Alam mo bang nararamdaman kong gusto na ni Rowena na mag-ampon kami ng new born baby. . . kung kaya't kailangan mong alagaan at mailabas ang anak namin ng healthy at walang komplikasyon." Napatingin ako ulit sa kaniya.
"I-i know, that's what I am paid for, to give you a child that will complete the family you and your wife are dreaming to have. Mag-dodoble ingat na talaga ako to protect my, our baby, I mean your baby." At yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tignan ng deretso. Pero inangat niya ang aking mukha to face him and wipe my tears na hindi ko napansing tumulo na pala sa sobrang takot ko siguro at kaba na baka magalit na sa akin si Gabriel dahil muntik ko ng mapatay ang baby niya.
"Shh... Tahan na, Raffi. It's okay, I know hindi mo sinasadya ang nangyari ngayon. At least napatunayan ko ring malakas ang kapit ng baby namin meaning he/she is a healthy baby and thanks to you." At dinampian niya ako ng mumunting halik sa aking noo na hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang damdamin. Ayoko nito dahil mali itong nararamdaman ko na pinaparamdam ni Gabriel sa akin unintentionally. Kung kaya't marahan ko siyang tinulak papalayo sa akin ngunit huli na para hindi masaksihan ni Trina iyon. Tinignan niya ako nang may pagtataka at tanong kung ano ang ibig sabihin ng nakita niyang paghalik ni Gabriel sa aking noo. Umiling lang ako na sana ay huwag niya ng bigyan ng pansin ang nangyari.
"Ehem." Napalingon si Gabriel sa gawi ni Trina nang tumikhim ito.
"Oh andiyan ka na pala. . ." sambit nito na sinamangutan lang ni Trina at lumapit sa akin.
"Oo, kaya pwede ka ng umuwi, Mr. Mondragon, its getting late and it's not good to see a married man like you in a room together with a pregnant woman," walang prenong sambit ni Trina na nagpatikhim kay Gabriel at tumingin sa akin.
"Take care of yourself, Raffi. I'll go ahead. Trina, pakialagaan mo na siya ha?" paalam nito na tinanguan ko lang at nginisihan lang ni Trina.
Pagkaalis ni Gabriel ay siya namang pagkurot ni Trina sa braso ko kaya tinignan ko siya ng masama.
"Rafaela, umamin ka nga, may relasyon ba kayo ni Gabriel Mondragon?" deretsong tanong niya kaya inirapan ko siya.
"Oo may relasyon kami, kliyente ko siya..."
Binatukan naman ako ni Trina.
"Gaga! Basta sinasabi ko sa'yo, Raffi... Gabriel Mondragon is a one woman man, kung kaya't hinding-hindi niya iiwan ang asawa niya para sa'yo. Huwag kang mahuhulog sa kaniya, he is just acting concern and sweet towards you because of the baby... "
At parang gusto kong mapaluha sa mga sinabing iyon ni Trina... bakit ganito ang nararamdaman ko, nasasaktan ako, ito ba ang sinasabi nilang "truth really hurts?"