"I am free this weekend..." biglang sambit ni Gabriel na ikinatingin ko sa kaniya.
Andirito kami sa hapag-kainan, kumakain ng agahan. Napatingin naman ako sa kalendaryo ng aking cellphone... Friday pala ngayon, at halos isang linggo na kaming magkasama ni Gabriel, at magiging huling linggo na naming malayang magkasama next week dahil uuwi na rin ang asawa niya sa susunod na lunes. Tumunghay naman ako sa kaniya at ngumiti dahil nakatingin na ito sa akin at mukhang hinihintay ang magiging pagtugon ko sa sinabi niya.
Ano bang gusto niyang sabihin ko?
"Then that's great, pwede kang mag-two days vacation sa isang magandang lugar," suhestiyon ko naman sa kaniya. At pinokus muli ang atensyon ko sa pagkain ko.
"Tama ka, we should travel out of town this weekend," sambit nito na ikinakunot-noo ko naman.
"W-what?" hindi makapaniwalang tugon ko.
Ano na naman bang gusto niyang mangyari ngayon?
"One of my cousins, owned a private island. Pwede tayo roon," parang wala lang na sambit nito sa akin, na parang asawa niya akong nagpa-plano ng isang napakasayang bakasyon sa isang magandang paraiso, filled with love and promises, at hindi kailangang mag-isip ng kung ano man basta't magkasama lang kaming dalawa.
"Ano bang pinagsasabi mo, Gabriel! Adik ka ba?" bulalas ko at napatayo na sa sobrang pagkairita sa kaniya at sa mga gusto niyang mangyari. Nanatili lang itong nakaupo at ngumunguya habang nakatingin lang din ito sa akin na parang sinasabing, ano ba ang ikinaiinis ko.
"Bakit ba? Wala naman akong nakikitang masama na umalis tayo this weekend. Iniisip mo bang baka may makakita at isiping may relasyon tayo?" kalmado lang nitong sagot sa akin.
"So hindi mo iniisip na parang ganoon na nga ang ginagawa natin ngayon?" balik-tanong ko naman sa kaniya. Ngumisi lang ito at napailing bago niya ako muling tinignan at nagsalita.
"Hindi. Dahil gusto ko lang punan ang responsibilidad ko sa magiging anak ko at iyon ay alagaan ka habang pinagbubuntis mo siya," bigay paliwanag nito na parang iyon na ang pinakatama at justifiable na sagot sa lahat. Justifiable to say na tama at legal itong aming ginagawa, na walang dapat ikaramdam ng guilt.
"At ano sa tingin mo ang iisipin ng mga nakakakilala sa 'yo kapag nakita nila tayong magkasama, without your wife's knowledge about our situation?" At doon na siya napabitaw sa pagkakahawak sa kutsara niya at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi bago uminom ng tubig. Inayos ang sarili at dinampot ang kaniyang suitcase.
"Huwag mo na ngang isipin iyon, Rafaela... walang makakaalam at walang magsusumbong kay Rowena, okay? So just keep calm and ready yourself for a two days trip. Aalis tayo mamayang gabi," may pinalidad na sambit at utos nito sa akin bago niya ako talikuran.
Ngunit bago pa man ito humakbang palabas ng dining area ay nagsalita ako... "Hindi na ba ako pwedeng humindi, umayaw na sumama sa 'yo?" hopeful kong tanong na nawa'y maintindihan niya ang gusto kong iparating. Lumingon naman ito at seryosong tumingin sa akin.
"Hindi. Hangga't andyan ang anak ko sa sinapupunan mo, at bayad kita... akin ka lang, Raffi. Lahat ng ikaw ay akin hangga't dinadala mo ang anak ko. Naintindihan mo? Kaya umoo ka man o hindi, desisyon ko ang masusunod." Iyon lang at nagpatuloy na ito sa paglabas ng bahay.
"f**k you..." tanging naibulong ko lang.
****************************
GABRIEL'S POV
"Hey, Dude!" Napatingin ako sa bagong pasok sa aking opisina. Napangiti naman ako nang mapagsino ko ito.
"Kumusta, Engr. Primotivo Alarcon..." balik-bati ko sa pinsan ko sa side ng nanay ko. Para namang haring umupo ito sa single sofa na nandirito sa opisina ko, nakatingin lang ako sa kaniya nang biglang mapatingin din ito sa akin.
"Ito still looking..." may lungkot na sagot nito.
Umupo naman ako sa kaharap na upuan niya.
"Wala ka pa ring balita sa kaniya? Anong silbi ng pera mo?" tanong ko. Hinahanap pa rin kasi nito ang asawa niyang bigla na lang siya nilayasan. Gago rin kasi nitong pinsan kong 'to eh.
"Wala... anyway, sino ang dadalhin mo sa isla ko?" pag-iiba naman nito ng usapan.
"Someone," simpleng sagot ko naman, dahil sa totoo lang wala akong planong may pagsabihan pa ng tungkol kay Rafaela, as much as possible.
Seryoso namang tumingin si Primo sa akin, kaya seryoso ko rin siyang tinignan hanggang mapangisi na lang ito.
"So, if it's not your wife.... then kabit mo?" napatiim-bagang naman ako sa naging sagot nito.
"Gago ka ba? I love Rowena to have a mistress," may kumpyansa kong balik sa kaniya.
"Talaga lang ha, it doesn't mean na mahal mo ang asawa mo ay hindi na tatayo yang tarugo mo sa ibang babae, lalo na kung may spark." Pinagsasabi ng gagong 'to! Anong spark? Rafaela is just my baby-maker, that's all.
"Whatever you say, ano... pahihiramin mo ba o hindi?" sambit ko lang sa kaniya.
"Anong kapalit muna?" nakangising tugon naman niya.
"Mukha ka talagang pera... kaya iniwan ka ng asawa mo eh." Nakita ko naman ang pag-iiba ng timpla ng emosyon nito, may kung anong sakit ang dumaan sa kaniyang mga mata.
I didn't mean it. Alam ko namang mahal na mahal niya ang asawa niya.
"Atleast hindi ako naghahanap ng iba habang wala siya." Napasimangot naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Mukha mo, Primo!"
"Ano na, anong kapalit? Paligoy-ligoy pa tayo dito, Gabriel eh..." iritableng tugon nito at nagpakalumbaba na parang buryong-buryo na.
"Sa 'yo ko ibibigay ang proyekto ng itatayo kong bagong building."
"Gago ka ba? Sa akin mo rin naman ibibigay iyon! Gusto mong itakwil ka ni Don Guillermo?" Napaismid naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga magagamit ang negosyo kapag may kailangan ako kay Primo, nakaka-badtrip.
"Tsk. Ano bang gusto mo?" tanong ko na lamang. Nakakawalang-gana talaga siya kausap.
"Gusto kong malaman ang sekreto mo,"
"Wala akong sekreto..."
"Meron, lahat ng tao may tinatago. Sino ba ang wala?"
"Ako..."
"Mukha mo talaga..."
"Gwapo."
Napansin ko naman ang iritasyon nito dahil sa paraan ng pagsagot ko sa kaniya na ikinangisi ko lang. Dahil sa lahat ng magpipinsan sa Aragon Clan, kami lang ang ganito ni Primo. Walang kompetisyon at hindi mag-aaway dahil sa mana ng pamilya.
"Alam mo, kaya ayaw kong nagpupunta rito at binibisita ka kasi ang baboy mo kausap," sambit nito.
"Hindi kita pinilit pumunta rito..."
"Tangina mo ka talaga, Gabriel."
"Tangina mo rin ka, Primo..."
"Sinong babae mo?"
"Wala..."
"Ang galing mong sumagot ah." mahihimigan ng pagsuko ang boses nito kaya napailing na lamang ako. But knowing Primotivo Alarcon? tsk! Pipilitin niya pa rin ako sa isang bagay kahit ayaw ko mang sabihin sa kaniya.
"Bilis na kasi, Gab! Sino ba ang dadalhin mo sa isla ko? I need to know kung karapat-dapat ko bang ipahiram sa 'yo ang isla, kasi kung mahuli ka man sa kagaguhan mong iyan... atleast hindi ako magsisisi na naging parte ako ng kataksilan mo."
"Gago, hindi ako nagtataksil. Kung ayaw mo ipahiram edi huwag!" iritable ko na ring sagot sa kaniya.
"Kwento mo sa pagong. Eh bakit ka wala sa mansion niyong mag-asawa ng halos mag-iisang linggo na, saan ka nagsti-stay, Gabriel? Kasama mo ba siya, kasi wala si Rowena?"
"Eh bakit ka ba tsismoso? Taga-media ka na ngayon porke't suparstar ang asawa mo?"
"Huwag mo ngang mabanggit-banggit ang tungkol kay Avi. Bakit kaya di mo na lang sabihin sa akin ang gusto kong malaman?" buntong-hiningang pamimilit pa nito.
"Pakialam mo ba, Primo?"
"Wala naman, malaking scoop kasi kapag ang isang 'one woman man' ay bigla na lang magkaroon ng 'other woman'... so why, Gabriel?"
"Bakit mo pa tinatanong kung mukhang alam mo naman na..."
"Dahil gusto ko ng isang dahilan kung bakit kailangan kitang suportahan sa mga pinanggagawa mo. At sa South Ridge mo pa itinira, huh."
"How?"
"Baliw ka ba? may bahay ako roon..."
"s**t! Oo nga pala."
"So, tell me... who is she and why?"
"Rafaela Santiago, my baby-maker..."
"Baby-maker? Why?" Ang dami niya namang tanong.
"Rowena can't bear a child, our own child. At alam mo kung gaano ko kagustong magkaanak ng sariling dugo't laman ko, Primo."
"Oh... but why need to stay with the woman?"
"Dahil... dahil gusto kong maramdaman bilang isang lalaki, bilang isang ama... na maalagaan ang magiging anak ko habang lumalaki palang siya sa sinapupunan ng nanay niya. Kaya kung mali man itong pinanggagawa ko sa mata ng iba at sa pagmamahalan namin ni Rowena, then I am willing to be an unfaithful sinner..."
"About the woman?"
"What about her?"
"Do you have growing feelings for her?"
Feelings for Rafaela Santiago? She's beautiful, seductively gorgeous in her own simple way but she's just a friend to me who did me a big favor that I will forever be grateful to her.
"Wala... I still love Rowena with all my heart, at kung sakaling may nagagawa man akong intimate gestures sa kaniya, trust me... I am thinking her as my wife, as Rowena and not as Rafaela herself."
Totoo naman... minsan nakikita ko si Rowena kay Rafaela kaya minsan nagagawa ko ang mga bagay na hindi dapat.
"You will hurt her, dude..."
"Who? My wife? No, I will make sure not to."
Dahil gagawin ko ang lahat para hindi ko masaktan ang asawa ko, mabilis lang lilipas ang panahon at kapag naipanganak na ni Rafaela ang anak ko, mawawala na rin ang koneksyon naming dalawa.
"No, the other woman." Napakunot-noo ako sa sinabi ni Primo. Si Rafaela, masasaktan? I don't think so.
"Rafaela would be fine, she just needs money, that's all. Kaya niya tinanggap ang business deal naming dalawa..."
"So, she's not a professional baby-maker?"
Naalala ko na naman ang gabing iyon...
"No... akala ko rin talaga noong una, she's doing this dahil trabaho niya na talaga, kaya pumayag ako kasi alam ko, it will all go well, kasi walang guilty feelings. Pero hindi... at napatunayan ko iyon the night we did it."
Tumango-tango lang si Primo at nag-unat ng kaniyang kamay, like parang napagod siya sa kakapakinig ng kwento ko. But at least may isang taong maaari ko ng mapagsabihin kapag kailangan ko ng makakausap.
"Okay... I recommend you to use another private plane papuntang isla." I agree with him. Hindi talaga maaaring gamitin ang private plane ko dahil malalaman ni Rowena iyon at magdadahilan lamang iyon ng issue. Bakit, ano, sino...
"Iyon na nga rin ang nasa isip ko, I need to be careful para hindi masaktan si Rowena." Oo, it will always be about Rowena... dahil mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang saktan siya kaya kailangan kong mag-ingat not to cause her any speculations at doubt feelings na may iba ako, which is wala naman talaga.
"Okay, mamayang gabi ba ang alis niyo? Ikokontrata ko kayo sa kaibigan ko sa Aviation." At tumayo na ito mula sa pagkakaupo at ganoon din ako.
"Thanks, Dude. I owe you this one," tugon ko na lamang sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat.
"Always welcome... what cousins are for, right?" nakangising sagot din nito, bago humakbang na palabas ng opisina ko, pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay lumingon pa ito at may sinabi,
"And one more thing, Gab, whatever happens with that complications in your life, always choose to be happy even if it is a tough decision. Just be happy."