ROWENA'S POV
"Let's go, Ms. Rowena ..."
"Yes... Just a minute, I will just call my husband..." sambit ko na lamang sa kasamahan ko at kinuha ang aking cellphone to call him, Gabriel Mondragon... I already missed him yet hindi man lang siya tumatawag sa akin. Tsk. Its been a week already.
Ilang pag-ring pa bago niya ito sagutin.
"Hello, Honey?" bungad ko na may ngiting nakapaskil sa aking labi kahit alam kong hindi niya man ito nakikita.
"Hello, Mrs. Mondragon... pasensya na po kung sinagot ko ang tawag niyo, naiwan po kasi ni Sir Gabriel ang phone niya rito sa office." What? Tumingin naman ako sa aking relo to check what's the time in the Philippines, naka-set pa rin kasi ito sa PH time kahit andito ako sa New York City ngayon... and its aleady 6:00 in the evening there. Kaya siguro umuwi na ito.
"Oh... umuwi na ba siya, Clara?" tanong ko sa kaniya upang sa bahay na lang ako tatawag.
"Yes, Ma'am. Pero hindi ko po sigurado kung makokontak niyo po siya sa bahay niyo. Sir Gabriel went home earlier than usual because he had a business trip somewhere..." Napakunot-noo naman ako... business trip? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin. O baka naman...
"Just tell it to me, Clara ... Is he going here? To visit me? Don't worry, I won't tell it na sinabi mo, baka gusto niya lang akong surpresahin..." sambit ko naman at hindi ko mapigilang mapangiti sa sobrang saya habang iniisip na dadalawin niya ako ... Hays, I miss him really.
"Sorry, Ma'am Rowena... pero wala po talaga siyang sabi kung out of the country. Basta sabi niya lang po, two days siyang mawawala... for a business trip. At sa palagay ko po ay business trip talaga ang pupuntahan niya, kasama niya po kasi si Engr. Primotivo Alarcon," sagot naman ni Clara, sekretarya ni Gabriel.
"Okay, Clara. Thanks for answering his phone... atleast I am aware that I can't possibly contact him for two days. But if ever he calls there in the office, let him know that I called." Nanlumo naman ako, at ibinaba na ang tawag.
What's up with Gabriel? A week of not contacting me, his wife... hindi niya ba ako nami-miss? Tsk. Ang workaholic talaga niya.
Tawagan ko kaya si Primo?
And I dialed his cousin's phone number...
It's ringing...
"Hello, who's this?" sagot naman ng manly voice sa kabilang linya.
"Prim... it's me, Rowena... kasama mo ba si Gab?" direkta kong tanong.
"Oh... hi Wena, hindi ba nasabi ni Gab sa'yo? He is going on a business trip for two days..." sagot lang nito...
"Hindi eh, and I've called him a while ago ngunit naiwan niya ang phone niya sa office... saan ba siya pupunta? Baka naman dadalawin niya lang ako, its okay to tell me, Prim. I will still act surprise pagkarating niya rito..." nakangiti ko na namang tugon sa kaniya.
"Asshole talagang Gabriel iyon... anyway, sorry to say this but he is really going out of town for a business trip, Rowena. And it's just here in the country..." imporma naman ni Primo...
Tsk!
"How about his hotel's phone number? Baka meron ka? I just wanted to call him, Prim... nami-miss ko na siya..." sambit ko na alam kong mahihimigan ng panlulumo at lungkot.
"I don't think you can reach him, ang alam ko sa isang secluded area siya pupunta..." and he said it... I will just try to call him again next week.
"Okay, thanks. And sorry for the inconvenience, Prim..." iyon lang at ibinaba ko na.
Bakit ganito, I can't stop myself of thinking that it's really not a business trip... but something, something that a wife would really think if they can't contact her husband. Damn!
Napailing lang ako... hindi! Hindi magagawang magloko ni Gabriel sa akin. I know that he loves me truly kaya hindi niya ako ipagpapalit sa kung sino mang babae.
"Ms. Rowena, everyone is already waiting for you." Napalingon naman ako sa gawi ng tumawag sa akin at ngumiti kahit deep inside, I am sad... so sad dahil hindi ko man lang nakausap si Gabriel to tell him that I am okay and everything that I am doing here is going perfectly fine as I wanted it to be. I am sure he will be happy to know it. But then...
Napabuntong-hininga na lamang ako at naglakad na palabas ng studio... magpapaka-busy na lamang ako upang mawala ang kung anong masasamang bagay sa isipan ko.
**************************
RAFAELA'S POV
Napamulat ako nang maramdaman ko ang marahang pagpulupot ng braso ni Gabriel sa aking bandang tiyan.
"Wake up, Raffi..." sambit nito sa aking bandang taenga na nakapagbigay naman sa akin ng kung anong kiliti. Tsk! This man, hindi niya ba alam kung anong maling damdamin ang napaparamdam niya sa akin sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat ginagawa!
Kaya napaupo ako kaagad... napatingin naman ako sa paligid...
"Wow!" hindi ko napigilang maibulalas.
Ang ganda... andito na kasi kami sa isla ng pinsan ni Gabriel, at pagkarating namin kagabi ay nakatulog na rin ako kaagad kaya hindi ko napansin ang disenyo ng kwartong inuukupa namin. Purong glass wall it na kitang-kita ang labas ng bahay... and it's so refreshing sa paningin ko na pagkagising mo ay purong malalagong halaman at berdeng-berde na paligid ang makikita mo. Swaying their leaves in the rhythm of the wind. Habang maririnig mo rin ang paghampas ng alon sa dalampasigan ngunit hindi mo rito matatanaw ang dagat.
What a paradise...
"You like it?" sambit naman ni Gabriel na ikinatingin ko sa kaniya at hindi ko mapigilang mapangiti.
"Sobra... para akong nasa isang paraiso... na-miss ko tuloy ang hacienda namin..."
"May hacienda kayo?"
"Hindi ko ba nasabi? Ang hacienda namin ang dahilan kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito..."
"Oh... so you're not really what I am thinking you to be, Raffi ..."
"Noon, kung hindi namatay si Daddy... baka, baka hindi nasira ang buhay na dapat ay tinatamasa ko... hindi ganito, anyway ... nangyari na ang mga nangyari."
"Sorry to hear about that... halika na sa kusina, nagluto ako ng almusal..."
"Marunong kang magluto?"
"Oo naman, ano akala mo sa akin? Pero hindi ko lang naipagluluto si Rowena dahil lagi kaming busy pareho..."
Rowena... his wife.
Fixed yourself, Raffi ... Hindi ka dapat makaramdam ng kung ano-anong hindi dapat maramdaman! May asawa na siya at hindi ka pinalaki ng magulang mo para manira ng masayang relasyon ng mag-asawa. You accepted to be his baby-maker para mapasaya silang dalawa, to give them something that will strengthen their vows to each other... kaya umayos ka, Rafaela! Hindi ka bagay kay Gabriel Mondragon... he is already a married man, at mahal na mahal niya ang asawa niya.
"Rafaela, are you okay?" Hindi ko napansing na-space out na pala ako. Tumingala na lamang ako kay Gabriel at ngumiti...
"Yeah, I am okay ..."
Oo, dapat maging okay lang ako...
Napahawak naman ako sa aking lumalaki ng tiyan... at hindi ko mapigilang maisip at maramdaman ang isang bagay na dapat ay hindi ko rin maramdaman...
I don't want to be alone... and having this child will surely make me not alone, anymore. Damn what I am thinking!
Dahil parang... parang ayoko ng ibigay kay Gabriel ang baby ko...