Chapter 12

1741 Words
KINAGABIHAN kakauwi pa lamang ni Ariel at pag pasok pa lamang niya nang mansyon ay nakita na niya sa sala ang kaniyang ina at ang lola Lygia niya. Umiiyak ang mga ito at may dalawang pulis at apat na tauhan na naka tayo katabi nang mga ito. Kaya naman nag tataka syang lumapit at pagka kita pa lamang sa kaniya ni Senyora Barbara ay tumayo na kaagad ito at niyakap siya nito habang umiiyak parin. Humahagulgol na ito habang naka yakap parin sa kaniya. Kaya naman nag tataka niyang tinignan ang abuwela niya, ngunit katulad nang mommy niya ay umiiyak rin ito. Habang hinahagod nang mayordoma ang likod nito. Kaya naman ang binalingan niya nang tingin ay ang apat na mga tauhan at dalawang pulis na naroroon. “What's happening here? Ba't kayo nag-iiyakan…La…Mommy…Yaya? Anong nangyayare? Anong nangyare dito?!” naguguluhan niyang tanong, matapos kumawala sa bisig niya ang mommy niya. “Ang Daddy mo…son…ang-ang daddy mo!” umiiyak na sabi ni Senyora Barbara. Kaya naman nag umpisa na syang kabahan. At muling yumakap sa kaniya ang ina niya. “D*mn…anong nangyare…Anong nangyare Kay Dad?! Ano!” saad niya at hindi na niya napigilan ang pag basag nang boses niya. “Wala na ang Daddy mo apo, wala na siya... Kasama sya sa na ambush. Kanina lang 4pm, kasama nang tito Ramon mo at iba pa nilang kasama sa susunod na halalan. Pauwi na sila dito galing manila nang tambangan sila nang dalawang sasakyan at pinag babaril sila.” paliwanag nang abuwela niya. “what?! Pero, hindi ba't hindi na sya tatakbo sa susunod na halalan. At ililipat na niya ang puwesto niya dahil sa Manila na tayo titira. Bakit siya nakasama kila tito Ramon?!” saad niya at hindi na niya napigilan ang sunod sunod na pag daloy nang mga luha niya. Ang tito Ramon niya ay ang pinsan boo nang Daddy niya. Madalas ito napapa ingkwentro at palaging may nag tatangka sa buhay nito. At hindi naman niya alam kung bakit. Dahil hindi naman sumasali sa politika ang tito niya at tanging pag nenegosyo lamang ang inaatupag nito. Habang nag-iiyakan at nag dadalamhati ang tatlo ay nag salita naman ang isang tauhan nila. Matapos itong maki pag-usap gamit ang Bluetooth earphone nito.. “Donya, Senyora, senyorito.. Dumating napo dito ang labi nila sa morgue na ho” saad nito. Kaya naman kaagad tumayo si Senyora Barbara habang naka alalay si Ariel. “I want to see your Dad. Dalhin mo ako sa kaniya” “Yes Mommy, pu-puntahan natin si Daddy” basag na boses ni Ariel. Sya iyung tipo nang lalaki na hindi basta basta napapaiyak at nahihirapan syang paiyakin ang Mata niya. At sa ganuong pag kakataon ay iyon ang kauna-unahang pangyayare sa buhay niya na hindi niya napigilan ang sarili at mga Mata niyang huwag lumuha. Dahil patuloy parin sa pag luha ang mga Mata niya. Kahit sobrang pag pipigil niya. Dahil ngayon sya kailangan nang Mommy niya. Kaya hindi sya puwedeng maging mahina. Samantala sa kabilang dako naman ay bumuga nang usok nang sigarilyo ang lalaking naka upo. Sobrang lamig nang awra nito at nakaka pang kilabot ang bawat tingin nito. “Kamusta ang pinagawa ko sa inyo?” saad nito at muling ibinalik sa bibig ang sigarilyong hawak ng dalawang daliri nito. “clear Boss! Si Ramon at apat na tauhan niya ang target. Pero may dalawang inosenteng nadamay Boss” pag babalita nang armadong tauhan. “I don't care, ang importante nawala na g*gong Ramon na iyon. At nang apat na mga Tuta niya.” saad nang isang lalaki na nasa Eighteen palamang ang edad nito. Ngunit isa na itong leader nang mafia. Matapos itong pumalit sa puwesto nang isang mafia Lord na ama nito. Habang sa kabilang dako naman ay gabing gabi na at hindi parin dalawin nang antok si Faith. Pabalik balik niyang nakikita ang mukha nang binata sa kaniyang isipan.. Lalo na't kapag na aalala niya ang panaginip niya. Sa kaniyang panaginip kanina habang naka sakay sya sa kotse nang binata ay nakita niya sa panaginip na. Hinahabol siya ni Ariel habang nasa dalampasigan sila. Parehong may ngiti sa labi nila at nang mahuli sya nang binata ay hinalikan sya nito sa noo tsaka niyakap nang pagka higpit higpit. "Anak, kanina kapa ah…hindi kaba maka tulog?” ani ni Angel. At nagising ito nang maramdaman na kanina pa gumagalaw si Faith “opo eh, pasensya napo Inay…sa labas muna ho ako.. Mag papaantok lang po. Matulog napo kayo ulit” tugon ni Faith at bumangon. Sa labas nang bahay nila katabi nang Pinto ay may upuan roon na pang dalawahan lamang ang haba at laki niyon. Yari sa kahoy at gawa pa iyon nang namayapang asawa ni Angel. Naupo sya roon at napa yakap sa kaniyang sarili dahil sa lamig nang simoy nang hangin na tumama sa kaniyang manipis na balat. Hanggang tuhod lamang niya ang bistidang kulay puti at sa nanay Angel paniya iyon nung dalaga pa ito. At nung nasa sampong gulang na siya ay binigay nito iyon. Kaya naman ginagamit lang minsan ni Faith iyon sa pag tulog. Upang hindi tuluyang maluma. Halatang original ang telang iyon. At hindi na sya mag tataka kung bakit may ganoong kamahal na mga gamit ang nanay niya. Minsan nang naikwento sa kaniya nang Nanay Angel niya na lumaki itong mayaman at sa marangyang buhay nang galing. Ngunit nag hirap lamang ito nang pumayag itong maki pag tanan sa napang asawa nito. Kaya naman itinakwil ito nang mga magulang at hanggang sa tumanda na ito ay hindi na binalikan ni Angel ang mga magulang at pinag mulan nito. Nakontento na ito sa buhay nila, at natutong mag hirap at kumayod para sa pang araw-araw nila. “anak, ang lamig dito…pumasok kana sa loob” ani nang Inay niya, kaya naman natigil sya sa pag-iisip “dalagang dalaga na ang anak ko. Parang kailan lang nung unang araw na dumating ka sa buhay namin nang Itay mo.” muling saad nito at naupo ito sa tabi niya. “hindi rin po kayo maka tuloy Nay?” “nawala ang antok ko eh. Ano bang iniisip mo Anak at bakit hindi ka maka tulog?” “marami na po Nay…ammm Nay, paano niyo po nalaman na umiibig napo kayo?” wala sa sariling naitanong ni Faith. Kaya naman nanlaki ang mga Mata niya at namula ang dalawang pisngi niya. Ngumiti naman nang mapanudyo ang nanay niya at hinagod nito ang ang kulay mais nyang buhok. “bakit, umiibig na ba ang anak ko? Nako dalagang dalaga nanga” natutuwang sabi ni Angel at nayakap ang anak. Sandali lamang iyon tsaka kumawala at napa tingin sa langit. Kaya naman ganun rin ang ginawa ni Faith. Napa ngiti pa siya nang makita ang nag kikislapan at napaka liwanag na maraming bituin sa kalangitan. “Hmm nung una, hindi korin alam anak.. Basta nung makilala ko ang tatay mo. Unang gabi palang ay hindi na ako maka tulog. Palagi ko sya nakikita satwing pumipikit ako. Kapag kaharap ko naman sya ay nagiging masungit ako pero kapag hindi kona sya nakikita. Hinahanap hanap ko ang presensya niya. Nalaman kulang na mahal kona talaga siya nang halikan niya ako. Iyon ang first kiss namin dalawa. Mula noon. Palagi akong masaya, palagi tumitibok ang puso ko nang napaka bilis at sobrang saya nang pakiramdam ko kapag kasama ko ang tatay mo. Naalala kopa noon nung kamuntikan akong ipakasal ni Papa sa anak nang kaibigan niyang French. Nalaman nila ang tungkol sa relasyun namin ng Itay mo. Kinulong nila ako sa loob nang dalawang linggo at makakalabas lang ako kapag pumayag akong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Mabuti nalang naging kaibigan ko ang isang tauhan ni Papa, kaya iyon ang tumulong saakin maka takas. Sobrang galit na galit sina Mama at Papa. Hindi nila kami matanggap nang itay mo. lalo na nang mag buntis ako at humingi kami nang tulong dahil sobrang maselan ang pag bubuntis ko. Nag aagaw buhay kami nang anak ko. Pero sobrang matigas ang puso nang magulang ko. Palibhasa dugong espanyol. Tinakwil nila ako, inalis nila lahat-lahat saakin. Gamit, pera, connection. Pati natapos ko sa pag-aaral hindi ko nagamit. Dahil walang trabahong tumatanggap saakin, saamin nang Itay mo. Dahil sa sobrang hirap nang buhay at wala kaming ka pera pera nang itay mo kaya nakunan ako. Naka recover lang kami nang Itay mo nang mahanap sya nang tunay niyang Ina. Hindi naman gaanong mayaman, Pero masasabi kong may sinabi sa buhay. Sobrang bait niya at mahal na mahal niya kami nang Itay mo. Malala na ang sakit nun stage 4 cancer bago pa niya nakilala ang Itay mo. Kaya naman nang pumanaw siya.. Sa itay mo lahat ipinamana lahat ng ari-arian niya. Pero dahil hindi naman sanay sa marangyang buhay ang itay mo. Kaya naman pinili naming manirahan sa malayo sa mga taong nakaka kilala saamin. Dito sa isla na ito. Malas lang hindi na ulit kami nabiyayaan nang anak ..kaya naman nung dumating ka sa buhay namin. Ikaw ang kumumpleto saamin. binuo mo 'yung wala saamin. Mas lalo kaming naging matibay nang magka roon kami nang anak at ikaw yun Faith.” mahabang pag kukwento ni Angel at nag punas nang luha. Hindi na nito namalayan na napa iyak na pala sila. Habang nag kukwentuhan. “sobrang dami niyo palang pinag daanan ni Tatay. Kaya sobrang hanga ako sa tibay nang pag-mamahalan niyo. Pero Inay Konti lang po yung tinanong ko. Hahaha buong kwento napo ang sinagot niyo” ani ni Faith kaya napa tawa silang dalawa sabay punas sa mga luha nila. “Bakit, umiibig kana ba? Sino ba iyang hindi nag papatulog sayo?” “Nako! Hindi po ah …hala si Nanay, nag tatanong lang nga eh— "Faith ha, huwag kang mag lihim saakin. Dapat alam yan ni Nanay. Hindi lang si Akira ang bestfriend mo na pwede mong pag sabihan anak. Kaya sabihin mona... Sino ang maswerteng lalaking nag patibok nang puso nang anak ko?” ano ni Angel at kinulong sa bisig nito ang anak. “hmmm ewan ko po. Kung umiibig na po ba talaga ako. Basta po…ewan ko basta-basta nalang po niya, ginugulo ang isipan ko at palagi ko sya nakikita satwing pumipikit ako. Eh dalawang beses ko palang naman sya nakaka harap. Hmmm hala baka po ginagayuma napo niya ako. Jusko!” mahabang sabi ni Faith at nag sign of the Cruz pa ito. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD