Chapter 1
“NAY, nandito na po ako” masayang sabi ni Faith sa ina. Nang makapasok siya sa may kaliitang bahay nila. Siya ay naka tira ruon, kasama ang napaka bait nitong ina na si Angel. Hindi Pa gaanong matanda ang nanay niya. Thirty-eight pa lamang ito at apat na taon nang biyuda. Nag mamaneho nang motor ang asawa nito ng maaksidente ito ng Van dahilan nang ikinasawi nito. Kaya tanging ang ina lamang ang kasama ni Faith. Katulad niya ay maganda rin at maputi ang ina niya at kung titignan ay nasa twenty seven pataas pa lamang ito. Marami na rin sumubok manligaw rito subalit mag mula nang mabiyuda ito ay tinuon na lamang ang pansin nito sa kaisa-isang anak na si Faith at sa pagiging labandera nito sa mansyon nang alkalde sa lugar nila.
Kararating lamang ni Faith at galing siya sa paaralan. Hindi naman malayo ang pinapasukan niya sa bahay nila. Kaya tuwing tanghali ay umuuwi rin siya upang manang-halian
Kasalukuyan nag luluto nang gulay ang ina niya ng yakapin ito ni Faith mula sa likod. “wow ang paburito ko, mapapadami na naman po ako nang kain nito” saad pa ni Wait tsaka hinagkan sa pisngi ang ina.
Para lamang silang mag kapatid kung titignan. Dahil kahit disisyete pa lamang si Faith ay hubog na hubog na ang panga-ngatawan nito. Mas matangkad na ito nang konte kay Angel.
“mabuti nalang kamo na maraming nabili si Manang na gulay. Sumobra kaya inuwi kona…oh mag palit kana, baka marumihan ang uniform mo” saad nito
Kumuha naman ng Plato si Faith at dalawang kutsara tsaka ipinatong iyon sa maliit nilang lamesa. “hindi napo Nay, babalik rin po agad ako pagka tapos kumain. kasi may darating daw po galing Maynila. At alam moba kung anong good news Inay?” saad ni Faith tsaka humarap sa ina na ngayon ay nililipat na ang nalutong gulay sa may kalakihang Plato.
“hmm ano ngaba? …sige maupo kana anak” tugon ni Angel tsaka pinag hila nang upuan ang anak.
“salamat po…ayun nanga Inay, ang good news po ay pipili sila nang magagaling na Limang Estudyante na bibigyan nila nang Scholarship at may chance na makaka pag-aral sa maynila.. At alam niyo po ba ang nakaka excite Inay?” masayang pag babalita ni Faith sa ina habang nilalagyan niya nang kanin ang plato nang ina.
Umiling naman si Angel “ano ngaba?” tugon nito habang nilalagyan naman ng tubig na inumin ang dalawang baso na nasa harapan nila.
“sagot daw po nila ang lahat-lahat, pati narin po ang tirahan.. Sa madaling salita po ay Sila ang mag paparal sa Limang mapipili nila hanggang sa maka pag tapos. Libre daw po lahat, pagkain sa pang araw-araw pati ang tirahan. Except nalang po sa baon at pang sariling gamit” pag papatuloy ni Faith
“Nay! Ito napo 'yun.. Ito napo yung chance na hinihintay ko. At hindi napo tayo mahihirapan sa pag-aaral ko hanggang sa maka pag tapos ako.. Makaka pag ipon pa po tayo..” masayang sabi ni Faith.
“pero magkaka layo naman tayo, mukhang hindi ko yata kayang mapalayo ka saakin anak. Tayo nalang ngang dalawa eh. Kapag mapili ka at maka punta ka nang maynila edi mag-isa nalang ako” malungkot namang sabi ni Angel kaya naman napalis ang masayang ngiti at excited na mukha ni Faith
“pero Nay…para rin naman po ito saatin. Tsaka ayaw mo nun. Wala na tayong gagastusin sa pag aaral ko kahit piso. Kaya makaka pag ipon napo kayo Nay” ani ni Faith. Umaasam siyang baka sakaling mabago ang isip nang ina at payagan siya nito.
“hindi ko alam Faith, pag-iisipan kopa. Masyado yun matagal at malayo. Dilikado ang Maynila anak, napaka laki nang pagkakaiba doon kumpara dito sa naka sanayan mo. Paano kung mapaano ka doon? Jusko, nawalan na ako nang asawa. Ayaw ko nang mawalan pa nang anak..ikaw nalang nag iisang kayamanan ko Faith. Ikaw nalang ang meron ako” ani ni Angel at tuluyan na itong napa luha at napa tigil sa pagkain.
Ang totoo niyan ay nanga-ngamba si Angel na baka mahanap ni Faith ang totoo nitong mga magulang. Nanga-ngamba siyang iwan nang anak kapag nalaman nitong mayamang pamilya pala ang totoo nitong pamilya. Alam niyang mabait na bata si Faith subalit hindi niya alam kung sapat naba ang lahat ng naituro niya at pag papalaki nang maayos para dito. Kung sakaling marangyang buhay na ang kapalit niyon.
Nalaman niyang mayamang pamilya ang totoong magulang ni Faith, dahil minsan na niyang nabasa sa dyaryo at napa nuod sa television ang tungkol sa nawawalang anak nang isang mayamang pamilya. At pinakita ang mga larawan nang isang batang babaeng nag nga-ngalang Princess Sheryl Santiban. At iyon ang inilihim ni Angel sa anak.
Mabuti na lamang ay malayo ang bahay nila sa kabihasnan, malayo sa nakaka rami. Dahil nasa tabing dagat lamang ang bahay nila at wala silang mga kapit bahay ruon. Kinakailangan pa nilang sumakay nang bangka upang maka punta
“Inay, 'yun lang ba ang dahilan mo? Nay kung iniisip niyo pong hahanapin ko ang mga totoo kung magulang ay hindi po. Wala napo akong balak hanapin sila, kayo napo ang magulang ko. Ikaw po ang Nanay ko. Kung sakaling mapili po ako sa scholarship ay sa school lang po at sa inyo lang po ako naka tuon” ani ni Faith sa ina. Dahilan upang mapa tigil ito sa pag-iyak.
Alam ni Faith na hindi siya totoong anak nang magulang na kinalakihan niya. Dahil nung first year highschool pa lamang siya ay inamin na sa kaniya nang mga ito ang totoo. Sa una ay nagulat at nasaktan si Faith. Ngunit nanguna parin ang kabutihang puso niya para sa mga ito. Lubos ang pag mamahal ng kinilalang magulang sa kaniya. At sapat na ang pag mamahal at kabutihan ng mga ito. Dahilan para hindi siya magalit sa mga ito bagkus ay nag papasalamat parin siyang merong mga taong nag mahal sa kaniya ng ganuon at itinuring siyang tunay na anak at prinsesa.
Ngunit ang hindi alam ni Faith ay alam na nang ina kung saan hahanapin ang totoong mga magulang niya. Ngunit natatakot lamang itong mawalay ang nag iisang anak..
“talaga anak?” ani ni Angel at tinitigan ang kulay green na Mata nang anak.
“Opo Nay, pangako po…hindi kopo sila hahanapin at hindi po kita iiwan. Mag aaral lang po ako sa maynila. At kapag naka pag tapos na ako ay mag sasama na ulit po tayo. At kasama kopo kayo sa pag abot ng mga pangarap ko.” ani ni Faith sa ina tsaka niyakap ito.
Muli na naman na alala ni Faith yung araw na aminin sa kaniya ng kinilalang magulang ang totoo. Kaya naman hindi maiwasang maging manhid ni Faith para sa totoong mga magulang niya.
FLASHBACK
“ANAK, diba nag tataka ka kung bakit naiiba ka sa lahat ng mga kababaihan na mga kaibigan mo. Kung bakit kulay green ang mga Mata mo at hindi katulad nang saamin ng Itay mo. At nag tataka Karin kung bakit wala saamin ng Itay mo ang kamukha mo” saad nang kaniyang ina. Habang napapa luha ito at hawak-hawak ang magka bilang kamay niya.
Walang salitang lumabas sa labi ni Faith, bagkus ay tumango na lamang siya bilang pag tugon. Naisip na lamang niyang marahil ay iyon nanga ang sagot sa mga paulit-ulit na tanong niya sa mga magulang. Dahil hindi na niya mabilang kung ilang beses naba niya iyon naitanong. Kung bakit parang naiiba siya, kung bakit madalas siyang tawagin anak ng Afam. Kahit hindi naman niya maintindihan kung ano iyon.
“ang totoo niyan anak ay natagpuan ka namin ng Inay mo sa dalampasigan, wala kang Malay at sugatan ang noo mo. Ito ang suot mo noon nung matagpuan ka namin” ani ng Itay niya at ipinakita ang maliit na gown nang batang babae.
“ibig sabihin po ba niyan ay…
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mag salita ulit ang Itay niya. Habang niyakap ng kanang braso nito ang umiiyak na asawa.
“hi-hindi kami ang tunay mong mga magulang. Pero kahit ganuon ay mahal na mahal ka namin anak. Ikaw ang kumumpleto saamin nang Inay mo. Hindi namin naramdaman na may kulang. Dahil pinuno mo ang lahat mag mula nang dumating ka sa buhay namin ng Inay mo.” ani nang kaniyang ama, tumigil lamang ito mag salita upang humugot nang malalim na pag hinga tsaka nag patuloy.
“sinasabi namin ito sa iyo, dahil nakokonsensya kaming ilihim sa iyo ang totoo anak. Malaki kana't may isip kana at alam naming mabuti kang bata. Kaya alam naming maiintindihan muna kung sakaling malaman mo at sabihin namin saiyo ang totoo. Hindi lang namin naamin saiyo noon dahil napaka bata mopa anak at hindi mo pa kami maiintindihan” paliwag pa nang ama. At hindi na niya namamalayang umiiyak na pala siya sa harapan ng mga ito.
“ba-bakit po wala akong ma alala?” umiiyak niyang sabi sa mga ito
“siguro anak ay iyan ang sinasabi nilang Amnesia, nawawala ang ala-ala. Pero hindi ko alam kung babalik paba ang dating memorya mo” sagot nang kaniyang ama.
Nag punas muna siya ng luha tsaka tinignan ang kinilalang mga magulang. “hinanap ba ako ng tunay Kong mga magulang?”tanong niya sa mga ito. Mabilis naman umiling ang kaniyang ina. At ito ang sumagot
“wala anak, wa-walang nag hanap sa iyo. Kaya nga kasama kaparin namin hanggang ngayon dahil hindi ka nila hinanap. Walang nag hanap saiyo. Kung alam lang namin kung nasaan ang tunay mong pamilya e babalik ka namin—
“hindi.…hindi napo Inay, katulad nga po ng sinabi ni Itay. Malaki napo ako at baka siguro kinalimutan na nila ako kaya hindi nila ako hinanap. Dahil kung hinanap nila ako edi sana kilala ko sila o naka sama kona sila ngayon.. Sapat napo kayo saakin ni Itay, maraming salamat po mahal na mahal kopo kayo Inay, Itay” saad ni Faith at pinipigilan niyang huwag na muling tumulo ang mga luha niya.
END OF FLASHBACK
Kinabukasan Excited na pumasok sa paaralan si Faith kasama ang kaniyang matalik na kaibigan na si Akira. Masaya niyang kinukwento sa kaibigan ang napag usapan nila nang kaniyang ina kahapon. Maging Ang pag payag nitong maka pag-aral siya ng maynila.
“naiintindihan ko ang Inay mo Sis, kayo nalang kasi dalawa ang magka sama at kung mapipili ka sa limang Estudyanteng mapalad eh iyon palang ang unang beses na malalayo ka sa kaniya” ani nang matalik na kaibigan, at umabresyete ang braso nito sa braso niya.
“kaya nga, tsaka alam morin ang ibang dahilan Sis…” tugon niya at nawala ang masiyahing ngiti sa labi niya.
“pero ikaw ba sis, sigurado kabang ayaw muna malaman kung sino ang totoo mong mga magulang. Posibleng mahanap mo sila s maynila”
“imposible yun Akira, napaka lawak daw ng Maynila no tsaka ewan ko diko Pa alam. Basta ang mahalaga saakin ay ang mapili tayo at sabay tayong maka pag tapos no” saad niya sa kaibigan at inalis ang braso niya sa braso nito upang akbayan ang kaibigan.
Nag lalakad sila patungong paaralan. Suot ang kanilang yuniporme. At nag kukwentuhan parin sila at hindi nila namamalayan ang sasakyan na mula sa likod nila na dumaraan
Isang kulay pulang magarang sasakyan. Habang may naka buntot na anim na Single na kulay itim na Motor marahil ay mga bodyguards nito iyon.
*peeep peep!* dalawang malakas na busina nang sasakyan ang nag pagulat sa dalawang dalagita. Sa sobrang gulat ni Faith ay hindi na niya napansin ang putik na nasa gilid kaya naman nadulas siya ruon at halos lahat ng suot niya ay punong-puno na nang putik. Gayun rin ang mukha niya ay nalagyan ng putik. Maging si Akira ay ganuon rin ang nangyare dito.
//Continue