Chapter 2

1722 Words
“Ayyy! Ano ba iyan!” nainiis na sabi ni Faith nang maka tayo ito. Tinulungan paniya muna ang kaibigan maka tayo, pagka tapos ay napa sigaw na lamang siya sa sobrang inis. Dahil sobrang pinag handaan niya ang araw na iyon. At ng iisa lamang iyon na bagong Uniform niya. Dahil luma na ang dalawang uniform niya at iyon ang first-time na isuot niya ang bagong uniform na binili nang kaniyang ina. Para umano sa araw na iyon “aargh! Aaaargh kainis! Paano na iyan, paano na 'to” ani ni Faith pagka tapos niyang mapa sigaw, pagka tapos ay napa luha siya dahil sa nangyare sa kaniya sa araw na iyon.. “Sis, paano na 'to ma li-late tayo. Kapag babalik pa tayo para mag palit” nag aalalang sabi ni Akira at maging ito ay nangi-ngilid na ang luha. Huminga ng malalim si Faith tsaka pinahid niya ang lumalabong mata dahil sa luha. Pagka tapos ay sinalubong niya ang lalaking bumaba sa magarang sasakyan. Lihim siyang napa ngiwi nang makitang naka alalay pa dito ang mga bodyguard nito at pinayungan. Na animoy isang hari na bumaba sa gintong upuan nito “Ikaw! Kayo …Bigla bigla kayo nag bubusina at sa tabi pa talaga namin!” galit na sabi ni Faith at tinuro ang lalaking naka suot nang kulay itim na tuxedo at natatakpan nang kulay itim na sunglass ang Mata nito. “Ms, hindi kasi kayo gumigilid at hindi namin kasalanan kung tatanga-tanga kayo” masungit na sabi ng lalaking may hawak na payong. Habang ang lalaking parang hari ay tahimik lamang ito “aba't kami pa ang may kasalanan. Eh ang tanga rin kasi ng kotse niyo. dahil dapat ay malayo palang ay nag bubusina na kayo, Para maka ingat kami. Hindi iyung nasa tapat niyo na kami tsaka kayo mag bubusina.” matapang na sagot ni Faith. Buong buhay niya ay iyon ang kauna-unahang beses na magalit siya ng ganoon at maka pag salita ng ganoon kalakas. Kaya naman nanlaki sa gulat ang mga Mata ng kaibigan. “So ang kotse ko ang tanga ganun? Are you crazy, paano magiging tanga ang kotse, kung wala namang utak.” ani ng lalaki tsaka tinanggal nito ang suot na sun glasses. Kaya naman halos mapa awang ang labi ni Akira, dahil sa sobrang guwapo ng lalaking nasa harapan nila. Maputi ito, chinito at guwapo. Lalaking lalaki ang tindig nito at hindi iisiping nag tatagalog ito. Dahil mukha itong koreano o Japanese pero ang katawan ay pang Turkish. “oh, oh om–omo ang guwapo” mahina at nauutal na sabi ni Akira. Kaya naman mas lalong napa simangot ang mukha ni Faith. Dahil naka kita lang ng guwapo ang kaibigan ay naka limutan na nito ang nangyare sa kanila dahil sa antipatikong lalaking nasa harapan nila. Narinig naman iyon nang lalaki, kaya naman ay napa ngiti ito dahilan upang mas lalong lumiit ang mga Mata nito. “ulala ang guwapo niya, ang cute” mahinang sabi ni akira at hindi nito maitago ang kilig. Kaya naman ay hindi na napigilan ni Faith na kurutin sa tagiliran ang kaibigan. “tumigil kanga, nakaka hiya…tignan mo tinatawanan na niya tayo” mahinang saway ni Faith sa Kaibigan. Subalit narinig rin naman ulit iyon nang lalaki. Kaya naman napapa iling na lamang ito habang ngising-ngisi na animoy isang nakaka tawang bagay ang nasa harapan nito. “nag bubulungan kayo, pero naririnig korin naman. Ha…haha you made my day today— “ikaw napaka antipatiko mong lalaki ka, imbis na tulungan kami kung paano maka pag palit oh humingi ka nang tawad sa ginawa niyo nang pesteng kotse nyo sa suot namin. Diyung tatawa-tawa ka Lang d'yan. Mukha ba kaming nakaka tawa o nakiki pag biruan ba kami— Hindi na naituloy ni Faith ang sasabihin nito. Nang mapa dako ang tingin niya sa kotse ng lalaki. Dahil bumukas ang kabilang Pinto ng sasakyan tsaka bumaba roon ang napaka ganda at sexy na babae. Maputi ito subalit malamig naman ito kung maka tingin sa kaniya. “hey, why are you laughing? At ba't ang tagal mo?” saad nang babae. tska bumaling ito sa kaniya. “nextime wag kasing tatanga-tanga.…let's go Ariel mali-late na tayo” ani nang babae taka kumapit ito sa siko nang lalaki. Napa tigil naman sa pag tawa ang lalaki tsaka tumingin ito sa kasamang babae. “no problem Elice, mauna kana sa kotse…look at them, hindi natin ito sila puwedeng iwan sa ganyang setwasyon” ani nang lalaki. Kaya naman ang kaninang inis ni Faith sa lalaki ay napalitan nang pag hanga. Dahil hindi niya akalain na may pagka mabait rin pala ito. Akala niya ay saksakan ito nangyabang o kaya'y pag tatawanan lamang sila nito tska iiwan na lamang roon. Subalit mukhang mali lahat ng naiisip niya sa lalaki. Dahil mukha Lang pala itong antipatiko ngunit may malambot rin pala itong puso. Nakita nang magkaibigan na sinenyasan nang lalaki ang isang tauhan nito, upang alalayan ang magandang babae pabalik sa kotse. Nakita paniyang inirapan siya ng babae habang naka simangot. Ngunit imbis na mainis sya sa pag-uugali ng babae ay parang hinaplos ang puso niya ng makita niya ito. Pakiramdam niya ay parang nakilala na niya ito.. Kasalukuyan nang naka sakay ang magkaibigan sa mamahaling motor ng mga bodyguards. At hininto sila ng mga ito sa isang pamilihan ng mga damit at yuniporme. Hindi naman sila nahirapan sa pag alis ng putik sa kanilang katawan dahil may banyo rin roon. Katatapos lamang nilang mag palit at mag ayos sa kani-kanilang sarili at naka harap parin sila sa malaking salamin habang binobotones nila ang suot na kulay puting school uniform “late na tayo Sis, papasok paba tayo?” ani ni Akira matapos nitong isuot ang bagong sapatos. Mabuti na lamang may isang tauhan na iniwan ang guwapong lalaki at nag iwan pa ito ng Block Card. Upang umano gamitin sa mga bagay na pinamili para sa kanila. Sa una ay nag aalanganin pa si Faith dahil ang akala niya kanina ay ihahatid sila sa bahay nila upang maka pag palit at maka pag linis. Subalit hindi niya akalain na bibilhin papala ng lalaki ang lahat ng gamit na isusuot nila ng kaibigan sa araw na iyon. “oo naman, makaka habol pa tayo” sagot niya tsaka itinali ang kulay mais na buhok. “grabe napaka galante naman ng poging yun. Akalain moyun. Pera niya lahat itong pinambili sa suot natin. Bagong sapatos, uniform at Bag.. At mukhang mamahalin. Ang bango Pa” naka ngiting sabi ni Akira tsaka niyakap ang bagong school bag nito. “tsss, dapat lang naman eh…siya kaya ang dahilan kung bakit tayo na rumihan at ngayon na late na tayo dahil rin sa kaniyan” sagot niya tsaka kinuha ang bagong bag. Ayaw niyang ipahalata sa kaibigan na humanga sya sa kakaibang ugali ng lalaki, hindi lang ito matulungin at galante napaka guwapo pa nito at napaka perpekto nang pang labas. 'Yes pang labas muna, dahil hindi ko naman alam ang totoong pag uugali nun' ani ng isip niya. Hindi rin nag tagal ay naka rating na sila sa paaralan. Patakbo silang pumasok ng gate matapos silang maka baba sa Motor ng lalaking tauhan. Sa pag mamadali ay naka limutan na nilang pag pasalamat. Basta na lamang silang tumakbo nang maka baba sila ng kaibigan. “Hu! Sandali, hindi na ako maka hinga” hinihingal na sabi ni Akira tsaka huminto ito sa pag takbo. Maging si Faith ay namamawis narin at hinihingal narin. Napa hawak sya sa magka bilang tuhod niya tsaka huminga ng malalim nang paulit-ulit. “oh ba't ngayon lang kayo?” ani nang kaklase nilang palaging second honor sa kanilang paaralan. “tapos naba? Nand'yan paba iyung taga Maynila? Naka pili naba sila?” sunod sunod na tanong ni Faith, habang sya ay hinihingal. “I don't know, pero tapos na ako, and I'm very sure na mapipili ako. Kaya humabol kana Faith bilis!” kumpiyansang sabi ng babae. Hindi na tumugon sina Akira at Faith at dali dali silang umakyat sa pangalawang palapag ng paaralan. At sa unang Pinto palamang ay nakita na niya ang naka talikod na maputing babae habang may katabi itong lalaki at naka hawak ang braso nito sa bewang nang babae. At kausap nang mga ito ang kanilang principal. “oh nandito na pala sila Mr and Mrs Follox. Sina Akira Gil and Faith Catillo sila ang dalawa pang estudyanteng kanina lamang ay kinukwento ko sa inyo.” rinig nilang sabi ng principal nang makita sila nito. Kaya naman bumaling sa gawi nila ang dalawang tao na palagay niya ay mag-asawa ang mga ito. Ang kaninang pagod at kaba ni Faith ay parang biglang nawala nang makita niya ang magandang babae na may maamong mukha. Mukhang mababait ang mga ito dahil ngumiti ang mga ito nang pagka tamis tamis tsaka lumapit ang tatlo sa gawi nila. “Katulad nang kaninang estudyante ay pinipresenta ko sa inyo ang soon Valedictorian ng paaralan namin this year. Faith Catillo, Mr and Mrs Follox. tsaka parehong magagaling ang mga 'to.” mabait at pag yayabang sa kanila ng principal. Ang buong akala niya ay mahihirapan muna siyang maka pasok o mapili ng taga Maynila na mag bibigay ng Scholarship. At dahil ang principal na mismo nila ang nag recommend sa kanila ni Akira ay mukhang walang dudang mapipili nga sila. “He-hello po Ma'am…Sir good morning, sorry at na late kami. I'm Faith Catillo po” “at ako naman po si Akira Gil. Sana po mapili niyo po kami, gustong gusto po namin maka pasok at maka pag aral sa Maynila ng bestfriend ko. Napaka laking tulong narin po iyon saamin.” lakas loob na sabi ni Akira. “Hi Akira and Faith, I'm Sharina Follox at ito naman ang asawa ko. Josef Follox.. Actually nakikita konga sa inyo ang determination niyong mapa sali sa mapipili. Pero first of all kailangan muna namin makita lahat ng record at files niyo dito sa school niyo.” ani ng magandang babae. Maging ang boses nito ay napaka lambing rin. Hindi mawari ni Faith kung bakit may kakaiba syang nararamdaman sa babaeng kaharap. Pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala. Ngunit alam niyang iyon palamang ang unang pag kakataon na maka harap niya ang mga ito. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD