Chapter 3

2214 Words
FAITH POV. “oh ba't ang tahimik mo sis? Hindi kaba masaya?” ani ng kaibigan ko, nasa malalim akong pag-iisip habang kasalukuyan kaming kumakain ng panang halian sa canteen. Hindi kona napapansin na naka tulala na pala ako, habang ang kasama ko naman ay nauubos na niya ang pagkain nya. At heto naman ang saakin ay parang hindi pa nababawasan. “ha? May sinasabi ka?” saad ko nang bumalik ako kay Akira “oh nawawala kana rin sa sarili Mo. Ang lalim naman ng iniisip mo para hindi mo ako marinig. May problema kaba?” saad ni Akira at ibinaba ang hawak na kutsara sa ibabaw ng plato “ewan ko, ang weird ng pakiramdam ko.. 'yung feeling na parang napaka lapit ko sa kanila.. Para bang matagal kona silang kilala. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila” ani ko tsaka napa tingin ako sa kaibigan ko na mukhang naguguluhan sa mga sinasabi ko. Napa tigil ito sa pag nguya at halos mag salubong na ang makapal nitong kilay. “anong pinag sasabi mo? Hindi kita magets Sissy” naguguluhan niyang sabi. Haaayst kahit ako rin naman ay naguguluhan rin sa kakaibang nararamdaman ko. Naka kita Lang ako nang dalawang babaeng napaka ganda at isang guwapong lalaki ay nag kakaganito na ako. Humugot muna ako nang malalim na pag hinga tsaka tumingin sa kaibigan ko. “ano kasi Akira, iyung babaeng kasama nung chinitong lalaki at iyung mag-asawang Follox. Sina Ma'am Sharina at Sir Josef, feeling ko napaka tagal kona silang kilala. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila” saad ko tsaka napa nguso. “sinong babae? Yung supladang makapal ang blush on sa pisngi? Tsss, na buwisit kaya ako sa ugali nun. Tsaka about naman dun kina Mrs at Mr Follox, siguro magaan lang ang loob mo sa kanila kasi ang babait nila. ” tugon nang kaibigan ko. At hindi ko mapigilang mapa ngiti dahil sa paraan nang pagka sabi nito tungkol sa babaeng kasama nung chinitong lalaki. Nasa ganoong pag uusap kami nang maagaw ang pansin ko sa luma kung seplon na biglang nag vibrate sa loob ng bulsa nang palda ko. “sandali may tumatawag”ani ko nang akmang mag sasalita si Akira. Napa nguso naman ito pagka tapos ay muling ibinalik ang pansin nito sa pagkain. “si Nanay” saad ko, tsaka sinenyasan ang kaibigan ko na tumahimik. helo anak” “Hello Nay napa tawag po kayo? May problema po Ba?” “wala naman anak, tsaka sasabihin kulang na gagabihin ako masyado ng uwi mamaya, dahil darating ang anak ni Mayor” Saad ni Inay.. Sa narinig ay bigla na lamang ako kinabahan. Para bang may mga kabayong nag hahabulan sa loob ng puso ko. Dahil sa sobrang bilis nang pag t***k nito “talaga po?” saad ko at hindi ko napigilang mapa tayo dahil sa ibinalita ng nanay ko. Paano ba naman kasi uuwi na dito sa Zamboanga ang anak ni Mayor. Ang lalaking unang nag pagulo sa isip ko. FLASHBACK! “Anak dito kalang ha papasok lang si nanay sa loob ng Library ni Madam. Huwag kang malikot ha” ani ng ina "Opo nanay" mahinang sagot ng bata. Nakayuko lamang habang naka upo sya sa isang upuan. katabi ng Entrance door nang may biglang mag salita sa kaniyang harapan. Kaya napa angat siya ng ulo at nag tama ang kanilang mata "Hi" bati ng batang lalaki. Meron itong dalang Bola at naka suot ito ng pang basketball. Guwapo ito, maputi at chinito. minana nito ang Wangis ng inang may lahing Chinese Nanatili lamang tahimik si Faith habang naka kunot nuong naka titig sa batang lalaking naka ngiti sa kaniyang harapan. "What's your name? Ngayon lang kita nakita dito" ani ng bata at nilahad nito ang kamay sa harapan niya "I'm Ariel Chua Rosales ikaw anong pangalan mo?" pag papakilala Pa ng bata. ngunit tahimik lamang si Faith. Ang kaninang kamay na inilahad ng batang si Ariel ay nahihiyang ikinamot na lamang nito sa kaniyang kilay "Napaka ganda mo namang pipi. Sayang" ani ng bata "Anong pipi?" malamig na sabi ni Faith na halos ikina lunok naman ng sariling laway ni Ariel. napa lunok ito nang sariling laway pagka tapos ay naging mailap ang tingin nito na animoy natatakot o kaya'y nahihiya. “ah eh pipi yung hindi maka pag salita ganon" sagot ng batang lalaki "Okey leave me alone" pag susuplada ni Faith.. "Ay Suplada. Okey pero bago kita iwan tandaan mo ito batang sungit. Saakin rin ang bagsak mo at papakasalan kita pag malaki na ako. mark my words my beautiful sungit bye!" naka ngiting wika ni Ariel at mabilis na ninakawan nito ng halik sa labi si Faith at nag madaling kumaripas ng takbo Kina gabihan muli na naman pinasama si Faith sa mansyon ng mga Rosales. Pamilya Chua naman ang asawa ng Alkalde at may lahi itong Japanese at hapon. Kasalukuyang hinihintay ni Faith ang kaniyang Inay. Sa upuan kung saan sya madalas nauupo satwing pumupunta sya roon. Habang nag hihintay ay napapaisip sya. Iniisip niya yung batang lalaking nag nakaw nang halik sa kaniya. “gagantihan kita, aarg d*mn” inis niyang sabi. Sa sobrang pagka inip sa pag hihintay ay hindi na niya namalayan na naka pikit na pala siya. At hindi rin niya naramdaman ang prisensya ng isang Tao na lumapit sa kaniya. Ganun na lamang ang laking gulat niya dahil sa ginawa nito sa kaniya. “you're so beautiful” manghang ani ng batang lalaki, pagka tapos nitong halikan ang labi nang gulat na gulat na batang babae na si Faith, hindi Pa ito nakontento sa pag halik nito sa kaniyang pisngi. At dahil sa labis na pagka gulat sa ginawa nang batang lalaki ay hindi na niya naingatan ang pangalawang beses n pag halik nito. At sa pag kakataong iyon ay nasa labi naman Napaka bata paniya, at hindi niya akalain na magkaka first at second kiss sya sa ganoong edad. “you're mine” saad pa nito. Ngunit imbis na magalit o pag sabihan ay bigla na lamang nangilid ang mga luha ni Faith at walang sabing tumalikod tsaka patakbong palayo sa batang lalaki. Mag mula nang araw na iyon ay hindi na muling nakita ni Faith ang batang lalaki na humalik sa kaniya. Hanggang sa lumaki na siya at nag dalaga Paminsang nagagawi si Faith sa Mansyon ng Alkalde upang tulungan ang ina sa ibang Gawain nito sa mansyon. Dahil maliban sa pagiging labandera ay ito rin ang nag aalaga sa Garden ng Senyora. Wala rin problema sa mga ito ang paminsang pag dalaw niya roon. Bagkus ay kina gigiliyuhan pa siya ng ina nang senyora. Sa paminsang pag pupunta niya roon ay umaasa rin syang makita pa niya muli ang batang lalaki.. Ngunit nawala na lamang ang pag asam niyang makita ito nang mag dalaga na siya. END OF FLASHBACK THIRD PERSON POV. “u-unico-ijo? Si-sino po Inay?” nauutal niyang sabi nang maka bawi siya sa saglit na pagka gulat at pag babalik tanaw. “oo anak, pero kung gusto mong dumaan dito pag uwi mo…mas maganda iyon para dito kana maka kain at hindi kana maka pag luto sa bahay—Angel si Faith ba iyang kausap mo?” saad nang nasa kabilang linya, natigil sa pag sasalita ang kaniyang ina at narinig na lamang niya ang boses ni Donya Lygia “Oho” rinig niyang sagot nang ina. Si Donya Lygia ay ang ina ni Senyora Barbara, napaka bait at masiyahin nang matanda at higit sa lahat ay napaka matulungin nito. At iyon ang ugaling wala sa anak nito. Si Senyora Barbara ay napaka Matapobre, masungit, laitera at mababa ang tingin nito sa mga mahihirap. Ngunit tanging ang mga kasambahay, si Faith at ni Angel lamang ang nakaka alam sa ugali nito. Dahil bilang asawa ng isang Alkalde na lugar nilang iyon ay kailangan nitong mag pakitang tao sa ibang Tao. Kailangan nitong mag bait-baitan at itago ang tunay nitong pag uugali. “really? oh… tell her nandito na ang Lola Gia niya.. I missed her.. I want to see her Angel..” magiliw na sabi nang ginang na ikina ngiti naman ni Faith. Dahil kahit hindi niya nakikita ang matanda ay alam niyang naka ngiti ito. “anak, narinig mo 'yun? Gusto ka papuntahin dito ni Donya Lygia. Isama mona rin si Akira para may kasama ka papunta dito.” Sa narinig ay napa buntong hininga na lamang si Faith tsaka tipid na ngumiti. Sa to too niyan ay ayaw talaga niyang pumunta roon. Lalo na't alam niyang naruon na 'yung lalaking matagal na niyang gustong makita muli. 'Asuss ayaw munga ba makita? Napaka tagal mona kayang umaasang makita muli ang first kiss mo no' kantiyaw ng isip niya. 'As if namang natatandaan kapa nun. Hello napaka tagal na Kaya nun' ani naman nang kabilang isip niya. Sa isiping iyon. Ay para bang naka ramdam ng inis si Faith sa isiping hindi na siya kilala nang lalaki o kaya'y hindi na nito natatandaan ang ginawa nitong pag nakaw sa una at second kiss niya. “hmm opo” buntong hiningang saad niya. Matapos niyang sabihin sa kaibigan ang mga nararamdaman niya at mga pinag usapan nila nang ina ay bigla na lamang siya nitong binatukan sa noo.. “araay! Akira anong problema mo?” inis niyang sabi habang himas ang kaniyang noo.. “gaga! Para magising ka... Heller Sis, ilang taon nayun no at mga bata pa kayo nun. Satingin moba makikilala kapa nun? Matatandaan paniya iyung biglaang pag nakaw niya ng kiss sayo. Syempre hindi na no……ikaw rin ang nag sabi saakin na Guwapo ang batang lalaki na iyun. Syempre malamang ka edad mona yun ngayon At Japan 'yung pinang galingang niya malamang marami nang babaeng nahalikan yun o nagustuhan. Katulad mo napaka daming boys nag kakagusto sayo. Ang pinag kaiba lang, ikaw Lang itong hindi maka move on sa unang halik sayo ”mahabang sabi nang kaibigan “talagang inasaar mo talaga ako ha” saad niya at binatukan pabalik ang kaibigan. Tawang-tawa naman ito at iniiwasan ang mga bawat atake ni Faith. “ano na kaya ang mukha niya ngayon, guwapo parin kaya sya tulad nang dati? Hmm siguro nga tama ka Akira. Naka limutan na siguro ako nun dahil pati ako ay hindi kona alam kung ano na ang mukha niya ngayon. Siguro kahit mabangga ko sya hindi ko sya makikilala.” aniya at napa nguso. Kaya naman napa tigil sa pag tawa ang kaibigan. Tsaka sya hinakbayan. “ngayon malalaman muna, dahil pati ako ay excited nang makita kung ano ngaba ang mukha ng lalaking firstkiss mo ngayon” tugon nang kaibigan. “na i-imagine kulang, paano kung bigla pala siyang tumaba, lumubo na ang mga pisngi niya. Tapos Jologs sya manamit hahahaha ang pangit na siguro niya, tapos dagdagan pa ng maraming pimples”saad ni Akira at muli na naman itong napa tawa tsaka napa ngiwi sa huling sinabi nito. “sobra ka naman Akira, hmm hindi naman siguro ganun..” “hmm hahahaha imagine Lang naman, oh s'ya tapusin na ang dapat tapusin para maka uwi na tayo at makita na natin iyang first kiss mo. Wis nalang kung nag glow up kagaya mo sis” saad nang kaibigan at tumili ito nang mahina na animoy kinikilig. Habang si Faith naman ay napapailing nalamang nang ulo. Subalit sa kaniyang kalooban ay napapaisip rin siya kung ano na kaya naging itsura nito 'sana naman mas lalo syang pumogi para hindi ako pag tawanan ni Akira' ani ng isip niya tsaka tumayo narin. Upang sundan ang kaibigan Samantala sa kabilang dako naman ay nasa biyahe parin pabalik nang maynila ang mag asawang Sharina at Josef Follox. Nasa malalim na pag iisip ang babae nang hawakan ng asawa nito ang kanang kamay na naka patong sa hita nito. “Are you tired? I think may iniisip ka babe. What is that?” saad ng lalaki. Habang nag mamaneho ang kaliwang kamay nito. At paminsan sumusulyap sa asawa nitong kanina pa tahimik. “iyung dalagitang naka harap natin...iyung…sino nagaba 'yun?” ani nang babae at pilit inaalala ang pangalan nang taong nasa isip nito. “hmm saan? Marami tayong naka harap na dalagita kanina Babe.…alin dun?” “iyung blond ang buhok at may Kulay Green na mata..” ani nang babae “oh…hmm I think, if I'm not wrong…Faith…Yes Faith Catillo ang pangalan niya. Why?” ani nang lalaki. “She looks familiar, kahawig niya si—si…Jusko! Josef I need more information about her.. First-time I saw her. Kanina palang pero ang gaan gaan na nang loob ko sa kaniya.” saad ni Sharina at kinuha ang phone nito sa bag tsaka tinignan ang Family Photo nila. Kung saan naruon lahat sa litrato ang buong pamilya nila. Maging ang larawan nila ni Sherin na asawa nang kaniyang kapatid na si Paul ay tinignan rin niya. “Look at this babe. See? Para silang pinag biyak na pakwan ni Faith. Kamukhang kamukha niya si Sherin” ani ni Sharina at nanlalaki ang mga Mata nito. “okey don't worry ako na ang bahala, pero huwag mo muna itong sabihin sa kuya mo at kay Sherin.” ani ni Josef at hinalikan ang likod nang palad ng asawa. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD