“TALAGANG naka school uniform pa tayong pumuta dito.” ani ni Akira, kasalukuyan nang naka tayo ang dalawang dalagita sa harapan ng malaking Gate ng Subdivision ng mga Rosales at Chua. nasa iisang Subdivision lamang ang magka bilang pamilya. Ngunit parehong pinag sisilbihan nang ina ni Faith, bilang labandera, at taga alaga ng mga halaman.
“alangan namang uuwi pa tayo, para lang mag palit.. Sasakay pa tayo ng bangka tapos malayo pa ang lalakarin natin..madodoble lang tayu kapag ganun” tugon niya sa kaibigan.
Akmang mag do Doorbell na sana siya. Subalit naagaw ang pansin nila sa isang sasakyan na papasok sa malaking gate. Bumusina ito ng dalawang beses kaya naman tumabi silang magkaibigan.
“ang gara ng sasakyan at ang kintab. Wow Pati siguro alikabok mahihiyang dumapo. Ang yaman yaman siguro nang may ari niyan” namamanghang sabi ni Akira habang naka yakap sa isang braso niya.
“tsss ang daldal mo” mahinang saway ni Faith. Habang naka tuon rin ang pansin niya sa kulay itim na kotse.
Bumukas ang pinto at bumaba ruon ang isang may edad nang lalaki. Ganun rin sa kabilang pinto, bumaba ruon ang isang lalaki rin na medyo bata pa. At satingin ni Faith ay hindi nalalayo ang edad nito sa kaniya.
“hello girls, anong ginagawa niyo dito sa labas mga iha?” mahinahong sabi ng matandang lalaki. Nanatiling tahimik lamang si Faith at ewan ba niya kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng kabog nang dibdib niya nang tuluyang maka lapit sa kanilang harapan ang isang guwapong binata at isang matandang lalaki
Pakiramdam tuloy ni Faith ay nalunok niya ang dila niya at lalabas na ang puso niya dahil sa sobrang lakas ng t***k niyon. Parang gustong gusto niyang yakapin ang matandang lalaki na nasa harapan niya. Ngunit nag tatalo naman ang isip niya. Dahil bakit niya iyon gagawin gayung iyon palamang ang unang beses na makita niya ang mga ito.
Ang naramdaman niya kanina kina Mrs At Mr Follox ay ngayon ay nararamdaman niya sa dalawang lalaking nasa harapan niya.
“hello po, magandang hapon po. Ako po si Akira at itong kasama ko naman po ay si Faith. Dito po nag tatrabaho ang nanay ng kaibigan ko. At pinapa punta rin po siya ni Donya Lygia.” mahabang pag papaliwanag ni Akira. Dahil naisip nito na baka iniisip nang mga ito na may gagawin silang masama o kaya'y naliligaw.
“hmm okey” tipid na tugon nang matandang lalaki habang kay Faith parin ito naka tingin. Swerte namang bumukas kaagad ang malaking gate. Kaya naman nabaling roon ang atensyun nilang apat.
“let's go Lo” ani nang binata at inalalayan ang abuwelo na bumalik sa sasakyan..
Nanatiling naka tayo lamang ang mag kaibigan hanggang sa maka pasok na ang sasakyan. Kung hindi pa nag salita ang lalaking Security guard ay hindi mapupukaw ang isip ni Faith.
“huy! Sis anong nangyayare sayo? Nanlalamig ka…ayus kalang ba? Kanina Pa tayo tinatanong ni Kuya Guard kung papasok paba tayo” ani ni Akira habang hawak nito ang kaniyang kaliwang kamay. Tinapik tapik panito ang pisngi niya na animoy ginigising sya mula sa malalim na pag- iisip.
“ha? Wa-wala…wala halikana pu-pumasok na tayo” nauutal niyang sabi. Habang hindi parin tumitigil ang malakas na kabog nang kaniyang dibdib.
Habang nag lalakad ang dalawa ay hindi mapigilang mapa tingin sa kanila ang ibang bisita na nasa labas. Sa Garden ginawa ang party na hinanda nang Donya para sa panganay nitong apo. Kaya naman palapit palamang ang dalawa ay kitang kita nila ang ibang mga Mata ng mga tao na naka tingin sa kanila. Masasabing may sinabi sa buhay ang mga taong naroroon maliban na lamang sa kanila na anak lamang ng taga silbi.
“Akira, na-nahihiya ako…ang daming tao” mahinang sabi niya at hindi niya mapigilang pisilin ang braso ng kaibigan.
“ako rin…taray ba't saatin sila naka tingin? Ngayon lang ba sila naka kita ng magandang estudyanteng naka uniform pang pumasok sa ganito kagarang party.” ani naman ni Akira at sinadya panitong ngumiti nang pilit.
“umatras nalang kaya tayo, nanga-ngatog ang tuhod ko sa sobrang hiya. Hindi ko kayang lumapit” ani ni Faith at huminto ito sa pag lakad.
“gagi ngayon kapa hindi tutuloy, kung kailan naka pasok na tayo—
Hindi na naituloy ni Akira ang sasabihin nito nang maagaw ang kanilang pansin.
“Faith iha, I'm glad dumating ka. Ahh you still very pretty iha, don't you miss me iha?” malambing na sabi ng isang ginang na nag patigil sa dalawa. Niyakap nito si Faith at ibineso ang magka bilang pisngi nito.
“Don—
“hep, naka limot kana naman iha…how many times I told you iha na Lola or G-Ma itatawag mo saakin like (GrandMa)” saad panito at pinalungkot pa nito ang huling boses.
“Lo-lola? Eh…eh nakaka hiya po eh, G-Ma nalang para hindi masyado nakaka ilang po” mahina niyang sabi kaya naman napa ngiti ang Donya at yumakap pa ito ulit kay Faith bago binalingan si Akira. Niyakap rin nito ang kaibigan at ibineso pagka tapos ay pumagitna ito sa dalawang dalagita
“Let's go iha, nasa loob rin ang Inay mo. Huwag kayong mahiya okey. Mamaya lalabas narin ang apo kong si Ariel…nakooo! Matutuwa 'yun kapag makita kaniya iha. Minsan na niyang nabanggit na gusto niyang makita ulit iyung batang babae na anak raw ni Angel. At iyun ay ikaw iha” mahabang saad nito .sobrang magiliw ang Donya at malambing rin ito. masayahin ang mukha nito at sobrang mahinahon ang boses nito.
“Po…a-ako ho?” nauutal niyang sabi at hindi niya napigilang manlaki ang mga Mata niya. Dahil ang akala niya ay matagal na siyang kinalimutan ng lalaki. lalo pa't napaka tagal ng panahon nung huli silang mag-kita. Mga bata pa sila noo, kaya ang akala niya ay hindi na sya nito hahanapin ngayon malaki na sila.
“oo naman iha, ikaw ha…hindi ka man lang nag sabi saakin na nakilala mona pala ang Apo Kong si Ariel”
“na-nawala na ho sa isipan Kong sabihin Don—G-Ma…ka-kasi po. Matagal narin po kasi 'yun at siguro nga po ay hindi na niya ako makikilala ngayon.” nahihiya niyang sagot.
“d'yan ka nag kakamali iha, Cham… iho nasan ang pinsan mo?” saad ng Donya sa isang binatilyong lumapit sa kanila
“Hi La, sinong magagandang dilag na 'to?”
“Faith and Akira anak siya ni Angel” tugon ng Donya at hinawakan sa bewang ang nahihiyang si Faith
“oh si Aling Angel, hmm hi beautiful…by the way parating narin si Ariel kasama niya ata si Elice” tugon nang lalaki habang kay Faith parin naka tingin.
“oh okey, sige iha mag palit muna kayo. Nabigay kona sa Inay mo ang susuotin niyo.” ani ng ginang habang naka ngiwing naka tingin sa kanilang suot.
“sige La, I have to go…may susunduin pa ako eh. Bye Beautiful Faith and Akira.” ani nang lalaki tsaka humalik ito sa pisngi ng Donya pagka tapos ay ngumiti ito at kumindat sa dalawang babae, bago tuluyang umalis sa kanilang harapan.
'Tssss, ang hangin naman ng lalaking 'to' saad ng isipan niya. Lihim na lamang siyang napa irap pagka tapos ay hindi na nila tinugon ang lalaki. Maliban lamang sa matandang naka ngiti nalang palagi
“ho? Eh…hindi naman po kami mag tatagal, kaya ayus napo itong—
“no iha, hanggat hindi natatapos ang party ay hindi muna kayo makaka uwi. Kinausap kona si Angel tungkol d'yan iha.”putol ng ginang sa kanyang sasabihin.
Natigil lamang sa pag-uusap ang mga ito nang may isang ginang na lumapit at kinuha ang atensyun ni Donya Lygia at pabor iyon kay Faith dahil kanina pa siya naiilang at nahihiya. “excuse muna Faith and Akira, samahan ko muna ang mga Amiga ko ha..”ani nang donya bago nito iniwan ang dalawang babae.
Nang maka alis na ito sa harapan nila ay naka hinga ng maluwang si Faith. Sandali syang napa pikit ng mata pagka tapos ay huminga ng malalim. “sis, saan natin hahanapin dito ang Nanay mo? Ang laki nang mansyon. Mukhang maliligaw ako dito” mahinang saad ni Akira at tinapik ng mahina ang balikat ni Faith, dahilan upang maka bawi sya sa pagkaka nerbiyos. Kanina Pa sya kinakabahan at hindi niya iyon maintindihan, kung bakit ganuon na lamang kabilis at kalakas ang bawat t***k ng puso niyan
Hindi na lamang sya tumugon sa kaibigan bagkos ay nag lakad na lamang sya patungong kusina. Dahil alam niyang duon madalas ang Nanay niya lalo na't may party sa mansyon na iyon. Tumutulong rin kasi ito sa Gawain sa kusina. At hindi nga sya nagkamali dahil pag pasok pa lamang nila ng kusina ay nakita. Nilang nag pupunas ito ng basang mga plato. At mukhang katatapos lang nito mag hugas.
“Inay” tawag niya rito, humarap naman ito at napa ngiti ng makita nito. Binitawan ang hawak na pamunas at Plato tsaka lumapit sa kanila.
“anak, oh kararating niyo lang ba?. Iha kamusta ka?” ani nito at bumaling sa kaibigan.
“ayus naman po, tapos na po ba kayo? May maiitulong poba—
“nako hindi na iha, tapos na rin ako. Tinulungan kulang 'yung washer…tumulong sya mag serve sa labas kaya naiwan ako dito. Oh s'yanga pala…heto pampalit niyo.” saad ni Angel at binigay ang dalawang paperbag na kinuha pa nito sa ilalim ng lamesa. Tag iisa naman sina Faith at Akira
“bakit pa po kami mag papalit Inay…hindi naman po kami mag tatagal”
“hindi konga rin alam anak. Basta sabi ni Donya Lygia isuot niyo raw iyan pag dating niyo” tugon ng ina.
“what's happening here? Angel tapos kana ba sa trabaho mo? At anong ginagawa ng dalawang 'to dito? Hindi niyo ba nakikitang may Party.. Bakit kayo pumasok ng walang pahintulot ko?!” ani ng Maarte at galit na boses ng isang babae. Mula sa Pinto ng kusina. kaya naman natigil ang tatlo at napa yuko na lamang ang dalawang dalagita nang makita ang galit na mukha ni Senyora Barbara
//Continue