“SINYORA…ang donya ho ang nag papunta—
“I don't care…gawin mo ang trabaho mo at paalisin mo sa pamamay ko itong dalawang 'to…gaaash! Naka uniform pa” ani nang malditang ginang at tinignan nito mula ulo hanggang paa ang dalawang dalagita.
“nako Sissy…pigilan mo'ko…sinasabi ko sa'yo Sissy. Sasapakin kona talaga 'tong bruhang impakta na'to” mahinang sabi ni Akira habang naka kuyom ang mga kamao nito
“may sinasabi ma?” ani ni Senyora Barbara, habang naka taas ang kaliwang kilay nito
“Pero ang Donya ho ang may kagustuhan at hindi ibang tao sila Senyora. Anak ko ho ang pinag sasabihan niyo—
Hindi na natuloy ni Angel ang sasabihin panito nang may mag salita mula sa likuran ni Sinyora Barbara
”Faith…Akira…diba ang sabi ko mag palit na kayo…malapit na dumating ang apo ko” ani ni Donya Lygia
“Ma…ano 'to? Inimbita niyo ang mga ito? Seriously. Gaaash Ma—
“Why Barbara? May problema ba? Tell me…anong problema kung imbitahan ko ang gusto kong papuntahin?” seyosong saad ng Donya sa anak nito.
“sige na Angel, samahan mo sila sa guest room para maka pag palit. At mag palit kana rin. Mamaya nayang trabaho” ani nang donya nang balingan nito ang tatlo.
Wala naman nasabi ang Malditang Anak nito. ngunit kung kutsilyo lamang siguro ang mga Mata nito ay marahil ay namatay na ang tatlo. Dahil sa sama at dami ng saksak nang matalim nitong tingin.
Umiwan muna ito nang matalim na tingin, bago umalis ng kusina.
“Angel, Akira and Faith… ako na ang humihingi ng pasensya. pardon sa pinakitang asal ni Barbara.” ani ni Donya Lygia, nang maka labas si Senyora Barbara.
“maybe she's very tired, dahil halos sya rin lahat nang pina asekaso ko sa party ng anak apo ko.” dugtong panito.
“ayus lang ho iyon. Naiintindihan rin ho namin” magalang na sabi ni Angel
“Madam nand'yan na ho si Sir Ariel” ani nang isang tauhan, mula sa likuran ng ginang.
Bigla naman bumilis ang t***k nang puso ni Faith, at hindi niya mawari kung bakit siya nag kakaganuon. Narinig niya lang dumating ang apo ng donya ay parang nag liparan na ang mga paro-paro sa kaniyang tiyan at hinahabol nang maraming kabayo ang kaniyang puso dahil sa sobrang bilis niyon.
“Sige Thank-you” tugon nang donya. Tsaka binalingan ang tatlong babae “mag palit na kayo dali. Ayaw kong naka ganyan kayong humarap sa mga bisita at sa apo ko.” dugtong Pa nito at pumalakpak ng dalawang beses. Dahilan upang mag sikilos ang tatlong babae.
Samantala pag baba palamang ni Ariel sa magarang sasakyan nito ay sinalubong na kaagad sya ng iilang photographer. Mas lalo pang lumiit ang mga Mata nito nang ngumiti siya sa harapan ng camera. Pagka tapos ay nag tungo sya sa kabilang Pinto upang ipag bukas ang kasama nitong babae.
Suot ang kulay pulang backless tube dress na hanggang tuhod lamang at binagayan nang kumikinang na kulay silver na high heels nito. Sinadya rin kulutin ang dulong buhok nito. Talagang napaka gandang babae ang kasama nito at napaka sexy rin. At dahil madalas silang magka sama ng binata at sobrang close nilang dalawa ay napapag kamalan silang may relasyon. At masayang masaya naman ang babae dahil doon. Masayang masaya ito sa isiping akala ng lahat ay boyfriend niya si Ariel Chua Rosales. Habang ang binata naman ay nanatiling tahimik na lamang at hinayaan ang maling akala nang nang mga taong nag iisip sa kanilang magkasintahan ni Elice Dalgan.
Si Elice Dalgan ay nakilala nang binata sa London. Kung saan ito nag aaral. Fourteen years old pa lamang sila nang una silang magka kilala. Maarte at may pagka maldita ito. Ngunit may tinatago rin itong kabaitan at down to earth sa mga taong mahihirap. Matulungin ito at iyon ang dahilan kung bakit napa lapit siya sa babae. Para Kay Ariel ay tingin niya kay Elice ay isang nakaka batang kapatid na babae o kaya'y girl bestfriend niya. Wala siyang kapatid na babae kaya naman nakikita niya kay Elice ang pagiging kuya niya para dito.
Nang maka baba ang babae ay kaagad itong kumapit sa kaliwang braso nang lalaki at matamis na ngumiti sa mga taong nasa harapan nila. Hanggang sa maka pasok sila nang mansyon ay hindi parin mapalis palis ang ngiti sa labi ng babae.
Nag silapitan naman ang malalapit na kaibigan ng binata gayun rin ang ibang bisita upang batiin ang binata. “Welcome back Ariel, congratulations napa nood ko sa news kung paano mo naipanalo ang last finale nang game niyo sa Los Ageless” ani ng isa pang guwapong lalaki
“thanks Pare.” tugon niya, isa siyang Sikat na football player sa ibang bansa. At maka lipas ang maraming taon ay niyon na lamang naisipang bumalik ng pilipinas.
“Welcome back my son, ohhhh I miss you so much” malambing namang sabi ni Senyora Barbara sa anak nito. tsaka niyakap ang matagal na nawalay na anak.
Gumanti naman nang yakap ang binata tska hinagkan sa pisngi ang ina. “I miss you too Mom” saad nito. Kumalas lamang ito sa ina nang makita niya ang paparating na abuwela.
“Lola!” ani nang binata at sinalubong nang mahigpit na yakap ang abuwela.
“oh my unico-ijo.. Ang guwapo guwapo I miss you apo, welcome back and congratulations” ani ni Donya Lygia.
Marami ang bumati sa binata na magiliw naman nitong pinapasalamatan. Hanggang sa mapansin nang magulang ang babaeng kasama nito.
“Elice iha…how are you? gaaash, you are so very beautiful talaga. Salamat naman sinamahan mong bumalik nang pilipinas itong Ariel namin” ani ni Senyora Barbara at ibineso ang dalaga.
“yah ofcourse tita, and you too tita…mas lalo kang bumabata't gumaganda…and by the way I'm fine tita hinihintay kulang mag propose saakin itong anak niyo” tugon nang dalaga at mahinhin na tumawa “Haha I'm just kidding…How about you tita how are you at nasa'n si Tito?” dugtong pa nang dalaga
“meron syang inasekasong business sa manila. Come here iha.. Ipapakilala kita sa ibang mga Amiga ko” ani ni Senyora Barbara kay Elice. Gustong gusto nang senyora ang dalaga dahil bukod sa nag mula ito sa royal family ay anak pa ito nang sikat na Gold Business man na matagal nang nililigawan ng kompanya nila.
Naiwan naman ang binata kasama ng mga kaibigan niya at nang abuwela niya. Naka simangot Pa ang matanda at naka taas ang kaliwang kilay nito “parang hindi ako nakita nang babaeng iyun ah. Ganun naba ako kaliit apo?” ani ni Donya Lygia. Kaya napa ngiti na lamang ang binata at hinakbayan ang abuwela..
“parang hindi na kayo nasanay kay Elice La. Pag kaharap si Mommy, parang sila lang ang tao” tugon nang binata
“tsssk, I don't like her.. Huwag na huwag mo iyan magugustuhan ha. I don't like her attitude. By the way, asikasuhin mo muna ang mga bisita mo. Entertain them. May pupuntahan lang akong special someone” ani nang donya at kumindat pa ito sa apo. Kaya naman napa taas nang kaliwang kilay ang binata.
Samantala sa kabilang dako naman ay napapa isip ng maigi ang isang matandang lalaking naka upo kasama ng ibang mga bisita. Naiisip nito kung saan ba niya nakita ang ganuong wangis na mukha. Sobrang familyar sa kaniya ang angelic face nang napaka gandang dalagitang nakita niya sa labas ng Gate nang mga Rosales. “her green eyes.. Who are you? Bakit iba ang pakiramdam ko sa iyo?” ani nang mayamang matandang lalaki.
“Lo… Are you okay?” ani nang binata na nasa harapan nito naka upo. Habang naka patong ang isang kamay nitong may hawak na wine glass na naka pagitna sa kanila ang pabilog na lamesa. Hindi na nito napigilang mag tanong nang mapansing kanina pa tahimik ang Abuwelo nito.
“Yes Patrick, just call the driver after 10 minutes uuwi na tayo. Tapos na rin kaming mag usap ni Lygia about her proposal for this Mansion. Babatiin kolang ang inaanak ko” ani ni George sa apo.
//Continue