Chapter 6

1145 Words
“AKIRA hindi pa ba kayo tapos?” ani ni Donya Lygia nang makita nito ang dalaga sa labas nang Pinto ng guest room. Hindi naitago nang Donya ang matamis na ngiti sa kaniyang labi matopos nito mapansin ang ayus nang dalaga katabi nito ang napaka ganda rin na si Angel. Parehong naka suot nang eleganteng dress ang dalawa. Si Akira ay kulay maroon na tube dress na talagang humapit at nag palabas ng kurba ng katawan nito bumagay rito ang kulay plain silver na high heels nito. Habang si Angel naman ay naka suot nang kulay puti na hanggang gitnang binti nito. Plain white lamang ngunit off shoulder naman sa kaiwang balikat nito. Simple lamang ang pag kakaayus nila sa kanilang itsura at hindi na nag abalang mag lagay ng make-up sa kanilang mukha. Ngunit litaw na litaw naman ang taglay na ganda ng dalawa. “eh si Faith po kasi, ang tagal…hindi parin lumalabas—Faith, nandito si Donya Lygia bilisan mona d'yan” saad ni Akira at kinatok nang tatlong beses ang Pinto. Samantala parang wala namang narinig si Faith, dahil naka tulala parin siya sa harap nang malaking salamin. Hindi niya mapa niwalaang siya ang napaka gandang babaeng nakikita niya sa harap nang salamin. Buong buhay niya ay niyon lamang siya naka suot nang ganun kaganda, ka elegante at kamahal na dress. Evening fabric purple tube backless dress na umabot hanggang sa binti niya. Sindya niyang ilugay ang buhok ang Brown niyang buhok. Oo brown na ngayon ang buhok niya. Ang dating Kulay Mais na buhok ay pinalitan ni Angel nang brown. Pinakulayan iyon ni Angel upang maiba naman ang itsura ni Faith at hindi gaanong mapansin ang wangis niya. Ngunit dahil kulay brown na ang buhok niya ay mas lalong tumingkad ang napaka puti at napaka kinis na balat ng dalaga. Kaya maraming nakaka pansin na may dugong American umano si Faith. Hindi siya nag mukhang pilipina Natural na mapula na animoy kulay cherry ang hugis pusong labi ni Faith. Kaya naman hindi na siya nag abalang mag lipstick o kayay mag lagay ng kahit na ano sa kaniyang mukha. Tanging ang buhok lamang niya ang inayos niya. “ako ba'to? Ikaw ba'yan Faith? Ang ganda ganda mo naman self”kausap niya sa kaniyang sarili. “Faith iha…matagal kapa ba d'yan?” ani ni Donya Lygia “Faith anak, anong nangyayare d'yan ba't hindi ka maka sagot?”ani naman ni Angel “Sissy kapag Hindi kapa lumabas d'yan, kukunin ko sinso namin sa bahay sisirain ko itong pintuan na'to” ani naman Akira. At sunod sunod na katok ang ginawa nang mga ito. Dahilan upang tuluyang mapukaw ang pansin ni Faith. Dahan dahan bumukas ang Pinto at niluwa niyon ang mala dyosang dalaga. Talagang nakaka mangha ang taglay na ganda ni Faith kaya naman hindi napigilang mapa awang ang bibig nang tatlo, habang hindi maipa liwanag ang reaction nang mga Mata at itsura nang mga ito sa labis na pagka mangha. “para naman kayong naka kita nang multong muling nabuhay niyan eh. Ang oa nang reaction niyo po. Pangit ba? Aalisin ko nalang.. Naiilang ako” saad ni Faith nang mapansing hindi parin maka pag salita ang tatlo. Ngunit nang akmang tatalikod na sya ay mabilis syang napigilan ni Donga Lygia “no…no… no no no iha…my goodness nakaka speechless ang kagandahan mo iha” tuwang tuwang sabi ni Donya Lygia at napa palakpak Pa ito habang nag nining-ning ang mga Mata nito. “oo nga anak, napaka ganda mo” saad naman ni Angel at hindi nito mapigilang ang mga luha nang kaligayahan sa mga Mata nito “sobrang ganda mo Sissy, nako Aling Angel, wala pang make iyan ha. Paano pa kaya kapag inayusan nang bakla itong bff ko.” ani naman ni Akira. “eeh, parang gusto ko nalang mag palit, naiilang ako.. Hindi ako sanay mag suot nang ganito” saad ni Faith. Oo nga't tuwang tuwa sya sa ayus niyang iyon. Subalit, hindi parin niya maitago ang hiya gayung hindi sya sanay humarap sa maraming Tao na naka ganuong ayus. “nako, wala nang maraming arte…halina kayo” ani ni Donya Lygia tsaka tumalikod at nauna na itong nag lakad Samantala matapos ipag yabang at sabihin ni Senyora Barbara sa mga kaibigan niya na soon to be Daughter-in-law niya umano ang nag-iisang anak na babae at panganak na anak nang isang Jeppy Dalgan na si Elice Dalgan ay masayang masaya ang kalooban nang dalaga. Dahil kitang-kita nito kung gaano siya kagusto nang ina ni Ariel. “mukhang kay Elice kana talaga babagsak Pare” ani ni Bonux, habang naka tuon ang pansin sa babaeng naka tingin lamang sa gawi nang mag babarkada kung nasaan si Ariel “Oo nga Pare, ngayon tell us na hindi totoo iyung napapabalitang nag propose kana raw nang kasal kay Elice” ani naman ni Cham “ofcourse not, tsssk that's fake news.. At para ko nang kapatid si Elice no. Hindi ko iyan kayang taluhin.” sagot ni Ariel sa dalawang kaibgan “ang tanong…bilang kapatid rin ba ang tingin niya saiyo. Hahaha alam natin lahat. Matagal nang may gusto saiyo si Elice Pare, pero ini-ignore mo lang” ani naman ni Tide. Sa narinig ay natahimik na lamang si Ariel, dahil tama si Tide. Alam niyang umaasa parin at matagal nang nag kakagusto sa kaniya si Elice. Pero para sa kaniya ayaw niya lang pansinin at ini-ignore na lamang niya. Dahil para sa kaniya ay nakaka batang kapatid at matalik na kaibigan ang turning niya para dito. Nasa ganuong pag-iisip si Ariel nang biglang mag salita si Pride sa kaniyang tabi. Kaya naman naagaw ang kanilang pansin at napa lingon ang mag babarkada sa gawi nang apat na babaeng pababa nang hagdan. “Pare, may kasamang dyosa ang lola mo…sino siya?”saad ni Pride “may pinsan kabang americana Pare? Gagi bakit hindi namin alam na may diwata ka palang pinsan” ani naman ni Cham na siyang pinaka babaero sa kanilang mag kakaibigan. “ipakilala mo naman kami Pare, grabe ang ganda niya” namamanghang sabi naman ni Tide. “Damn mag sitigil nga ka'yo, hindi ko iyan pinsan at lalong hindi ko siya kilala” saad ni Ariel at ewan baniya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili dahil naka ramdam siya nang inis nang marinig niya ang pinag sasabi nang mga kaibigan. Parang ayaw niyang pinupuri nang ibang kalalakihan ang babaeng kasama nang kaniyang abuwela. Ngunit hindi naman niya maitatanggi sa kaniyang sarili na sobra siyang namamangha sa taglay na kagandahan at kaputihan nang babaeng katabi nang kaniyang Lola. 'Pero sino ngaba siya? Bakit ngayon kulang ata nakita ang babaeng 'to' ani nang kaniyang isip habang hindi maalis ang mga Mata niya sa babaeng ngayon ay naka alalay sa kaniyang lola. Dahil tuluyan nang naka baba ang mga ito nang hagdan. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD