MATAPOS batiin nang matandang lalaki at nang apo nito si Ariel ay bumalik muna pansamantala ang mga ito sa puwesto. Dahil naagaw ang kanilang pansin sa apat na babae at lalong lalo na sa babaeng namumukod tangi ang ganda at kaputihan nito.
Samantala unang nilapitan nang Donya ang kaniyang mga kaibigan. Kitang-kita sa mga Mata nang mga ito ang hindi maitatagong pag hanga para sa dalagang katabi nito. Ipinakilala nang Donya ang tatlong kasama. At dahil nahihiya naman si Faith ay pasimpleng napapayuko na lamang siya. Ngunit napa angat na lamang ang mukha niya at nanlaki ang mga Mata niya dahil sa hindi niya inaasahang sasabi nang donya
“Yes amiga, magaling talaga ako mamili, kaya sobrang swerte nang apo ko dito kay Faith.. My Faith my future granddaughter” buong pag mamalaki at naka ngiting sabi nang Donya at hinagkan pa nito ang pisngi ni Faith sa harapan nang mga bisitang naka tingin sa kanila.
“Mama! What the meaning of this? What are you talking about?! At anong—
Hindi na naituloy ni Barbara ang sasabihin nito nang mag salita ang Donya. “you heard me Barbara, si Faith ang gusto ko para sa apo ko.” ani nang Donya at humarap muli sa maraming bisita “Ladies and Gentlemen, sa lahat nang nandito na bisita nang apo kong si Ariel…gusto Kong ipa kilala sa inyo ang my future grand daughter-in-law Faith Catillo” mahabang saad nang Donya..
Ang akala nang tatlo ay nagka mali lamang sila nang narinig sa unang sinabi nang donya. Ngunit nang ulitin nito at sabihin sa lahat na siya ang future wife nang apo umano nito ay nanlaki ang mga Mata nina Faith at Angel. Nagka tinginan ang mag-ina at parehong napipi ang mga ito. Dahil sa narinig
“no! Mama…nag bibiro kalang diba? God Mama do you know what are you talking about?” nanlalaking mga Mata at hindi maka paniwalang saad ni Barbara sa ina.. Namumula narin ang mukha nito dahil sa hindi maitagong galit nito.
“ofcourse yes Darling” naka ngiting saad nang Donya.
“anong tinitingin-tingin niyo?! The party is over!…Tapos na ang party…puwede na kayong umalis!” saad ni Barbara sa mga bisita at hindi na nito naitago ang galit at kagaspangan ng ugali. Nang mapansin nitong nag bubulungan ang ibang mga bisita.
Samantala naka ramdam naman ng hiya si Elice sa mga bisita. At galit para nama sa babaeng ipinakilala nang Donya. Nanunubig ang mga mata nito. Kaya naman kaagad siyang tumalikod at umalis roon. Habang si Ariel naman ay napa tayo dahil sa kaniyang mga narinig at Hind na niya napansin ang biglaang pag alis nang babaeng kaibigan.
“Pare…narinig niyo iyun? Hindi pala pinsan ni Ariel ang magandang babaeng iyan. Gagi future wife pala nang kaibigan natin.” hindi maka paniwalang saad ni Tide habang naka ngiti. Pailing-iling Pa ang ulo nito tsaka uminom nang wine.
Habang sa kabilang dulo naman ay naningkit ang mga Mata nang matandang lalaki dahil sa kaganapan sa pamilya Chua at Rosales. Napansin nitong merong hindi magandang nang yayare sa pamilyang iyon. At kapansin-pansin rin na tanging si Donya Lygia lamang ang masaya sa inanunsyo nito. “Lo! Kailangan na natin umalis, tapos na raw ang party” ani nang binatang katabi nito. Nag sisi-alisan narin ang ibang mga bisita.
“yah Apo siguro nga” tugon nang matandang lalaki pagka tapos ay napa baling ito sa apo, ilang Segundo nito tinignan ang guwapong mukha nang apo. Pagka tapos ay ibinalik ang tingin sa magandang babaeng naka yuko lamang. At nang mainip ay tumayo narin ito gamit ang tungkod at naka ala-alay ang batang apo nito kasama ng dalawang tauhan na nasa likod nito. Nag lakad ito patungo sa lamesa nang mag babarkada at kaagad naman ito napansin ni Ariel
“Ninong—
“Ariel iho, aalis narin kami...baka sa sunod na pagkikita natin ay sa araw na nang kasal mo. She so very beautiful iho.. I think napaka swerte mo sa kaniya” ani nang matandang lalaki. At bumaling ito sa dereksyon nang babaeng kasama nang abuwela.
“But Ninong I didn't—
“hindi na kami mag tatagal iho, babalik pa kami nang Maynila.…nice to see you again and congratulations again iho” pag papatuloy nito.
“hmmm okey, thankyou again Ninong George, Patrick Pare, thanks sa pag punta” tugon na lamang ni Ariel at binalingan ang binatang katabi nang ninong George niya.
Tumango lamang ito nang dalawang beses at wala man lang makikitang emotion sa mga Mata nito. Hindi narin ito nag salita bagkus ay bumaling ito sa abuwelo. “Let's go Lo” saad nito.
Kilala nang mag kakaibigan ang binatang kasama ng matandang lalaki. At lalong-lalo na si Ariel. Maging ang halos nang mga tao roon ay kilala nang mga ito ang binata. Isa ito sa dahilan kung bakit may mga Media roon. Dahil bukod sa second cousin ito ni Elice ay kilala sa buong mundo ang pamilya Santiban. Si Patrick Santiban ang pangalawa sa triplets nang Mafia Lord na si Paul Santiban.
Kaya naman malaking karangalan sa pamilya Rosales ang pag dalo nina George at Patrick sa party na iyon.. Ngunit dahil sa hindi inaasahang anunsyo nang donya ay nasira pa ang araw na iyon..
Nang maka alis ang mag abuwelo ay ilang Segundo lamang ay nag paaalam narin ang mga kaibigan ni Ariel. Habang sina Faith naman ay hindi nila alam kung paano nila ihahakbang ang kanilang mga paa dahil pakiramdam nilang tatlo ay napako na sa kina tatayuang sahig ang kanilang mga paa.
“Angel! Ayaw kona makita ang pag mumukha niyo dito! At simula sa araw na ito hindi kana mag tatrabaho pa. You're fired!” galit na sabi ni Senyora Barbara
“hindi ikaw ang nag papasahod sa kanya Barbara. Sa pamamahay na ito. Ako ang masusunod! Let's go Angel and Faith” ani ni Donya Lygia sa anak.
Yumuko muna sina Faith at Akira lalo na si Angel bilang pag bigay galang parin sa salbaheng babae na nasa harapan nila “Pa–pasensya na ho” mahinang sabi ni Angel kay Senyora Barbara pagka tapos ay sumunod na ito nang lakad sa Donya. Kasunod rin ang dalawang dalagita.
Naiwan naman ang mag-inang Barbara at Ariel. Nag pupuyos parin sa inis at galit si Barbara, habang speechless parin si Ariel sa lahat nang kaganapan.
“no, this is can't be! Anong nakain nang Mama, anong nangyare sa kaniya, ba't nya sinabi sa lahat na sa anak nang mutchacha kalang niya gustong ipakasal!” mahina ngunit nang gigil sa inis na sabi ni Barbara. Ngunit narinig naman iyon nang anak.
“mutchacha? At sino ba 'yun Mom? Anong nangyayare? Anong pinag sasabi ni Grandma.. Naguguluhan ako. Bakit nauwi sa mapapang asawa ko ang usapan?”ani ni Ariel. Nalilito sya sa nangyayare. Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa at hindi pa siya tapos sa pag-aaral meron pa siyang isang taon bago maka pag tapos sa pag aaral kaya wala pa sa isip niya ang pag-aasawa.
“ang babaeng gustong nang Mama na mapang asawa mo, iyung anak nang mutchacha. Si Angel ang labandera natin. My gaaad! Nababaliw na ang Mama!” ani ni Senyora Barbara at napa paypay gamit ang dalawang palad nito.
Samantala sa dining area napa hinto sa pag lakad ang tatlo at lahat ay tahimik. Kaya naman si Angel na ang bumasag sa katahimikan “Mawalang galang na ho Donya Lygia.. Kung hindi niyo ho mamasamahin ang itatanong ko... Bilang ina ho ni Faith, siguro naman ho karapatan ko ho malaman kung bakit niyo ho iyon ginawa at sinabi ang ganoon—
“oh pardon Angel, sorry sa ginawa ko at hindi man lang kita kinausap. Well nagawa ko lang naman iyon. Dahil iritang irita ako sa fake news na kumakalat tungkol kina Elice at Ariel. Ayaw korin sa babaeng iyon para sa apo ko. At tama ang narinig mo. I like Faith, I like her for my grandson.” ani ni Donya Lygia
“pasensya na ho, makiki sali lang ho ako sa usapan niyo. Ako ho kasi ang naiipit dito eh. Galit na galit ho saamin si Senyora Barbara, dahil sa mga sinabi niyo po. tsaka hindi niyo man lang po ba ako tatanungin kung gusto koba ho ang apo niyo or hindi niyo ba siya tatanungin muna. Kasi palagay ko ho. Katulad ko po ay nagulat rin siya sa mga narinig niya tungkol saamin.” ani ni Faith. At sa wakas ay nagawa na niyang mag salita. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo na ang lalamunan niya. At ramdam parin niya ang napaka bilis at lakas na t***k nang puso niya.
//Continue