Chapter 8

1667 Words
“PASENSYA kana iha, kung naging padalos-dalos ako. Pero totoong gustong-gusto kita para sa apo ko. At ayaw ko sa Elice na iyon.” ani ni Donya Lygia at hinawakan ang dalawang kamay nang dalaga. “hindi kona po alam, tsaka nag-aaral parin po ako at marami pa ako pangarap para sa Nanay ko. Ayaw kopa pong mag-asawa. pasensya na ho kayo at uuwi na ho kami. ” sagot ni Faith. Aminado siyang masama ang loob niya sa naging padalos dalos na disisyon nang matanda. Dahil sa ginawa nito ay nawalan pa nang trabaho ang nanay niya at galit na galit sa kanila ang Senyora. at alam niyang pag uusapan sila sa bayan nila. At baka mamaya ay kalat na kalat na ang balita tungkol sa sinabi ni Donya Lygia. Hindi naman nag salita sina Akira at Angel, bagkus ay yumuko na lamang sa Donya bilang pag bigay galang parin bago umalis.. “La! What did you do? Ano iyung ginawa mo? Bakit mo sinabi ang mga iyon sa maraming tao? Pag pipyestahan na naman iyan sa social media at sa school namin. Ano nalang sasabihin ko La kapag tinanong nila ako tungkol sa babaeng mapapang asawa ko, eh hindi ko man lang nga iyun kilala” mahabang sabi ni Ariel sa Abuwela. “Apo, ginawa ko iyon para matigil na iyang mga fake news na kumakalat about sa inyo nang Elice na iyon... Mas gusto ko pang si Faith ang kasama mo sa mga news na kumakalat kaysa sa malditang babaeng iyon. At yes I like her for you iho. At kung hindi si Faith ang mapapang asawa mo sana naman hondi rin si Elice. Dahil kung kay Elice lang... Wala ka talagang mamanahin saakin kahit sentimo.” mahaba rin sagot ni Donya Lygia “tsss, edi hindi rin iyon problema Mama, si Elice ay mula sa Royal Family, mayaman at sikat, hindi rin mag hihirap ang apo mo kapag si Elice ang napang asawa ni Ariel... Masyado niyong pinag pipilitan 'yong anak nang labandera natin. Anong nagustuhan niyo sa babaeng iyon!? Mama wake-up …peperahan lang kayo–tayo nang mag-inang iyon.” saad naman ni Senyora Barbara. “tumahimik ka Barbara! I know them…mabubuti silang tao. At sapat na iyon para magustuhan ko si Faith para sa apo ko— “pwede ba!? Tama na…tumigil na kayo! Aaarg, kung alam kulang ganito pala sa pag balik ko. Sana pala hindi nalang muna ako bumalik dito.” saad ni Ariel habang napapailing na lamang at nasa gitna sya nang lola at Mama niya . Samantala kinabukasan, ala sais pa lamang nang umaga ay bumangon na si Faith. Upang ipag handa nang almusal ang kaniyang Inay at mag linis sa kanilang malit na bahay. Kahit gumagalaw sya sa umagang iyon ay lutang na lutang naman ang kaniyang isipan.. Hindi sya gaanong naka tulog, dahil hindi siya pina tulog nang pangyayare sa mansyon nang mga Rosales. Buong gabi iyon nag pagulo sa kaniyang isipan. “tsss, hindi ko man lang nakita iyong apo ni Donya Lygia. Paano ba naman kasi nag pasabog kaagad” wala sa sariling sabi niya. “Magandang umaga anak…kanina kapa gising?” ani nang Nanay Angel niya mula sa kaniyang likuran. Nagulat pa siya nang mag salita ito at kamuntikan na niyang mabitawan ang hawak na termos. “naka pag luto at naka pag linis kana ah…sa ganitong oras? ,napaka aga pa tapos mona agad lahat…anong oras ka nagising?” pag papatuloy ni Angel habang naka kunot nuong sabi ni nito. matapos nitong mapansin na naka ayos na lahat ng tupihin. naka lagay na rin sa tamang lagayan ang mga nahugasang pinag kainan. Malinis narin ang sahig at bakuran nila. “eh hindi kona po alam Inay eh, kung anong oras ako bumangon.” sagot ni Faith. Pero ang totoo niyan ay wala talaga siyang tulog kahit idlip man lang. “wala kabang pasok ngayon anak?— “hmm, hindi ko po alam kung papasok poba ako or hindi. Natatakot po ako sa mga mapang husgang mga Mata at salita na ma-aaring marinig ko sa ibang tao Inay” saad ni Faith sa malungkot na tono. Samantala sa kabilang dako naman ay naka upo sa swivel chair si General George, kaharap ang isang tauhan na ipina tawag nito. “Marlon, I would like you to go to Zamboanga and investigate a woman named Faith Catillo. Gusto kung alamin mo lahat lahat tungkol sa kaniya. ” utos nang matandang lalaki. Habang nilalaro nang kamay nito ang hawak na mansanas tsaka kinagatan iyon. “masusunod Sir” tugon nang tauhan tsaka tumalikod na ito. Papalabas pa lamang ito nang pinto nang pumasok naman ang bunsong anak nang General. “Good morning Dad” ang nakangiti at malambing na bati nang magandang babae. Sa edad na thirty eight ay hindi ito mapag hahalataang may apat itong anak. Dahil napaka bata nitong tignan. “morning too sweetheart, anong meron at napa rito nang ganito ka aga ang beautiful daughter ko?” saad ni General George sa anak na nag nga-ngalang Sherin “nothing, namimiss lang kita Happy father's day Dad. Ngayon ba uuwi sina ate Cindy?” saad ni Sherin at tukoy nito sa nakaka tandang kapatid. “yah thank-you sweetheart , maybe ten o'clock nasa airport na sila. By the way tutal narito karin lang. Gusto kung pag usapan natin ang tungkol sa Properties na bibilhin ko palang sa Mindanao.— “Mindanao? Napaka layo naman nun Dad? Bakit doon?” ani ni Sherin at nag lakad patungong Mini Kitchen upang mag timpla nang kape para sa kanilang dalawa nang ama. “na alala mo si Lygia Rosales? Iyung pumunta dito last week.” saad ni George “ah…heeem opo, why?” tugon nang anak at nilapag ang natimplang kape para sa ama. “iyung mansyon nila sa Zamboanga, ibebenta nila at sa manila na sila maninirahan.. At dahil maganda naman iyung place at magandang gawing beach house. malapit lang sa dagat at ipapaayus koyung iba doon para gawing resort. Bahay bakasyunan narin natin at nang mga apo ko sa Zamboanga. Hindi ba't madalas sina Elice, Violet at K roon” ani ni George at tukoy nito sa anak nang bestfriend ni Sherin na si Elma at si Violet naman ay anak ni Sharina. Ang kapatid nang asawa ni Sherin na si Paul at si K naman ay ang nag-iisang anak na lalaki ni Cindy. “hindi ba't politika magaling ang pamilyang iyon?” “yah pero nasabi ni Lygia na ililipat na nang anak nito ang pwesto sa Vice mayor na pinsan rin niya ata. I don't know.” saad ni George at nag kibit balikat. Habang sa kabilang dako naman ay abala sa pag papapawis si Ariel. Iyon ang routine niya tuwing umaga. Ang pagurin ang sarili upang pag pawisan. Subalit kahit anong pag eenersisyo ang gawin niya ay hindi parin mawaglit sa isipan niya ang magandang mukha nang babaeng gusto nang abuwela niya para sa kaniya. Tumigil muna siya sandali sa ginagawa at nag tungo sa lamesa. Upang uminom nang malamig na juice “Senyorito, may tawag ho para sa inyo” ani nang kasambahay na lumapit sa kaniya at inabot ang hawak na telephone. “salamat Manang” saad niya nang matanggap iyon at tsaka nilapit sa kaniyang tenga. “hello who's this?” “Pare, d*mn you hindi ka sumasagot sa mga calls ko.” ani nang lalaki sa kabilang linya. Napalayo paniya nang konti ang aparato dahil sa lakas nang boses nito. “Tide…g*go huwag mo 'ko sigawan! At naiwan ko ang phone ko sa kwarto. Bakit ba?!” “pumunta ka dito kila Bonux, nandito sina Eljay at nang mga kaibigan niya. Gagi mukhang badtrip Pare.” ani nang kaibigan at tukoy nito sa kababata ni Elice. Si Eljay ang kanang kamay nang ama ni Elice at alam niya rin na may gusto ang lalaki sa kaibigan niya. Hindi naman ito umaamin ay alam na niya. Dahil lalaki rin siya.. Naisip na niyang siya ang ipinunta nang lalaking iyon at alam na niya kung bakit. Malamang ay pag sasabihan na naman siya nito o kaya'y sasapakin. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya naka harap si Eljay at palagi silang nagkaka suntukan dahil lamang kay Elice. Satwing nadadawit sa kahihiyan si Elice dahil sa kaniya. sa social media ay si Eljay ang nakaka harap niya. “tsss, okey” walang gana niyang sagot at pinatay na ang tawag. Matapos niyang maligo at mag palit nang suot ay tinunga nanga niya ang sariling bahay nang kaniyang kaibigan. Hindi paman siya nakaka baba nang kotse niya ay napansin na niya ang dalawang kulay itim na Ford na naka parada sa harap nang gate. Pagka baba palamang niya nang kotse ay lumabas na sa gate ang apat na mga kaibigan niya na sina Tide, Bonux, Cham at Pride. Kasabay niyon ay bumaba naman mula sa dalawang Ford ang mga naka suot nang kulay itim na mga lalaki. Pito ang mga iyon at ang pang walo nila ay si Eljay na naka suot rin nang kulay itim na T-shirt at kulay itim rin na maong na pantalon.. “ooops! Oppps oppps! Pare, walang ganyanan!” biglang awat nang mga kaibigan ni Ariel sa lalaki dahil nang maka baba ito nang sasakyan ay kaagad nito nilabas ang b***l at itinutok iyon kay Ariel “Hindi ba't sinabi kona sa'yo. Huwag na huwag mong sasaktan at papaiyakin si Elice!” galit na sabi nito habang naka tutok parin ang b***l nito kay Ariel. “what are you talking about! Hindi ko pinapaiyak at sinasaktan si Elice!” ani ni Ariel habang naka kunot noo “Moron! Hindi moba nakikita.. Napapahiya sa lahat nang news, social media si Elice. Ngayon nag kukulong sya sa kwarto at hindi namin maka usap dahil sa kahihiyan na ginawa niyo nang lola mo! Alam mong mahal ka ni Elice. Pero pinapaasa mo parin syang g*go ka!” saad ni Eljay at ipinutok ang b***l sa harapan nina Ariel. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD