Chapter Three

2271 Words
Tanghali na ako nagising. Ok lang, wala namang pasok. Birthday ko kasi. Joke. Nitatamad lang ako. Nag-inat muna ako saka nagkusot ng mata. Tatayo na sana ako ng sumigaw si mumu. "Happy 2nd weeksary!!!" Weeksary?? Second? Ngiting ngiti siya sakin habang nakataas pa ang dalawang kamay. "Anong meron mumu??" "2nd weeksary natin ngayon flat" "Uror. Wag nga ako mumu" Tatayo na ulit sana ako para magbanyo ng inilapit niya mukha niya sa mukha ko. As in sobrang lapit. Umayos ako ng upo saka medyo lumayo sakaniya. "Flatbabes. Ok lang naman kiligin, 'wag mo ng itago" sabi niya saka nagpa-cute. "Itigil mo nga yan. Lalo kang puma-panget" Nginusuan niya lang ako saglit tapos ngumiti ng pagkaloko-loko. "Flatbabes... Solo natin 'tong bahay ngayon" sabi niya na tinataas taas ang kilay. Siguro kaya andito pa tong hinayupak na 'to kasi 'di tanggap kamanyakan niya sa langit. "Magtigil ka nga! Ke aga-aga nambwibwisit kana!" atungal ko sakaniya. Tatayo na ulit sana ako but again... Pinigilan niya ko. "Ano nanaman? Umalis ka nga diyan! m Maghihilamos pa ko!" sigaw ko sakaniya. Nilapit niya mukha niya sakin saka ngumiti. "Kahit wag na... Maganda ka parin naman. Kahit wag kana mag toothbrush.. Mabango parin hininga mo.. " Feeling ko namula ako dun ah. Feeling ko parang may kung ano sa tiyan ko. "Pfft. Joke lang! Haha ambaho mo na flat.. Hahahaha! " lumayo siya sakin na tawang tawa sa kag***han niya. Shemay. Kinilig na ako ehh. Kinilig?! Yuck! Sinamaan ko lang siya ng tingin saka pumunta ng CR. Bwiset talaga yung mumung yan. Padabog akong naghilamos saka nagtoothbrush. Pisti lang kasi. Napasinghap ako ng makita ko si mumu sa salamin pag-angat ng ulo ko. Ngiting aso nanaman. Nangma-manyak nanaman. Parehas kaming nakatingin sa salamin habang hawak niya nanaman magkabilang dibdib ko. "Bat ba ang p*****t mo?! " sigaw ko sakaniya habang nakatingin ng masama sa repleksiyon niya. Nagpumiglas ako pero di niya nabibitawan ang dibdib ko. Hype lang. Bat ba kasi di nahahawakan ang mga multo?! "Hahahaha.... Flat talaga. Haha. Kapag siguro wala kang bra, wala ng makakapa. Hahaha" sinamaan ko siya ng tingin. Tangn* nito. Alam kong flat pero meron naman kahit unti noh. "G*g*!!" sigaw ko saka padabog na lumabas ng CR. Tapos na akong magpulbo, magsuklay, mag ayos ng sarili actually. Pero wala paring mumu na lumalabas. Naglakad na ko papuntang CR. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng makarinig ako ng hagikhik galing sa loob. "Ano nanaman kaya ginagawa niyang kalokohan? " kunot noong binuksan ko ang pinto ng marahan. Nakita ko siyang nagka-kalkal ng damit sa labahan habang naka Indian Seat na upo sa tapat ng laundry basket ko. Wait... MGA DAMIT ko!?! Humahagikhik parin siya. Mabilis akong naglakad palapit sakaniya. Asdfghjkl! "HYPE KA! ANG MANYAK MO TALAGA!! " "Hahahahaha! Ang liit ng br..." "MANAHIMIK KA! UMALIS KA NGA! LABAS!! " "Hahahahaha.. " sinamaan ko siya ng tingin. Pero parang wala lang. Tawang tawa parin sa kamanyakang ginawa niya habang nakalutang na indian seat. Nakahawak siya sa tiyan niya habang tumatawa. Shete lang. Pulang pula na siguro mukha ko, hindi lang dahil sa galit, pati na rin sa kalokohang ginawa niya. Lumabas na siya sa CR. Inayos ko na ang labahan. Nilagay ko na rin sa pinaka ilalim yung mga undies ko. Hype talaga yun. Yung mga undies ko ang kinakalkal. Langya. ≥﹏≤ Nang matapos kong ayusin ay naghugas muna ako ng kamay saka huminga ng sobrang lalim. Kalma lang jade. Makakabawi ka rin sa hinayupak na iyon. Pinihit ko na ang doorknob. Paglabas ko sa CR, Walang mumu akong nakita. Haaays. Buti naman. Shete. Nakakapanggalaiti na nakakahiya yung ginawa niya. Langya. Mag 11 na ng tanghali pagtingin ko sa orasan. Bumaba na ko para kumain. Pag dating sa kusina, may nakita akong pagkain na natatakpan sa lamesa na may kasamang note. Wala si mama, may pinuntahan at bukas pa raw ang uwi, at si kuya naman may lakad daw kasama ng mga katrabaho niya. Home alone. Wala rin si mumu. Kung andito 'yon, malamang nangbwibwisit nanaman. Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa niya. Hype siya. Umiling iling muna ko para mawala sa isip ko yun saka nagsimulang kumain. .................................... Nasa salas ako, nakaupo habang nanunuod ng fifty shades. Ilang beses ko na tong napanuoran. Ang sarap lang ulit-ulitin. Humiga ako sa sofa para mas feel ko yung panunuod. Maya maya ay napansin ko nalang si mumu na naka indian seat na sa sahig. "Flat... Nanunod ka pala ng ganito" sabi niya ng hindi tumitingin sakin. "Obvious naman diba.. " Wala ng imikan hanggang andun na sa part ng BS. Shete. Nilingon ako ni mumu. Ano nanaman kalokohan nasa isip nito? Hindi ko siya pinansin, itinutok ko lang paningin ko sa tv. "Flat... " hindi ko siya pinansin. Kunwari wala ako narinig. "Flat..." tawag niya ulit. Pero di ko parin siya inimikan. "Flat... " lilingon na sana ako nang biglang nasa ibabaw ko na siya. Asdfghjkl !!! Nakatingin lang siya sakin. "A-ano n-nanaman ba?! " Nakatitig lang siya sakin. "Umalis ka nga diyan." Tatayo na sana ako ng bigla niya akong..... ...................................... "Uyy Jade. Tulala ka? May saltik ka na ata talaga? " nilingon ko lang si Mekka saka ngumiti. Bumuntong hininga ako sama ngumalumbaba nalang sa desk. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung ginawa ni Mumu. Langyang 'yon. Yung feeling na, wala kang nararamdaman pero yung fact na alam mo yung ginawa niya sayo, yung nakita mo mismo yung... Psh. Pagkatapos ng nangyari, bigla nalang siyang nawala. 2 days na after non. Pero hanggang ngayon di parin siya nagpapakita ulit sa akin. "Problema mo? " si Mekka, kunot noong nakatingin sakin. Umiling lang ako bilang sagot. "Baliw!" "GOOD MORNING CLASS! " bigla akong napaayos ng upo. Actually, hindi lang ako. Mas terror pa 'to kaysa kay ma'am Dela Cruz. Nagtransform lahat bigla. "I SAID GOOD MORNING CLASS! " nakatayo na siya sa harap habang may hawak na stick at mariing nakatingin sa aming lahat. "Goodmoodrningmngmam" bati namin ng hindi sabay-sabay. Napakislot ako sa gulat ng bigla niyang ihampas yung stick sa desk. Kaya ayaw ko sa friday ehh. "GANIYAN NA BA BUMATI NGAYON?! GRADE 10 NA KAYO, COLLEGE TIGNAN PERO GRADE 1 ANG KILOS, KINDER BUMATI!" sigaw niya. Yung iba nagpipigil ng tawa pero karamihan nanahimik sa takot. Kelan kaya papasok ng good mood itong si Ma'am? "Tsk tsk tsk... Sit down!" iiling-iling siyang nagsulat sa white board. >>FAST FORWARD Nasa CR na ko ngayon. Yung feeling na air conditioned room mo pero pawis na pawis ka dahil sa kaba. 2 hours ba naman ang klase namin kay Ma'am Arribas. Mumu's POV 2 days na akong hindi nagpapakita kay Jade. Nakakahiya. Ba't ko ba kasi ginawa 'yon? Sinundan ko siya hanggang CR. Ngayon lang nagsink in sa akin, bakit si Jade lang nakakakita sa akin? Bakit yung iba di na ko nakikita, bakit si jade? Ay, baka may third eye lang siya. Pero bakit oarang ako palang nakikita niyang multo? Inposeble namang sa buong buhay niya, ako palang nakikita niyang multo kung may third eye siya. umabas siya ng CR at nakayukonh naglalakad. Malayo ako sakaniya para hindi niya ako makita. Nakita ko yung crush niyang panget, kasama yung barkada niya na teammates lang rin niya sa varsity team nila. Si jade? Ayon, tuwang-tuwa. Tsk. Eh paano namang hindi, pag-angat ng tingin niya, crush niya yung sasalubong sa paningin niya. Tss Lumapit ako ng unti lang para marinig ko pinag-uusapan nila. "Hi Mark" malambing na agaw pansin ni Jade kay Mark. Pag ako laging nakasigaw o kaya bored tone ang pananalita niya. Pag sa crush niyang di naman siya pinapansin... Tss. Eh ano namang paki ko? "Hello" walang ganang sagot ni Mark. Tss. Yabang! Panget naman. Tss. Hindi naman ako nagseselos. Hindi talaga. Naiinis lang ako. Oo naiinis ako, kasi hindi niya napapansin ang cute na magandang flat na katulad niya. Naglakad na ulit paalis si flat. Susundan ko na sana siya ng may maisip akong napaka gandang ideya. Lumapit ako kay mark saka pinagsusuntok mukha niya. "Langya ka!" "Ang panget panget mo" "Ito sayo.. " "Yabang mo!" "Mas gwapo ako sayo" Sinuntok suntok ko mukha niya pero yung itsura niya walang pinagbago. Tsk. Badtrip! Tumatagos lang kamay ko sakaniya. Naglakad siya patagos sa akin. Bastos din eh. Nilagpasan lang ako. Ano kayang nagustuhan ni flatbabes sakaniya? Sinundan ko na ulit si flat na naglalakad na pabalik sa room nila. Tumayo lang ako sa likod niya. Maya maya pa ay pumasok na rin yung teacher niya. Jade's POV Pagdating ko sa room ay wala pang teacher pero maya maya lang dumating na rin si Ma'am Dela Cruz. 3 hours straight siya ngayon mga bes. Kaya ayaw ko sa friday ehh. Mahilig pa man din mang eye contact yan si Ma'am. Atsaka hindi ko pa nakitang ngumiti itong si Ma'am. Pinaglibi ata sa sama ng loob. Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa harapan kung nasaan yung teacher's desk. "Kinakabahan ka nanaman. Nerbiyosa ka talaga. Hahaha" napalingon ako sa katabi ko. "Waah~ Mumu! Namiss kita... " tayong sabi ko habang nakaextend kamay ko kay mumu. Kaso bigla akong na stuck sa posisyon ko. Tae. "EHEM! MISS SALCEDO!! ANO NANAMAN BA? ABNORMAL KA TUWING ORAS NG KLASE KO!" umayos ako ng pagkakatayo saka lumingon kay Ma'am na sonrang sama ng tingin sa akin. May ilan na tumataw, pero ako? Ito, pinagpapawisan na sa kaba at kahihiyan. Shete. "Hahahaha... Ang ingay mo kasi " si mumu. Pasalamat ka namiss kita. Oo, namiss ko kakulitan niya, yung pambibwusit niya. Hanggang doon lang. No more reasons behind. "Sorry po Ma'am.. " nakayukong hinging paumanhin ko. "LUMABAS KA MUNA.. AYAW KONG MASIRA LALO ARAW KO" Inangat ko ulo ko. Nakatalikod na si Ma'am na nagsusulat sa white board. Huhu. Sana kahit pasang awa lang makuha grade ko sa math. Kinuha ko na bag ko saka nakayukong naglakad palabas. Paglabas ko, si mumu kasunod ko na agad. "Saan tayo ngayon flattybabes?" nilingon ko siya. Taas baba kilay niya. Nginusuan ko lang siya na nagpa-ngisi sakaniya. Napaayos ako ng tayo saka umiwas ng tingin sakaniya. Langya. Nakalimutan ko na nga yung ano ehh. "Hahaha.. Cute" rinig kong komento niya na ikina init ng pisngi ko. Sheez. Ano meron. Tsk. "Tss. T-tara na nga sa rooftop. " bulong ko na hindi siya nililingon saka dire-diretsong naglakad papuntang rooftop. Mumu's POV Andito na kami sa rooftop. Dito kami nakapwesto sa may railings. Nakatanaw lang siya sa baba, nakahawak kaming pareho sa railings habang nakatayo. May mangilan-ngilang estudyante sa baba na nagkwe-kwentuhan, may nagbabasa lang ng libro nila, ang iba nama'y nagtatawanan Typical students. Nilingon ko siya nang marinig ko ang pagbunting-hininga nito. Nakita ko siyang nakapikit habang nakatingala sa langit. Pumwesto ako sa harap niya. Bale, nag-indian seat ako sa hangin. Kitang kita ko na ngayon ang buong mukha niya. Saglit ko pa itong tinitigan bago idikit ang kamay ko sa labi niya. Wag ng patagalin pa, labi na agad. Dami pang pasikot sikot ehh. Napangiti ako ng maalala ko yun. Alam kong di nya mararamdaman pero takte! Nakakabakla. May aaminin ako, pero wag niyo sasabihin kahit kanino. Krass ko si flatty. Di ko alam kung kelan pa pero naiinis talaga ako kapag nagpapacute siya kay Unggoy. Tss. Andito naman ako ehh. Hinaplos ko yung pisngi niya ng marahan bago ako umayos ng tayo sa tabi niya. Jade's POV Minulat ko na ang mga mata ko saka umayos ng pagkakatayo pagkatapos kong makaramdam ng parang may humawak sa pisngi ko. Guni-guni lang siguro iyon. "Mumu..." tawag pansin ko sakaniya. Nilingon niya ko ng nakangiti. Kung buhay lang sana 'to, pwede na. Kahit manyak, gwapo naman. Pwede ng pagtiyagaan. Idagdag mo pa yung dimples niya kapag ngumingiti siya. "Sa'n ka pumunta n'ong ano... " parang nakakahiya palang itanong. "No'ng ano? " tanong niya habang nakakunot ang noo. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko. Baka kasi iba isipin niya, lagyan niya ng malisya. Pero curious talaga ako eh, saan siya pumunta sa dalawang araw na 'di pagpapakita sa'kin? "Ahh ... Saan ka pumunta noong dalawang araw na hindi ka nagpakita?" tanong ko na nagpangisi sakaniya. "Miss mo 'ko?" nakangisi niyang tanong. "Feeler ka!" sagot ko saka tinuon nalang ang paningin sa baba. 'Di ko na ata talaga makakausap ng matino 'to eh. "Haha! Joke lang. Nangchicks lang.. " prenteng sagot niya. Nangchicks?? Baka naman nangbuso lang ng mga babae 'tong manyak na multong 'to?! Psh! Ano 'yon?! Pagkatapos niyang kunin yung first kiss ko, mangchichicks nalang bigla?! Sinamaan ko lang siya ng tingin saka nagpakawala ng malalim na hininga. Tinanaw ko nalang ang langit. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na pumangalumbaba siya. "Flattybabes.... " nilingon ko siya pero nakapikit lang siya. "Ano nanaman munyak?" tanong ko. "Munyak?" nakatingin na siya sa'kin ngayon habang kunot na kunot ang noo niya. "Multong manyak" prenteng sagot ko saka siya nginisian sabay kindat. "Tss. Sayo lang naman ako manyak" sabi niya sabay kindat. "Whateva!" sabi ko sabay irap. "Kwentuhan mo naman ako flattybabes ko.. " napakagat ako ng labi. Ang lambing kasi ng pagkakasabi niya. 'bakit ba kasi multo ka? "Tungkol naman saan?" "Tungkol sayo, kung bakit mo naging crush yung unggoy na yun? Ganon". "Maka-unggoy ka naman! Ang gwapo kaya niya!" "Nye nye nye~ Kwento na kasi flattybabes!" "Tsk. Nagsimula 'yon no'ng makita ko siya. The end" "Gano'n pala. Nakaka tuwa naman 'yong kwento mo. Shete. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa" sabi niya na ikinatawa ko. Ang cute niya lang kasing mainis. "Ha-ha-ha nakakatawa" siya na ngumuso pa habang kunot na kunot yung noo. "Aray! " daing niya nung kinurot ko pisngi niya. Tinitigan niya ko ng may pagtataka. "Bakit?" nakangiting tanong ko. "Paano mo 'ko nahawakan??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD