"Paano mo 'ko nahawakan??"
Nawala ngiti ko ng marealize ko kung ano nagawa ko. Oo nga. Paano ko siya nahawakan? Noong mga nakaraang araw ay hindi naman. Hindii ko nga rin ramdam yung ki... Oops! Nevermind.
Baka malapit narin ako mamatay?!
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa naisip kong iyon.
"Bakit?? " tinignan ko siya.
"Mumu... Baka mamamatay na ako mamaya?" mangiyak-ngiyak na litanya ko sakaniya.
"Pft. Hahahaha! Abnormal ka.. Hahaha!"
"Hayp ka! Mamamatay na nga ako, tatawanan mo pa ako? How could you? " mangiyak-ngiyak ko paring sagot sakaniya. Nginitian niya lang ako ng pagkatamis-tamis bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Kung mamamatay ka, pwede kanang maging akin... " hindi niya na ko hinayaang sumagot sa nakakakilabot niyang hirit. Hinalikan niya na ko.
Nakatulala lang ako habang siya nakapikit. Feeling ko parang may kung anong gustong sumabog sa tiyan ko. Kakaiba sa pakiramdam. Wala sa sariling pinikit ko ang mga mata ko saka tumugon sa halik niya.
It lasted for a minute bago niya pinakawalan labi ko. Kapwa hingal na hingal. Nakahawak parin siya sa magkabilang pisngi ko.
Agad nag-init mga pisngi ko. True kiss na ba to?? True first kiss na bang matatawag to?? Sheez.
"Haha... Not bad for a beginner.." pilyong sabi niya na lalong nagpa-init ng mga pisngi ko.
Kinagat ko pang ibabang labi ko saka siya tinignan ng masama. Pero tinawanan niya lang ako. Hayp to.
Yung feeling na hiyang hiya kana nga sa kaga***ang ginawa mo pero aasarin ka pa? Pusha.
Tinanggal ko pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi ko saka lumayo sakaniya. Tinalikuran ko siya para 'di ko makita yung nakaka-imbyerna niyang mukha na nang-aasar.
"Hahaha... Flattybabes.. Okay lang naman ehh, first ti.... Aray! " sinapak ko na siya bago niya pa matapos yung nakakabw**it niyang litanya.
Di ko alam kung matutuwa ako kasi masasapak ko na siya kahit papaano kapag badtrip na badtrip na ako sakaniya o napakasamang pangyayari na
Kaya niya na talaga akong hawakan.
"Tss.. Grabe ka naman mag I love you flatty, damang-dama" atungal niya habang hawak hawak ilong niya. Masiyado ko sigurong nalakasan yung pagsapak ko sakaniya. Tss. Pero nasasaktan din ba ang multo? Di naman ehh.
"Gusto mo pa ng isa?? Tigilan mo 'yang arte mo, patay kana masasaktan kapa ba?! " nginusuan niya lang ako.
Pinadausdos niya isang kamay niya sa buhok niya na medyo may unting sabunot na kasama.
"Nasasaktan rin naman ako... Lalonapagkasamamosiya" napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Ano?" tanong ko. Hindi ko kasi naintindihan yung huli niyang sinabi. Ang bilis ehh. Ang hina pa.
"Wala!" sabi niya saka tumalikod sa'kin.
"Tsk!" tinaasan ko lang siya ng kilay. Ano nanaman kayang drama nito.
"Drama mo nanaman? " tanong ko ng naka cross arms.
Nagulat ako nang makita ko itsura niya paglingon niya. Teary eyed na siya. Naawa naman daw ako, baka malakas talaga yung pagkakasapak ko sakaniya, and who knows, baka nakakaramdam parin mga multo? Miracles do come true naman daw diba.
Nilapitan ko siya pero humakbang din siya palayo. Yumuko na ulit siya. Kaya humakbang na ulit ako palapit, hindi narin siya umatras kaya tinuloy tuloy ko na.
"Mumu... " kalabit ko sakaniya pero wala.
Kakalabitin ko ulit sana siya pero hinampas niya kamay ko.
"Mumu... Sorna.. Mang-aasar ka pa kasi ehh " sabi ko sakaniya na may halong reklamo, pero wala parin.
"Mumu... " nilambingan ko na pagkakasabi ko pero wala parin. Kaya binack hug ko na siya. Naramdam kong medyo nanigas siya sa pagkakatayo. Di niya siguro inaasahan na yayakapin ko siya. Shh lang kayo ahh. Medyo crush ko na kasi si manyak. Pero di ako nana-nantsing ahh. Pero mas angat parin si Mark kesa sakaniya siyempre.
"Mumu... "sabi ko sakaniya kasabay ng paghigpit ng yakap ko sakaniya.
"Bati na tayo.... " dugtong ko pa pero wala parin.
"Mumubabes... " tawag ko ulit. Hinawakan niya yung kamay ko na naka pulupot sa bewang niya.
"Bati na tayo? " tanong ko pero di siya umimik. Ang tigas naman nito, masiyadong pakipot.
"On one condition"
"Kahit ano mumubabes... " sabi ko
"Ako lang tatawagin mo ng babes.. " sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Yung totoo? Trip nanaman ba 'to??
"Wala na bang ibang option?" tanong ko pero umiling lang siya. Saglit pa kong nag isip bago sumagot.
"Sige... Mumubabes.. " sabi ko. Bigla siyang humarap sa'kin ng nakangiti.
"Wala ng bawian flattybabes ah?" sabi niya saka dumampi ng halik sa labi ko.
Naisahan ata ako ng ga*o. Hutaness mga bes.
"Hahahaha... " tawa niya. Tinignan ko siya ng masama. Sasapakin ko na sana siya kaso biglang nawala. Pisti.
Luminga-linga ako baka sakaling nasa paligid lang siya. Luminga-linga ako pero walang mumu akong nakita. Shete.
"Makita lang talaga kita... " bulong ko bago nagsimulang maglakad paalis dito sa rooftop.
Nakabusangot lang ako habang naglalakad. Marami-rami na ring estudyante kasi dismissal na. Pero wala akong pake kung sino na mabunggo ko. Badtrip ako ngayon, don't me.
Paliko na sana ako ng bigla akong sumalampak sa sahig.
"Sorry.. " may palad na nakalahad sa bandang mukha ko. Inangat ko yung matalas kong paningin, ready nang patayin ang hinayupak na dambuhalang nakabangga sakin.
Pero biglang umatras dila ko, umatras yung tapang ko. Shete. Magpaka Maria Clara ka Jade!
"S-salamat... " nginitian ko siya ng matamis saka inabot yung kamay niya. Tinulungan niya kong makatayo pero na-out of balance rin ako. Pero dahil hawak niya kamay ko, naalalayan niya rin ako agad.
Ang sakit talaga ng pwet at balakang ko. Pisti.
"Are you okay?" tanong niya na may halong pag-aalala.
"M-medyo m-masakit lang yung paa ko.. "
Sagot ko ng pautal-utal. Sheez. Ambango.
'Talandeng Jade'
Wag ka nga brain. Dream come true na 'to.
Binuhat niya 'ko ng pabridal style. Gulat akong napahawak sa batok niya.
"Hahaha... Cute.. " sabi niya na nagpapula sakin. Napakagat ako ng labi saka umiwas ng tingin.
Geez. Ang bango mga besh. Pasimple kong isinandal ulo ko sa dibdib niya. Wiiih. Manly scent, the biceps, kitang kita. 'Di nakabutones yung uniform niya kaya kitang kita ko yung dibdib niyang 'di natatakpan ng sando niya. Yung collar bone niya, pati yung adam's apple. Heaven.
"Ahem. I'll drive you home" sabi niya saka niya ko ibinababa. Binuksan niya yung pinto sa passenger seat saka ako inalalayang umupo doon. Pagkaupo ko, sinara niya na yung pinto saka pumunta sa driver seat.
"Baka magalit girlfriend mo.. " sabi ko sakaniya.
"Naah. I don't think so" sabi niya ng 'di lumilingon sa'kin.
"Pano mo naman nasabi?" usisa ko.
"We broke up already" sabi niya saka ngumiti sa'kin. Pamatay! Ayos sa killer smile. Sa labas ko nalang itinuon ang paningin ko. Baka magkasala pa mata ko if ever.