Maraming lalaki ang nasa labas ng bahay namin pag-uwi ko galing eskwelahan. They are wearing black suit and most of them look muscular and violent.
Bagamat hindi sila nagbigay ng nakakatakot na tingin sa akin, diretso ako papasok sa sala. Nakaupo si Papa sa sala katapat ang isang lalaking kalbo. Nakasuot ito ng itim na shades and he looked like a villain. He's sitting there, dignified and respected. Siya siguro ang lider ng mga lalaki sa labas. What are they doing here? Bakit may gang na nakapalibot sa bahay namin?
"Oh.. Persia, nakauwi ka na.." sabi ni Papa sa akin. Lumapit ako sa aking ama at saka humalik ako sa pisngi.
"Mr. Cayetano, is this your daughter?" tanong ng lalaki. Napalingon ako sa lalaki at siya naman ay nakatitig sa akin.
"Ahhh..oo. Her name's Persia," my father said while introducing me. Ngumiti sa akin ang lalaki. There's a gold thing on his teeth. I wonder if that's normal teeth or a gold teeth. What the hell?
"Hello, iha. I am Hugo Claveria."
"Ahh, hello po.." Ngumiti ako at tumango sa lalaki.
"Bueno, Rowan.. I need to leave because I have some matters to attend to. I hope you'll think about my offer." Mr. Hugo said bago tumayo sa kinauupuan. My father smiled thriftly. Mr. Hugo offered his hand and my father gladly accepted it.
Nang makaalis ang mga lalaki ay kaagad kong tinanong si Papa kung bakit maraming lalaki ang nagkukumpulan sa bahay namin.
"They are planning to buy a land, iha. Nagkataon na hawak ko ang titulo ng lupaing iyon, Persia. Tatayuan ng bahay-ampunan at mga simbahan ang lupaing iyon."
Napatango-tango ako. "So pumayag po kayo?"
"Hindi, iha. Kahit gaanong pera pa ang i-offer ng kahit na sino, nakalaan na ang lupaing iyon sa pagpapatayo ng bahay ampunan." He sighed heavily. "Pero alam kong babalik pa rin sila dito para kulitin ako. This would be really difficult.."
My father is a kind man. Wala akong matandaan na sinigawan niya ako o pinagbuhatan ng kamay. Kapag may pagkakamali ako, kinakausap niya ako ng maayos at itinatama ang mali ko. Kaya alam kong hindi niya kayang tanggihan ang mga bisita. He's very kind to anyone.
"Dapat hindi mo na lang sila pinapasok dito, Papa. Paano kapag naging bayonte sila or hindi kaya pilitin kang pumayag sa kagustuhan nila.."
"Iha.. isa si Hugo sa sponsor ng isang charity dito sa bayan. Hindi pwedeng tanggihan ko iyon. Sa kanya nangggagaling ang karamihan sa kinakain ng mga bata.."
"Then, hindi po ba niya naiintindihan na tatayuan ng ampunan ang lupang gusto niyang bilhin?"
"Iyon ang lokasyon na kailangan nila para sa kanilang negosyo. Alam mo naman ang mga businessman Kleya, sadyang gagawin ang lahat para lumago ang mga negosyo.." My father answered.
I just hug my father to at least comfort him. My father is getting old. Hindi na niya kailangang gawin ito pero dahil hindi niya tinatakbuhan ang responsibilidad, he's still into good deeds. Wala na akong mahihiling pa. I maybe the luckiest daughter on Earth for having this kind of father.
"Persia, galingan mo ha? Kapag naipanalo natin ang larong ito, makakasama natin si Alastair sa joint training.." Emily tapped my shoulders habang papasok kami sa court. I smiled at her.
Today is our tournament. Kailangan kong ipanalo ang larong ito dahil kailangan kong makasama si Alastair my loves sa mga training. Luminga ako para hanapin siya pero hindi ko man lang nakita ang anino niya. Sana manood man lamang siya sa game namin. Kaya lang naman ako umabot sa ganito ay dahil gusto ko siyang makasama sa camp. Sa nababasa ko kasing nobela, maraming nagaganap kapag may mga camp and traning so might as well grab this opportunity.
They are scheduled to play in the afternoon kaya naman alam kong may oras ako para makapanood sa kanya. Umaga kasi ang schedule ng volleyball habang basketball naman sa hapon.
We are warming up while waiting for the opponent, pero naramdaman ko bigla ang kirot sa kaliwang kamay. Nang tanggalin ko ang pads sa may pulso ko, nakita ko ang nangingitim na kulay ng pasa ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lamang iyon napansin! Dahil sa nakita sa aking braso ay kaagad ko iyong tinakpan. Kapag nalaman ni Coach ito, baka hindi niya ako payagang maglaro.
"What are you doing? The game will start.." Celestine approached me.
"Wala naman.." nakangiti kong tugon.
Wala siyang sinabi noong tumalikod. Kabado ako dahil nararamdaman ko na ang pangingimay ng kamay. Just what the hell is happening to me? Kung kailan pagkakataon ko ng magkaroon ng spotlight?
Nang marinig namin ay hudyat ng pagsisimula ay tinipon muna kami ni Coach. Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa pwesto ko sa court. Honestly, I'm really anxious. Pero nangibabaw ang kagustuhan kong manalo. Ito lamang ang pag-asa para mapalapit ako kay Alastair.
"Persia!" sa unang bigay ng bola ni Emily sa akin, kaagad ko iyong binayo. Bahagya akong napailing dahil sa muling pagkirot ng kaliwang kamay. Kada papalo ako ng malakas, mas tumitindi ang sakit noon. Mukhang malala talaga ang pagkakatulak sa akin ni Alastair. Tsk. Kapag lang talaga nakahanap ako ng pagkakataon, hahalikan ko siya ng marami para man lang macompensate ako. I am emotionally and physically injured ano!
"Yes! Persia!" sigaw ni Coach nang makuha namin ang unang punto. I smiled at them. Probably, galingan ko na sa umpisa. Habang maayos pa ang kamay ko.
Naghihiyawan ang mga tao dahil sa tagal ng rally. Sadyang malakas ang katunggali namin. Karamihan sa kanila ay matatangkad at malalaki ang bulas. Samantalang ako, payat at matangkad lang. I am not that powerful either. Not to mention, this is my first time tournament ever. Wala akong experience sa ganito.
Dahil sa patuloy na pagpalo ko ay nararamdaman ko na ang panginginig ng kamay ko. Nasa unang round pa lang pero mukhang bibigay na ang kamay ko. Hindi rin lumalaki ang agwat ng puntos sa pagitan namin. Kapag nakakascore kami, kaagad bumabawi ang kabilang koponan. This is harder than I thought. Bagamat hindi na ako gaanong kabilis napapagod dahil sa matinding training, nahihirapan. I am sure the other team have a lot of experience.
"What's the problem?" Emily asked me noong time out na namin. I looked around and told her the truth.
"I have a hand injury.." pinakita ko sa kanya ang kamay na hindi ipinahahalata sa kahit na sinong kagrupo. Nanlaki ang mata ni Emily sa nakita. Kumalat na ang pasa paikot sa kamay ko at sumasakit na iyon kapag ginagalaw ko.
"Anong nangyari, Persia? Bakit hindi mo sinabi kay Coach? Papagalitan ka noon!"
"I know.. pero hindi ako makakalaro kapag sinabi ko sa kanya. Isa pa, inaasahan ako ni Coach na maglalaro. Isa sa ako sa mga regulars.." I said.
"This is not good. Sabihin na natin ito kay Coach. Baka mas lalong hindi ka ma makalaro nito.." nag-aalalang tugon ng kaibigan ko.
"Let me play this set. Pagkatapos noon, magpapahinga na ako.. Ako na ang bahalang magsabi kay Coach.." I said. Emily sighed at saka marahang tumango.
"Ayusin mo ha? Kapag napuruhan 'yang kamay mo, puputulin ko 'yan," Emily joked. I chuckled.
Bago ako bumalik sa pwesto, muli akong luminga pero dahil sa dami ng taong nanonood, hindi ko makita si Alastair. What do I really expect? He won't show up here. Hindi naman siya interesado sa akin e.
At this moment, nasa harap ng net ang posisyon ko. Katapat ko iyong babae sa kabila na alam kong malakas pumalo.
"Chance ball!" sigaw ng kabila. Nang dumapo sa kamay ng setter ang bola, I immediately guard the girl in front of me. Sigurado ako na sa kanya papunta ang bola.
Kaya naman nang tumalon na ang babae sa unahan ko, I readied myself to block. Saktong-sakto ang taas ng talon ko, enough to block the ball.
Pero hindi ko inaasahan ang lakas ng pwersa ng pagpalo niya. Tumama iyon sa injured kong kamay at pakiramdam ko ay may naputol na ugat sa kamay ko. Napaupo ako habang namimilipit sa sakit.
"What happened?!" Dinaluhan ako ng mga kagrupo ako at naiiyak na ako sa sakit ng kamay ko.
"Anong nangyari Persia!" si Celestine na nagmamadaling lumapit para tingnan ang kondisyon ko.
Celestine immediately removed my pads at doon bumungad ang pasang itinatago ko.
"What the hell, Persia! Bakit hindi mo sinabing injured pala ang kamay mo!" she said. Maging si Coach ay lumapit sa amin para tingnan ang kondisyon ko.
"Huh? Anong problema Persia.." Coach asked. I was expecting he'll shout out me. Afterall, mainit ang dugo ni Coach sa akin kaya alam kong sisigawan niya ako.
"Injured pala ang kamay nitong si Persia, hindi nagsasabi.." Celestine said in annoyed tone.
"Focus on the game at dadalhin si Persia sa infirmary. Magsa-sub na lang tayo.." mahinahong tugon ni Coach.
Iyon nga ang nangyari. Dinala ako sa infirmary at nilapatan ng paunang lunas ang injury ko. Now, I have a splint on my wrist. Kailangan kong ipahinga ang kamay ko sa loob ng isang linggo para bumalik iyon sa normal.
Dahil doon, hindi na ako nakalaro. Naghintay na lang ako sa infirmary dahil hindi pa ako pwedeng umalis doon. Sana lang maipanalo na nila Emily ang laro. Iyon lang ang pag-asa ko para makasama si Alastair. If we won't win, hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Persia.." pagkarinig ko pa lamang ng boses ni Emily ay nabuhayan na ako ng dugo. Masaya ko siyang nginitian nang makita ko siyang papasok sa infirmary. "Kumusta ang kamay mo?" marahan niyang tugon pagkaupo sa gilid ng kama ko.
"Eto.. okay na naman. Kailangan ko lamang ipahinga ang kamay ko." I paused. "Kumusta? Nanalo ba tayo?"
He sighed at saka marahang umiling.
"Hindi tayo nanalo, Persia. Masyadong malakas ang kalaban e."
Tinanggap ko na iyon pero nang marinig ko ang balita mula sa kanya, lumukob ang lungkot sa loob ko. I spent almost my time training pero mukhang hindi iyon sapat. I guess, I won't be able to join the camp. I can't be with Alastair.
I tried comforting myself, pero nagsama-sama na ang disappointment ko sa sarili. Alastair rejected me and now, we lost the game. I also have injuries and I'm mentally exhausted sa pag-aaral. Mabigat ang pakiramdam ko na tila iiyak ako anumang oras.
"Bawi na lang tayo next time?" nakangiti kong tugon kay Emily. She smiled at me.
"But are you okay? Pinaghandaan natin ito ng ilang buwan. We won't be able to join Alastair on the training." she said. I nodded.
"Hindi pa naman sigurado na mananalo sila Alastair ah?" natatawa kong tugon.
"What? Of course, they should win! Ano ka ba naman, Persia! Camping lang iyon, I'm sure marami ka pang pagkakataon para makasama si Alastair! You should root for them!" natatawang tugon ni Emily.
"Oo naman ano! I'll do my best next time!" pilit kong pinasigla ang boses ko.
Right. Alam ko naman noong umpisa pa lamang na mananalo sila Alastair. They are undefeated at alam ko ring hindi biro ang buong basketball team. And maybe she's right. I should just root for him. Hahanap na lamang siguro ng ibang pagkakataon para makasama siya.
"Ano, gusto mong sumabay sa lunch?" she asked.
"Uhmmm.. mauna ka na Emily. Hindi pa kasi ako dini-discharge ng nurse. Kailangan ko munang magpaalam," pagdadahilan ko.
"Do you want me to wait for you?" she gently asked. Umiling ako.
Marahil laro lamang para kay Emily ito but to me, it's really important. Nilalaan ko ang oras sa mga bagay na alam kong mage-excel ako but since this was the second time I failed, I am so down. Pakiramdam ko ay nasusuka ako dahil sa disappointment.
Una, nireject ako ni Alastair. At ito ang pangalawa, natalo kami sa laro. Kaya naman sobrang bigat ng kalooban na tila gustong bumuhos ng emosyon ko.
Pagkaalis ni Emily ay nag-iiyak ako habang naghihintay sa nurse. I am really bad at handling my emotions dahil nasanay akong nagtatagumpay sa lahat. But this is a major event for me. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko sa sobrang paglabas ng luha sa mga mata.
"Oh, bakit ka umiiyak iha?"
Nang hawiin ng nurse ang kurtina ay naabutan niya akong umiiyak.
"W-Wala pooo.." umiiyak kong tugon. The nurse smiled at me at saka umupo sa gilid.
"Natalo ba ang team mo?" she asked. "Okay lang 'yan. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ka. Ang importante, ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.." she said.
"But I thought we could win.."
"See, you injured yourself for the sake of playing. Ganoon talaga iyon, minsan panalo. Minsan talo. Wala namang sure na panalo sa laro. Ang kailangan lang, bumawi ka sa susunod. Kaya huwag ka ng magmukmok dyan." malambing nitong tugon. "You're discharged. Kumain ka na ng tanghalian mo.."
The nurse smiled at me at bahagyang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Bagamat mabigat pa din ang loob ko ay nagdiretso na ako sa canteen. Pero doon ay nasalubong ko naman si Coach. I was really afraid he'd shout at me but instead he offered me an energy drink.
"H-Hindi po kayo galit?" tanong ko.
"Why would I?"
"Kasi po I... hindi ko sinabi na may problema sa kamay ko.."
"And?" napatingin ako kay Coach. Is he our coach? Bakit mukhang may sapi siya? Bakit di siya naninigaw? "I saw potential in you, Persia. Pero huwag mo ng uulitin. Hindi maganda iyon. Paano kapag may nangyari sa kamay mo?"
Napatungo ako dahil sa sinabi ni Coach. Totoo naman.
"Makakabawi pa tayo sa susunod. Pero paano kapag naging malala ang kondisyon ng kamay mo? Maibabalik pa ba sa normal 'yan? Hindi mo iyon masasabi.."
"Naiintindihan ko po. Sorry po at hindi ko kaagad sinabi," I said.
"Huwag ka ng umiyak. Eat your lunch. We'll leave after the game of the basketball team," marahan lang akong tumango kay Coach. Tinapik ako nito sa balikat bago ako iniwan doon.
Pagkatapos kong mananghalian ay naglibot pa ako bago dumiretso para manood ng laban nina Alastair. Nasa kalagitnaan na sila ng game pero tila nagggitgitan ang dalawang koponan. Bagamat nakakascore sila Alastair, nahahabol iyon ng kabila.
Alastair is really cool. Napapansin na rin siya ng ibang babae mula sa unibersidad na ito. Paano ba naman, he's so athletic and hot. Compared to him, I am just a weakling. Ang mga galaw niya, sadyang nakakamangha. Naiisip ko tuloy kung tao ba talaga itong si Alastair.
Dahil puno na ang court, nakisiksik na lamang ako para makanood. Nang makarating ako sa unahan ay nakita ko ng malapitan si Alastair. Pawisan na siya pero tila wala lamang iyon sa kanya. He's so fit. Sakto lang ang pangangatawan at sadyang inaalagaan niya iyon.
It was for a brief moment but our gaze locked. Hindi ko rin maintindihan kung sadyang dumaan lang ako sa paningin niya. I felt like a loser. Muli akong naluluha dahil parang nasasampal ako ng katotohanan na wala akong pag-asa sa kanya.
Pinanood ko pa rin si Alastair hanggang matapos ang laro. And fortunately, they won. I smiled. Kailangan ko ng umalis doon dahil kahit gusto kong maging masaya, I can't. How can I be happy gayong hindi ako makakasama sa training? Wala na akong chance!
Nagdiretso na ako sa kabilang court para kunin ang gamit sa room na ginamit ng grupo namin. Naluluha na naman ako dahil sa kagustuhang manalo. I badly want to win because of him. I badly want to join the camp because of him. Stupidly, I'm crying because of this petty reasons.
Narinig kong bumukas ang pintuan kaya dali-dali kong pinahid ang luha ko. I thought it was Emily or Celestine but to my surprise, it was him. Wala siyang reaksyon pero abot-abot ang kaba ng dibdib ko. Anong ginagawa niya dito?
"Alastair? Uhhh.. anong ginagawa mo dito.." I asked.
"I am searching for your team captain.." he said.
Nagluha ang mga mata ko. Si Celestine? Pero bakit? Hindi man lang ba siya nag-aalala para sa akin?
"G-Ganoon ba?" Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. I was so stressed that I can't think of anything. Tumungo na lamang ako para itago ang pagkapahiya.
"Why are you crying?" he asked. "Is it because of your hand injury?"
Nang tiningala ko siya, nakita ko ang matiim niyang titig sa kamay kong may splint.
"No.." I said.
"Kung ganoon, bakit? Because your team lost?" he asked.
"Hindi rin.."
"Then what's the reason?"
Now that he asked mas lalo akong umiyak.
"K-Kasi hindi kita makakasama sa c-camp. I just want to join you on the training but because we lost, I can't. I spent so much time just to w-win this game.." umiiyak kong tugon.
Nag-iiyak ako sa harapan niya. I badly want to spend some time with him.
"If that's so.. if you ask for a favor, I'll do it.." he said.
Awtomatikong tumigil ang pag-iyak ko nang marinig ko ang sinabi niya. Maaliwalas ang mukha kong tumunghay sa kanya.
"But you have to promise me that you'll never bother me again.."