bc

Persia's Prayer

book_age18+
43
FOLLOW
1K
READ
adventure
murder
dark
aloof
comedy
straight
detective
disappearance
secrets
passionate
like
intro-logo
Blurb

It was the first time she's taken an interest to a guy. Persia Anais was really excited to captivate her handsome yet cold prey, Nero Alastair. Following him around and make him give up rejecting her... that was her plan to make him her boyfriend.

But it was difficult for her to continue liking him as she later found secrets about Alastair's dark past. Fate separated them...but what would she ever do if they ever meet again? And her living her present life as an aspiring nun?

chap-preview
Free preview
I
I think I was born lazy. Hindi ako sanay na nagsasayang sa lakas kapag pakiramdam ko ay walang maidudulot na benepisyo sa akin. Ayaw na ayaw kong napapagod kaya nang sumali ako sa club ay mas lalo akong tinamad. I was forced to join the volleyball club because my father told me I should not focus on academics, but I have to maintain my physique as well. Marunong naman akong humawak sa bola but running and jumping really tires me. Kung papipiliin ako, mas gusto ko na lang mag-aral. It is better because while I am conserving my energy, pakiramdam ko ay sigurado na ang future ko. I am aiming to top this year kaya hindi ko na kailangang pagurin pa ang sarili ko sa paglalaro. Pero nagbago iyon nang isang beses na niyaya ako ng kaibigan ko na manood ng practice game ng basketball team ng school namin. "Bakit kailangan ko pang sumama dito?" tugon ko kay Emily nang makaupo kami sa pinakamalapit na bench. Kasama ko siya sa volleyball club at isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. "Bakit parang pagod na pagod ka? Hindi ka naman nagpractice. Kapag nalaman lang ni Coach na nasa bangko ka ngayon, patay ka na naman doon," naiiling na sabi ni Emily. I sighed heavily. Kapag wala ang coach namin ay malaya akong nakakaupo. Hindi ko kailangang tumakbo at magpakapagod dahil alam kong.. wala namang dahilan para pagurin ang sarili ko. I rarely participate on matches kaya madalas akong pagalitan ng sarili kong ama. "I am thinking of quitting the club." sagot ko sa kaibigan pero halatang hindi ito nakikinig. Saktong lumabas ang manlalaro ng school namin. Kaagad na umingay ang buong court. Hindi ko alam kung anong dahilan kaya pinagmasdan ko ang grupo ng mga manlalaro. And that particular guy caught my attention. Pakiramdam ko ay kumabog ang puso ko dahil sa nakita. The guy was expressionless. Hindi ko alam kung sadyang wala siyang pakialam sa ingay pero alam kong iyon nga ang dahilan. Matangkad siya at hindi gaanong maskulado ang pangangatawan pero halatang batak na ang katawan sa paglalaro. Maitim ang buhok ng lalaki na nagpatingkad sa maputi nitong kompleksyon. Dahil mukhang maputla ang mukha nito, nahiglight noon ang mapula niyang labi. Hindi siya nakasimangot pero halatang hindi rin nakangiti. From that moment, I knew it. I instantly fell in love. "Sino yung number 7?" tanong ko kay Emily. Agad na ngumiti sa akin si Emily. "See? Sinasabi ko na nga ba at magiging interesado ka e. That's Alastair Hidalgo, isa sa pinakamahusay na manlalaro ng school natin. He's from Criminology Department," she said pero ramdam kong may iba sa tono ng pananalita niya. Napalunok ako. Habang tinititigan ko siya, mas lalo siyang naging attractive sa paningin ko. Binulungan ito ng lalaking katabi pero hindi ito ngumiti. Bagkus ay tumango lang. "Not really," tanggi ko. "Napansin ko lang na sadyang maganda ang pangangatawan. Batak siguro sa paglalaro," tugon ko. "Right, magaling talaga ang mata mo sa pagkilatis. Madalas, siya ang MVP kaya ilang trophy na ang naiuwi ng school natin. Dahil iyan sa kanya. Magaling din makisama sa kalaro niya kaya mataas ang posibilidad nilang manalo." I was impressed. Naririnig ko na ang balita na sadyang maganda ang pundasyon ng school namin pagdating sa sports pero wala akong pakialam doon noong una akong sumalta dito. That's because I was busy conserving my energy on my studies. "He's getting along with his friends but Alastair is a man of few words. Sadyang hindi palaimik," dagdag pa ni Emily. Tumango ako. Halata naman sa lalaki na hindi ito palaimik. Magaling akong mangilatis ng tao kaya madalas ay kaya ko silang basahin. Hindi ako nagkamali sa pagkilala sa lalaking ito. But why am I interested right now? "Oh.. magaling ba talaga siyang maglaro?" Emily laughed at me. "Persia, interesado ka na ngayon, huh? Then watch him play. Tingnan natin kung hindi ka mainlove sa kanya," hamon niya sa akin. Tumikhim ako dahil sa mga salitang iyon. I already fell in love, Emily. The game play started. Nakatuon lang ang tingin ko sa lalaki. He's incredibly fast and flexible. Mabilis itong gumalaw at halatang kalkulado ang galaw ng kalaban. Mas lalo akong namangha ng harangan ito ng kalaban pero walang kahirap-hirap itong nakatakas. Walang pasubaling nakascore ang lalaki sa loob lamang ng tatlong minuto. Sumakit ang dibdib ko. Unang beses iyon sa buong buhay ko na naging interesado ako sa isang lalaki. And that was my cue, I know I need to know him. "See, Persia? Ang galing niya ano? Siya ang dahilan kaya ako nananatili sa volleyball club." "Bakit?" "Kasi kapag may training, mas madalas ang basketball team ang kasama natin sa camp. Hindi mo ba natatandaan, malakas din ang volleyball team natin kaya madalas nakakaabot tayo sa championship. Volleyball at basketball team ang ace ng school natin. Nakalimutan mo ba Persia o sadyang hindi ka nakikinig sa coach natin?" Kasama sa camp? Si Alastair? I was all fired up at pakiramdam ko ay nangangati na bigla ang kamay kong humawak ng bola. "Binabawi ko na ang sinasabi ko, Emily. I'll stay," nakagiting kong sabi. Emily shrugged. "Sabi ko na nga ba, ito lang ang dahilan para mamotivate kang maglaro. May talent ka pa naman," sabi ni Emily. And at that particular date, Monday, August 18. The happiest moment of my life began. "Halika na, Persia!" tawag sa akin ni Emily. "Baka mahuli tayo sa klase natin. Mamaya mo na lang tingnan si Alastair!" pagpapatuloy niya. Batid ko ang takot ng kaibigan ko dahil sadyang masungit ang susunod naming guro. Kakatapos lang namin sa PE at babalik na kami sa klase kaya humanap ako ng paraan para tingnan si Alastair. "Saglit lang, Emily. Hindi naman tayo pagagalitan ni Ma'am Yolanda dahil naperfect ko naman ang quiz niya noong huling meeting! Sandali lang talaga!" I said. Muli kong tinitigan ang lalaking kanina ko pang pinagpapantasyahan. Nakasilip lang ako sa may bleachers habang pinapanood ko ang grupo nila na nag-eensayo sa basketball. "Persia, halika na!" hinigit ako ni Emily sa braso at wala na akong ibang nagawa kundi ang magreklamo na lang. Nagtatakbo kami sa may hallway para makarating sa aming classroom. Hingal na hingal kami pagpasok. Nilinga ko ang paningin at nakita kong wala pa ang aming prof. "See! Wala pa naman si Ma'am eh! Edi sana nakasulyap pa ako ng matagal kay Alastair," reklamo ko kay Emily pagkalapag namin ng bag sa upuan. Inirapan ako ni Emily. "Anak ka ba talaga ng pastor? Bakit parang bigla ka na lang naging uhaw sa lalaki?" tugon niya. "At saka, bakit parang lantad na ang pagkakagusto mo ngayon kay Alastair?" Ako naman ang umirap dahil sa sinabi ni Emily. "Hindi ako lantad. I'm just appreciating his skills when playing," paliwanag ko. "At ano namang kinalaman ng pagiging pastor ng tatay ko sa pagkakaroon ko ng interes sa lalaki?" tanong ko kay Emily. She got his notebook from his bag at saka binuklat iyon. Mukhang hindi pa siya tapos sa aming assignment. "Dapat mahinhin ka lang kumilos! At saka, dapat mahina lang ang boses mo kapag nagsasalita!" saad ni Emily. "Nagkagusto ka lang kay Alastair, nagbago ka na kaagad. Kung dati composed na composed ka, ngayon nagbago ka na talaga. Paano kapag napabayaan mo ang pag-aaral mo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Emily. Doon ako hindi sumasang-ayon. Nang magkaroon ako ng pagtingin kay Alastair, mas lalo lamang akong nagsipag mag-aral. I was taking advanced classes. Ganoon din, kapag Sabado at Linggo ay nagp-practice akong maglaro ng volleyball. "Nakita mo bang bumaba ang marka ko, Emily?" Emily snorted. It was meant as a sarcasm pero pakiramdam ko ay iniisip ni Emily na niyayabangan ko siya. "Hindi. You're still as intelligent as ever. Now, tulungan mo ako sa assignment ko." reklamo ng kaibigan ko sa akin. Kaagad akong ngumisi at kinuha ang notebook na iniaaro niya sa akin. Days passed pero hanggang tingin lang ang nagagawa ko kay Alastair. Madalas kasi ay nauubos na ang oras ko sa pag-eensayo kaya kapag tapos na ang practice namin sa kabilang hall ay tapos na rin silang maglaro kaya hindi ko na siya gaanong nasusubaybayan sa paglalaro. But I was already contented from looking afar. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya at alam kong isa na ako doon. Girls would confess and will give him gifts and chocolates pero nabalitaan kong hindi siya interesado sa ganoon. Alam kong hindi niya ako mapapansin sa ganoong paraan. I have to pave a way for him to notice me. And that's what I am doing the past few weeks. I am polishing my skills on volleyball. "Persia, another lapse!" sigaw ng coach namin. This is really tiring. Nang makita ng coach namin ang pagbabago ko nitong nakaraang araw, mas madalas ako nitong pag-initan. I don't know it that's good or bad. "Wala bang ibang gagawin si coach kundi ang patakbuhin ako? Kanina pa akong umiikot dito sa court," hinihingal kong tanong kay Emily. Inabutan ako nito ng isang bote ng tubig. Kakatapos ko lang magrender ng one hundred service pero tumatakbo na naman ako. "Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ni coach kanina? Maganda ang pwersa mo kapag pumapalo sa bola. Ang problema sa'yo, mabilis kang mapagod," naiiling na sabi ni Emily sa akin. I sighed. Hindi ko alam na ganito kahirap ang practice at pag-eensayo. Palapit na ang preliminaries at sinabi ni Coach na isasama ako sa line-up ng maglalaro para doon. Afterall, matangkad at magaan ang katawan ko. Ayaw ko lang talagang napapagod. Sigurado akong iiyak ang ama ko kapag nalaman niyang kasali ako sa maglalaro para sa isang official match. "Hello, girls!" napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko. It was Coach Travis, ang coach ng basketball team. Agad kaming natigilan sa pag-eensayo. Kasunod ni Coach ang mga basketbolista. Hinanap ng mata ko ang partikular na lalaki at natagpuan ko naman kaagad. Bagay na bagay sa kanya ang suot na varsity jacket at shorts. Nakabukas ang suot na varsity jacket at kita doon ang T-shirt na may nakaimprenta ng pangalan ng school namin. Hindi pa rin siya nakangiti pero alam kong isa iyon sa dahilan kung bakit siya lapitin ng babae. Ngayon tuloy ay mas lalo ko siyang nagustuhan. "Grabe naman ang tingin mo, Persia! Baka matunaw," kinikilig na sabi sa akin ni Emily sa gilid ko. Muli kong ininuman ang hawak na bote at saka iyon inilagay sa upuan. "Anong ginagawa nila dito, Emily?" nagtataka kong tanong trying to hide my smile. Hindi ko mapigilan ang ngiti that I have to think of an equation para maialis ang pag-iisip ko kay Alastair. "Hindi ko alam." sagot ni Emily pero pinasaringan ako. "Sus, ganyan ka ba kiligin? Bakit parang hindi halata?" sabi ni Emily. "Pero kunsabagay, hindi naman ikaw iyong tipo ng babae na nagkikisay at tumitili kapag kinikilig e. Pero feeling ko, deep inside kilig na kilig ka na." I laughed at her statement. Ayan, hindi ko na nacontain ang kilig ko. "Travis!" bati ng coach namin. Sinenyasan kami ng coach na magtipon kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang sumunod. Napansin kong nagbago ang aura ng kasama kong babae. It was because of the guys who came. They looked all so athletic. Lahat ay matatangkad at hindi mo mahahalatang mga Grade 12 students. Nagtipon kami sa likod ni Coach Calvin. I was looking at some guys na nasa likuran ni Coach Travis at ang iba ang nakatitig sa akin. Sabagay, hindi nila ako kilala dahil kailan lang ako sumali sa volleyball club. I saw a glimpse of Alastair's stare pero sadyang mabilis lang iyon. Pakiramdam ko ay wala siyang pakialam sa nakikita. "Anyways, may renovation sa kabilang hall kaya dito na muna sa court natin pansamantalang mag-eensayo ang basketball team. Napag-usapan namin ni Travis na pagkatapos ng practice niyo ay sila muna ang gagamit ng court." Napalunok ako. Some of the girls gasped, because of excitement. Ganoon din ako. I was all fired up that I really want to find a way for Alastair to notice me. "Yes! Ganyan nga, Coach! Matagal na akong hindi nakakakita ng magagandang chicks!" sabi ng isang lalaking nakaspike ang buhok. Ito ang nakikita kong madalas na katabi ni Alas. Hindi ko nga lang ang alam ang pangalan niya because I was after Alastair all this time. "Anyways, let's have a three on three. May sapat pa naman na oras bago ang nakatakdang oras ng ensayo nila." Coach Calvin said. "Persia, Ada and Emily kayo ang magteam ngayon. Celestine, Crystal and Dale kayo sa kabila." Celestine gave me a smug look. Dahil sa mas angat siya ng isang taon sa akin, napansin ko ang kakaiba nitong pakikitungo sa akin. Her superiority complex is so extreme and her aggressiveness on game play makes me irritable most of the time. Hindi ko na lamang pinapatulan dahil inaaksaya ko ang oras sa pag-eensayo at hindi sa pakikipagkompetisyon sa kanya. Napansin kong umupo sa bench ang kalalakihan at lumapit ang ilang myembro namin sa kanila. Para siguro makipag-usap sa kanila. Afterall, hindi ko maitatago na sadyang gwapo at malalakas ang dating ng mga basketbolistang kasama nila Alastair. They are players and they are the center of the attraction. Lalapit at lalapit ang mga kababaihan para kunin ang atensyon nila. Napabuntong-hininga ako. This would be really tiring. Tatlo lang kami sa isang grupo kaya sigurado akong malilibot ko ang court namin kakahabol ng bola. Mabuti na lamang at isang set ang lalaruin namin. Iyon ang sinabi ng coach dahil kulang kami sa oras. "Persia.." tawag sa akin ni Emily. Napangiti ako. Emily is a setter at siya ang nagturo sa aking maglaro ng volleyball. Hindi halata, pero sadyang competitive siya pagdating sa paglalaro. She declares that volleyball is her expertise. "Fine, gagalaw naman ako.." sagot ko. Natawa ako dahil sinamaan niya ako ng tingin. I've exerted less effort before when playing kaya madalas akong kagalitan ni Emily. Celestine held the ball dahil siya ang magsisimula ng service. Nakita ko ang determinado niyang titig na manalo. I just sighed. Why is she determined to win? This is just a mock game, anyways. I saw her looked at the bench particularly at the guy I'm interested in. I smiled. Oh, so she's trying to impress the guys? Or is it Alastair? Now it felt really like a competition. Mas gusto ko sanang umupo na lang at titigan si Alastair kesa maglaro but I just thought of a better idea. Pumito na si Coach Calvin na siyang nagsilbing referee. Celestine played and dribbled the ball before exerting a massive amount of force. Pakiramdam ko ay tatama iyon sa mukha ko kaya nagpasya akong umiwas. Pakiramdam ko ay natahimik ang lahat dahil sa ginawa ko. "Persia, bakit mo iniwasan ang bola!" sigaw ni Coach sa akin. I saw Emily frowned at me. I gave her an assertive smile. "Hindi ko po iyon masasalo, Coach. Masyadong malakas ang pwersa." dahilan ko. "That's why you should try to receive it, damn it! Paano kita isasali sa line-up kung iniiwasan mo ang bola!" panenermon sa akin ni Coach. Sumulyap ako sa mga lalaki na nakaupo at nakatingin sila sa akin. I also saw Alastair looking at me. I smiled. Finally I got your attention, baby. "Sorry po, hindi na mauulit." nakangiti kong tugon kay Coach. Coach looked at me with his usual disappointment look. I nodded. There's nothing to be sad about because I saw Alastair looked at me! That's more than enough for me! Celestine charged a powerful service again at sinalo ko naman iyon. Kaagad na namula ang braso ko dahil sa pagtama noon pero wala akong pakialam doon. I have to win this mock game. Alastair is watching and that's enough motivation for me to win this. The score was too close at panay ang bayo ni Celestine sa bola. Hindi ako makahanap ng pagkakataon na makabayo dahil napapagod na ako sa paghahabol at madalas ay mahaba ang rally. I am so tired that I want to give up, if only Alastair isn't watching. "Go, Celestine!" one of the guys cheered for her kaya nadamay ang iba na magcheer para sa kanya. Celestine is always popular dahil siya ang captain ball. Maganda rin at matangkad. At may talento sa paglalaro. But I really cared less. The score became a tie because it was Ada and Emily gaining a score. Ako lang ang bumubuhay sa bola pagkatapos ay sila na ang magtutuloy noon sa kabila. Celestine was really aggressive this time, determined to win but I always have an eye for everything. Madalas akong mapuri dahil sadyang mapanuri ako at mapagmasid sa mga bagay-bagay. "Persia, sayo na ang bola!" Emily shouted as she tossed the ball, just what I preferred. Emily was used to my spike at kabisado niya ang gusto kong pagtapon sa bola. I jumped like it was a slow motion but I saw Celestine jumped as if she was anticipating my blow and she's trying to stop my spike. Celestine thought that I am really spiking the ball. Kita ko ang mataman niyang titig sa bola but I smirked at the move I was thinking. I changed my spike into a spike fake.. and that made her reaction changed. Lumaglag ng marahan ang bola mula sa marahan kong pagkakatulak noon sa kabilang net. Muling tumahimik ang lahat. "Who is she? Ang galing naman niya!" naririnig kong bulungan ng kasamahan ni Alas na nakatingin sa akin. I saw Alastair was looking at me. Tumalikod ako at ngumiti. That's the way to get your attention, huh?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.9K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.1K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K
bc

OSCAR

read
227.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook