TAHIMIK na nakaupo si Bloom sa bar counter ng Under Zone habang iniinom ang in-order niyang drinks sa bartender. Nilulunod niya nanaman ang sarili niya sa alak. Hindi niya gustong ang alak ang maging takbuhan niya sa mga pagkakataong ganito pero wala na siyang alam na iba pang gawin para panandaliang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya.
Akmang lalagok siya sa baso niya nang may pumigil sa kamay niya. Nakakunot ang noo na nilingon niya kung sino ang pumigil sa kamay niya. Lalo lang napakunot ang noo niya nang mapagtantong hindi niya naman kilala ang lalaking ito.
"Excuse me. Kilala ba kita?" mataray na tanong niya dito.
"Hindi," nakangiting sagot nito. He was handsome alright. Pero walang appeal sa kanya ang kagwapuhan nito. "Napansin ko kasi na napaparami na ang inom mo kaya nilapitan na kita. Baka gusto mo ng makakausap?"
"No. I'm fine. You can leave me alone," malamig ang boses na sagot niya.
"Sigurado ka ba? Mukha kasing hindi ka okay---"
"Kapag sinabi ni Bloom na okay siya, okay siya," sabay silang napalingon ng makulit na lalaki sa nagsalita. He was greeted by Liui's handsome face. "And you can leave her. Nandito na ako."
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni Bloom kay Liui nang makaalis na ang makulit na lalaki. "You can leave me alone too."
"Do you really think na hahayaan kitang mag-isa dito ng ganyang lasing ka na?" nakakunot-noong tanong ni Liui. Nang tingnan niya ito ay mababakas ang pag-aalala sa mukha nito para sa kanya. "Baka mamaya, masagasaan ka na ng tuluyan kapag umuwi kang mag-isa na lasing," asar na inilibot nito ang tingin sa paligid. "Nagyaya ang kliyente ko na mag-bar hopping at napadpad kami dito sa Under Zone. Mabuti nalang pala at pumayag ako. Kung hindi ay hindi pa kita makikita at hindi ko malalamang dito ka nagkakampo kapag trip mong magpakalasing. Ano nanaman bang nangyari at naglalasing ka nanaman?"
She turned to him and studied his face. Mukhang asar ito sa kanya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito. Ngayon niya lang lang napansin pero na-miss niya pala ito. Isang linggo na rin kasi ang nakakaraan mula nang mag-date sila at simula noon ay hindi na uli sila nagkita. Ngayon lang uli.
Now, that's funny. Bakit naman niya mami-miss ang lalaking ito?
"Why do you care, Liui?" tanong niya dito. Nangalumbaba siya sa bar counter at tinitigan ang lalaki. Ngayon niya lang din napansin, gustong-gusto niyang tingnan ang mukha nito. Ano bang meron sa lalaking ito at sa tuwing nakikita niya ito ay biglang lumiliko ang puso niya at pumupunta sa direksyon kung nasaan ito? Ang daan lang na dapat tahakin niya ay ang diretsong daan papunta kay Rade. Bakit suma-side line pa ang puso niyang makulit kay Liui? "We're not even friends."
"Because I care about you, damn it!" nanggigigil na turan nito.
"We're back to that again?" she smiled lazily. "Ano ba talagang motibo mo sa paglapit sa 'kin, Liui? Hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan ng isang kagaya mo. I'm a b***h and I'm ill mannered. Pati best friend ko, sinusuka na rin ako. Anong nagustuhan mo sa isang tulad ko?"
Nakita niyang bumuntong-hininga ito bago sumagot. "Don't underestimate yourself, Bloom. Hindi ka naman masamang tao. Oo, medyo nabubulagan ka lang dahil sa naging kabiguan mo kay Rade pero bukod doon, wala na akong makitang masama tungkol sa 'yo. That is not even a bad thing to begin with. Normal lang naman sa babaeng kagaya mo na in love ang maging luka-luka kapag nagkaroon ng kaagaw sa lalaking mahal niyo. I understand what you're feeling that was why I understand your actions, too.
"Mabait ka naman kapag trip mong maging mabait. At alam kong sa kabila ng tapang na pinapakita mo, you're lonely and you're alone. You want to have someone who can love you. That's why you are so obsessed with getting Rade by your side."
Pagak siyang tumawa. "Yes, I'm alone and miserable. Walang magmamahal sa 'kin dahil isa akong malaking failure. I'm a failure as a human being."
"That's not true," kontra ni Liui. "You're a wonderful person, Bloom. Sana ay makita mo rin ang mga nakikita ko sa 'yo."
Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapabuntong-hininga at mapapikit habang patuloy pa rin si Liui sa paghaplos sa pisngi niya. His touches were soothing and it made her forget how rotten she felt before he showed up. Ang galing! Hindi kaya may super powers si Liui kaya nagagawa nitong tanggalin ang mga sakit na nararamdaman niya?
"Bakit ba ang bait-bait mo sa 'kin kahit puro kamalditahan lang naman ang pinapakita ko sa 'yo?" frustrated na tanong niya. Nanatili siyang nakapikit dahil masarap sa pakiramdam ang paghaplos ni Liui sa buhok at pisngi niya.
"I already told you, didn't I?" masuyong turan nito. "I like you and I want to steal your heart."
"Alam mo ba ang sinasabi mo, Liui? Seryoso ka ba talaga diyan sa press release mong 'I want to steal your heart' chorvah na 'yan?"
"I've never been this sure in my life."
Napamulat siya dahil sa sinabi nito at dahil sa ginawa niya ay nagtama ang mga mata nila ni Liui. She could see pure determination in his eyes as he looked at her. Para bang pinaparating nito sa kanya na seryoso ito sa lahat ng sinabi nito at kahit harangan pa ito ng sibat ay hindi ito papapigil sa kagustuhan nitong makuha ang puso niya at mapaibig siya. Sasagot sana siya nang maramdaman niya ang pag-ikot ng paningin niya. Mukhang nahalata 'yon ni Liui dahil nakita niyang napailing ito. He gathered her in his strong arms and guided her out the bar.
Isinakay siya nito sa kotse nito. Siniguro muna nitong maayos na ang lagay niya sa passenger's seat bago ito umikot papunta sa driver's seat at pinatakbo ang kotse.
PASULYAP-SULYAP si Liui sa natutulog na si Bloom sa tabi niya. Napailing siya nang makita niyang mahimbing na mahimbing ang tulog nito. Kasabay ng pag-iling niya ay gumuhit ang isang magandang ngiti sa mga labi niya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. He just couldn't get enough of Bloom. Kaya nga nang makita niya ito sa bar counter kanina ay hindi niya napigilan ang sarili niyang lapitan ang babae.
Kung siya ang tatanungin, sa tingin niya ay in love na talaga siya kay Bloom kahit hindi niya sinasadya. Noong una ay inaasar niya lang ito at gusto niya ring ma-distract ang babae para hindi na nito matuloy ang binabalak nitong panggugulo sa kasal nina Rade at Arjane pero nagbago ang lahat nang makita niya itong ngumiti nang sunduin niya ito para sa date nila. Ang gusto niya nalang gawin ngayon ay ang pangitiin ito ng pangitiin.
Alam niyang may pinaghugutang malalim kung bakit nagagawa nitong umasta ng gano'n nang malaman nitong ikakasal na si Rade at sa totoo lang ay naiintindihan niya talaga ang nararamdaman nito. Kaya nga naisip niyang paibigin nalang si Bloom sa kanya para hindi niya na ito nakikitang nasasaktan sa tuwing nakikita niya itong nakatingin kina Rade at Arjane. She wanted her to love him because he loved her too. At gagawin niya ang lahat para lang makuha ang pag-ibig nito.
Napatingin siya sa lapag nang malaglag ang isang notebook mula sa nakabukas na bag ni Bloom. Sandali niyang inihinto ang kotse para pulutin iyon at kahit alam niyang masama, hindi niya napigilan ang sarili niyang buksan iyon. Napangiti siya nang makita niya ang nakasulat sa notebook.
"'What does it take to make Bloom fall in love', huh?" napangiti siya at kinunan ng picture ang notebook gamit ang cellphone niya. "Lucky!"
Hindi rin siya nakatiis kaya kinunan niya din ng picture ang natutulog na si Bloom dahil ang ganda-ganda pa rin nito kahit tulog. Pagkatapos 'non ay ibinalik niya na ang notebook sa bag nito at pinaandar niya na uli ang kotse. Sisiguraduhin niyang mai-in love sa kanya si Bloom. He never wanted anything or anyone for that matter this badly. He would make sure that he would take that broken expression in Bloom's face. Ayaw niya ng makitang malungkot pa ito. She deserved to be loved too. At alam niyang siya ang lalaking may kakayahang mahalin ito ng higit pa sa kahit ano.
"Just hang in there, Bloom. I'll save your heart from misery."
NASA Spiral Events si Liui dahil masyado siyang maraming kailangang trabahuhing paper works sa opisina. Gusto niya sanang puntahan si Bloom, ang kaso ay hindi niya maiwan ang tambak na trabaho niya. It had been a week since he last saw her. Regularly ay gumagawa siya ng paraan para magawa ang isa sa mga nakasulat sa notebook ni Bloom. So far ay hindi pa siya nagmimintis pero hindi niya mabigay ng personal kay Bloom ang mga bagay na gusto niyang ibigay.
Pagliko niya sa pasilyo papunta sa comfort room ay napatigil siya nang marinig niya ang boses ni Arjane na may kausap sa cell phone nito. Hindi niya na sana papansinin ang babae pero narinig niyang binanggit nito ang pangalan ni Bloom kaya kahit alam niyang masama ang mag-eavesdrop ay ginawa niya pa din.
"You should've seen her expression when Rade slapped her. It was priceless! Hindi siya makapaniwala na mas pinaniwalaan ako ni Rade kaysa sa kanya. Kinasabwat ko lang naman ang mga sales lady doon na magbanggit ng masasamang bagay tungkol sa 'kin at i-provoke si Bloom na magsalita ng masama tapos siya ang palalabasin naming masama. I'm a genius, right? I really hate that girl! Serves her right for messing with me," tila kontrabida sa teleserye na tumawa si Arjane.
Teka... si Arjane ba talaga 'yon? Ang Ara Arjanine Victor na kilala niya ay mabait at hindi gagawa ng masama. At ano daw? Sinampal ni Rade si Bloom? Nagtagis ang mga bagang niya. Kaya pala naglasing nanaman si Bloom noong nakaraan. Dahil pala iyon sa kagagawan ni Rade.
"s**t!"
Nagmamadaling naglakad siya palabas sa Spiral. Dumiretso siya sa kotse niya. The hell with those paperworks and the issue with Arjane and Rade! Those can wait. Ang pinaka-importante sa kanya ngayon ay si Bloom.
Gusto niyang suntukin ang sarili niya. Kung kailan kailangang-kailangan siya ni Bloom saka niya pa nagawang hindi man lang magpakita dito kahit minsan. Kung alam niya lang sana kung gaano ito nahihirapan nitong mga nakaraang araw, matagal na sana niyang pinuntahan ang babae.
Saglit siyang natigilan. Oh, yeah. Hindi niya alam na malungkot si Bloom dahil wala naman itong sinasabi sa kanya. Wala itong balak magsabi sa kanya kahit na mahirapan ito dahil kahit minsan ay hindi man lang nito kinonsidera na papasukin siya sa buhay nito. She opted to be alone than be with him. It stung him like hell to realize that.
Nagdadalawang-isip na tuloy siya ngayon kung tutuloy pa ba siya na puntahan si Bloom o hindi. Paano kung ipagtabuyan lang siya ni Bloom? Just thinking of it made him a scared dog.
"Get it together, man!" enganyo sa sarili niya.
Saka niya na iisipin ang mga negatibong bagay na iyon. Sa ngayon ay si Bloom lang ang mahalaga. No more, no less.
Nagulat pa si Bloom nang mabungaran siya nito sa pintuan nito. Nang makapasok siya sa bahay nito ay hindi niya na napigilan ang sarili at niyakap niya ng mahigpit si Bloom. The sparks were still there and he could feel his heart gone haywire. Ngayon niya lang naramdaman ang gano'ng klase ng damdamin sa buong buhay niya. And it felt so damn right.
He hugged her as if that was the last time he could do that. Posible na iyon na ang huling beses na mayakap niya si Bloom. Baka mangyari na ang kinatatakutan niya na mas piliin ni Bloom ang mag-isa kaysa ang makasama siya. It scared him. But hugging Bloom seemed to be the rightest decision he had ever made in his entire life. And he would never regret it no matter what happens next.