"LIUI? ANONG problema? May nangyari ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Bloom kay Liui. Pinipilit niyang makawala sa pagkakayakap nito pero mukhang wala itong balak na pakawalan siya. Just like the first time he hugged her in the middle of that side walk, he didn't let her go.
"I'm sorry," bulong nito na hindi halos umabot sa pandinig niya. "I'm sorry kung ngayon lang ako. You needed someone to be with you, right? Patawarin mo ako kung ngayon lang ako dumating."
She felt a lump on her throat. Alam na ba ni Liui ang nangyari sa boutique? Iyon lang naman ang pwedeng maging dahilan para bigla nalang sumugod doon si Liui na gano'n nalang ang pag-aalala sa kanya. Namalayan niya nalang na bumagsak na ang mga luha na ilang araw niya ring pinigilang tumulo.
Binuhos niya ang lahat ng oras niya nitong mga nakaraang araw sa restaurant niya para lang hindi niya maramdaman na mag-isa siya. Her employees kept her company that was why she didn't feel so alone. Pero nang dumating si Liui, ngayon niya lang napagtantong iba pa rin pala talaga kapag may taong nag-aalala para sa kanya. God, she was so thankful that Liui came to see her. She was so glad that he came to save her wounded heart.
Natagpuan nila nalang ang sarili niyang gumaganti ng yakap kay Liui. "It's okay. Sanay akong mag-isa. I'll manage somehow."
"Hindi maganda sa isang tao na masanay mag-isa," narinig niyang reklamo ni Liui. "Pwede ka namang hindi mag-isa. If only you'll open your heart to those who wants to be with you, hindi ka na mag-iisa uli."
"Tapos ano? Kapag hinayaan ko silang makalapit sa akin, sasabihin nilang hindi nila ako iiwan at hindi na nila ako papabayaang mag-isa uli at sa huli, iiwan din nila ako? Pagod na akong masaktan at umasa, Liui. Tatlong beses ko ng naramdaman ang nawala sa akin ang mga taong nagsabi sa aking hindi nila ako iiwan. Sina Mama at Papa, si Tita at si Rade, lahat sila, sinabing hindi nila ako iiwan at hahayaang mag-isa. Pero ano? Iniwan pa rin nila ako. Mas okay nga sigurong mag-isa nalang ako dahil ayoko na uling maranasan na masaktan dahil iniwan nanaman ako ng taong mahal ko."
"Hindi naman ginusto ng mga magulang mo at ng Tita mo na iwan ka. Pati si Rade, alam kong hindi niya iniisip na iwan kang mag-isa."
"Pero ang labas pa rin, mag-isa nanaman ako. Alangan namang umepal ako kina Rade at Arjane kapag mag-asawa na sila? Hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko."
"Simple lang naman ang solusyon sa lahat ng kinatatakutan mo, eh," nilingon niya si Liui. Sakto namang nilingon din siya nito kaya nagtama ang mga mata nila. "Be my girlfriend, Bloom."
Hindi alam ni Bloom kung ano ang isasagot niya sa tanong ni Liui. Ibinuka niya ang bibig niya para magsalita pero muli niya rin iyong itinikom nang hindi niya maapuhap ang mga salitang gusto niyang sabihin. Lalo niya nalang sinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Liui. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Liui at kasunod niyon ay marahan siyang inihiwalay ni Liui sa pagkakayakap dito. Maingat na hinawakan nito ang balikat niya at gamit ang isang kamay nito ay masuyo nitong kinapitan ang baba niya para magtama ang mga mata nila. He looked straight into her eyes.
"Alam ko naman na hindi mo ako kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo kay Rade," mahinang turan nito. He smiled but his smile didn't reach his eyes. In fact, it was a sad smile. "Kahit anong klaseng pagmamahal ang kaya mong ibigay sa 'kin, Bloom, tatanggapin ko. Kahit na katiting lang ang ibigay mo. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para maparami 'yon. Just... just learn not to ignore me anymore and act like you're all alone when in fact, I am always here for you.
"Lagi akong nandito para sa 'yo, Bloom. Sabihin mo lang na 'wag kitang iwan, gagawin ko. I'm willing to do everything for you to learn to love me. I love you so much, so much that if you'd let me take all your burdens, I'll do."
She could see how sincere Liui was. Parang gusto niya tuloy haplusin ang pisngi nito para mawala ng kalungkutang nakikita niya sa lalaki. Ayaw niyang nakikitang malungkot si Liui. Mas gusto niya ang Liui na laging may nakahandang ngiti sa kanya. Sa tuwing nakikita niya kasi itong ngumiti, gumagaan ang pakiramdam niya. She wanted to see him smile again.
"Hindi pa rin ako susuko na mapaibig ka, Bloom. Maghihintay ako hanggang sa kaya mo na akong mahalin. I'll wait patiently for the time that you'll see me as a man you can love. I'll wait for the moment when you can finally look at me with love in your eyes. At habang hindi pa dumadating ang araw na 'yon, don't expect me to leave your side. Dahil kahit ipagtabuyan mo pa ako ng paulit-ulit, alam kong babalik at babalik pa rin ako sa 'yo."
"I-I don't know," naguguluhang turan niya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin.
"Its fine," mapang-unawang turan ni Liui. "Hindi naman kita minamadali, eh. You have all the time in the world."
Tumango siya. Masuyong hinaplos ni Liui ang buhok niya. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata ni Liui habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung anong magandang bagay ang nagawa niya sa sanlibutan para pagpalain siya ng gano'n ng Panginoon.
Being loved by someone like Liui was more than she could ever ask for.
NAKATITIG si Bloom sa kisame habang nagpapa-antok. It had been a tough day for her. Marami kasing customers kanina sa Bloom's Kitchen kaya masyado siyang naging busy. Pakiramdam niya nga, anumang sandali ay bibigay na ang katawan niya.
Narinig niya ang pagtunog ng cellphone niya, hudyat na may nag-text sa kanya. Dinampot niya ang cellphone para tingnan kung sino 'yon. Napangiti siya nang makita niyang si Liui ang nag-text sa kanya.
Tired?
You have no idea. Reply niya.
I wonder what will make you feel a bit better.
Akmang magre-reply siya nang tumunog ang cellphone niya. Nagulat siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Si Liui ang tumatawag kaya agad niyang sinagot ang aparato.
"Hello?"
"Konbanwa, Hime-chan," malambing na bati nito sa kabilang linya na ang ibig sabihin ay 'good evening, princess' kaya hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapangiti.
"Liui."
"At your service," kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito. "Pwede ba kitang maabala kahit saglit?"
"Bakit?"
Hindi na ito tumugon kaya nakakunot-noong tiningnan niya ang cellphone niya kung pinutol na nito ang tawag. "Naka-connect pa rin naman, ah! Hello? Liui?"
Imbes na boses ni Liui ang sumalubong sa kanya ay ang malamyos na tunog ng gitara ang narinig niya sa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang kantang tinutugtog ng nasa kabilang linya. It was 'A Little Thing Called Love'. Nagulat siya nang sunod na pumailanlang ay ang kumakantang boses ni Liui. Malamyos ang boses nito na tila ipinaghehele siya. Sinimulan na nitong kantahin ang lyrics ng kanta. Pero imbes na ang Thai version ng kanta, ang English version niyon ang kinanta nito. Napangiti nanaman tuloy siya. Siguradong nahirapan ito sa pag-pronounce kaya 'yung English version nalang ang ginamit nito.
"Meeting you could have just been an accident. It might have been a big coincidence. It immediately made me know how love would be like. It's the little things inside the deepest corners of the heart. I'm keeping it until the day you would know..."
Napatakbo siya sa bintana nang mapagtanto niyang nasa bakuran niya si Liui. Binuksan niya ang bintana ng kwarto niya. Napabunghalit siya ng tawa nang makita niyang sa maling bintana nakatingin si Liui habang todo bigay ito sa paggigitara at pagkanta. Ang bintana ng bodega niya ang hinaharana nito!
Sinitsitan niya ito at nang mapagtanto nito ang pagkakamali nito ay nagkukumahog na tumakbo ito papunta sa tapat ng bintana niya bitbit ang gitara nito at ang mic stand kung saan nito tinali ang cellphone nito na nagsilbing mic nito. Muntik na siyang tumili nang ngitian at kindatan siya nito. Pero dahil ayaw niyang masyadong maka-istorbo sa kapitbahay nila, nakontento nalang siya sa pagngiti ng pigil.
"It's a little thing that I call love. It's only just the kind of love that isn't a big deal. But my world spins with my heart when I'm loving you. Because you are a little thing that I call love. Kept the word love because I'm not brave enough to say it. I want you to know I love you so much. How tomorrow would turn out... my heart is yours..."
Oh, gaaad! How she loved this man! Lalong lumawak ang ngiti niya nang may maalala siya. Saglit siyang umalis sa bintana at kinuha ang maliit niyang notebook kung saan nakasulat ang mga ways kung paano siya mapapaibig ng isang lalaki. Manghang napatingin siya doon nang mapagtanto niyang halos lahat ng nakasulat doon ay nagawa na ni Liui para sa kanya. At ang pinakahuli sa lahat ng iyon ay ang panghaharana sa kanya ng kantang kasalukuyang kinakanta ng lalaki.
She smiled and looked up at the ceiling. Lord, sign na ba ito? Ito na ba 'yung sign na dapat ko ng tanggapin ang pag-ibig ni Liui para sa akin? Sa totoo lang ay whims niya lang ang lahat ng nakasulat sa notebook na iyon at kahit kailan ay hindi niya in-expect na may isang tao, at si Liui pa talaga, ang gagawa ng lahat ng iyon para sa kanya. He must really have loved her so much for him to go to this extent.
Bumalik siya sa bintana at nang makita ni Liui na bumalik siya ay isinenyas nito na ilagay niya ang cellphone niya sa tenga. Agad niyang sinunod ang sinabi nito. "Bakit?"
"Come here," masuyong sambit nito habang nakatingalang nakatitig sa bintanang kinatatayuan niya.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad siyang tumakbo papunta sa bakuran niya. Saktong pagbukas niya ng pinto ay agad na nagtama ang mga mata nila ni Liui. Love was evident in his eyes. She was lost as she stared at the most gorgeous chinky eyes of his that captivated her heart. Tila may magnetong nagtulak sa kanya para maglakad palapit dito. Nakamasid lang ito sa kanya habang papalapit siya ng papalapit dito. Nang magkatapat na sila ay ginawArjanen siya nito ng isang napakagandang ngiti na nagpabilis sa t***k ng puso niyang adik na adik na kay Liui.
"Hey, princess," he said huskily. His gaze never left hers.
"A-anong ibig sabihin nito, Liui?" nauutal na tanong niya dahil hindi na siya makapag-isip ng matino. Halos mabingi na kasi siya sa lakas ng t***k ng puso niya. "B-bakit mo 'to ginagawa?"
"Its one of the ways I think of to steal your heart," hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na bahagyang tumatabing sa mukha niya. "Nagtagumpay na ba ako?"
Hindi niya maapuhap ang mga salitang gusto niyang sabihin kaya tumango nalang siya. She wanted to be honest to what she truly feels. Kahit ngayon lang. Gusto niyang malaman ni Liui na mahal niya ito. She wanted to tell the world that she was in love with Liui.
HINDI NA napigilan ni Bloom ang sarili niya. Niyakap niya si Liui ng mahigpit na tila ba iyon ang paraan niya para iparating dito ang nararamdaman niya. Hindi sapat ang salita para ipakita kay Liui ang pagmamahal niya. Gusto niyang iparamdam sa lalaki kung gaano niya ito kamahal. Kontento na siya sa pwesto nila kaya gusto niyang magreklamo nang kumalas mula sa pagkakayakap niya si Liui.
"T-teka! B-bakit mo ako niyayakap?" kandabulol na tanong ni Liui sa kanya. Nakamulagat ang mata nito at kung naiba lang ang sitwasyon nila ay siguradong matatawa siya sa itsura nito. Pero dahil seryoso ang pinag-uusapan nila ngayon, pinili niya nalang na panatilihing seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.
"Isn't it obvious? You just stole my heart. Kaya hindi ako papayag na hindi mo panagutan ang pangnanakaw mo sa pihikan kong puso," his eyes widened and she couldn't help herself to smile. "Will you still take my heart?"
"W-wait..." naguguluhang turan nito. "Ibig bang sabihin nito ay... mahal mo na rin ako?"
"Uh-huh," tumatango-tangong sagot niya.
She felt her heart leap when she saw him smile. "Pero paano? I thought you love Rade?"
"Yeah, I loved Rade," nakangiting sang-ayon niya. "Pero isang araw, may lalaking naka-costume na ala-Sanji ang nakapulot sa 'kin sa kalsada. Tinulungan niya ako kahit na puro sakit ng ulo lang ang binigay ko sa kanya nang gabing 'yon. Nang magkita kami uli, hindi niya na ako tinigilan sa pangungulit niya. He does things that made my heart skip a beat and he made me feel so special. Minahal ako ng makulit na lalaking 'yon kahit na alam niyang wala naman siyang aasahan sa 'kin. And you know what? I'm really glad that he didn't give up on me. Dahil simula nang dumating siya sa buhay ko, hindi ko na naramdamang mag-isa ako dahil lagi siyang nandiyan, may naka-ready na ngiti na hindi pumalpak na pagandahin ang araw ko, at simula nang dumating siya, naging makulay na ang malungkot kong buhay.
"And then, one day, I realized that I have already fallen in love with him. Pero ayaw kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko, hindi ako nararapat sa para sa kanya. So, I worked hard to be a better person for him. Para walang kahit sino ang pwedeng magsabi sa 'kin na hindi kami bagay at hindi ako deserving sa isang kagaya niyang mabait."