CHAPTER 15

2623 Words
"LIUI, wait!" pigil ni Bloom kay Liui. Tumugil ito sa paglalakad pero hindi siya nito nilingon. "It's not what you think." "Ano sa tingin mo ang nasa isip ko, Bloom?" narinig niya ang walang buhay na pagtawa nito. "I already got the answer that I've been waiting for. Hindi mo na ako kailangang sagutin pa. Pasensya ka na sa mga paggugulo ko sa 'yo nitong mga nakaraang linggo," nagsimula na uli itong maglakad palayo sa kanya. "Liui, sandali lang! Hindi mo naiintindihan! Pwede bang makinig ka muna sa 'kin? Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag." "Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa!" nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. "Damn it, Bloom! Gano'n ba talaga ako kahirap mahalin? Ginawa ko na ang lahat para sa 'yo, hindi pa rin ba sapat 'yon para mahalin mo rin ako kahit konti lang? Why couldn't you care for my feelings for just one second? Alam kong binalaan mo na ako noon na wala akong mapapala kapag pinatuloy ko ang panunuyo ko sa 'yo. For a moment, I actually believed that you love me. Hindi ko mapigilang umasa kasi nitong mga nakaraang araw, nakikita at nararamdaman kong mahal mo rin ako. Pero mali pala ako. Nag-assume lang ako na mahal mo ako when in fact, si Rade pa rin talaga ang mahal mo. Mas mahal kita kesa kay Rade, Bloom. Bakit ba hindi mo makita 'yon? Bakit ba hindi mo magawang kalimutan si Rade at bigyan ako kahit konting puwang diyan sa puso mo?" "I do care for you!" sigaw niya. "Liui, I love you!" "No. You don't love me. At hindi wala ka ring pakialam sa akin. All you care about is Rade." "Mali ang iniisip mo!" "Kung mali ang iniisip ko, hindi sana ganyan ka-guilty ang expresyon ng mukha mo nang makita mo akong nakatayo kanina sa tapat ng bintana mo." Hindi niya na mapigilan ang sarili niyang umiyak dahil kahit anong paliwanag ang gawin niya, pakiramdam niya ay wala ng balak makinig sa kanya si Liui. Kahit isang dipa lang ang layo nila sa isa't-isa, tila napakalayo na nito sa kanya. Pakiramdam niya ay ibang tao na ang kaharap niya ngayon. Hindi na ito ang Liui na laging may nakahandang ngiti para sa kanya. "You don't have to worry about me, Bloom. I'll be fine. Salamat sa pagtitiis mo na makasama ako nitong mga nakaraang araw. At salamat din sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na mapalapit sa 'yo," nagkibit-balikat ito. "Wala akong magagawa kung hindi pa rin ako sapat para sa 'yo. Sa tingin ko, si Rade lang talaga ang kayang kilalanin ng puso mo. Huwag kang mag-alala. Ito na ang huling beses na makikita mo ako. I'll make sure na hindi ako makakasagabal sa inyo ni Rade. Good bye, Bloom. And thank you for making me feel special, too, even just for a little while." "Liui, sandali lang! Liui! Liui!" Sinubukan niyang habulin ito pero sumakay na ito sa kotse nito at pinaharurot na nito iyon palayo. Napaupo nalang siya sa gilid ng kalsada at doon nalang niya ibinuhos ang lahat ng frustration niya. Patuloy siya sa pag-iyak habang nakatalungko sa mga tuhod niya. Bakit ba hindi muna siya nito pinakinggan? Bakit nag-assume agad ito na hindi niya ito mahal? "That idiot!" umiiyak na turan niya. "He didn't even let me say anything." Pakiramdam niya ay sinaksak ng ilang daang ulit ang puso niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon. That idiot Liui gave up on her without even waiting for her to say herself that she didn't love him. "Ang tanga-tanga mo, Liui!" humihikbing sambit niya. "You didn't even believe me when I said that I love you." Naramdaman niya ang paghaplos ni Rade sa buhok niya para aluin siya. Umupo ito sa tabi niya. Nag-angat siya ng tingin at nang magtama ang mga mata nila ni Rade ay malungkot itong ngumiti. "I'm too late," Rade stated. "That lucky bastard already stole your heart." Malungkot siyang tumango. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Rade saka siya nito niyakap ng mahigpit. Naramdaman niya rin ang magaang na paghalik nito sa ulo niya. "Sshh, hush, sweetie. Everything's going to be alright. Trust me." NASA Under Zone si Bloom para magpalipas ng sama ng loob. Niyaya niya rin doon sina Jecca, Khym at Sazsa para may makausap siya. Sa tingin niya kasi, kung mananatili pa siya sa bahay niya, masisiraan na siya ng bait. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa bahay niya pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita si Liui. Mukhang tinotoo nito ang sinabi nitong hindi na ito magpapakita sa kanya. Sinubukan niyang hanapin si Liui para sabihin dito na ito ang mahal niya at hindi si Rade pero tila umiiwas talaga ito sa kanya dahil hindi niya ito nakikita kahit saan. Sinasabi ng mga napagtatanungan niya nakikita ng mga ito si Liui sa gano'ng lugar pero kapag siya na ang naghahanap sa lalaki ay hindi niya ito nakikita. Hindi niya na alam ang gagawin niya. "Hoy, bruha! Anong nangyayari sa 'yo? Epekto ba 'yan ng nalalapit na kasal ni Rade?" untag sa kanya ni Khym. "Ayusin mo buhay mo, ha? Ayokong mabahiran ang image ko dahil sa 'yo. Wala akong kaibigang baliw." "Kaya mo pa ba, Bloom? Kung hindi, magsabi ka lang. Ipapa-shoot to kill ko nga ngayon din yung Arjane na 'yon para matahimik na ang buhay mo," singit naman ni Sazsa. Oo nga pala. Hindi niya pa nasasabi sa mga ito ang tungkol kay Liui kaya natural lang na sa tingin ng mga ito ay si Rade pa rin ang dahilan ng pagluluksa niya ngayon. Tinungga niya muna ang laman ng baso niya bago siya nagsalita. "Rade's wedding is off," aniya. "Yey!" "Wagi!" "So ano pang dina-drama mo diyan ngayon?" tanong ni Jecca. "Hindi na pala tuloy ang kasal nina Rade, eh. Bakit mukha ka pa ring naluging intsik?" "I fell in love with another guy." "Ay! Type!" halos magkapanabay na sabi nina Sazsa at Khym. "O, tapos?" si Jecca. "Ang akala niya si Rade pa rin ang mahal ko kaya ngayon, pinagtataguan niya ako," itinaas niya ang baso niya na kaka-refill lang ng bartender. "Isn't he the stupidest man in the world?" "Bakit niya naman naisip na si Rade pa rin ang mahal mo hanggang ngayon?" "Naabutan niya kaming magkasama ni Rade sa bahay." "Eh, tanga pala siya, eh," singit ni Sazsa. "Magkasama lang, nagalit agad siya. It's not as if gumagawa kayo ng milagro sa bahay niyo." "Nakita niya kaming naghahalikan," frustrated na sambit niya. "Eh, gaga ka pala, eh!" si Khym. "Talagang mag-wo-walk out 'yon at iisipin 'non na hindi mo siya mahal. How can you expect him to believe that you love him kung nakita ka niyang nakikipaghalikan sa ibang lalaki? At kay Rade pa talaga!" "I didn't kiss Rade. He kissed me." Giit niya. "Eh, luma na 'yang palusot mo, eh! I know he wouldn't buy it." Sinubsob niya ang mukha niya sa bar counter. "Bakit gano'n? Ang gulo-gulo talaga ng love na 'yan! Kung sinong mahal mo, ayaw sa 'yo. Hindi ko na talaga maintindihan." Naramdaman niya ang paghaplos ni Jecca sa buhok niya. "Hindi mo naman kailangang maintindihan pa ng todo ang pag-ibig. Alam mo kasi ang pag-ibig eh parang pagkanta lang 'yan ng KPOP songs o ng mga kanta ng F4. Kahit hindi mo maintindihan, gusto mo pa ring marinig paulit-ulit. As long as gusto mo ang tono at nag-e-enjoy ka, sapat na 'yon. Parang love, kahit nasasaktan ka na at hindi mo maintindihan ang mga feelings mo, gustong-gusto mo pa ring magmahal uli. That's how stupid people are. " "Korek!" singit ni Khym. "Pero kontra ako sa huling sentence na sinabi mo, Jecca. Nobody is stupid. It's just that sometimes, we choose to be stupid because loving and be loved by someone makes us happy." "'Yung mga tao kasing minamahal natin, kahit ang sarap na nilang itapon sa pinakamalapit na kanal, they make our crappy lives worth living whenever we're with them. Kaya kahit ayaw na natin dahil nasasaktan tayo, balik pa rin tayo ng balik sa kanila," nakangiting turan ni Sazsa. "Syets! Ang lalim 'non! I didn't know I am such a deep person." "Paano kung natatakot na akong humarap kay Liui dahil baka tanggihan niya uli ako. Ayoko ng masaktan pa uli. Quotang-quota na talaga ako," humihikbing tanong niya. "Kung magpapakaduwag ka lang diyan, hindi ka magiging masaya," nakangiting sagot ni Jecca. "Nothing is really worthwhile in life unless you take a risk. Kaya dapat, 'nong magmahal ka, handa ka na sa mga risk na pwedeng mangyari." Busy pa rin siya sa pag-iyak nang marinig niya ang pag-tunog ng cellphone niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag. "Hello?" padaskol na sagot niya. "Anong kailangan mo? Busy ako! Bilis!" "Ano... Ikaw si Bloom, diba?" tanong ng hindi pamilyar na boses mula sa kabilang linya. "It's me, JP." Ang alam niya, ang JP na ito ang kasosyo ni Liui sa Spiral. Nagkakilala na rin sila nito minsan. Tiningnan niya ang caller ID at noon niya lang napagtantong cellphone pala ni Liui ang gamit nito. "JP? Bakit nasayo ang cellphone ni Liui?" nakakunot-noong tanong niya. "Where's Liui?" "Ano kasi... nalaglag sa hagdan ng Spiral si Liui. Nandito kami ngayon sa ospital." "What?" pakiramdam niya ay nilipad ng hangin ang kalasingan niya dahil sa narinig. "Anong nangyari? Bakit nalaglag siya sa hagdan? Okay lang ba siya? Saang ospital 'yan?" Sinabi nito ang pangalan ng ospital. "Hindi ko din alam, eh. Nung nalaman ko, nalaglag na siya. He's fine pero wala pa rin siyang malay. Nabalian siya ng braso pero sabi naman ng doktor na tumingin sa kanya, magiging okay siya kapag nakapahinga siya. Can you come over? Kailangan ko kasing bumalik sa Spiral dahil walang mag-aasikaso doon." "Okay. I'll be there," tinapos niya na ang tawag at nagmamadaling umalis. Hindi niya na alintana ang pagtawag sa kanya nina Jecca at nadere-deretso siyang lumabas ng Under Zone. Puno ng pag-aalala ang puso niya para kay Liui. Ano kayang nangyari at nahulog ito sa hagdan? Kilala niya si Liui na maingat na tao kaya alam niyang hindi ito basta-basta malalaglag ng hagdan ng walang dahilan. Iwinaglit niya muna ang lahat ng mga tanong na pumapasok sa isip niya. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, Liui needed her. NAKAKASILAW na liwanag ang sumalubong kay Liui nang magmulat siya ng mga mata niya. Hindi pamilyar sa kanya ang kwarto iyon. Puro puti lang ang nakikita niya at nang subukan niyang gumalaw ay napaigik siya nang maramdaman niya ang pagsigid ng kirot sa balikat niya. Nang mapatingin siya sa kanang balikat niya ay saka niya lang na-realize na nasa ospital siya. "Buti naman at nagising ka na," napalingon siya sa nagsalitang si JP. Nakaupo ito sa sofa sa kanan niya. "Sa susunod, 'wag kang maglalakad sa hagdan ng wala sa sarili. Baka next time, hindi lang pilay sa balikat ang makuha mo." Oo nga pala. Nalaglag siya sa hagdan ng Spiral dahil wala siya sa sariling bumaba ng hagdan. Hindi iyon ang unang beses na naaksidente siya sa linggong iyon. Nagkaroon din siya ng mga minor accidents kagaya ng pagbangga sa kung ano-ano, pagkapatid at kung ano-ano pa. Pero ngayon lang nangyaring naospital siya dahil sa pagiging pabaya niya. "Anong bang problema mo, Liui?" nakakunot-noong tanong sa kanya ni JP. "I don't know what do to you anymore. Ilang araw ka ng wala sa sarili mo tapos ngayon nalaglag ka pa sa hagdan. You're losing it, man!" Wala sa sariling napahawak siya sa batok niya. "Sorry. 'Buti nalang, napilayan lang ako. I could have died." "Anong 'buti nalang'? Oo nga. Muntik ka ng mamatay kaya ayusin mo 'yang buhay mo," pumalatak ito. "Get it together, will you?" "I'm losing my mind, aren't I?" pagak siyang tumawa. "Oo. Kung matino pa 'yang pag-iisip mo, hindi ka sana mahuhulog sa hagdan." "Nadapa lang ako." "Ngayon lang ako nakakita ng taong nadapa sa hagdan," sarkastikong turan nito saka ito napailing. "Ano ba talagang problema mo, Liui?" "I saw Bloom kissing Rade. At nagtapat na rin si Rade sa kanya," pagak siyang tumawa. "I'm really an idiot for asking her to love me, right? I heard that Arjane and Rade's wedding is off. I assume, sila na ngayon ni Rade." "Oo, idiot ka talaga kasi hindi mo muna kinonfirm sa kanya ang lahat bago ka nag-assume," asar na komento ni JP. "Nasaan ang utak mo, Liui? Na-in love ka lang, naging tanga ka na." "Binalikan ko siya," depensa niya sa sarili niya. "Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya pero lalo akong naduwag noong makita kong magkayakap sila ni Rade. Bugbog na bugbog na ang puso ko. Hindi ko na kayang makita pa na magkayakap sila," saglit siyang natigilan. "I'm thinking of totally giving up on her," halos bulong na turan niya. "You're thinking of what--- umamin ka nga Liui. Nagda-drugs ka ba? Ano nanaman ang pumasok diyan sa kukote mo at naisipan mo 'yan? Akala ko ba mahal mo si Bloom?" "I just realized that I shouldn't have messed up with her," bumuntong hininga siya. "I guess, falling in love with her is a big mistake, after all." "Pinagsisisihan mong minahal mo si Bloom?" "Oo." Mukhang hindi na nakatiis si JP dahil binatukan siya nito. "Jeez, I can't believe na ikaw ang Liui na kaibigan ko! Ganyan ba talaga ang epekto kapag nahulog sa hagdan? Nagiging tanga? Kung gano'n lang din, aba, eh, mag-iingat na ako masyado tuwing bababa o aakyat ako ng hagdan." "Pakiramdam ko, hinahadlangan ko ang pag-iibigan nila. Kung hindi sana ako nanghimasok sa buhay ni Bloom, masaya na sana siya ngayon dahil nalaman niyang mahal din siya ni Rade. If only I didn't fell in love with her, nakuha na sana ni Bloom ang happy ending na matagal niya ng inaasam. I'm not sorry because I fell in love her. Masaya ako dahil nakilala ko siya at naging parte ako ng buhay niya kahit sandali lang." "You're a coward, Liui." "Yeah, yeah. Duwag na kung duwag. Kahit naman siguro sinong matapang na tao, kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, nagiging duwag at tanga." "Oo, tama. Duwag ka na, tanga ka pa," tinapik siya nito. "Paano kung ikaw ang piliin niya pero dahil sa katangahan mo, mawala siya sa 'yo ng tuluyan?" Natigilan siya sa sinabi ni JP. Oo nga, no? Paano kung siya ang piliin ni Bloom pero dahil sa katangahan niya, mawala ito ng tuluyan sa kanya? Nakaramdam siya ng konting pag-asa dahil sa sinabi ni JP sa kanya. May pag-asa kayang siya ang piliin ni Bloom? Kahit hindi siya sigurado, gusto niya pa rin subukang ipaglaban ang pag-ibig niya para dito. Narinig niya ang pagpalatak ni JP. "Alam mo ang problema sa 'yo, Liui? Masyado kang nag-iisip. Nakakabuang 'yan. Tsaka, 'wag mong pinapangunahan ang tadhana sa balak niyang gawin sa buhay mo. Just go with the flow and let destiny do the works. Ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong problema. Saka ka na magbigti kapag sa bibig na mismo ni Bloom nanggaling na si Rade ang mahal niya at hindi ikaw. "Kahit ngayon lang, pare, gamitin mo utak mo. Sayang, c*m laude ka pa naman. Don't give up that easily if you really love Bloom. Ipaglaban mo siya at ipakita mo na mas mapapasaya mo siya kaysa kay Rade. Man, don't give up without putting up a fight. Ang lakas ng loob mong sabihin na mahal mo si Bloom, 'wag mong sabihing hanggang salita lang 'yon?" He was a fool of thinking about giving up. Alam niya naman sa sarili niyang hindi niya kayang basta nalang kalimutan si Bloom. She was the only girl whom he can't ignore no matter how hard he resists. He loved her to the core to the extent that there was no turning back. "Lakarin mo ang release papers ko! Ngayon din!" "Adik ka ba? Kaka-confine mo lang. Bukas ka pa makakalabas." "Edi, kunan mo ako ng waiver," binato niya ito ng unan. "Bilis! Gawan mo ng paraan na makaalis ako dito ngayon din!" "Oo na. Bwisit. Nag-ala-Papa Jack na nga ako, utusan pa rin pala ang bagsak ko sa huli," kakamot-kamot ng ulo na lumabas si JP sa kwarto niya. He would definitely take Bloom back at any cost!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD