KANINA pa katok ng katok si Liui sa bahay ni Bloom. Pagkatapos ng isang araw na pagpapahinga sa ospital ay pinayagan na rin siyang umalis ng doktor na tumitingin sa kanya. Maghapon niyang hinintay si Bloom sa ospital pero ni anino nito ay hindi niya nakita. Hindi kaya... sumama na ito kay Rade at nahihiya itong magpakita sa kanya dahil hindi nito alam kung paano siya hihiwalayan?
"Ahhhh! Hindi ko na kaya 'to!" frustrated na sigaw niya. Umupo nalang siya sa tapat ng pinto ng bahay ni Bloom. "Nasaan ka na ba, Bloom?"
"Liui?" napaangat siya ng tingin at si Rade ang nabungaran niyang nakatayo sa tapat ng gate. Nasa tapat lang ng bahay nina Bloom nakatira si Rade kaya marahil ay nakita siya nito. "Anong ginagawa mo diyan?"
"Ikaw? Ano pang ginagawa mo dito?" angil niya kay Rade. "Tinanan mo na si Bloom, diba? Bakit nandito ka pa? Nasaan si Bloom?"
"T-teka! Ako? Tinanan ko si Bloom? Kailan?" nanlaki ang mata ni Rade. Mukhang naguguluhan ito sa sinasabi niya. Lalo lang tuloy siyang nainis.
"'Wag ka ng magkaila, Rade. Diba, kayo na ni Bloom?"
"Ha? Paanong magiging kami, eh, hindi naman ako ang mahal niya? Adik ka ba?" nakakunot-noong tanong nito. "Teka, nasaan na ba si Bloom?"
"Bakit sa 'kin mo tinatanong? Diba, ikaw ang kasama niya?" pinitsirahan niya ito gamit ang kamay niyang walang pinsala. "'Wag ka ng magmaang-maangan, Rade!"
"Ano bang problema mo, Liui? Can you shut up? You're jumping into conclusions. Unang-una, hindi kami nagtanan ni Bloom. Bakit naman kami magtatanan? Pangalawa, hindi ko alam kung nasaan si Bloom dahil ang huling kita ko sa kanya ay noong isang araw pa. Hindi ko siya tinatago sa 'yo kaya pwede bang kumalma ka muna? Natutuliro ako sa mga pinagsasasabi mo, eh!"
"Pero bakit? Diba, inamin mo sa kanya na mahal mo siya? Sinabi niyang mahal ka din niya. Bakit hindi pa naging kayo? You were even kissing each other, for Pete's sake!" pati siya ay naguguluhan na din. Nagkamali ba siya ng pag-analisa sa sitwasyon?
"Yes, I did tell her I love her but she also told me that she loved me but that was before so she turned me down. Dahil ang sabi niya, ikaw na daw ang mahal niya ngayon. Kaya paanong magiging kami kung hindi naman na ako ang laman ng puso ni Bloom ngayon? She loves you kaya ikaw ang pinili niya."
"A-ako ang mahal ni Bloom?" hindi makapaniwalang turan niya.
"Oo, ikaw na. Kaya pwede mo na bang bitawan ang damit ko? Gusot na kasi."
"So, all these time, mali ang iniisip ko?"
"Oo. Hindi pa ba obvious?"
"I'm really stupid."
"I can only agree," natatawang sang-ayon ni Rade. "You don't have to doubt Bloom. Oras na nagdesisyon siya para sa sarili niya, hindi na magbabago 'yon. She already love you kaya makakaasa kang hindi basta-basta magbabago 'yon."
"Alam mo ba kung nasaan si Bloom?"
"Hindi," kinuha nito ang cellphone nito. Nagpipindot ito doon at maya-maya ay may tinawagan ito. "Hello, Bloom? Nasaan ka? Ha? Sa cosplay event sa Megamall? Kailan ka pa natutong pumunta sa cosplay events? Oo na. Kasalanan ko na kung bakit hindi ka nakakapunta ng cosplay events dati. What? Ah, wala naman. Sige, ingat. Bilhan mo ako ng donuts pag-uwi mo, ha? Thank you, sweets. 'Bye." Hinarap siya nito. "There you go."
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad siyang tumakbo papunta sa kotse niya. Bago siya tuluyang makasakay sa kotse ay narinig niya pa ang pagtawag ni Rade sa kanya. Nilingon niya ito.
"Make Bloom happy. Kapag pinaiyak mo siya uli, asahan mong itatanan ko na talaga siya at sisiguraduhin kong hindi mo na siya makikita kahit kailan."
"That will never happen, Rade," nakangising sagot niya. "Maghanap ka nalang ng ibang babaeng itatanan mo."
Sumakay na siya ng kotse niya at pinaharurot niya iyon papuntang Megamall. Halos libutin niya na ang buong Megamall pero hindi niya pa rin nakikita si Bloom. Gusto niya ng maglupasay sa sobrang frustration. Gustong-gusto niya na kasing makita at makausap si Bloom. Bakit ba nagkakasalisihan sila?
Kinuha niya ang cellphone at idinayal ang numero ni Rade. Ilang sandali pa ay sumagot na ito.
"O, Liui, ano nanamang problema mo?"
"I can't find her anywhere," tulirong sagot niya. "Pwede bang tulungan mo ako?"
"Kumalma ka lang, Liui," natatawag sambit nito. "Alam mo, ganito ang gawin mo. Umuwi ka muna at ihanda mo ang pinaka-best na kaya mong gawin para sa isang proposal. Sa tingin ko, sa Mother's Village magpapalipas ng gabi si Bloom dahil doon 'yun nagkakampo kapag malungkot siya. Doon nalang natin siya sosorpresahin bukas. Okay?"
"Okay. Thanks, pare."
"You're welcome. Basta para kay Bloom, handa akong tulungan ka."
Pinatay niya na ang cellphone at nagmamadaling pumunta sa car park. He got a lot of preparations to do.
SA Mother's Village, isang orpahange sa Pasig, napadpad si Bloom sa kahahanap niya ng lugar na pwede niyang puntahan kahapon. Kahapon pa siya mag-isang nagluluksa sa kinahinatnan ng pag-ibig niya para kay Liui at ang orphanage nalang ang huling pag-asa niya at doon na rin siya nagpalipas ng gabi.
Maaliwalas ang paligid pero dahil mataas ang araw pero gloomy pa rin ang pakiramdam niya. Kasama niya si Rade na nakaupo sa isa sa mga nagkalat na concrete bench doon habang walang awing nilalantakan niya ang isang galong ice cream na bitbit ni Rade para sa kanya. Iyon kasi ang comfort food niya sa tuwing nalulungkot siya.
Galing siya sa ospital kahapon kung saan naka-confine si Liui pero bago pa man siya makapasok ay hindi na niya nagawa pang ihakbang ang mga paa niya. Parang itinulos kasi siya sa kinatatayuan niya nang mauliningan niya ang pinag-uusapan nila JP. Sa lahat ng sinabi ng mga ito, may bahaging talagang tumatak sa isip niya...
"Ano ba talagang problema mo, Liui?"
"I saw Bloom kissing Rade. At nagtapat na rin si Rade sa kanya," pagak siyang tumawa. "I'm really and idiot for asking her to love me, right? I heard that Arjane and Rade's wedding is off. I assume, sila na ngayon ni Rade."
"Oo, idiot ka talaga kasi hindi mo muna kinonfirm sa kanya ang lahat bago ka nag-assume," asar na komento ni JP. "Nasaan ang utak mo, Liui? Na-in love ka lang, naging tanga ka na."
"Binalikan ko siya," depensa niya sa sarili niya. "Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya pero allo akong naduwag noong makita kong magkayakap sila ni Rade. Bugbog na bugbog na ang puso ko. Hindi ko na kayang makita pa na magkayakap sila," saglit siyang natigilan. "I'm thinking of totally giving up on her," halos bulong na turan niya.
"You're thinking of what--- umamin ka nga Liui. Nagda-drugs ka ba? Ano nanaman ang pumasok diyan sa kukote mo at naisipan mo 'yan? Akala ko ba mahal mo si Bloom?"
"I just realized that I shouldn't have messed up with her," bumuntong hininga siya. "I guess, falling in love with her is a big mistake, after all."
"Pinagsisisihan mong minahal mo si Bloom?"
"Oo."
Parang gusto niyang ngumawa ng ngumawa nang tila replay na bumalik sa isip niya ang lahat ng 'yon. Pagkatapos 'non ay ipinasya niyang umalis nalang dahil hindi niya na kayang magpakita kay Liui. Labis-labis na siyang nasasaktan dahil sa mga nangyarari. Magiging maayos sana ang lahat kung bibigyan lang siya ni Liui ng pagkakataon na magsalita. Ang kaso, wala na itong balak na magpakita sa kanya. Kaya wala ng pag-asa na magkakausap pa sila.
"Tigilan mo na 'yang pag-iyak mo, Bloom," pang-a-alo sa kanya ni Rade. "Ano bang pwede kong gawin para tumigil ka na sa kakaiyak?"
"I want to see Liui," humihikbing sagot niya habang sunod-sunod ang pagsubo ng ice cream. "I want to hear his voice. I want to see his smiling face again. I want to be with him."
Miss na miss niya na talaga si Liui. Kahit anong pilit niya sa sariling niyang huwag ma-miss si Liui, ang puso niya pa rin ang nagkakalulo sa kanya. As much as she wanted to hate Liui for not listening to her, her heart just couldn't do it. Lalo na kung sa bawat minuto na lumilipas, wala na siyang ng iba pang gustong makita at makasama kundi si Liui. If only she'll have the chance to see him again... sisiguraduhin niyang mapapaalam niya na dito kung gaano niya ito kamahal.
Napatingin siya kay Rade na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Abalang-abala ito sa pakikipag-text sa kung sino at pangiti-ngiti pa. Tingnan mo 'tong lalaking ito. Nagawa pang makipag-text habang miserable siya. Dahil sa sobrang inis niya ay inagaw niya ang cellphone ni Rade at inupuan niya iyon.
"Pwede bang saka ka na makipa-text mate sa kung sino-sino?" nagmamaktol na sambit niya. "Ako muna ang asikasuhin mo."
"I don't think you'll need me anymore," nakangiting sagot nito.
Napakunot-noo siya. "Anong ibig mong sabihin?"
Hindi na nakasagot si Rade nang marinig nila ang masasayang boses ng mga batang nakatira sa orpahange. Nagmamadali ang mga itong makalapit sa kanya. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya saka siya umuklo at sinalubong ng ngiti ang mga paslit na madalas niyang makasama.
Sa Mother's Village niya dinonate ang natirang pera ng mga magulang niya na iniwan para sa kanya. Nang mamatay ang mga magulang niya ay aksidente siyang nakapunta sa orpahanage na 'yon at gustong-gusto niya doon kaya tuwing nalulungkot siya ng sobra ay doon siya pumupunta. Tuwing hindi siya busy sa restaurant ay doon siya madalas tumatambay para turuan ang mga batang magbasa at magsulat. Siya ang tumayong ate figure ng mga batang nandoon. Siya naman ay tinuturing niya na kapatid ang mga ito.
Yumakap sa kanya ang apat na taon na si Reina. "Ate, malungkot po kayo?"
"Siyempre, hindi!" pinilit niya ang sarili niyang maging normal sa harap ng mga bata. "Sino namang malulungot pagkatapos kayong makita? Happy na si ate Bloom kasi nakita ko na kayo uli."
"Ate Bum! Turo mo po ako basa!" sigaw ni Renz, kaedArjanen lang din ito ni Reina. "Ayaw ako turo ni Kuya Myke."
"Sige, mamaya, tuturuan ko kayong magbasa, okay?" nakangiting sang-ayon niya.
"Bloom, Marry Me!" sigaw ng dalawang bata na katabi niya. "Bloom, Marry Me!"
"Ano bang sinasabi niyo?" marahan siyang natawa. "Hindi ko kayo pwedeng pakasalan kasi mga baby pa kayo at si Ate, matanda na---"
"You may be too old for them but you're just the perfect match for me."
Sabay-sabay silang napalingon ng mga bata sa pinanggalingan ng boses. Few steps behind her, Liui was standing there, looking obliviously handsome with his cast on. May hawak itong tila radyo kaya nabulabog na ang lahat ng tao sa orphanage at ngayon ay nasa lalaki na ang buong atensyon ng lahat. Pati mga batang walang muwang ay nakikiusyoso na rin sa munting drama ni Liui.
"A-Anong ginagawa mo dito, Liui?" napapantastikuhang tanong niya. Wala sa loob na napalingon siya kay Rade at nakita niya ang pag-thumbs up nito sa kanya.
"I'm sorry kung nasaktan ka. Nasaktan din naman ako kasi akala ko, hindi mo ako minahal kahit konti man lang sa loob ng ilang buwan na pagsasama natin," bumuntong-hininga ito. "Naipaliwanag na sa 'kin ni Rade ang lahat ng nangyari. Patawarin mo ako kung hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon na magsalita. I know, I'm really stupid. Naduwag kasi ako. Ayokong marinig sa bibig mo mismo na hindi mo pa rin ako nagawang mahalin."
"I did say 'I love you' pero hindi ka nakinig sa akin," hindi niya mapigilang sambit na may kalakip na pagtatampo.
"I know. And I'm really sorry," puno ng pagsisising sabi ni Liui. "I swear, bumalik ako para pakinggan ang paliwanag mo pero mas lalo akong naduwag nang makita kong magkayakap kayo ni Rade. Alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawag sa 'yo but please, give me another chance, Bloom."
"Of course," mangiyak-ngiyak na sagot niya.
"Thank you!" mahigpit siyang niyakap nito. Gumanti rin siya ng yakap at ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong posisyon bago sila naghiwalay.
"So, paano mo nalaman na nandito ako?" nakangiti ng tanong niya.
"Sabi ni Rade. Dito ka daw napupunta kapag malapit ka ng mabaliw. Kaya dito ka namin unang hinanap. And our hunch was right. You're here after all."
"Yeah. Dito ako dumiretso pagkagaling ko kahapon sa Megamall. Masama kasi ang loob ko dahil sa eksenang naabutan ko sa ospital."
"Pumunta ka sa ospital? Bakit hindi ka nagpakita sa 'kin?"
Napayuko siya nang maalala niya ang pag-uusap nina JP at Liui. "'Nung pumunta ako sa ospital, narinig ko kayo ni Liui na nag-uusap. You said that falling in love with me is a mistake at pinagsisisihan mo na minahal mo ako. Tapos, sabi mo pa, makikipag-break ka na sa 'kin. Kaya balak ko sanang pagtaguan ka. Para hindi ka magkaroon ng pagkakataon na makipag-break sa akin," natawa nalang siya. "Gusto ko sanang magtago para hindi mo ako makita at hindi mo matuloy ang mga plano mong tuluyan ng tapusin ang anumang namamagitan sa atin. And this place is perfect for it. Pero nahanap mo pa rin ako."
Masuyong hinaplos nito ang pisngi niya at iginiya ang mukha niya paharap dito. Nang magtama ang mga mata nila ay muntik na siyang mapaiyak nang makita niya ang pagmamahal nito sa kanya. "I'm sorry, I said those things. Kinain lang ako ng insecurities ko when I saw you two kissed and hug each other. Pakiramdam ko, kung hindi ako umekstra sa buhay mo, masaya na sana kayo ni Rade."
"Hey, meeting you that one faithful night was the best thing that ever happened to me," she pinched his cute nose. "Masaya ako at pinilit mong umekstra sa buhay ko dahil kung hindi mo ginawa 'yon, wala sana akong poging boyfriend ngayon."
Ngumuso ito. "Gwapo rin naman si Rade, ah."
Hindi niya mapigilang matawa sa inakto nito. "Nagseselos ka kay Rade, no?"
"Buti alam mo," tinulungan siya nitong tumayo. "Halika na nga. Hindi dapat ako naggagagala at kailangan kong magpahinga. Alagaan mo ako."
"Bakit ka ba kasi nahulog sa hagdan?" natatawang tanong niya.
"It's your fault. I thought I'd lose you," ginulo nito ang buhok niya.
"Of course not. I love you and I will never let you go even if you beg me to. Magkaibigan lang kami ni Rade."
"Forget about Rade," angil ni Liui. "Ako lang dapat ang inaalala mo."
"Hai, Liui-sama!" malawak ang ngiting sambit niya.
"Good. Let's go." Nagpatiuna na ito maglakad.
Nakangiti niya lang na pinanuod si Liui habang papalayo ito. Mukhang naramdaman 'yata nito na hindi siya sumusunod dito kaya kunot-noong nilingon siya nito. "What's wrong?"
Nakangiting umiling siya. She placed her hand on her mouth and shouted, "I love you, Liui!"
Nakita niyang namula ang mukha nito kasabay ng pagtili ng mga 'audience' nilang kinikilig sa munting eksena nila ni Liui. Naglakad ito palapit sa kanya at hinawakan nito ang kamay niya. Nang tangkain siya nitong hilahin ay hindi siya natinag.
"I love you, Liui," nakangiting turan niya. "I really really love you!"
"I know," kumakamot ng ulong sagot nito.
"You love me too, right?"
"Of course. I love you, too, Bloom. Too much that it really scares the hell out of me."
"You're really in love with me, right?" naiiyak na tanong niya.
"Ay, hindi. Kay Rade ako in love. Magkaribal na tayo ngayon."
"You're gay?"
"No," sa pagkakataong iyon ay tumawa na si Liui. "If I am a gay, I couldn't have loved you this much."
She hugged him tight. "I love you, Liui. At sisiguraduhin kong hindi ka na uli magdududa sa pagmamahal ko."
"Kasalanan ko naman kasi hindi pa ako nagsiguro," napasinghap ang lahat ng audience nila nang lumuhod si Liui sa harap niya. When he looked up at her, she could clearly see how much he loved her. His eyes were misty and a bit clouded. Pero hindi man lang iyon nakabawas sa kagwapuhang taglay ni Liui. "Bloom, can you be my Mrs. Bloomentrit Zaldoa-Aquino forever?"
"Of course!" she hugged him tight. "Yes! Yes! Yes!"
He put the ring on her finger and sealed his proposal with a nervous system wreacking, mind blowing, knee shaking kiss. The moment his lips met hers, she knew that forever was already theirs.