CHAPTER 1

1687 Words
"SHUT UP, shut up, shut up, shut up!" isa-isang turo ni Bloom sa mga katabi niya sa bar counter ng Under Zone, isang sikat na bar sa Ortigas na madalas tambayan ng mga young professionals na kagaya niya tuwing gustong magkapag-relax. Pero hindi kagaya ng ibang nandoon, malayong-malayo sa pagre-relax ang dahilan kung bakit nasa bar siyang iyon. She was broken hearted and all she wanted to do that night was to drown in liquor so she could forget her misery even for that night only. Narinig niya ang pagrereklamo ng mga katabi niya na naging instant buddy niya na yata dahil pare-pareho silang problemado at ang isa't-isa ang nahanap nilang karamay sa kamiserablehang nararamdaman nila ngayon. "I really hate it when someone tells me to shut up," reklamo ni Jecca. Ayon sa kwento nito nito kanina, naghiwalay ito at ang boyfriend nito dahil hindi matagalan ng lalaki ang pagiging bratinella nito. The guy asked her to change but she refused to do so. She said that she was all or nothing. "'Wag kang mag-inarte dahil hindi bagay sayo." "Bakit ba hindi mo nalang sundin ang payo namin?" asar na tanong ni Sazsa. Ito naman ay binigyan ng ultimatum ng mga magulang nito na kapag hindi ito nagtino ay puputulin ng mga ito ang lahat ng credit cards nito at hindi na susuportahan ang mga luho nito. Lagi daw kasi itong napapaaway dahil sa ugali nito. Sazsa was a b***h. 'b***h' was just an understatement. Sa nakikita niya kasi, mas malala pa yata ito sa ordinaryong bitchy rich girl. "If you want to get the man you love, then find a way to ditch the b***h. Case closed." "I can't. My best friend will hate me," mariing tanggi niya. "Kapag nalaman niyang ginawa ko 'yang mga pinagsasa-suggest niyo sa akin, kakamuhian niya ako habang buhay. And that was the last thing that I want as of this moment." "Lunurin mo nalang ng pera 'yong fiancée ng lalaking mahal mo," suhestiyon naman ni Khym. Si Khym yata ang pinakamayaman sa tatlo dahil ang pamilya nito ang may-ari ng lima sa mga pinakamalalaking bangko sa Pilipinas. At dahil sa sobrang yaman nito, may ugali itong matapobre. "Kung 'yung babaeng 'yon na ang kusang lalayo sa best friend mong mahal mo, edi masaya, diba? Tapos kapag broken hearted na siya, saka ka umentra. Ang alam ko kasi mas madaling ma-fall ang mga lalaki sa mga babae tuwing weakest hours nila. That's the chance you've been waiting for all your life." Sarkastiko niya itong nginitian. "Hindi ako mayaman tulad mo kaya wala akong perang ipanlulunod sa babaeng 'yon." Napasimangot siya at tinungga ang alak sa baso niya. "Sapat lang ang kinikita ng restaurant ko para sa mga gastusin ko. Hindi ko kayang pag-aksayahan ng pera ang babaeng 'yon." "Edi, pauutangin muna kita. Ilan bang gusto mo? Isa? Dalawa? Tatlo? O apat na milyon? Just name your price." Pumalatak pa ito. "Bakit ba kasi ang hirap mo? Mabuti nalang, mayaman ako kaya kong bilhin ang kahit na sino kung gugustuhin ko." Napailing nalang siya sa pinagsasasabi ng tatlong babaeng iyon na kasama niya sa pagdadalamhati. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa mga ito dahil sa binibigay ng mga itong suporta sa kanya o sasapakin niya ang mga ito isa-isa. The three girls were obviously from a well-off family. Hindi naman sa sobrang hirap niya. In fact, may pag-aari siyang restaurant pero kumpara sa mga ito, mahirap pa rin siya. Hindi niya nga alam kung bakit kinakausap siya ng mga ito at kung bakit sila nagkasundong apat. Siguro dahil pare-pareho silang topakin. Magkaka-iba nga lang ang level at sa kanilang apat, siya yata ang pinakamatino. Mayayaman kasi ang mga babae kaya walang inhibitions ang mga ito kung may masaktan o matapakan man itong mga tao. Ang katuwiran ng mga ito, they could do all they wanted because they were all filthy rich. Halos tatlong oras na yata silang nagdi-diskusyon tungkol sa mga problema nila sa buhay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tapos. Sa kanya nagtagal ang diskusyon dahil walang matinong mai-suggest ang mga ito tungkol sa sitwasyon niya. Her best friend, Rade, whom she had loved ever since she was twelve years old, had finally found the woman he wanted to marry.  Hinayaan niyang makipagrelasyon ito sa kung kani-kaninong babae simula noong mga teenager palang sila dahil malakas ang kompiyansa niya sa sarili niyang sa kanya mapupunta ang lalaki sa huli. Kaya naman nawindang ang buong pagkatao niya nang malaman niya na ikakasal na si Rade sa iba. And what she hated most was the woman he was bound to marry was the complete opposite of her. Maganda siya dahil half Australian nang ama niya at namana niya dito ang maputi nitong kutis, tangkad, ilong at blue na mga mata. Namana niya naman sa Mama niya ang itim na itim na buhok niya na umaabot sa balakang niya, ang pamatay niyang ka-sexy-han, manipis at natural na mamula-mulang labi at ang maamo niyang mukha. Iyon nga lang ay hindi siya gaanong biniyayaang ng katalinuhan dahil puro ganda ang ibinigay sa kanya ng Diyos. Halos sambahin na siya ng mga schoolmates niya noong high school at college sila dahil sa taglay niyang kagandahan pero wala siyang pinansin ni isa sa mga iyon dahil sine-save niya ang sarili niya para kay Rade na noon ay papalit-palit naman ng girlfriend. Ayos lang iyon sa kanya dahil gusto niyang magkaroon ito ng maraming experience sa babae para kapag siya na ang karelasyon nito ay alam na nito kung paano siya aalagaan ng tama. She didn't give a damn who was his first. All that mattered to her was that she would be the last. Pero hindi ako ang magiging last! Hindi kagandahan ang babaeng papakasalan ni Rade, na sa pagkakaalam niya ay Arjane ang pangalan. Ayon kay Rade ay kababata rin daw nito si Arjane pero umalis ito noon dahil nadestino ang Papa nito sa Cebu kaya lumipat doon ang buong pamilya nito. Pagkatapos ng maraming taon na hindi nagkita ang mga ito ay nagkita ang mga ito two months ago. At ngayon ay nagpa-plano na ang mga itong magpakasal. Agad-agad? Nagmamadali? Sa tagal nilang magkaibigan ni Rade, hindi niya alam na may iba pa pala itong childhood bestfriend bukod sa kanya. Ngayon lang nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa babae. Ang sabi ni Rade ay nakilala niya na raw dati si Arjane noong bagong lipat pa lang sila pero hindi niya ito matandaan. Well, given the fact that she was too plain looking, hindi na siya magtataka kung bakit hindi man lang ito tumatak sa isip niya. She even thought that she was too plain looking for someone as gorgeous as Rade when she met her yesterday. Ordinaryo lang ang itsura ng babae at walang-wala ito kumpara sa kanya pagdating sa physical features. Ang tanging maipagmamalaki lang nito sa kanya ay ang talino nito. Bukod doon ay wala na siyang nakitang maganda sa babae. Kaya hindi niya alam kung paano nagkagusto si Rade sa babaeng iyon. Oh, she forgot to mention that she was too kind and she was constantly acting like a Miss Goody Two Shoes in front of her the entire time they were together yesterday. Naiinis siya sa kabaitan nito dahil sa tingin niya ay hindi na totoo ang pinapakita nito. She was too demure and she dressed conservatively. Taliwas ito sa kanyang walang kiyeme at mahilig magsuot ng mga damit na alam niyang magpapalitaw ng mga assets niya na hindi naman siya mukhang bastusin. Hindi katulad nito na halos hindi makabasag pinggan, galawgaw siya at sinasabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin dahil may pagka-prangka siya. She could be bitchy at times too. Kaya marami rin siyang nagiging kaaway. Hindi lang siya ang naniniwalang sila ni Rade ang nakatadhana para sa isa't-isa. Marami rin ang boto na sila ang magkatuluyan dahil bagay na bagay daw sila. Kaya marami ring kilay ang tumaas nang makilala ng mga ito ang magiging future wife ni Rade. Future wife... Mahigpit niyang hinawakan ang kutsarang nasa harap niya at hindi niya namalayang nabaluktot niya na pala iyon dahil kung saan-saan lumilipad ang utak niya. Natigil lang siya sa panggigigil nang agawin sa kanya ng katabi niyang si Jecca ang pobreng kutsarang pinanggigigilan niya. "'Wag kang magpanggap na mabait dahil alam kong kaugali ka din namin," nakataas ang kilay na turan ni Jecca. "Like us, alam kong gusto mong laging nakukuha ang lahat ng gustuhin mo. So if you want the guy so badly then go and get him. If you need our help, sabihin mo lang. Kung gugustuhin mong ipapatay ang babaeng iyon, we could arrange that for you." "I don't have any plans to be a murderer." "On the second thought, ayaw ko ring madungisan ang pagkatao ko ng dahil lang sa isang cheapipay na katulad niyang babaeng pakakasalan ng best friend mo," bawi nito. "If you have any plans in mind, sabihin mo lang." "Gusto kong maghiwalay sila," aniya. "Pero hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon. Bahala na. I'll just think of something." "Basta kung kailangan mo ng tulong namin sa pakikibaka mo para sa pag-ibig ni Rade, we're just a call away," nakangiting sambit ni Khym. "Thanks," nakangiting turan niya. Itinaas niya ang baso niya. "Cheers?." Sabay-sabay nilang pinagpingki ang mga baso nila saka nagtawanan. Napansin niyang napapalingon sa kanila ang karamihan sa mga lalaking nasa bar. Why not? The four of them were the most gorgeous women in the bar. Kaya hindi na kataka-takang magkainteres ang mga ito sa kanila. Nang may lumapit sa kanilang apat na lalaki at niyaya silang magsayaw ay nagpaunlak ang tatlong kasama niya samantalang siya ay mas piniling manatili sa bar counter at tahimik na uminom. She was thinking of various ways to make that Arjane woman to get out of their lives for good. Hindi niya mapigilang mapangiti nang mabuo sa isip ang plano niya. She smiled at herself and sipped the remaining liquor on her glass. "One more glass, please." Ilang sandali pa siyang nagtagal doon para uminom. Nang maramdaman niyang umiikot na ang paningin niya ay nagpasya na siyang umalis. Nagpaalam lang siya sa tatlo at nagpalitan sila ng cellphone numbers bago niya tuluyang nilisan ang Under Zone. "I think I'm going to puke." X --- X  I would appreciate your votes and comments. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD