CHAPTER 2

814 Words
NAKANGITING tinapik ni Liui ang balikat ng kaibigan niyang si JP para magpaalam. Tumango lang ito saka sumakay sa Montero nito. Sumakay na rin siya sa Mercedez Bench niya saka pinaharurot ang sasakyan. He loosened his tie and relaxed on the comfortable driver's seat. It had been a long day for him. Kagagaling lang nilang pareho sa cosplay event sa SM Megamall. Ang kompanya nila ni JP na Spiral Events, isang event oraganizing company, ang naatasang mag-organize ng katatapos lang na cosplay event. Hindi lang cosplay events ang ino-organize ng kompanya nila kundi maging ang iba pang mga okasyon. Hindi pa gano'n kalaki ang kompanya nila pero kontento na sila dahil matunog na ang pangalan ng business nila sa merkado. He and JP were already proud of what they had accomplished. College palang ay magkaibigan na sila ni JP. Parehong Business Management ang kurso nila at magkaklase din sila sa halos lahat ng subjects kaya naging magkaibigan sila. Napagkasunduan nila noong magtatayo sila ng negosyo pagkatapos nila sa college at ang Spiral nga ang naging bunga niyon. Nanghiram sila ng pangpuhunan sa mga magulang nila at iyon ang ginamit nila para simulan ang Spiral. Tutok na tutok sila sa business dahil gusto nilang ma-minimize ang mga pagkakamali na pwedeng mangyari sa pagpapatakbo nila ng kompanya. Tatlong taon palang ang Spiral Events at so far, maganda ang takbo ng negosyo nila. They intend to make their business big and successful as much as possible. Sa edad na beinte kwatro ay masasabi niyang kontento na siya sa buhay niya. He had a business and a loving family to support him in every decision he made. Masaya siya sa buhay niya at sa tingin niya ay wala na siyang mahihiling pa. Kung siya ang tatanungin, isa nalang talaga ang kulang sa buhay niya---girlfriend. Matagal na siyang binubuyo ng pamilya niyang magkaroon ng girlfriend pero ayaw niya pa. He didn't want to rush. Pathetic may it sound but he was the romantic type of person. He believed that love will come to him without even trying hard to find it. Kusa nalang iyong darating at kung dumating man iyon, he was sure as hell that he would grab it wholeheartedly. Napatingin siya sa suot rearview mirror at napakunot ang noo niya nang mapagmasdan niya ang sarili niya. He was cosplaying Sanji from One Piece. Wala sana siyang balak na mag-costume pero bigla nalang nagkaroon ng emergency ang dapat ay emcee ng programa. He was obliged to fill in while JP monitored the entire event. Mahilig naman siyang manuod ng anime noong high school at college palang siya kaya hindi siya nahirapan maghanap ng anime character na madaling gayahin. He rushed on the nearest cosplay paraphernalia selling shop and bought a wig and Sanji's costume. Mabuti nalang at may ready-made na doon. Eyeliner na nahiram niya lang sa sekretarya niya ang ginamit niyang panggawa ng curly eyebrows ni Sanji, balbas at bigote nito. Bumili na rin siya ng isang kahang sigarilyo bilang props. Pagkatapos ng event ay ibinigay niya sa security guard ng mall ang sigarilyo dahil hindi naman siya naninigarilyo. The event went well and he repeatedly thanked God in his mind. They couldn't afford to mess up that event. Next time kapag hindi siya busy, susubukan niya uling mag-cosplay. In all fairness, nag-enjoy siya sa naturang event kaya balak niyang bumalik uli doon para makapag-relax. He just loved how accommodating, friendly and adorable the cosplay people were. Talagang a-attend siya sa susunod na cosplay event na marinig niya. Napamura siya nang may babaeng bigla nalang sumulpot sa kung saan at tumawid sa kalsada kahit hindi naka-red ang traffic light. Mabuti nalang at madaling-araw na kaya wala na masyadong sasakyan noon kung hindi ay baka kanina pa nasagasaan ang babae. Binusinahan niya ang babae at mariing tinapakan ang brakes. Mukhang nagulat ang babae sa nangyari dahil nakatulala lang ito sa windshield niya at walang kakilos-kilos. The girl looked drunk at naalarma siya nang bumuway ang tayo nito. Agad siyang bumaba sa kotse at sinambot ang babae na kung hindi niya naagapan ay malamang sumubsob na sa kalsada. When she looked up at him, he was mesmerized by her blue eyes. Her eyes looked awfully sad as she stare at him. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling mapaisip kung bakit gano'n ito kalungkot. He saw a glint of admiration in her eyes. "Sanji..." narinig niyang mahinang usal nito. He smelled a faint scent of liquor in her breath. Nakainom nga talaga ito. The admiration she saw in his eyes suddenly vanished and replace by pain. Malamang ay sumakit ang ulo nito. Napailing nalang siya habang iniisip kung anong gagawin niya sa babaeng iyon. In the end, ipinasya niya nalang na isakay ito sa kotse niya. Hindi niya naman ito pwedeng iwan nalang basta sa lugar na iyon. Nang mailagay niya ito ng maayos sa passenger seat ay napauntong-hininga siya saka pinatakbo ang kotse. X --- X I would appreciate your votes and comments! Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD