CHAPTER 3

1225 Words
KAHIT hilong-hilo si Bloom dahil sa kalasingan ay hindi nakalagpas sa mapanuri niyang mata ang mukha ng lalaking muntik ng makasagasa sa kanya na ngayon ay hawak-hawak siya para hindi siya tuluyang humalik sa malamig na kalsada. Hindi niya alam kung anong trip ng lalaking ito sa buhay dahil naka-Sanji costume ito pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling hangaan ang kagwapuhan ng lalaki. Sa mga labi siya nito unang napatingin dahil doon siya pinaka-naakit. His lips looked firm and sensual. Natural iyong mamula-mula at halos perpekto na ang hugis ng mga iyon para sa kanya. Sunod niya namang napagtuunan ng pansin ay ang matangos na ilong nito na tila nililok ng isang magaling na eskultor. Pagdako ng tingin niya sa mga mata nito ay doon na siya tuluyang napatulala. His chinky chocolate brown eyes complimented his whole face. At bagay na bagay dito ang character ni Sanji, ang playboy pero gentleman na cook ng Straw Hat Pirates sa One Piece. "Sanji..." mahinang usal niya. Mostly for herself. Naramdaman niya ang pagpitik ng sentido niya kaya nawala sa lalaki ang atensyon niya. Nakita niyang napailing ito at maya-maya ay pinangko siya nito papasok sa kotse nito. Nang maayos na ang pwesto niya ay pinatakbo na nito ang kotse. Nakakunot-noong tinitigan niya ang lalaki kahit nanlalabo na ang paningin niya dahil sa kalasingan. Ang nakikita niya nalang ngayon ay ang kulay dilaw na wig nito. "Hey, saan mo ako dadalhin?" mataray na tanong niya dito. Kahit gwapo ito ay hindi pa rin siya pwedeng basta-basta nalang magtiwala dito. He seemed like he really was a nice person though. He had the gentlest eyes he had ever seen in her entire life. "So, hindi ka pa pala masyadong bangag," sagot nito. Even his voice was gentle. Kahit na nakakunot ang noo nito at sa tingin niya ay gusto na siya nitong sigawan at ihagis sa labas ng bintana at pabayaang gumulong-gulong sa kalsada sa sobrang kalasingan. "Saan ka ba nakatira?" "Sa Life Homes. Gate two," napapikit nanaman siya nang maramdaman niya ang pagpitik ng sentido niya. "Ouch." Pumalatak ito. Irritation was now visible in his handsome face. Tinanggal nito ang suot nitong wig ang isang kamay nito at basta nalang iyong itinapon sa back seat. In fairness, mas bagay dito ang itim na buhok kaysa sa dilaw na wig. Lalo itong gumwapo sa paningin niya. Blurred nga lang. "Next time, kung maiisipan mong maglasing, siguruhin mong kaya mo pang umuwi ng hindi humahalik sa kalsada, okay? Jeez, woman! Paano kung mga m******s ang nakatiyempo sa 'yo at ma-r**e ka ng wala sa oras? Tsk!" "Hey, don't call me 'woman.' It's 'Bloom', Bloomentrit Zaldoa for important documents but don't you dare call me 'Bloomentrit' because I'll punch the hell out of you," iwinagayway niya sa tapat ng ilong ang kamay nang maamoy niya ang kanyang hininga. "Ay, syet! Ang baho ng hininga ko." "I'm Liui," pakilala nito sa kanya. "Bakit ba kasi naisipan mong maglasing, Bloom?" Hindi niya alam kung dala ng kalasingan niya kaya napakwento siya ng wala sa oras sa lalaking ito na sa pangalan lang niya kilala. "My best friend, whom I had loved for straight twelve years, will be married in two months' time," napahikbi siya. Lango na nga talaga siya sa alak. She never cried in front of anyone, aside from Rade. Ngayon lang. "Simula noong mga teenager pa lang kami, alam ko na sa sarili ko na kami ang magkakatuluyan. I mean, we knew every single detail about each other. We like and dislike the same things and we stayed by each other's side through ups and downs. Hinayaan ko siyang mag-explore, makipag-girlfriend kung kani-kanino at pinabayaan ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin basta't alam ko na hindi makakasama para sa kanya. Kampante ako na mahal niya ako at sa bandang huli, ako ang pipiliin niya. "Imagine the shock I felt when I heard the news and met that good-for-nothing girl. Ni hindi nga siya maganda, for Pete's sake! Siguro, ginamitan niya ng gayuma si Rade o kaya naman ay nagpaawa siya. May pagka-uto-uto kasi 'yong si Rade at mahina ang puso 'non pagdating sa mga babae. It hurts so much. Alam mo ba ang feeling na 'yon..." tiningnan niya ang driver's license nito na nakapatong sa dash board ng kotse nito dahil nakalimutan niya ang pangalan nito. Hindi niya rin mabasa ng matino ang pangalan nito dahil nagsasalimbayan ang mga letra sa isip niya. "Luweyi? Ang sakit, diba? Ang sakit-sakit!" "It's Leeyuwi, not Luweyi." Nakita niyang napailing ito. "You know, if you truly love your best friend, you should just be happy because he finally found the woman whom he knows that was the right one for him. Instead of crying your heart out, why not try to move on and wish them a happy life? Marami pa namang lalaki diyan, Bloom. You're beautiful. Sigurado akong marami pang magkakagusto sa 'yo." "No!" mariing pagtutol niya. "I only want Rade and Rade alone. Hindi ako papayag na makuha siya ng kung sino-sino lang! Rade was destined to be with me and I will do everything---anything to take Rade back. I will get rid of that girl!" "You're nuts." "And I didn't ask for your opinion," ginaya niya pa ang tono ng boses nito. Naramdaman niya nanaman ang pagpitik ng sentido niya. "s**t! I'm gonna die!" "Serves you right. Next time, 'wag ka ng maglalasing," narinig niyang turan ni Liui. "And about that 'I'll get rid of that girl' thingy, I suggest, huwag mo ng ituloy kung ano man ang binabalak mo. Rade will surely hate you if he found out what you're up to do." "And what do you want me to do? Keep calm and just watch that b***h steal Rade from me? No! Himdi pwede! Hindi ako papayag!" biglang nag-ring ang cellphone ni Liui na nasa dash board at dahil nairita siya sa lakas ng tunog niyon ay dinampot niya ang cellphone at inihagis sa back seat. Narinig nila ang pag-c***k ng kung ano sabay ng pananahimik ng cellphone ng lalaki. "Hah! Much better!" "Damn, my cellphone!" inihinto nito ang kotse nito sa gilid ng kalsada at nagmamadaling bumaba sa driver's seat at binuksan ang backseat. Napamura ito nang makita nito ang c***k sa cellphone nito. He glared at her but she just looked at him, her face devoid of any emotion, and stuck out her tongue at him. "s**t! Alam mo bang nagtiis akong mag-noodles araw-araw para lang mabili ang cellphone na 'to? Jeez! I wanna wring your neck, you witch!" "Serves you right, too," nakahalukipkip na sagot niya. "I didn't ask your opinion so don't be nosy. In fact, you don't know me. Kaya 'wag mo akong pakialaman sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. Naintindihan mo?" Hindi na ito umimik kaya hindi niya na rin ito pinansin. Nang makita niyang nasa Life Homes na pala sila ay bumaba na siya sa passenger's seat. She waved him good bye as he continuously gave her a murderous look. Nag-flying kiss pa siya dito para lalong asarin ang lalaki. Mabuti nga dito. How dare he call her nuts? Bakit? Hindi ka ba talaga nababaliw, Bloom? You were thinking of ruining your best friend's upcoming wedding, for Pete's sake! Sigaw ng matinong bahagi ng utak niya. "Well, sorry ka nalang, babaeng pangit. Ika nga ni Anne Curtis, and I quote, 'I'm not giving up without putting up a goddamn fight!'" X --- X Every Friday and Saturday po ang updates!  I would appreciate your votes and comments! Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD