TUNOG ng nagwawalang cellphone ang gumising sa natutulog na diwa ni Bloom. Napamura siya nang maramdaman niyang tila mabibiyak ang ulo niya dahil sa hang over. Padaskol na dinampot niya ang cellphone at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino iyon.
"Hello?" halos pabulyaw na bungad niya. "Sino 'to?"
"Ang aga-aga, high blood ka nanaman," natatawang sagot ng nasa kabilang linya. "It's me, Rade. Nasaan ka na ba? Nandito na kami sa Spiral Events. Ikaw nalang ang hinihintay para mapag-usapan na namin ng wedding planner ang tungkol sa kasal namin ni Arjane. You promised to help us with the preparations, right?"
"Ha?" ilang sandali muna ang lumipas bago na-digest ng utak niya ang sinabi ni Rade. "Ay, s**t! Oo nga pala!"
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Rade sa kabilang linya kaya saglit siyang natigilan. Ahhh! Rade's laugh never failed to make her feel better. Too bad, hindi siya ang babaeng pinili nitong makasama habang-buhay. Naramdaman niya nanaman tuloy ang pagsigid ng kalungkutan sa sistema niya.
"Sige, Rade. Maliligo na ako. See you later."
"Sige. Ite-text ko nalang sa 'yo 'yung address ng Spiral Events."
"Okay," pinatay niya na ang cellphone. Tinapik-tapik niya ang pisngi niya para maibsan ang lungkot na nararamdaman niya. "Yosh! Hindi 'to ang oras para ma-depress! Fight-o!"
Bago siya bumangon ay tinawagan niya muna ang assistant niya na si Kathreen para ibilin dito ang restaurant dahil baka hapon na siya makarating doon. Hindi niya na alintana ang hang over niya. Nagmamadaling kinuha niya ang towel niya at bumaba sa banyo para maligo.
Mag-isa lang siya sa bahay dahil matagal na siyang ulila sa mga magulang niya. Her parents both died in a plane crash when she was nine years old. Beinte kwatro na siya ngayon at sa haba ng panahon na mag-isa siya ay sanay na siya sa buhay niya. Pagkamatay ng mga magulang niya ay ang tiyahin niyang si Auntie Clarisse, ang bunsong kapatid ng daddy niya, ang nag-alaga sa kanya.
Katulad niya ay mag-isa na rin ito sa buhay dahil broken family ang mga ito. Iniwan ng Lolo niya ang kanyang Lola, nangibang bansa at nag-asawa ng iba. Sa sobrang depresyon ng Lola niya ay hindi na rin ito nagtagal at kinuha na rin ito ni Lord. Ang Papa niya ang nagsikap para mabuhay ito at ang Auntie niya. Ginawa ng Papa niya ang lahat para isalba ang negosyo ng pamilya nilang pabagsak na dahil napabayaan ng Lola niya.
Awa ng Diyos ay nakabawi sila at nabuhay uli ang business kaya may naiwan ring pera ang mga magulang niya para sa kanya sa bangko at iyon ang ginamit niya sa pag-aaral niya noon. May natira pa sa pera na iniwan sa kanya ng mga magulang niya kaya naisipan niyang magtayo ng restaurant, ang Bloom's Kitchen, dahil mahilig siyang magluto. So far, maganda naman ang takbo ng negosyo niya at nairaraos niya ang pang-araw-araw na gastusin niya. Fifteen years old lang siya nang mamatay ito at simula 'non ay natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Kahit na nagigipit siya paminsan-minsan, masasabi niyang kontento na siya sa buhay niya. Ayos lang din sa kanya na apat lang ang kaibigan niya. Ayaw niya ring siya ang mag-initiate ng friendship dahil ayaw niyang nare-reject siya. Sawang-sawa na siya sa panre-reject ng mga kamag-anak niya. Kontento na siya kay Rade at sa mga kaibigan niya na bukod tanging tao na nagtangkang magmahal at tumulong sa kanya.
Si Rade lang ang tanging taong naglakas ng loob na tibagin ang pader na pinalibot niya sa puso niya simula nang mawala ang mga magulang niya. And she was really thankful that he did. Dahil nang maging kaibigan niya ito, doon niya na realize na hindi niya pala kaya ang mag-isa. Na mas masaya pa rin kung may kaibigan kang dadamay sa 'yo sa oras ng kagipitan. Dahil sa ginawa nito ay natuto siyang magtiwala uli kaya naging kaibigan niya sina Jecca, Khym at Sazsa. Kaya nga nalulungkot siya ngayon dahil mawawala na si Rade sa kanya oras na mag-asawa ito.
Kinuha niya sa closet ang pink na dress niya at iyon ang isinuot niya. Naglagay din siya ng light make up para umayos-ayos ang itsura niya. Mukha kasi siyang ewan dahil sa hang over. She braided her hair and put on her favorite wedge sandals. Nang tingnan niya ang repleksyon niya sa salamin ay hindi niya mapigilang mapangiti. Marami ang nagsasabi na mukha daw siyang manyika at lalo pang na-enhance iyon dahil sa kulay asul niyang mga mata. Salamat sa Papa niya na siyang pinagmanahan niya ng mga mata niya.
Nang makuntento siya sa pagsipat sa sarili ay nagmamadali na siyang lumabas ng bahay para pumunta sa Spiral Events kung saan naghihintay sa kanya sina Rade. Tiningnan niya ang cellphone niya para kunin ang address na pupuntahan niya. Sumakay siya sa jeep papuntang Robinsons Galleria dahil nasa likod lang nito ang pupuntahan niya.
Pagdating niya sa establisyemento at dumiretso siya sa information desk. Ang sabi ni Rade ay nasa opisina daw ito ng events coordinator kaya doon siya tumuloy para magtanong.
"Sa second floor po, first door on the left," magalang na sagot ng receptionist.
"Thanks," tipid siyang ngumiti saka naglakad sa lobby patungo sa elevator.
Pagdating niya sa second floor ay inihanda niya na ang sarili niyang ibigay ang pinakamatamis niyang ngiti sa mga ito. Pagbukas niya ng pintuan ay agad siyang ngumiti. "Good morning! Sorry, late ako."
"Fancy meeting you here, Bloom," sambit ng isang pamilyar na tinig. Nang tingnan niya kung sino ang may-ari niyon ay napasinghap siya.
It was the guy from yesterday!
"Liweyi," kalmanteng turan niya pero sa loob-loob niya ay nakakawala na ng ulirat ang kabang nararamdaman niya. What the hell was he doing in that place?
"It's Liui," he smiled at her. Maganda ang ngiting ibinibigay nito sa kanya pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang kabahan sa ngiti nito. "Nice to see you again."
Nabalot ng katahimikan ang buong silid. Nararamdaman ni Bloom ang pagtaas ng tensyon. O siya lang ang nag-i-imagine niyon dahil siya lang naman ang hindi mukhang kalmado sa mga taong nandoon? Si Rade ang bumasag ng katahimikan.
"You know each other?" tanong nito.
"Sort of," sagot niya. "We kinda met last night."
"Talaga?" Rade smiled at her then turned to Liui who was still looking at her. Nag-iwas siya ng tingin dahil naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya. "Then, mas mapapadali ang lahat."
"What do you mean, Mister Garson?" tanong ni Liui kay Rade.
"Drop the formalities. Call me 'Rade', too. Bloom is in charge with some of the details about our wedding," nilapitan siya nito at tinapik sa balikat. "She's my best friend, by the way. She will also cater our wedding. Siya din ang maid-of-honor." Nakangiting binalingan siya nito. "He's Liui Aquino. Kaibigan siya ni Arjane at ang company nila ang napili namin ni Arjane na mag-organize ng wedding namin. Be good to him, okay?"
"Oh, don't worry, Rade," nakangiting turan ni Liui. His attention was solely focused on her. "She'll be good to me. Right, Bloomentrit?"
Napipilitan siyang tumango at kiming ngumiti kay Liui kahit ang totoo ay gustong-gusto niya ng bangasan si Liui. How dare he take advantage of the situation? He even called her 'Bloomentrit.' Damn it!
"So, you call her 'Bloomentrit'? Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya sa pangalan niya. Kahit ako nga, binabatukan niya kapag tinatawag ko siyang 'Bloomentrit.' You must be really close, huh?" Nasisiyahang tumango-tango si Rade. "Good! It's settled then!"
Leche! What an awful coincidence! Sa dinami-dami ng tao sa Ortigas na pwedeng makapulot sa kanya habang miserableng-miserable siya, bakit ang kaibigan pa ng Arjane na iyon ang nakatagpo niya? Baka sabihin nito kay Rade ang mga sinabi niya dito kagabi!
She shifted her weight on her right foot. Iyon ang ginagawa niya sa tuwing hindi siya mapakali o may inaalala siya. Anong gagawin niya? Anong pwede niyang gawin para patahimikin ang lalaking ito? Napatingin siya kay Liui nang marinig niyang magsalita ito.
"You can go first, Arjane," masuyo pa nitong ginulo ang buhok ng babae na natural ng magulo dahil kulot ito. "Mauna na kayong lumabas ni Rade. I'll just have a little chit chat with Bloom before we go. Is that okay?" dugtong pa ni Liui.
"Sure!" todo ngiting turan ng babae. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling mapairap.
Paglabas na paglabas ng mga ito ay tumayo si Liui at lumapit sa kanya. Awtomatikong napaatras siya habang ito naman ay humahakbang palapit sa kanya. Asar na tiningnan niya ito at pinamewangan. "Ano bang problema mo?"
"Ako?" he asked innocently. "Wala akong problema. As far as I know, ikaw ang may problema ngayon. Diba?"
Napaatras siya nang muli itong humakbang palapit sa kanya. "So, anong gagawin mo ngayong alam mo ng best friend mo ang tinutukoy kong babae kagabi?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Isusumbong mo ako?"
"No, why would I?" nakangiting sagot nito. He took a step closer to her and she moved back. Napalingon tuloy siya sa likod niya dahil konti nalang at mako-corner na siya nito sa pader. "I'm actually planning to just watch what you'll do."
"'Yun naman pala, eh!" bulyaw niya dito. "So anong drama mo ngayon?"
"Wala naman. Gusto ko lang makita ng malapitan ang mukha mo," he took another step towards her and she was now jailed on his arms that are full of sturdy muscles. He leaned closer and his hot breath was now fanning her face. "Mas maganda ka kagabi. Hindi bagay sa 'yo ang make up."
She pushed her with all her might but he didn't even flinch. "Ano bang gusto mong mangyari? Kung ganyang wala ka naman palang pakialam sa gagawin ko, just get lost, okay?"
"I can't," he leaned even more and now their faces were just inches away. "You stole my heart. So, I want to steal yours, too."
"Drop dead, Liui."
Handa na siyang bigyan ito ng karate chop sa leeg nang bigla nalang pinuno ng buhay na buhay na tawa ni Liui ang opisina nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili niyang mas mainis dito. Ang kapal naman ng mukha nito para pagtawanan siya! Gamit ang lahat ng lakas na meron siya ay tinulak niya si Liui palayo sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nagtagumpay siyang makawala dito.
Hindi pa rin matigil sa pagtawa ang hudyo kaya sa sobrang inis niya ay sinipa niya ito sa binti nito. Mukhang noon lang ito nahimasmasan. Naiiling na namewang ito at tumingin sa kanya. He was still suppressing a smile and as much as she hated to admit it, he was really handsome. Lalo pa ngayon na nagniningning ang mga mata nito dahil mukhang tuwang-tuwa ito sa kanya. Hindi man lang nito ininda ang ginawa niyang paninipa dito.
"You're really interesting, Bloom," he playfully pinched her cheek. "Don't worry. I'm just joking. Gusto lang talaga kitang maging kaibigan. You can stay at ease."
Tinalikuran na siya nito pero bago ito tuluyang makalapit sa pinto nito ay muli siyang nilingon nito. "Oo nga pala," he gave her his mind blowing smile. "It's nice to meet you, Bloom. And I think I'm starting to like you."
Nauna na itong lumabas sa opisina nito at nilapitan ang naghihintay na sina Rade sa labas. Napipilitang lumabas na rin siya at lumapit sa mga ito. Gaaahd! She hated Liui for teasing her like that! Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit bumilis ang t***k ng puso niya nang ilang hibla nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa. She shouldn't be feeling that way towards Liui.
Liui Aquino, you're now included in the list of the people that I hate most!
X --- X
I'll post 2 chapters per update. Hinati ko lang siya sa dalawa para hindi masyadong mahaba ang isang part.
I would appreciate your votes and comments! Thank you!