KASALUKUYANG nakasakay sina Bloom at Liui sa kotse ng huli. Papunta sila sa Amai Yume Cake and Pastry Shop, ang cake shop kung saan magpapagawa ng cake sina Rade at Arjane. Kanina pa paulit-ulit na nagmumura sa isip si Bloom dahil sa kinahinatnan ng mga pangyayari nang makapasok siya sa private office ni Liui sa Spiral Events. Paulit-ulit pa ring umuugong sa isip niya ang mga pinag-usapan nila sa opisina.
"Hey, I just told you I like you. The least you can do is smile at me," narinig niyang turan nito. Nilingon niya ito at binigyan ng pinaka-plastik niyang ngiti. "O, sige. 'Wag nalang. Baka mausog pa ako."
Inirapan niya ito at ibinalik ang tingin sa labas ng kotse. Bakit ba kasi pumayag-payag pa siya sa pakiusap sa kanya ni Rade na tumulong siya sa preparations? Eh, di sana ay hindi na niya kailangang pakisamahan ang bwisit na lalaking ito na pasipol-sipol pa habang nagmamaneho. Napakapit siya sa noo niya.
Oo nga pala. She wanted to use that opportunity to be with Rade, to show him that she was really the one who was more suited for him. Kaya anong ginagawa niya sa kotseng iyon? Dapat sa kotse siya ni Rade nakasakay pero dahil sa epal na nasa tabi niya, wala tuloy siyang choice kundi dito sumabay. Hindi niya napigilan ang sarili niya at napatili siya sa sobrang inis.
"Uy, 'wag mo naman masyadong ipahalata na ayaw mo sa 'kin," sabat nanaman ng hari ng mga epal na si Liui. "Nasasaktan ang damdamin ko."
"Shut up!" patiling turan niya. "Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makapulot sa 'kin kagabi, bakit ikaw pa?"
"Destiny 'yon," nakangising turan nito. "Tayo talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa kaya kalimutan mo na si Rade. Papaligayahin kita every minute of every day."
"I know what you're doing, Mister Aquino," nanggigigil na turan niya. "You're trying to make me fall for you. Para nga naman hindi ka na mahirapan na pigilan ako na sirain ang kasal nila Rade."
"Uy, paninirang-puri 'yan. 'Wag kang ganyan. Nasasaktan na talaga ako. Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa 'kin?"
"Oo."
"You're really bad for my ego, Bloom," he sighed. "Hindi bale, balang-araw magugustuhan mo din ako. At ikaw na ang unang-unang pupuri sa kadakilaan ko."
"Over my dead body."
Napabuntong-hininga uli si Liui. Hindi na ito muling nagsalita pa. Akala niya ay magiging tahimik na ang buhay niya pero nagkakamali siya. Maya-maya kasi ay umarangkada nanaman ang bibig nitong parang pwet ng manok.
"Hey, Bloom," untag nito sa kanya. "Don't get me wrong. Wala akong balak na makialam sa mga gusto mong gawin. I'm not trying to do anything to spite you. Gusto lang talaga kitang maging kaibigan. Sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon."
"I already have four friends," masungit na sagot niya. "And I think they're enough for me."
"Matanong ko lang, ano?" hirit nanaman nito. "Why do you hate my guts? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo."
"First and foremost, you called me by my first name and that's enough reason for me to hate you and your guts," napabuntong-hininga siya. "I don't know, okay? Basta kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita."
"Okay, I'm sorry for addressing you by your first name," hinging paumanhin nito. "I promise, hindi na ako uulit."
"Okay."
"So, friends?"
Napipilitan siyang tumango kahit na labag sa loob niya. Wala naman kasing mangyayari kung patuloy niyang aawayin si Liui. Hindi niya naman iyon ikakayaman kaya mas mabuti pang makipag-truce nalang siya. Isa pa, ayaw niya ng nagkakaroon ng kaaway dahil baka magalit sa kanya ang Diyos at hindi ibigay nito ang wish niya---ang maging sila ni Rade.
Nang makarating sila sa Amai Yume ay hinayaan niya nalang ang mga itong tumikim ng cake habang siya ay lihim lang na nakamasid kay Rade. She couldn't stand to see Rade being sweet to his fiancée. Tila may pumipiga kasi sa puso niya habang nakikita niya ang lambingan ng mga ito.
Pumunta siya sa isang sulok para hindi na niya masyadong mapagtuonan ng pansin ang mga ito. Inabala niya nalang ang sarili niya sa pagtingin sa mga brochures ng cakes.
"Hey, Bloom," untag sa kanya ng kalalapit lang na si Arjane. "Can I talk to you?"
Labis ang pagpipigil na ginawa niya para hindi niya ito mapagtaasan ng kilay. "Bakit?"
"May relasyon ba kayo ni Liui?" nakataas ang kilay na tanong nito. Mahina lang ang boses nito para hindi ito marinig nina Rade at Liui.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang pagtaas ng kilay niya. Adik ba ang babaeng 'to? At anong nangyari't bigla nalang siyang na-link kay Liui? "Paano mo naman nasabing may relasyon kami ni Liui?"
"Ngayon ko lang nakita si Liui na gano'n ka-attentive sa isang babae. So, I assumed na may relasyon kayo," nginitian siya nito pero mas peke pa ang ngiti nitong iyon sa pinakapeke niyang ngiti. "Tama ba ang hula ko?"
Gusto niyang humalakhak dahil napaka-absurd ng ideya na may relasyon sila ni Liui. Hindi ba nito napansin ang animosity niya sa lalaki? Napangiti siya nang may ma-realize siya. "May gusto ka ba kay Liui?"
"'Yung tanong ko ang sagutin mo."
"Eh, ano naman kung may relasyon kami? May masama ba doon? Single naman kaming pareho. Maganda ako at gwapo si Liui. Kaya okay lang na maging kami, diba?" ginagap niya ang mga kamay ni Arjane at matamis niya itong nginitian. "And since you're my best friend's fiancée and Liui's friend, cheer on us, okay? Help me build up my image in Liui's eyes. Can I count on you?"
Nakita niya ang pagtalas ng mga mata ni Arjane. "Hell, no, Bloom! Hindi kayo bagay ni Liui. He's too good for you. Sinabi sa 'kin ni Rade na masama daw ang ugali mo kaya hinding-hindi ko hahayaang magkalapit pa kayo ni Liui."
Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ni Arjane. Sinabi dito ni Rade na masama ang ugali niya? Gaga! 'Wag kang maniwala sa bruhang 'yan! Hindi magsasalita si Rade ng masama tungkol sa 'yo! Parang may pumitik sa ilong niya at bigla nalang siyang naasar. "Exactly my sentiments, Arjane. Hindi rin kayo bagay ni Rade. Ang pangit mo kaya. Kaya 'wag mo akong masabi-sabihan na hindi kami bagay ni Liui kasi di hamak na mas hindi kayo bagay ni Rade."
"You're in love with Rade, right?" Puno ng pagmamayabang ang boses ni Arjane. "Too bad, he chose to marry me."
"You're in love with Liui, right?" malambing na balik tanong niya. She mockingly smiled at her. "Too bad, I'm the one he likes."
Hindi niya na hinintay pang makahirit uli si Arjane. Lumayo na siya rito at lumapit siya sa kinatatayuan nina Rade at Liui. Hah! Akala ng babaeng 'yon, uubra ito sa kanya? In her dreams! Ang kapal ng mukha nitong ipamukha sa kanya na ito ang pinili ni Rade na pakasalan imbes na siya. Akala ba nito ay maaapektuhan siya ng sinabi nito? At iiyak siya sa harap nito? Hell no!
Subalit kahit ilang beses niyang paulit-ulit na sabihin sa isip niya na hindi siya apektado, naapaektuhan pa rin siya sa malupit na katotohanang unti-unting sumasaksak sa puso niya---she could never have Rade.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Still, she remained calm and she mustered all her courage for her not to cry and show any emotions in front of them. Before she blew her cover, she excused herself and decided to go home first. Hindi niya na hintay pang maka-hirit si Rade dahil malalaki ang hakbang na naglakad siya palabas ng cake shop.