“NO! You will not kill my children!” pasigaw at galit kong sabi sa kanila. Namatay na ang alarm na tumunog kanina dahil may nakita daw na parasites sa aking katawan. Lumayo ako sa aking mates na tinangkang lumapit sa akin, my wolf is growling at them, at handa siya na ipagtanggol ako. Niyakap ko ang aking mga kamay sa aking tiyan at hindi ko maiwasan na umiyak. Oh my god! Hindi ko akalain na papatayin nila ang babies ko na nabubuo pa lamang sa aking loob. I feel so scared for them, pero hindi ko hahayaan na masaktan sila. “Call Doctor Bogal, please…” pakiusap ko sa aking mga mates. “Hindi parasite ang babies natin!” nagkatinginan silang dalawa at gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang mabuting doctor na mabilis na papalapit sa akin at kasama niya ang ilang Imperial guards ko. Malakas

