Huminga ako ng malalim nang tuluyan nang mag-landing ang Tarragon main ship sa terminal. Nakikita ko sa screen na may mga warriors na nakakalat at mukhang naghahanda na sila sa welcome. Naririnig ko ang ingay mula roon, at kitang-kita ko sa labas ng terminal na may mga Tarragon na may hawak na parang balloons, at banners at nagchi-cheer sila. Nae-excite ang aking wolf, gusto na nga niyang lumabas para mapansin. Habang ako ay kinakabahan pa rin at parang gusto ko na lang umuwi and just stay at our small town. Hindi ganito na lahat ay mapapansin ako. Hindi ako sanay, pero alam ko naman kung sino ang aking mga mates. Mga Emperors sila at sila ang namumuno sa kanilang planeta, and they are well liked by the people as well. Grabe namang challenge ito para sa akin! Paano ko kukunin ang kanilang

