Palakad-lakad ako sa aming quarters nang bumalik ako doon kasama ang aking mga guards habang nanatili sa bridge ang aking mates. Tapos na ang lahat ng preparetions at maya-maya na lang ay bababa na kami sa Planet Szol na nakikita ko kahit rito sa quarters namin. Sobrang ganda ng planeta, at excited na ako bumaba roon. Kaya lang hindi ako mapakali at baka ibang welcome ang makuha ko doon o baka hindi talaga ako matanggap ng specied nila. Baka may malaking protesta ang mangyari at magkagulo ang lahat. Ayoko naman na mangyari ‘yon, pero alam kong hindi maiiwasan lalo na pag sinulsulan sila ng isang council member na siniraan na ako. Ni hindi pa ako nakakatuntong galit na ang lahat sa akin. Those are my worries at baka masira rin ang reputasyon ng Imperial family at ako ang maging dahilan na m

