Sabado pa lang ng umaga ay gusto na ni Jace na umalis na ako sa hotel at bumalik sa unit niya sa YBSB pero sinabi ko na Sunday na lang ako lilipat pagkabalik ko galing sa bahay. Hindi pa siya pumayag na hindi ako ihatid pauwi kaya sa daan pa lang ay nagtatalo na naman kami dahil baka mamaya ay aksidenteng makita na naman kami ni Mama at magtaka na siya kung bakit na naman kami magkasabay ni Jace sa pag-uwi. Imposible namang idahilan niya ulit na malapit lang dito ang site ng kasalukuyang project na ginagawa niya. “Sa supermarket malapit sa amin mo na lang ako ibaba. Marami namang dumadaan na tricycle doon kaya hindi na ako mahihirapan sa pag-uwi,” suhestiyon ko nang matantong ilang sandali na lang ang ibabiyahe namin ay makakarating na kami sa bahay. Kunot ang noo na nilingon niya ako

