Mijares Trine

2760 Words
“Kung makakapasa ka ba sa board exams, saan mo balak na magtrabaho, Jam?” Natigil ako sa ginagawang pagtingin-tingin sa paligid nang magtanong ang matalik kong kaibigan na si Vira. Kasalukuyan kaming naglalakad sa paligid ng review center kung saan ako nag-inquire para sa gagawin kong pagrereview ngayong taon. Isang taon na halos akong sumasideline sa kung anu-ano at sa kung saan-saan para lang makapagreview at makahanap na ng full-time job. May mga napasukan naman akong Engineering Firms na hindi gaanong kilala dito sa Manila pero palaging hindi ako nakakakuha ng chance para maging isa sa mga regular employees nila. May napasukan na rin akong trabaho na medyo malayo sa kurso na tinapos ko pero dahil wala naman doon ang puso ko ay palaging hindi ako tumatagal. Yung pakiramdam na, ramdam na ramdam ko na nagtatrabaho lang ako para kumita ng pera at kahit papaano ay makatulong sa mga gastusin sa bahay kasabay ng pag-iipon para sa gagawin kong pagrereview para sa Civil Engineering board exams. Masyadong bata pa ang mga kapatid ko at wala kaming ibang inaasahan na panggastos sa araw-araw kundi ang maliit na kinikita ni Mama bilang isang cook sa isa sa mga kilalang Engineering Firms sa lungsod, kung saan din nagtatrabaho bilang waitress ang kaibigan kong si Vira. “Ahm… sa ngayon, hindi ko pa naiisip ‘yan, Vira. Pagkatapos ko siguro na mag-take ng board exams ay saka ko na iisipin. Sa ngayon kasi, wala akong choice kundi ang mga firms lang na abot ng pinag-aralan ko…” sagot ko at saka pinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa paligid. Kanina pa ako tapos sa pag-inquire sa review center na balak kong pasukan kaya ngayon ay nagpasama ako kay Vira na maglakad-lakad para makahanap na rin ng pwede kong upahan na boardinghouse para sa gagawin kong pagrereview. Malapit lang ang review center na ito sa Engineering Firm kung saan s'ya nagtatrabaho kaya alam n'ya ang mga pasikot-sikot. Medyo malayo kasi ito sa bahay namin kaya balak ko na lang na mangupahan para sa tatlong buwan kong pagrereview. Kung magcocommute ako sa araw-araw ay mauubos ang oras ko sa byahe kaya panigurado ay magkukulang ang oras ko sa pag-aaral. Isa pa ay masyadong magastos ang tatlong sakay na kailangan kong gawin para lang makarating dito sa review center at makapasok araw-araw. “Naku! Eh bakit ka pa ba mag-iisip eh pwede ka namang mag-apply sa firm kung saan ako nagtatrabaho? Mababait ang mga Mijares, Jam! Tapos… mga gwapo pa! Araw-araw na magiging buo at maganda ang araw mo kahit na problemadong-problemado ka!” ngiting-ngiti at parang kilig na kilig na naman na sambit n'ya. Kunot ang noong nilingon ko s'ya na sapo-sapo pa ang magkabilang pisngi at mukhang kung saan-saan na naman dinala ng imagination n'ya tungkol sa mga amo n'ya! Umikot ang mga mata ko. Sa tuwing pupunta si Vira sa bahay ay wala yatang araw na hindi n'ya nabanggit ang mga amo n'ya. Kahit si Mama ay wala na ring ibang bukambibig kundi ang mga Mijares, lalong-lalo na ang Jace Mijares na ‘yon na mukhang pinaka paborito yata n'ya sa apat na magkakapatid! Ang mga Mijares na binabanggit ni Vira ay pamilya ng mga Engineers. Ayon sa kwento ni Mama, ang mag-asawang Mijares ay hindi halos naglalagi dito sa Pilipinas. Ang tatlong lalaking anak at ang bunso at nag-iisang anak na babae ng mga ito lang ang nandito sa Pilipinas at nagmamanage ng firm nila. Mga bilyonaryo at halos galing sa mayayamang angkan ang mag-asawang Mijares kaya naiintindihan ko ang sentimyento ni Vira tungkol sa mga ito. Pero kahit anong gawin ko ay hindi sumagi sa isip ko ang magpantasya sa isang mayaman na lalaki! Agad na umasim ang mukha ko nang may naalala matapos mabanggit sa isip ang salitang ‘mayaman’. Agad na ipinilig ko ang ulo at saka hinarap si Vira na may tinuturong isang bahay na pahaba ang disenyo sa di kalayuan. “Bakit? Anong meron doon?” usisa ko sa kanya. Lumingon s'ya sa akin at hindi nagsalita. Sa halip ay hinila n'ya ang braso ko para makalapit kami sa bahay na tinuturo n'ya. “Boarding house ‘to ng kasamahan kong waitress sa Trine! Baka pwede ka dito. Teka, at tatawagan ko muna. Day off din n’ya ngayon eh. D'yan ka lang…” sambit n'ya at saka medyo lumayo sa gawi ko habang nagpipipindot sa cellphone. Patanaw-tanaw s'ya sa loob ng boarding house kaya napatingin na rin ako doon. Kulay green at yellow ang pintura ng halos kabuuan ng buong boarding house. Maluwang at mukhang minemaintain ng may-ari ang pintura kaya mukhang bago at pansin na pansin ito kahit nasa malayo pa lang ang mga dadaan. Malinis din ang paligid at may ilang mga babaeng boarders akong nakita na naglalaba at nagsasampay sa gilid ng boarding house. Hindi rin gaanong malayo sa highway ang boarding house at tanaw na tanaw lang mula sa highway ang review center na balak kong pasukan kaya hindi magiging hassle sa akin ang pagpasok kung sakali. “Labas ka dito! Nandito ako sa labas ng boarding house mo. May kasama ako…” Natigil ako sa pagtingin-tingin sa boarding house nang magsalita si Vira. Palapit na s’ya ulit sa gawi ko at patingin-tingin pa rin sa loob ng boarding house habang may kausap sa phone. Nang makalapit s’ya sa akin ay binaba na n’ya ang phone at muling hinarap ako. “Palabas na s’ya dito. Tamang-tama! May bakante daw sa katapat na kwarto kaya pwede ka doon! Mura lang daw ang bayad dito!” nakangisi at tumatangong balita n’ya kaya napatango ako. Sabay kaming napatingin sa babaeng lumabas ng gate na agad na sinalubong ni Vira. “Jopay!” masiglang tawag ni Vira sa medyo chubby na babae na lumabas mula sa gate ng boarding house. “Jam! Halika dito! Ipapakilala kita dito sa ka-trabaho ko!” tawag ni Vira sa akin kaya napatango ako at agad na lumakad palapit sa gawi nila. Palapit pa lang ako ay napansin ko na agad ang paninitig sa akin ng babaeng tinawag n’yang Jopay. Hanggang sa nakalapit na ako ay titig na titig pa rin s’ya sa akin kaya medyo naiilang na napatingin ako kay Vira. “Ito nga pala si Jam, bestfriend ko. Jam, ito naman si Jopay. Kasama kong waitress sa Trine,” pakilala ni Vira kaya napatango ako at ngumiti ng tipid kay Jopay na nakatitig pa rin sa akin. “Hi, Jopay…” tipid kong bati sa kanya. Tumango naman s’ya. “May boyfriend ka ba?” tanong n’ya na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Vira na mukhang nagulat din sa biglaang pag-uusisa ni Jopay. “Hoy, gaga ka! Mag-aaral ‘yan kaya s’ya magboboard dito ‘no! Hindi s’ya pumunta dito para lumandi! Kung may irereto ka sa kanya, sa akin na lang–” “Gaga, wala akong irereto dito kay Jam,” mabilis na pigil ni Jopay sa sinasabi ni Vira bago muling humarap sa akin. “Ahh basta! Kung wala kang boyfriend, dapat sabihin mong meron kapag tinanong ka ng anak ng may-ari nitong boarding house ha? ‘Wag mong kakalimutan ‘yan…” bilin n’ya sa akin. Gusto ko sanang mag-usisa pa pero agad na may lumapit na sa amin na matandang babae na agad namang kinausap ni Jopay. Nalaman ko na s’ya pala ang landlady nitong boarding house kaya agad na bumati ako sa kanya. “Magandang tanghali po…” bati ko at ngumiti ng tipid sa matanda. “Nag-iinquire po sa bahay, Aling Conchita…” narinig kong sambit ni Jopay kaya agad na tumango ang matandang babae at niyaya kami sa gilid ng boarding house para doon kausapin. May mga wooden chair doon at isang bilog na wooden table kaya doon kami umupo para makapag-usap ng maayos. Medyo alanganin pa ako noong una dahil bed spacer pala ang mga kwarto dito. Apat ang kasya sa isang kwarto. Pinapasok n’ya rin kami para makita ang luwang ng bawat kwarto at nakita kong maluwang naman ‘yon lalo na ang mismong double deck na hihigaan. Kanya-kanya din ng cabinet at merong CR sa loob ng kwarto. At kung magagahol sa oras ay mayroon ding mga shower sa labas na pwedeng gamitin ng lahat. Apat na shower at CR ang nakita ko doon na magkakatabi na available na gamitin ng lahat ng borders. “Two thousand ang renta sa isang buwan kasama na ang kuryente at tubig. May wifi na rin dito kaya hindi ka na gagastos pa para sa internet,” sambit ng landlady nang palabas na kami. “Ano? Okay na ‘di ba? Mura na ‘yan. Tapos hindi ka na mamamasahe dahil walking distance lang naman ang review center mula dito,” bulong ni Vira sa akin. Napapansin siguro n’ya ang pananahimik ko. Medyo alanganin kasi ako sa mga makakasama ko sa kwarto dahil baka maistorbo ako sa pag-aaral. Kagat ang ibabang labi na napatingin ako kay Vira na nakataas ang kilay sa akin. Inilipat ko ang tingin sa landlady at lakas ng loob na nagtanong na. “Ahm… mag-aaral po kasi ako eh. Baka po kasi maingay ang mga magiging kasama ko sa kwarto–” “Tamang-tama ‘yan, Hija. Ang mga borders sa kwarto na tutuluyan mo ay mga factory workers at pang-gabi ang pasok nila kaya malayang-malaya kang makakapag-aral sa kwarto,” nakangiti n’yang sambit kaya awang ang bibig na natigilan ako at napatingin kay Vira na halatang tuwang-tuwa dahil sa sinabi ng landlady. Mabilis na tumango ako kaya ngumiti s’ya at sinabi ang terms n’ya para sa renta. “One month advance, one month deposit, Hija. At dahil sabi mo ay tatlong buwan ka lang dito, may discount kang five hundred sa huling buwan mo dito…” nakangiting sambit n’ya. Sunod-sunod na tumango ako at nagpasalamat pati kay Jopay bago kami tuluyang umalis ni Vira doon. Nakahinga ako ng maluwag habang naglalakad na kami papunta sa highway. Sa Lunes ay mag-eenrol na agad ako sa review center. Mabuti na lang at mabilis kausap ang landlady at pumayag na magdown lang ako ng isang libo dahil sinabi kong dalawang linggo pa bago ako lumipat doon dahil kung mag-eenrol ako sa Lunes ay isang linggo pa bago magsimula ang review. “Ginutom ako sa paglalakad, Jam! Mag-mirienda muna tayo bago umuwi!” Narinig kong sambit ni Vira nang nasa highway na kami at mag-aabang na sana ng jeep pauwi. Nakangiting tumango ako at saka napatingin sa paligid para humanap ng pwede naming kainan pero agad na hinila na n’ya ako patawid sa kalsada kaya kunot ang noong napalingon ako sa kanya. “Bakit tayo tumawid? May mga karinderya naman doon–” “‘Wag na tayo d’yan! Sa Trine na lang tayo! Pagod na pagod ako sa paglalakad sa kainitan! Kailangan kong ma-recharge!” kaagad na sambit n’ya na hindi ko agad nakuha kaya kumunot ang noo ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya. “Kaya nga tayo kakain doon para ma-recharge–” “Hindi literal na pagkain ang kailangan ko para ma-recharge, Jam! Napaka inosente mo. Halatang virgin ka pa talaga!” natatawang kantyaw n’ya sa akin kaya agad na nag-init ang mga pisngi ko at tinabig ang kamay n’yang nakahawak sa braso ko. Bumungisngis lang s’ya kaya sinimangutan ko. Halos magka edad lang kami pero alam kong mas marami s’yang karanasan sa mga lalaki kesa sa akin. Ako ay nakaisang boyfriend pa lang, samantalang s’ya ay lampas na yata sa sampu pero kahit gano’n ay madalas pa rin s’yang maloko at maiwan sa ere! “Syet! Ayan na! Naaamoy ko na ang energy na papalapit sa akin…” narinig ko pang sambit n’ya kaya napalingon ulit ako sa kanya at kumunot ang noo. Pinagdikit n’ya ang mga labi n’ya at maya-maya ay mukhang tanga na tumitili na sobrang hina kaya naiiling na tinuon ko na lang ang pansin sa harapan. Tsaka ko lang napansin na nasa harapan na pala kami ng kumpanya na pinapasukan n’ya at ni Mama kaya napasinghap ako nang mabasa ang nakasulat sa taas ng mismong building sa harapan namin. MIJARES TRINE… Ito pa lang ang unang beses na nakapunta ako dito kaya ngayon ko lang nakita sa personal ang lugar na ito. Sa labas pa lang ng building ay halatang mga Engineers ang may-ari dahil sa ganda at perpekto ng structure ng buong building. Hindi ko naiwasang mapasinghap nang maimagine ang posibilidad na pwede na akong magtrabaho sa ganito kalaki at kagandang kumpanya kapag nakapasa ako sa board exams. Sunod-sunod na napalunok ako at agad na napangiti dahil sa naisip. Mag-rereview akong mabuti. Sisiguraduhin kong makakapasa ako sa unang take pa lang. Ipapakita ko sa mga mapagmataas naming kamag-anak na kaya ko rin na maging successful sa field na ito na para sa kanila ay mga mayayaman lang ang pwedeng makagawa! “Lemme just clear one thing before I continue talking to you…” Napatigil ako sa paninitig na ginagawa sa building ng mga Mijares nang may narinig akong nagsalita mula sa likuran. Nakangisi ang isang matangkad na lalaki habang may kausap sa phone. Pormal na pormal ang itsura n’ya at malinis na malinis tingnan dahil sa suot na suit. Mas lumuwang pa ang ngisi n’ya kaya halos nawala na ang chinitong mga mata. Habang naglalakad s’ya palapit sa gawi namin ay mas lalo kong nakikita ang kabuuan ng itsura n’ya. Gwapo, matangkad, chinitong mga mata… Agad na umawang ang bibig ko at namimilog ang mga matang tumalikod sa gawi n’ya bago pa n’ya ako mapansin! Shìt! Anong ginagawa ng lalaki sa Crescent ng Cocktailify dito?! Halos manigas ako sa kinatatayuan nang dumaan ang lalaki sa gilid ko. Ramdam na ramdam ko ang agarang pagtaas ng mga balahibo ko sa braso dahil sa pamilyar pa rin na pakiramdam ng pagdikit ng balat n’ya sa akin! Kahit ang pabango na gamit n’ya ay pamilyar na pamilyar pa rin sa pang-amoy ko kahit isang buwan na halos ang nakalipas nang huli kaming magkita! “I told you I didn’t want a relationship…” narinig kong sambit n’ya sa kausap. Hindi gano’n kabilis ang ginagawa n’yang paglalakad papasok sa building kaya naririnig ko pa rin s’ya. “You can’t tell me that you fell in love with me after just a night of fūcking you. To be blatantly honest… I can’t even recall your face…” Mariing napapikit ako at ilang sandali lang ay hindi ko na narinig ang boses n’ya. Nang tingnan ko ang daan papasok sa building ay nakita kong sumakay na s’ya sa elevator kaya doon lang ako nakahinga ng maluwag pero agad na napamura nang tumili si Vira sa tapat pa halos ng tenga ko. “Ano bang problema mo, Vira?!” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa sobrang gulat ko sa kanya. Kabadong-kabado na nga ako na muling nakita ang lalaking hinalikan ko sa bar pagkatapos ay nanggugulat pa s’ya! “Nakita mo ‘yon, Jam? Nakita mo ‘yon?!” halos patili at kilig na kilig na tanong n’ya habang nakatingin sa entrance ng building ng Mijares Trine. “Alin? Sino?” medyo iritado pa rin na tanong ko. “Iyong dumaan na gwapo!” sagot n’ya. Ilang lalaki ang dumaan rin kanina kasabay ng lalaki sa Cocktailify kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang sinasabi n’ya! Umiling ako. “Maraming dumaan na lalaki. Bakit ba? Ano ba kasi ‘yon?” sunod-sunod na tanong ko. Ramdam ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pagkatapos ng gabing ‘yon ay hindi ko na nakita ang lalaking ‘yon dahil huling sideline ko na ang gabi na ‘yon sa bar. At kung ano man ang inisip n’ya pagkatapos ko s’yang halikan sa harapan ng ex kong si Yuta pagkatapos ay basta na lang iwanan ay wala na akong pakialam! Sigurado naman akong malabong mag-krus ulit ang landas namin dahil sa porma n’ya pa lang ay sobrang obvious na magkaiba kami ng mundong ginagalawan! Pero bakit kayo nagkita dito kung malabo palang mag-krus ulit ang mga landas n’yo? Kahit ang sarili kong isip ay kinontra ang mga akala ko! “Ay sayang naman at hindi mo pala nakita iyong isa sa mga Mijares! Tsk! Ang malas mo naman, Jam!” Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Vira nang sabihin iyon sa akin. Pero hindi ko halos napagtuunan ng pansin ang mga sinabi n’ya dahil okupado ng lalaki sa Cocktailify ang isip ko! Ano ba kasi ang ginagawa ng lalaking ‘yon dito sa Mijares Trine? Empleyado ba s’ya dito? Kung ganun nga ay mabuti pang ‘wag na akong bumalik pa dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD