PROLOGUE

2007 Words
Alas nueve en punto pa lang ng gabi ay nagsisimula ng magsidatingan ang mga bisita para sa gaganaping malaking event sa Cocktailify; ang bar kung saan nakatakdang maging waitress si Jamie para sa gabing ito. Halos isang taon na s’yang sumasideline habang nag-iipon para makapag review sa board exam. Mag-iisang taon na s’yang graduate sa kursong Civil Engineering at kung hindi lang pumutok ang ugat sa ulo ng Tatay n’ya at agad na namatay ay nakaabot sana s’ya sa exclusive offer ng Lopez Engineering Firm foundation na sasagutin pati ang pagrereview n’ya para sa board exam. LEF foundation was the one who sent her to a prestigious school where she graduated as cūm laude. Mataas ang mga grades n’ya noong High School at isa s’ya sa mga mapalad na estudyanteng napili ng foundation na pag-aralin sa kolehiyo. “Jam, sa Crescent ka na lang mag-serve mamaya ha? Hindi mo naman first time mag-serve sa bar ‘di ba? Si Marie kasi first time pa lang kaya baka magkamali pa. Malalagot pa tayo kay Bossing pag nagkataon!” Nag-angat ng tingin si Jam sa kararating lang na si Danica. Tatlo sila na tinawagan para sumideline bilang waitress ngayong gabi para sa Masquerade Ball ng Cocktailify. Sa totoo lang ay hindi n’ya gusto ang mga sideline sa mga bars at kung saan maraming tao ang pwedeng makasalamuha, lalo na at mukhang big time pa ang bar na iyon at panigurado ay puro mayayaman lang ang mga nagpupunta. She hates being associated with rich and powerful people. Para kay Jam, ang mga mayayaman ay hindi gagawa ng kabutihan sa kapwa ng walang nakukuhang kapalit. That’s why she thinks that most of the rich and powerful people are stingy. Well, nabago naman na ng mga Lopez ang paniniwala n’yang iyon pero hindi pa rin s’ya kombinsido na lahat ng mayayaman ay mabubuting tao. Lalo na at karamihan sa mga kamag-anak n’ya ay yumaman lang ay naging ubod na ng baba ang tingin sa pamilya n’ya. “Sige. Ako na ang bahala sa Crescent,” sagot n’ya at saka nginitian si Marie. Bago pa lang ito sa agency kung saan s’ya nagtatrabaho para humanap ng mga posibleng pwedeng maging sideline. Hindi kasi s’ya pwedeng mag-full time sa isang trabaho dahil walang mag-aasikaso sa mga kapatid n’ya. Apat silang magkakapatid at sobrang bata pa ng mga kapatid n’ya para maiwanang mag-isa sa bahay. Ang nanay n’ya ay pumapasok bilang isang cook sa isang Engineering Firm kaya madalas itong wala sa bahay at gabi na kung umuwi. “Huling raket mo naman na ito kaya i-enjoy mo na lang!” pagkukumbinsi n’ya pa sa sarili matapos magsalita ang isa sa mga may-ari ng bar. Magsisimula na ang party at kailangan na nilang pumunta sa designated area kung saan sila nakatokang mag-serve ngayong gabi. Hindi naiwasang mapangiwi ni Jam nang lumabas mula sa back bar ng Cocktailify. Masyadong maingay ang tugtog na sinasabayan pa ng sigawan ng mga bisita. Puno ang dance floor at halos nandoon ang mga bisita kaya hindi naging mahirap para kay Jam ang pumunta sa Crescent. Ang buong akala n’ya ay wala na s’yang guest na maaabutan doon pero nagkamali s’ya. Agad na napangiwi s’ya nang may makitang dalawang sexy na babae at isang lalaki. Nasa pinakadulo ng Crescent ang mga ito kaya hindi n’ya agad na napansin ang ginagawa ng mga ito bukod sa may kadiliman talaga ang parte na ‘yon ng Crescent. Naglakad s’ya palapit doon para kolektahin ang mga bakanteng cocktail glass pero agad ding napahinto. Namilog ang mga mata ni Jam nang sa isang beses na pagtama ng ilaw sa gawi ng mga bisita ay nakita n’ya ang isang kamay ng lalaki na nakapasok sa skirt ng isang babae na nakatayo sa harapan nito. Ang isang babae naman ay nakaupo at hinahalikan ang lalaki sa leeg! Agad na umangat ang tingin n’ya sa mukha ng lalaki. Kahit na may kadiliman ang bahaging iyon at bihirang-bihira lang na tamaan ng party lights ay malinaw na nakita ni Jam ang gwapong mukha nito. Malinis na nakaayos ang high fade haircut nito na bagay na bagay sa suot nitong polo na nakarolyo hanggang sa mga siko. Kumikinang din sa liwanag ang diamond earrings na suot nito. At dahil nakatagilid ng tingin ito sa gawi n’ya ay kitang-kita n’ya ang matangos na ilong ng lalaki. Nang isang beses na bumaling ang tingin nito sa babae sa harapan ay napagmasdan din n’ya ang mga mata nito. The man has a pair of chinito eyes. Nakatikom ang mga labi nito at nang bumaba ang kamay ng babae sa gawing tiyan nito ay kitang-kita n’ya ang pag-awang ng bibig ng lalaki. Napasinghap s’ya nang tuluyang mapagtanto kung ano ang ginagawa ng mga ito. Sa ilang beses n’yang pag-sideline sa mga bars ay hindi lang isang beses na nakakita s’ya ng ganitong eksena. Ang pinakamalala ay ang nakita n’ya mismo ang may-ari ng bar at ang bartender sa bar na iyon na may ginagawang milagro sa loob ng cellar! Akmang tatalikod na si Jam para ipagpaliban muna ang paglilinis sa bahaging iyon nang marinig n’yang nagsalita ang lalaki. “Stop!” Isang baritonong boses ng lalaki ang pumigil sa gagawin sana n’yang pagtalikod paalis sa bahaging iyon ng Crescent. Nalukot ang mukha n’ya at saka pinigilan ang sariling magdabog. “Babalik na lang po ako mamaya. Take your time po!” Mabilis n’yang sambit bago tuloy-tuloy na tumakbo pabalik sa back bar. Humihingal pa s’ya at habol pa ang hininga nang makasalubong si Danica na may hawak-hawak na ngayon na ilang cocktail glass na may lamang mga alak. “Anyare sa’yo, Jam?” malakas na tanong ni Danica dahil kahit doon ay sobrang lakas pa rin ng tugtog kaya halos hindi sila magkarinigan. Umiling na lang s’ya at sinenyasan na itong magpatuloy sa gagawing paglabas. Nagpatuloy s’ya sa pagpasok at naabutan si Marie na halos manginig ang mga kamay habang may dala-dalang tray ng mga alak. Napangiwi s’ya at agad na naglakad palapit dito. “Ilalabas mo na ba ang mga ‘yan?” malakas na tanong n’ya dito. Marahang tumango si Marie at saka napayuko. Napatitig s’ya sa mukha nito at agad na nakaramdam ng awa para sa kasama. Mas bata ng halos dalawang taon si Marie sa kanya at napilitan lang na sumideline dahil biglaang naputulan ng sustento sa pag-aaral nang muling mag-asawa ang byudong ama. “Ako na dito. Tulungan mo na lang ako mamaya na maglinis sa Crescent,” sambit n’ya at saka kinuha ang tray na dala ni Marie. “S-sige, Ate Jam. Salamat!” narinig n’ya pang sambit nito bago s’ya tuluyang lumabas para i-serve ang mga alak kung saan nakatoka na mag-serve si Marie. Sakto namang pagpunta n’ya doon ay nagbabalikan na sa table ang mga guests na mukhang kakagaling lang sa dance floor. Lumapit s’ya sa mga ‘yon at agad na isinerve ang mga alak. “Drinks, Sir?” alok n’ya sa isang lalaki na nakatalikod sa kanya. Alam n’yang kasama iyon ng grupo ng mga nakaupo sa table na ‘yon kaya aabutan n’ya sana ng alak. “Sir–” Natigil si Jam sa pagsasalita nang saktong tumama ang party lights sa mukha ng lalaki, dahilan para agad na makilala n’ya ito. Halos mapako s’ya sa kinatatayuan nang magtama ang mga paningin nila. Kitang-kita n’ya ang pagkunot ng noo nito at mabagal na pagkurap. Mukhang lasing na ito pero alam n’yang nakilala rin s’ya nito dahil sa ginawa nitong mabagal na pagpasada ng tingin sa kabuuan n’ya. Napalunok si Jam at agad na nakaramdam ng kung anong panliliit sa sarili. Nakasuot s’ya ng uniform ng pang-waitress kaya kitang-kita n’ya ang pag-aalangan sa tingin nito sa kanya. Mabilis ang naging response ng katawan n’ya. “I’ll just… leave your drinks on the table, Sir. Enjoy!” sambit n’ya at pumihit patalikod dito para ilapag ang cocktail glass sa table ng mga ito. “Jam! Wait!” Halos mapamura s’ya ng sunod-sunod nang malinaw na narinig n’yang tinawag nito ang pangalan n’ya. He recognized her! Damn it! Abot-abot ang kabog ng dibdib n’ya habang bumabagal ang paglalakad palayo dito. Natutukso s’yang lingunin ito pero pinipigilan n’ya ang sarili n’ya. It’s been a year! Isang taon na ang nakalipas nang iwanan s’ya nito sa ere matapos malaman ng mga magulang nito ang relasyon nila. Isang taon na s’yang umaasa na isang araw ay babalik ito sa kanya at magsosorry dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya. At ngayong nagkita sila sa isang hindi inaasahang pagkakataon, ayaw n’yang maghintay pa ulit at magpatuloy na umasa. She wanted to face him and asked once again if he meant everything he said to her that night. The night when he decided to leave her and chose his family. Tumigil si Jam sa paglalakad at tuluyang hinarap ito. Pero sa paglingon n’ya ay hindi n’ya inasahan ang makikita n’ya. Yuta was passionately kissing someone in front of her. Parang nanunukso ang mga party lights at mukhang sinadyang tumigil sa tapat ng mga ito kaya kitang-kita n’ya ang mainit na paghahalikan ng mga ito. Para s’yang sinaksak ng harapan dahil sa nakikita n’yang eksena sa harapan n’ya. Hindi s’ya makapaniwalang ang isang taon na paghihintay n’ya dito ay nabalewala lang. Malinaw na malinaw na s’ya lang ang umaasa. Na s’ya lang ang naghihintay. Na s’ya lang ang nasasaktan. “Tang inang buhay!” Malakas na sigaw n’ya na alam n’yang halos walang makakarinig dahil sa sobrang lakas ng tugtog at ng kantyawan ng mga kasama ng mga ito sa table. Huminga s’ya ng malalim at mabilis na pinalis ang mga luhang hindi n’ya namalayang tumulo mula sa mga mata n’ya. “Let’s continue what we’re doing earlier…” Napakislot s’ya nang isang lalaki ang bumulong sa tenga n’ya. Amoy na amoy n’ya ang pinaghalong amoy ng cocktail drinks at mint sa hininga nito na agad na tumama sa tenga n’ya. Gulat na gulat na tiningala n’ya ito para lang mamilog ang mga mata nang makilala ang estrangherong lalaking nakikipagharutan kanina sa Crescent! Ang chinito nitong mga mata ay halos mawala na ngayon dahil siguro sa sobrang kalasingan. Mahigpit na nakahawak ang kamay nito sa bewang n’ya kaya gano’n na lang ang kilabot na naramdaman n’ya lalo na nang mas humilig pa ito palapit sa katawan n’ya. “I just ran out of condoms,” bulong nito na halos magpatakas ng lahat ng ulirat n’ya. Wala pang kahit na sinong lalaki ang nakalapit at nakayakap sa kanya ng ganito. Even her ex-boyfriend didn’t hug her the way this man was hugging her right now! “But if you’re safe tonight, we can proceed to do it all the way…” muling bulong pa nito na halatang-halata sa boses ang kagustuhan nitong gawin nila ang sinasabi nito. Nag-init ang ulo ni Jam sa kapangahasan ng lalaking ngayon n’ya lang nakita! Itutulak na sana n’ya ito pero humigpit ang kapit nito sa kanya at sa isang iglap lang ay nasapo na ng isang palad nito ang isang pisngi ng pang-upo n’ya. Napasinghap s’ya at halos mapako sa kinatatayuan lalo na nang pisilin nito ang pisngi ng pang-upo n’ya at kinabig palapit ng todo sa katawan nito. Yumuko ang lalaki at muling hinanap ang tenga n’ya. “Can you feel it, hmm?” napapaos na bulong nito na muling nagbigay ng kilabot sa buong katawan n’ya. “You got me horned up just by squeezing this fat bum…” muling bulong pa nito at gumalaw para idikit sa kanya ang nasa gitna ng mga hita nito! Handa na sana s’yang sigawan, tadyakan at sapakin ang lapastangang lalaki pero nakita n’ya si Yuta na nakatitig sa kanila. Kitang-kita n’ya ang gulat sa mukha ni Yuta habang nakatingin sa lalaking nakayakap pa rin sa kanya. Hindi na nagawa pang mag-isip ni Jam. Hinarap n’ya ang lalaki at agad na kinawit ang mga braso n’ya sa leeg nito. Kitang-kita n’ya pa ang mabagal na pagngisi ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Pumikit s’ya at walang pagdadalawang isip na hinalikan ang estrangherong lalaki sa harapan mismo ng ex-boyfriend n’ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD