Habang lumalapit ang araw kung kailan ako aalis papuntang England ay mas lalong nagiging sweet sa akin si Jace. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ang mga mangyayari sa mga susunod na araw pero ayaw kong isipin na nahahalata niya dahil ginagawa ko ang lahat para hindi niya maramdaman ‘yon. “If you’re really important to someone, even distance wouldn’t be a hindrance…” Nawala ang tingin ko sa screen ng TV nang magsalita si Jace. Nandito kami sa hotel room ko at kasalukuyang nagmomovie marathon pero wala naman sa pinapanood naming movie ang isip ko. Bukas na ang alis namin papuntang England at hinayaan ko siyang mag-sleepover ngayon dahil mas mabuti na rin na nasa tabi ko siya hanggang paggising ko bukas ng umaga para hindi naman gano’n kabigat at para hindi niya mahalata na malungkot ak

