Chapter 39. Rescued

2639 Words

VALERIE HERA KINABUKASAN. Nagising ako dahil sa mabigat na pakiramdam. Tila pasan ko ang bigat ng mundo kaya napilitan akong imulat ang mga mata ko, only to find out na nakadantay sa akin ang binti ng dalawa habang yakap ako ng mga ito. Sa pagkakatanda ko kagabi ay si Kim ang nakagitna sa amin ni Hanna. Ako ang nasa gilid, sa bandang kanan. Pero hindi ko alam kung paano ako napunta sa gitna ngayon at pareho pa nila akong yakap-yakap. Kaya pala pakiramdam ko kanina ay hirap din akong huminga. Ang akala ko ako lang ang malikot matulog, pero may mas lilikot pa pala sa 'kin at silang dalawa ‘yon. Sinikap kong alisin ang mga kamay at binti nilang nakadagan sa akin at diretso na rin akong bumangon. Napailing pa ako nang saglit ko silang pagmasdan bago ako pumunta sa banyo para diretso ng mali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD