HANNA APRIL BRILLENTE Dali-dali kong tinakbo ang cell phone ko na hanggang ngayon ay nasa stand pa rin. Tama rin si Kim dahil simula pala kanina ay hindi ko man lang iyon naalalang i-end matapos kong mag-live dahil nagkayayaan na kaming bumili ng pagkain. Hindi rin naman kasi pansinin ‘yon lalo pa at nasa gilid. “Ano gagawin ko?!” Medyo natataranta na rin ako at hindi ko alam kung ano ang unang pipindutin. “H’wag mo na lang i-post! Diretso mong i-delete at baka mapanood pa ni Jake ‘yan! O kung hindi man, baka si Gino tapos sabihin n’ya kay Jake!” Lalo akong nataranta sa sinabi niya kaya agad na akong kumilos at diretsong binura ang live namin kanina. “Shuta ka, Kim! ‘Wag na ‘wag mong sasabihin kay Nix na naiwan natin ‘tong cell phone at naka-broadcast lahat ng mga pinag-usapan natin. J

