PHOENIX GONZALES Nang iwanan ako ni Ate Sophie sa kwarto, nagsimula na naman akong mataranta. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya para kuhanin ang cell phone ko at ipaalam kay Jake na buntis ako. Ayoko kasing malaman niya dahil sigurado ring makakarating sa mommy niya, na siya kong ipinag-aalala dahil baka hindi na ako makaalis pa. Isa pa, tila nabuo na sa isip ko kanina na huwag na lamang ituloy ang pagbubuntis ko at doon na lamang sa sa ibang bansa magpalaglag. Oo, alam kong mali ang gagawin ko. Pero ano’ng magagawa ko? ‘Yun lang ang tanging paraan na naiisip ko para maituloy o magawa ko ang mga plano ko sa buhay. Hindi pa rin naman kasi ako handang maging nanay. Wala pa iyon sa isip ko. Sa mga pangarap ko nakatuon ang atensyon ko, kaya nga sising-sisi ako ngayon sa mga nangya

